Chapter 10

Linggo ngayon, at inaya ako ni tita na mag jogging kami kaya 5:30 am umalis na ako ng bahay para pumunta sa bahay niya. Siyempre nagluto ako at nag-iwan ng pagkain para sa bata para pag gising niya may pagkain na siya sa mesa.

"Hi tita how are you?" Tanong ko kay tita Lyra saka nagbeso sa kaniya.

"I'm fine naman Mau, anak. Ikaw ba?"

"Okay lang din po."

Anak ang tawag sa akin ni tita, ang alam ng mga kakilala niya eh adopted niya ako. Hindi ko kailanman binanggit ang tungkol kay mama maliban lang kela Ai at Keil, alam nilang nasa mental si mama. Pero hindi ko binanggit ang tungkol kay papa kahit kanino. Ayoko lang ng gulo sa pamilya ni papa. Tahimik naman ang buhay ko kahit hindi ko siya kasama.

"Pumunta ka ba sa party kagabi anak? Hindi kita nakita dun."

"Naku tita sorry." Hinawakan ko sa bewang si tita habang papasok kami sa bahay. "Dumiretso kasi ako dun sa VIP Hall. Masyado po akong nag-enjoy."

"Okay lang. Good to know nag enjoy ka. Naku hindi ko din pala nabibisita si ate," tukoy niya kay mama. "Kumusta na pala siya?"

"Maayos lang po. Gusto na nga po daw niyang umuwi pero hinihintay ko yung desisyon ng doktor niya."

"Sana gumaling na siya ng tuluyan." Sabi niya. Masakit man para sa amin na isipin na nagkaroon ng sakit si mama sa pag-iisip, ginawa ni tita iyon para sa kapakanan ko. "Kukunin ko lang yung tumbler ko sa kitchen then start na tayo mag jogging, okay?"

"TITA, pwede ka bang magkuwento tungkol sa love life mo nung kabataan mo pa?" Banggit ko habang sabay kaming nagjo-jogging dito sa loob ng subdivision ng bahay niya.

"Sige, halika pahinga muna tayo..." Aya niya kaya tumigil kami at umupo sa isang bench sa isang park. "Naku, Maurize anak, kung alam mo lang ang dami kong naging nobyo dati..." Sabi niya at uminom muna ng tubig bago magsalita ulit. Uminom din ako ng tubig sa dala kong tumbler. "Kasi feeling ko ang pangit ko kapag wala akong boyfriend?"

Nasamid ako. "Eh?" Ngayon wala na akong boyfriend so papangit na din ako? "Ang ganda mo kaya tita. Lalo na ngayon kahit wala kang boyfriend."

"Naku..." Napatawa siya. "Magte-trenta na ako anak, matanda na. Papangit din ako."

"Hay naku hindi iyan totoo tita," inakbayan ko si tita at sabay naming minamasdan ang tahimik at malamig na paligid. "Magaganda lahi natin noh. At tsaka mahaba pa naman ang panahon para hanapin si mister right diba po?"

"Tama ka." Sang-ayon niya. " At tsaka choose the right one, yung makakasama mo at mamahalin mo habang buhay."

Parang sinabi na din iyan ng bata nung una naming pagkikita.

"Nung high school pa ko," panimula niya sa pagkukwento. "Una kong boyfriend noong 3rd year college ako. Madami akong naging boyfriend sa isang taon anak." Amin niya sabay tawa. "Kung sa kapanahonan mo na anak, ako na yata ang pambansang playgirl. Haha!"

"Bakit, ilan po naging boyfriend niyo sa isang taon?"

"Hindi naman lalampas sa bente. Joke lang!" Tumawa siya. "Mga sampu hanggang kinse, lang naman anak." Proud na sabi niya. " Parang halos lahat ng lalaki sa campus na-boyfriend ko na ata. Pero last boyfriend ko nung nag 2nd year college ako. Yung last boyfriend ko kasi, yun yung sineryoso ko. Crush ko kasi siya nung freshmen pa kami. Kaya dream come true nung naging boyfriend ko siya ng tatlong buwan lang. Pero atleast nag tatlong buwan kami ah!"

"Tapos nung wala na kayo, hindi na po kayo nagka boyfriend ulit?"

"Hindi na. Nagfocus na ako ng maigi sa course ko eh. Gusto kong maging successful dahil yun din ang gusto ng pamilya natin at ng mama mo."

May nakita kaming lalaki na nagjojogging din at napadaan siya sa harapan namin. Nagtaka ako nung napaatras ang lalaki at tumigil sa harapan namin. Tinignan niya si tita. "Lyra?"

