Chapter 1

Monday. Kakapasok ko lang ng campus nang makita ko si Aieesa kaya tumakbo ako papalapit sakaniya. "Ai!"

Si Aiessa Pamplona, Ai for short, isa sa mga bestfriend ko since highschool pa kami. At hanggang ngayon na graduating na kami sa college. Clingy siya na hindi kami mapaghiwalay dalawa. But I take that attitude of her as a positive one. Siya din kasi ang laging nagmomotivate sa akin at napakasupportive.

"Oh, Mau!" Bumeso siya sa akin paglapit ko. "I was worried last saturday. Bigla ka nalang nawalan ng malay. Or siguro dahil sa kalasingan mo yun."

Ah! I remember, andun din pala siya sa party with us sa club "Oo nga eh. Anyway, sino pala ang naghatid sa akin kagabi? Di ko maalala eh."

"Tsk tsk. Naparami kasi nainom mo kagabi. Si Nite ang naghatid sa iyo. Hmm... As expected from a gentleman." Sabi niya at napa iling ng mahina, "Buti nga andun siya dahil pag nagkataon na wala siya, tapos ayun wala din boyfriend mo, edi wala. Siya lang yung lalaki nating kasama dun eh. Lasing na din yung mga blockmates natin na babae."

Napabuntong hininga ako. "Nakita mo ba siya? Para makapagpasalamat naman ako."

"Mamaya nalang lunch time. Sabay tayo."

"Sige sige. Ano ba pwede kong ibigay sa kaniya? Chocolates? Bulaklak? Ano kaya Ai?" Biro ko.

"Ano yan? Liligawan mo si Nite? Haha bakit mo naman siya bibigyan ng ganiyan?"

Nagkibit balikat ako "alam mo na, utang na loob."

Batchmate namin si Nite del Miguel. Engineering ang course niya while kami ni Ai is Interior Designing. Yes, pareho kami ng kinuhang course ni Ai kasi nga, hindi kami mapaghiwalay dalawa. Nakilala namin si Nite sa club when we celebrated my boyfriend's birthday, Euan Saavedra. And engineering din ang course si Euan kaya di nako nagtaka why Nite was there.

"Sige nga," pinagkrus niyaang braso niya at hinarap ako, ano na naman trip ng babaeng to? "Ano ba english ng utang na loob?"

"Uh..."napaisip ako. "Debt inside?" Kunwaring sagot ko.

Tumawa siya at inakbayan ako, "Wala ka. Di ka magiging dean's lister niyan."

Teka, at tinanggap niya talaga ang sagot ko ha? Anak ng! "Minamaliit mo ba ako, ha, Ai? Alam ko kaya ano english nun!" Sabi ko at hinawakan ang bewang niya habang nakaakbay parin siya sakin, sabay kamingnaglakad sa hallway papunta sa classroom, "Debt of gratitude yun."

"Alam ko na sasabihin mo iyan. Haha! Tara na nga baka papunta na si Prof sa room natin. And, dont bother giving something to Nite as a debt of gratitude. Alam kong sasabihin nun na maliit na bagay lang yun. Baka ma misunderstood pa pag makita ng boyfriend mo."

"Eh hindi naman seloso yung si Euan, Ai."

"Kahit na." Kinurot niya ang ilong ko.



PAGKA patak ng tanghali, pumunta kami ni Ai sa food court ng school para kumain na ng lunch. Alam din naming dito naglalunch si Nite kaya hinanap namin kung saang table siya kumakain pagkapasok namin. "Ayun siya oh. Tara."

"Hi Nite." Bati ni Ai kay Nite.

"Oh, hi Aiessa and Maurize! You girls look more beautiful today."

"Sus! Ikaw talaga Nite, puro pambobola." Sabi ni Ai. "Share kami ng table sayo ha? Oorder muna ko dun."

"Sure Aiessa." Nagngitian silang dalawa saka naglakad si Ai papunta sa mga nakahilerang pagkain. "Nga pala. How are you Mau?" Tanong niya.

"Okay lang naman ako Nite. Walang dapat ikabahala." Pinatong ko ang mga braso ko sa mesa habang siya naman ay nagpatuloy sa pagkain. "Ano... Last saturday,ikaw daw yung naghatid sa akin."

"Ah oo." Uminom siya ng tubig bago magsalita ulit, "Inuna kitang hinatid. Ang aga mo nga nalasing nun. Kasi yung iba nagsasasayaw parin nung time na yun."

"Anong oras ba yun?"

"Hm..." Napatingin siya sa itaas at napaisip. "Around nine yun."

