12


"This is important to me, Yori! Gawan mo naman ng paraan, oh..." 

Nagtatalo kami ni Yori sa loob ng headquarters. Kaming dalawa lamang ang naroon habang nasa labas ang instructor namin. Hinintay ko talaga siyang lumabas bago namin pinag-usapan ni Yori ang tungkol sa finals.

"Estella, I also don't know what to do. I don't know how it will work," Yori said, getting frustrated too, but he still tried to lower his voice. 

Estella, huh.

"Kaya nga sinasabi ko sa 'yong gumawa ka ng paraan. May paraan naman ang lahat, 'di ba? Sabi mo importante rin sa 'yo 'tong debate. Kailangan mo 'to para sa dream program mo... Hindi ba pwedeng pumili?" Nagiging desperate na rin ako. Hindi gumagana ang utak ko para mag-isip ng ibang solusyon. 

"That's so selfish, Estella. I can't leave my team."

"But you can leave me?" 

Napatingin siya sa akin, gulat at parang nasaktan sa sinabi ko. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Wala ni isang nagsasalita. Nag-init ang mukha ko dahil sa halo-halong emosyon. Inis, frustration, pain... Ako rin ay hindi alam ang gagawin ko. 

Napamasahe siya sa sentido niya habang nakaupo at ako naman ay nakatayo sa harapan niya. "It's not like that. Please... Don't make me choose. I'm going to find a way to attend both events." 

"At kung wala? Kung kailangan mong pumili, ano ang pipiliin mo?" tanong ko.

Napabuntong-hininga siya. "Estella-"

"Just answer, Yori. What is more important to you?" 

"I don't like your way of questioning right now," seryosong sabi niya at matalim akong tiningnan. 

"What's the answer?" malamig na tanong ko ulit at pinagkrus ang braso sa dibdib ko. 

"Stop it," he hissed. "Let's cool down and talk about this next time." 

Pumasok ang instructor namin kaya natigil kami. Nariyan na raw ang sundo namin. Sumakay kami ni Yori sa may school bus. Umupo siya roon sa may harapan, at umupo naman ako sa likod. 

"Congrats, YorElla!" sabi ng ibang ka-team namin sa debate. Naroon na rin pala sila. Galing sila sa separate competition. "Ay..." Binawi rin nila iyon nang makitang seryoso ang mukha namin ni Yori at hindi nagpapansinan. 

Nagsuot na lang ako ng earphones habang pabalik ng school. Nang makarating, isa ako sa mga pinakahuling bumaba. Umupo ako sa waiting shed para hintayin ang sundo ko. Si Yori ay nakatayo pa rin sa gilid ng waiting shed, medyo malayo sa akin. 

Nilakasan ko ang music sa earphones ko para hindi siya marinig kung sakaling kakausapin niya ako. Ito na ang unang seryosong away namin sa ganitong... set-up. 

Hindi naman niya ako kinausap hanggang sa dumating ang sundo ko. Tuloy-tuloy lang akong pumasok sa sasakyan at sinara ang pinto. Sumilip ako sa likuran nang umandar na ang kotse. Nakita kong nakapamulsa nang naglalakad si Yori pauwi at nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha niya. 

Pag-uwi ko, hindi ako pagod sa debate. Pagod ako roon sa away namin ni Yori for some reason. Napabuntong-hininga ako habang kumakain kami ng dinner. Naghanda si Mommy para i-celebrate ang pagkapanalo ko sa semi-finals. 

"What's wrong, Nat?" tanong sa akin bigla ni Daddy kaya natauhan ako. "You keep on sighing."

"Ah, wala po!" Ngumiti ako sa kanila at nagkunwaring masigla ulit. "Pagod lang, hehe!" 

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para matulog. Hindi na nagtanong sina Mommy kahit halata namang may iniisip ako. Habang tinatanggal ko ang comforter ng kama ko ay nakita kong nag-message si Yori. 

Yori: Nakauwi ka na? 

Binuksan ko ang message at nag-react ng like sign sa message na iyon bilang sagot. Hindi na siya nag-reply pagkatapos kaya tinulugan ko na lang iyon.

Kinabukasan, maaga akong pumasok para ikwento kina Ollie ang problema. Sabi ko sa kanilang dalawa ay agahan din nilang pumasok. 

"Eh, kasi naman, out of his control naman 'yon, Estella!" sabi ni Caitlyn. Nakaupo kaming tatlo sa may steps malapit sa garden at kumakain kami ng sandwich na binili namin sa convenience store. 

"Pero masakit din naman 'yong hindi niya kayang piliin si Estella. Alam niya kung gaano kahalaga sa friend natin ang debate!" Nasa kabilang side naman si Ollie. 

"Siyempre, para sa kanya, malaga naman both, eh!" pakikipagtalo ni Caitlyn. "Siyempre, tingin tayo sa both sides. Naiintindihan ko kayong pareho!" 

"Valid bang magalit?" I pouted and leaned my head on Ollie's shoulder. Hindi ko maubos ang sandwich ko dahil namomroblema ako. 

"Huwag mo lang isisi kay Yori. Siyempre, ayaw rin naman niyang mangyari 'yon! Sabi niya naman gagawan niya ng paraan, 'di ba?" payo ni Caitlyn.