Tinignan ko si tita. Nanigas siya sa kinauupuan niya at dilat na dilat ang matang nakatingin sa lalaking nasa harapan. Tingin ko magkaedad lang sila ni tita.

"Lyra! It's been years!" Sabi ulit ng lalaki. "Don't you remember me? It's me, William! Ako yung ex mo nung 2nd year college tayo!"

Waw. Ngayon pa ako nakasalamuha ng taong naging proud na ex siya.

"Susko. Siya yung binanggit kong last boyfriend ko." Bulong niya sa akin habang nakatingin siya sa likuran. "Hehe, hi! Taga dito ka pala?"

"Ah, oo. Kakalipat ko lang dito last week," sagot ni Mr. William. "Taga dito ka din? Nasa block 12 yung bago kong nalipatan na bahay."

"Ah, ganun ba?" Tanong ni tita sa kaniya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin saka bumulong. "Sasabihin ko ba yung totoong address ko?"

"Wala naman sigurong masama, tita." Bulong ko pabalik. "Kung may motibo siyang masama sa'yo, pulis naman yung kapitbahay mo, one shout away ka lang."

"Oo nga naman." Bulong ulit ni tita. "May trust issues kasi ako. Kahit gusto ko iyan dati, hindi tayo pwedeng magpakampante."

"Tama ka, tita." Bulong ko naman pabalik. "Alam mo naman, hindi lahat ng mga kaedad mo, matitino."

"Korek." Huling bulong niya sa akin saka ngumiti kay Mr. William. "Uh... Sa block 15 ako."

"Ah... I see... Pwede ba tayong magkape ngayon?"

Nilingon ako ni tita. Tumaas ang dalawang kilay ko binigyan siya ng ikaw-bahala-ano-desisyon-mo-tita look

"Wala namang masama, anak, diba?" Bulong niya sa akin.

Narinig naming tumawa si Mr. William. "I see you're hesitating about my invitation, right? Parang wala naman tayong pinagsamahan, Lyra."

"Hehe hindi naman sa ganun." Sagot ni tita. "Ano lang... Matagal na panahon na nung huli tayong magkita. Siyempre nababaguhan lang ako."

"Wag kang matakot sa akin, hindi naman ako nangangagat." Biro ni Mr. William. "So...?"

Tumayo ako. "Sige na tita. Mag kakape lang naman kayo eh." Baka ito na din ang time na magka love life si tita. At ibalik ang tamis ng pag-iibigan nilang dalawa. Eww ang korny ko pakinggan. "Uuwi na din ako. See you again soon, tita." Bumeso ako sa kaniya.

"Eh ana—"

"Sige na tita. Malay niyo baka siya na si mister right." Kinikilig na bulong ko sa kaniya.

Tinignan niya ako na naka pout. "Sige na nga. Mag-iingat ka pauwi ha?"

"Opo."

At ayun sumama si tita kay Mr. William at nag uusap sila habang naglalakad papunta sa cafe dito sa loob ng subdivision. At ako naman bumalik sa bahay ni tita para kunin ang kotse ko at para makauwi na.

Bago pa ako magsimulang magdrive, bigla kong naisip si Rilch. Nasave ko na pala ang number niya. Kaya tinext ko siya.

To: Mr. Guy na may dalang light  liquor

Anak ng. Eto pala yung pangalan na sinave ko nung gabing iyon. Teka iche-change ko muna.

To: Rilch

Hi Rilch :) It's me, Maurize.

Ilang segundo lang, nakatanggap ako ng message mula sa kaniya.

Hi Maurize! Buti napatext ka. Hindi ko kasi nakuha number mo kagabi. Uhm, can we have a cup of coffee later? You know, usap lang.

Sure. When and where?

3pm. At the Khav's.

To: Rilch

Khav's? May iba bang pwedeng cafe maliban sa khav's?

Isesend ko na sana pero inerase ko yung tinype ko.

To: Rilch

Sige. See you.

Let me pick you up. May I know saan address mo?

Sunduin mo nalang ako sa entrance ng subdivision.

Sinabi ko ang pangalan ng subdivision kung nasaan ang bahay ko at sinend ang text.

Fr: Rilch

Okay. See you.

10 minutes bago mag 3pm ay nakabihis na ako para sa coffee... Date?

Whut? Date agad?

Friendly coffee date. Yun. Yun ang tawag dun. Simple lang ang suot ko, white off-shoulder top at black ripped jeans. Nakalugay lang ang buhok at naglipstick ako ng kulay red. Hindi naman masyadong makapal.

Waw. Parang di friendly date ang pupuntahan ko ha.