Talaga? Usually kasi between 12 and 2 am na ako nakakauwi sa bahay. "Thank you nga pala sa paghatid mo ha. Yun din naman kasi ang unang time na wala ang boyfriend ko."

Tumawa siya ng mahina, "Alam mo, that's the nth time you say thanks to me. Anyway, its no big deal."

"Huh?" Nth time? Eh ngayon pa nga lang ako nakapag thank you sa kanya ever since.

"Nung malapit na tayo sa bahay mo, nagising ka, and you keep on saying thanks to me, ilang ulit nadin ako nagsabi ng you're welcome and no problem. Maybe because you're drunk kaya di mo na maalala."

"Talaga?"

"Hm. Gusto sana kitang samahan pumasok sa bahay mo pero dabi mo you can manage. Na manage mo naman kahit hilong hilo kang naglakad papasok."

Yun talaga ang nangyari? Aish I should blame that whiskey. Naka ilang shot kaya ako nung gabing yon? Grabe di ko talaga matandaan.

"Oh eto na yung food. Kain na tayo Mau."

Kinuha ko yung plato ko pero bago paako magsimulang kumain, inilabas ko ang phone ko at tinext si Euan.

Babe, where are you? Im having lunch with Ai and Nite. Come over.

Babe, sorry i haven't paid you a visit on your classroom today. Im working on our project babe eh. I cant come to join you. Mamaya nalang sa floral field, kita tayo dun.

Sige babe. Just take care. Ilove you.

I love you too babe.





3PM nang pumunta ako sa floral field. Isa itong park ng school namin na puro bulaklak ang nakapalibot, may mga bench din at mga tables. Nakakarelax ang panahon ngayon, mahangin at hindi masyadong mainit. Pumunta ako sa isa sa mga bakanteng mesa at inilapag ang designing module ko. Nagsuot ako ng earphone at nakinig sa music habang binabasa ko ang mga lessons na nasa libro.

I love decorating. That's why I chose interior designing. Si Ai naman, she loves combining colors kaya I can see she has a very good sense of fashion. Sometimes I ask for her suggestions kung ano ang dapat o magandang isuot pag may occasions. I even suggested her that she could choose fashion designing than interior. Pero ayaw niyang mapahiwalay sa akin.

Habang nagbabasa ako ay dinadama ko ang lyrics ng kantang pinapakinggan ko kaya napapikit ako at sinasabayan ang pagkanta. Habang nakapitkit ako may naaamoy akong... Wait, is that baby powder?

Hindi muna ako dumilat at sinisinghot singhot ko yung amoy na yun. Baby powder talaga eh. Kanino ba galing yang amoy na iyan?

Una, hindi ako gumagamit ng baby powder dahil gamit ko powder foundation at pangalawa, nasa floral field ako kaya technically amoy bulaklak dito. How come mas maamoy ang baby powder na iyan kesa sa mga bulaklak?

"Anak ng!" Napatalon ako sa inuupuan ko nang pagdilat ko nakita ko ang batang nag self proclaim na anak ko raw. Yung batang kabute! Anak ng! "Bakit ka andito?!"

Napalakas ata ang boses ko kaya napalingon ang ibang estudyante sa gawi ko. Nag sorry ako at inayos ang pag upo ko. Pinause ko muna ang music sa phone ko at kinausap siya, "Anong kailangan mong bata ka? At paano ka nakapasok sa campus? Bawal outsider dito."

Ngumisi siya, "So outsider ako para sayo?"

"Aba'y oo siyempre!" Sigaw ko sa kaniya na pabulong, "College campus to at toddler ka pa lang. Dun ka sa preschool nababagay bata."

"Di ka parin ba naniniwala na anak mo ko?"

"Aish..." Inis kong kinamot ko ang ulo ko, "Wala akong anak, bata! Ni virgin pa nga ako! Ano ba! Kung may modus ka mas mabuting magpa tokhang ka sa mga pulis!" Sigaw ko ulit na pabulong parin para di ako masabihan ng ibang estudyante na nababaliw na ko. Kulang nalang talaga, baka matuluyan na ko nito. "Daig mo pa adik kung maka proclaim na anak kita. Anak ng... Tsk." Padabog kong Iniligpit angmga libro ko pabalik sa bag.

"Whether you like it or not, anak mo ko at dapat mong gawin ang misyon mo."

Kahit naka plug in pa ang mha earphones sa tenga ko, mas malinaw pa sa mineral water ang boses niya. "Eh kung hintayin mo nalang kung kelan darating tatay mo kesa kung anong pinagdada-dada mo diyan? Naiistress ako sa iyo dyuskong bata ka," ewan ko, parang nireregla ako sa inaasta ko sa batang to. Nakakapikon!

"Sinasabi ko lang, baka makalimutan mo."

"Oo na, oo na, alam ko naman. Just don't meddle my usual business." Maarte kong sagot. Napaisip ako. "Kung sinasabi mong may mga lalaki pang darating sabuhay ko, at isa sa kanila ang makakatuluyan ko, ibig bang sabihin yung boyfriend ko ngayon ang hindi ko makakatuluyan?"

"Tumpak."

"Ayaw mo ba kay Euan? Sa boyfriend ko?"

"Hmm..." Napaisip siya at tumingin sa malayo. "Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, pero di naman kasi siya ang tatay ko."

"Eh kung sabihin mo nalang kaya sa akin kung sinong tatay mo para matapos na iyang kahibangan mo?"

"Aish..."siya naman yung inis na napakamot sa ulo, "Hindi mo pa nga nakikilala. Hindi ko pa din siya nakilala. Kaya tayong dalawa ang magtulungan para mahanap at makilala siya."

"Ewan sayo..." Hinawakan ko ang mga buhok ko at tinignan sila. Sana hindi sila malagas sa sobrang stress ko sa batang to at sa sinasabi niyang hanapin ko tatay niya.

Pag check ko sa relo ko, alas kuwatro na. Asan na kaya si Euan? Sabi magkikita kami dito...

Naghintay ako ng tenminutes nang tumayo na ako para makaalis na.

"Saan ka pupunta?"

Tanong ng batang kabute. Ay, muntik ko na siyang makalimutan. Omg I really forgot about him. Super. Ha ha ha. "Aalis na. May pupuntahan pa ko. Bakit, samaka?"

"Ayoko,"nagcross arms siya, "Baka iwan mo pa ko sa isang kalye dahil ayaw mo sa akin."

"Sus, ang arte naman nitong batang to." Malakas na bulong ko.

"Narinig ko iyon."

"Alam ko! Nilakasan ko na nga para marinig mo!" This time, sumigaw na ako dahil wala naman nang mga estudyanteng nakatambay dito sa field. "Tss. Bye bye na." Tinalikuran ko na siya.

"Don't say goodbye."

Bigla ko siyang nilingon at takang tinignan siya, "Anong dont say goodbye ka diyan?"

"Goodbye means leaving and forgetting. Why don't you say see you soon? Or see you around?"

"Ang arte. Di naman ibig sabihin mag ggodbye lang eh mang iiwan at lilimot. At tsaka bye bye ang sabi ko hindi goodbye. Magkaiba yun."

"Whatever."

Luh? Baklang kabute. Tapon ko siya sa dumpsite eh. "Whatever din." Tinalikuran ko na siya at tuluyang umalis kasi may pupuntahan pa ako. Habang nasa taxi ako at papunta sa paroroonan ko,tinext ko si Euan.

Babe, still busy? Sorry I can't wait any longer sa floralfield kasi may pupuntahan pa kong importante.

Babe, sorry din may pinuntahan din kasi ako.

Its okay. Siguro mamaya di ka na busy? Let's meet at Khav's.

Copy. Ill be there at 6.

Okay. I love you.


Ibinulsa ko na ang phone ko nang sinabi ng driver na nakarating na kami. Bumaba na ako matapos kong magbayad at bumungad sa akin ang gusaling puti at mga berdeng halaman sa paligidnito.

Sta. Maria Mental Flat

"Ayokong kumain! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Gusto kong makita ang anak ko!"

"Ma'am papunta na ho dito ang anak mo. Kung di kayo kakain magagalit ho siya." Pagpapakalma sa  kaniya ng nurse.

"Hindi, hihintayin ko siya, hihitayin ko siya! Sabi niya babalik siya at magkikita kami at magkakasama kami ng mahabang panahon at..." Nakita ko ang mama ko na nagwawala at ayaw kumain pagbungad ko sa lobby ng flat. Oo, andito sa mental hospital ang mama ko. "Asan na ang anak ko?"

"Ma, andito na ko." inilapag ko ang bag ko at hinarap siya. "Kumain na po kayo. Gusto niyo subuan ko kayo?" Kinuha ko ang kutsara at mangkok na hawak ng nurse para subuan si mama.

"Sino ka?"

Napatigil ako sa pagsalok ng oatmeal sa kutsara at tinignan si mama. "Ma, ako 'to. Si Maurize. Anak mo."

"SINO KA?" Muntikan ko nang malaglag ang magkok dahil sa gulat sa malakas niyang sigaw. "WALA AKONG ANAK NA MAURIZE! ASAN NA YUNG ANAK KO!" nagwawala na naman siya kakahanap ng anak daw niya.

"SINO BA IYANG ANAK MO HA, MA?!"