Kung andito si Ai, sabihan pa akong lumalandi na ako kahit kakabreak ko pa lang sa ex kong si Euan.

Pero seryoso, hindi ako lumalandi. Feeling ko lang kasi magkakasundo kami ni Rilch dahil pareho kaming sawi sa pag-ibig.

Bitbit ko ang shoulder bag, nakita ko ang bata nanonood ng TV paglabas ko ng kwarto.

"Bata, alis muna ko ha?"

"Sige." Sagot niya habang nanatili ang paningin niya sa TV. Nanonood siya ng cartoons. "Pero, pwede mo ba kong uwian ng something strawberry?"

Fresh ba gusto niya? Kasi parang wala naman ata yun sa mall. "Something strawberry? Kahit ano basta strawberry ang flavor?"

"Opo." Magalang sa sabi niya saka ngumiti ng matamis sa akin.

"Osige."

Lumabas na ako ng bahay at naglakad ng kaunti palabas ng subdivision. Malapit lang naman ang bahay ko sa entrance gate kaya hindi naman problema sa akin yun.

Nakita ko agad si Rilch na nakasandal sa puting kotse niya. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Thank you." Sabi ko.

"You're welcome." Umikot siya sa kotse para makapunta sa driver's seat.

Nang makarating kami sa Khav's, umupo kami sa table para sa aming dalawa.

"Ano gusto mo?" Tanong niya habang nakatingin sa order list ng mga kape.

"Uhm... Ano... Maurize... Ano gusto mong orderin natin?" Tanong ni Euan sa akin. Inaya niya akong magkape kami dito sa bagong bukas na Khav's cafe.

"Kahit ano. Ikaw bahala. Ikaw naman ang manglilibre eh." Sagot ko. Ayoko naman maging demanding kahit na nililigawan pa lamang niya ako ngayon.

"Sige. Hot choco, okay lang?"

"Oo naman." Masigla kong sabi. Gusto ko ang hot choco lalo na kapag may halong marshmallows.

Gustuhin ko man ang hot choco, dahil yun ang lagi naming inoorder ni Euan dito pero siguro ito na yung time na hindi ko gagawin ang mga nakasanayan naming dalawa dahil makakabigay lang sa akin ng masasakit na ala-ala. Kaya iba nalang ang pinili kong orderin. "Macchiato yung akin."

"Ah... Ma...cchiato..." Mahinang sambit niya. Natagalan pa ng ilang segundo bago siya nakapili ng oordering kape. "Sige, hot choco nalang yung akin."

Akala ko makakalimutan ko kahit gaano pa kaliit ang bagay na iyan ngayon pero parang hindi ko magawa kasi may ibang nagpapa-alala sa akin nun.

Hayys.

Ang hirap pala.

Nang mai-serve na ang mga inorder namin, dun na kami nagsimulang mag-usap.

"So..." Panimula niya. "Ano nga full name mo?"

"Maurize Alcante." Sagot ko. Oo nga pala, hindi namin nabanggit kagabi yung mga apelyido namin.

"Ako naman si Rilch Evalle." Sabi niya. Ngumiti siya saka naglahad ng kamay sa akin. "Nice to meet you again."

Natawa ako at tinanggap ang kamay niya. "Nice to meet you again din."

"Nga pala, kaano-ano mo yung sikat na fashion desiger na si Lyra Alcante?"

"Tita ko." Sagot ko. Tumango siya.

"I see. Tapos ikaw interior designing ang kinuhang course... Bakit pala interior designing?"

"Kung si tita sa fashion, I want to have my own way kaya interior designing ang pinili ko."

"Hm... I see..."

Nahagilap ng mata ko ang isang sign na nakapatong sa counter nitong cafe na may nakasulat:

'New! Milk Tea Strawberry milk flavor.'

"Ay bongga." Nasabi ko ng mahina pagkatapos kong mabasa ang sign. "Nagrequest pa naman yung anak ko ng something strawberry." Try ko lang bilhin iyan baka magustuhan niya iyang strawberry milk tea. Bibili din ako ng strawberry filled biscuits sa mall in case na hindi niya magustuhan iyan.

"Nagrequest for something strawberry?" Sambit ni Rilch. Napatingin ako bigla sa kaniya. Anak ng. Napalakas ata ang pagsabi ko kanina at narinig niya.

"May anak ka na?" Tanong ulit niya.

Ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring ring

Nagising ako nang marinig kong magring ang phone ko.

"Anak ng!" Napabalikwas ako nang mapagtanto kong nasa kwarto na ako.

Ano bang nangyari? Nanaginip lang ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top