Natahimik angpaligid dahil sa pagsigaw ko. "SINO BA IYANG ANAK NA HALOS ISUKA MO NA IYANG BITUKA MO KAKAHANAP SA KANIYA?!"

Magdadalawang taon na siya dito sa mental flat at laging yung anak daw niya ang hinahanap niya. Hindi ko alam kung sinong anak ang tinutukoy niya dahil sa pagkakaalam ko, only child lang ako. Ilang beses na din akong mapagbuhatan ni mama ng kamay dahil sa galit niya na baka kinain ko raw yung anak niya kaya nirekomenda ng auntie ko, si tita Marga, na kapatid ni mama, na patuluyin siya sa mental hospital dahil may deperensya na sa utak si mama. Masakit man sa kalooban ang lagay ni mama pero kailangan namin siyang ilagay dito para magamot siya at para gumaling.

Tinignan niya ako na nagtataka, "Hindi mo siya kilala?" Mahinhin niyang tanong, "Anong pangalan niya?" Tanong ulit niya.

"ABA'Y EWAN KO!" Pabagsak kong ilinapagang mangkok na nagbigay ng malakas na ingay. Kinalma ko ang sarili kobago ko nilingon ang nurse malapit sa amin. "Papahingahin mo na siya pagkatapos niyang kumain. Babalik ako bukas."

"Opo maam."


"TWO hot choco, please." Order ko pagdating ko sa Khav's cafe. Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Euan pero makita ko na siya sa entrance.

"Hi babe." Bati niya. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya.

Si Euan, ang first boyfriend ko. 2 years na ang relationship namin at una naming pagkikita nung freshmen year, nung sumali ako sa art club nila. Sabi niya naging close niya ang mga clubmates namin pero sa akin lang daw siya nagkagusto kaya niligawan niya ako. At ako naman si first time nagkaroon ng manliligaw, umabot ng isang taon bago ko siya sinagot. At di naman ako nagregret na sinagot ko siya dahil mataas ang pasensiya niya. Tsaka ang bait niya. At matalino. Full package kumbaga

"Hi babe. Upo na tayo. Nag order na ko."

Sandaling katahimikan ang namamagitan saamin at tanging music lang sa cafe ang naririnig naming dalawa. "So, kumusta, babe? Madami ka parin bang ginagawa?" Tanong ko.

"Ah oo, sobra babe. Baka di tayo maka labas sa weekend."

Ngumiti ako, "Okay lang babe."

Natahimik ulit kami at ang server na ang bumasag sa katahimikan, "Two hot choco."

"Thank you." Sabi ko at inilapag ng maayos ang hot choco sa mesa.

"Sorry talaga babe, kung nawawalan na ako ng time sayo these past few days. Narinig ko din na si Nite ang naghatid sayo nung saturday kasi hindi ako sumama sa party. Nasa akin kasi lahat itinambak."

"Soon to be Summa Cum Laude si babe eh. Haha." Hinipan ko ang hotchoco ko at uminom. "Okay lang naman babe, I understand."

"Kahit... Kahit na tuluyan na akong mawalan ng time sayo?"

"Hm? Bakit tuluyan? Gusto mo ba mawalan ng time sa akin?"

"Hindi... Hindi..." Umiling siya at uminom sa hawak niyang hot choco. "Baka hindi mo na ko mahal pag minsan mawalan ako ng time sayo."

"Ano kaba..." Ano na naman iniisip ni Euan? "May bumabagabag ba sayo?"

"Baka darating ang time na mawala na yung pagmamahal mo sa akin."

Bigla kong naalala ang batang kabute.

May ilang lalaki ang dadating sa buhay mo.

"H-hindi mangyayari iyan." Dahil sa pagkakalam ko ngayon, mahal ko siya. Porque't aware ako na may darating pang iba sa buhay ko, eh mawawala na agad pagmamahal ko sa kaniya na parang bula. Ano ako, hibang? "Ano ka ba, babe, wag kang mag isip ng ganiyan. Mahal kita."

"Kahit hindi ako hanggang sa huli?"

"Huh?"tinitigan ko siya ng ilang segundo at naghanap ng sagot. Bakit ba niya sinasabi ang ganiyang bagay? Wala ba siyang tiwala sa akin? Akala ba niya iiwan ko na siya?

"Kahit iiwan mo ko at hindi ako ang makakatuluyan mo hanggang sa huli?"

Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing
Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing Riiiing

Napatalon ako at muntikan nang malaglag sa inuupuan ko dahil sa gulat. Mas lalo akong nagulat nang makitang nasa bahay na ako at nakaupo dito sa upuan ng dining table. Wait, nakauwi na ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top