"Eh, kung hindi nga magawan ng paraan? Ano? Hahayaan niya na lang na ma-disqualify si Estella? Ang tagal niyang hinintay 'to! Kailangan niya rin 'to para sure pass na siya sa dream university niya!" At ayan na naman si Ollie sa side ko. 

"Iyon nga, eh... Kung basta-bastang debate lang 'to, hindi naman ako sobrang magagalit o magtatampo, pero nakasalalay dito 'yong future na plinano ko para sa sarili ko. Kailangan ko 'to, eh. Kailangan kong ipanalo 'to. Partners 'to kaya hindi naman ako pwedeng sumabak mag-isa. Kapag wala si Yori, disqualified na rin ako," sabi ko. 

"Hindi ba pwedeng i-move 'yang competition date?" tanong ni Caitlyn.

"Sinusubukan ata ni Yori i-move 'yong sa e-games. 'Yong sa debate, mahirap i-move kasi matagal nang inaayos 'yong preparations sa event. Malaking event 'yon, tapos na-send out na iyong mga invitations sa representatives ng universities. Parang... okay na ang lahat, eh." Napamasahe ako sa sentido ko. Nakaka-stress na naman! 

"Bawal talagang palitan si Yori in case hindi siya makakapunta? Walang substitute?" tanong ni Ollie. 

"Hindi pwede 'yon. Si Yori na ang naka-register, eh," sagot ko naman. 

"Anong oras daw ba 'yan? Malay mo, umaga 'yan tapos hapon naman 'yong e-games o kaya baliktad! O, 'di ba? Makakaabot pa!" sabi ni Caitlyn.

Wala pa iyong oras ng e-games, pero 1:00 PM ang start ng debate. Umaasa na lang akong sana ma-move iyong e-games para wala nang problema. 

Noong time na ay tumayo na rin kami at bumalik sa classroom. Nakipagpalit ako ng upuan kay Ollie dahil hindi ko pa alam kung paano kakausapin si Yori. Ayaw ko namang umakto na okay kami kahit may hindi pa kami naso-solve.

Noong lunch time, sabay-sabay kami nina Ollie at Caitlyn pumuntang cafeteria at nagtatawanan pa. 

"Eh?! Wala nang strawberry milk! Iyon lang ang pinunta ko rito, eh..." Napanguso ako nang makitang ubos na ang hinahanap ko.

Bumili na lang ako ng bread at nakasimangot na umupo roon sa bakanteng table. Bumibili pa sina Ollie at Caitlyn kaya mag-isa lang ako roon. Habang inaalis ko ang wrapper sa tinapay na binili ko ay may naglapag ng strawberry milk sa tapat ko. 

Umangat ang tingin ko at nakitang naglalakad na si Yori paalis habang kausap si Jap. Dahan-dahan kong kinuha iyon at tinitigan. 

"Oh, akala ko ubos na ang strawberry milk?" gulat na tanong ni Caitlyn nang makabalik. 

"Mayroon pa pala," sabi ko at ininuman na lang iyon. 

Buong araw ay hindi kami nagpansinan ni Yori. Wala ring training dahil next week na ulit magsisimula iyon. Nag-focus na lang muna siya roon sa e-games. 

Kinabukasan ay may P.E. kami. Nag-cancel ng class iyong isang subject kaya naman pagkatapos ng P.E. ay naglaro kami ng patintero. Napilit pa ni Jap si Yori na sumali. Ano kaya ang sinabi niyang kapalit? Hindi naman mahilig 'yon sa ganito. Halatang hihingalin kaagad, eh. 

Magkaiba kami ng team at nasa panghuling line si Yori. Nang magsimula ang game ay nagtakbuhan na kami kaagad. Natigilan lang ako nang magkatapat kami ni Yori. Nagkatinginan kami at parehong hindi alam ang gagawin. 

Tumakbo ako sa kabilang side at dumaan. Ni hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. "Ano ba naman 'yan, tol?!" reklamo ni Jap. 

"Hindi ko nakita," sabi ni Yori. 

Nanalo tuloy kami dahil sa akin, at natalo sila dahil sa kanya. Naglaro rin kami ng agawan base sa field dahil mga walang magawa. Mahaba ang vacant, eh. This time, magka-team naman kami. 

"Ano ba, Yori! Bakit ang bagal mo tumakbo?!" reklamo ni Jap nang ma-capture siya noong kabilang team. Na-hostage tuloy siya roon sa base ng kalaban. 

"Gawa tayo ng plano," sabi ko sa mga ka-team ko. Nag-usap-usap kami tungkol sa plano kung paano papaalisin iyong mga members ng kabila sa pagbabantay sa base. Kailangan namin ng bait para makabalik si Yori at iyong dalawa pa naming ka-team. 

Sina Jap ang naging bait at ako ang tatakbo para makuha pabalik ang teammates namin. Nang makita kong hinahabol na sina Jap ay tumakbo na rin ako hanggang sa maabot ko ang kamay ni Yori. 

"Yieeee..." pang-aasar sa amin ng mga kaklase namin. 

"Epal!" sabi ko at bumalik na lang sa base. 

Napagod na rin kaming lahat kaya bumalik na kami sa room. Nag-away-away na naman sila roon sa aircon dahil sa mga boys na nagpapatuyo ng pawis sa tapat noon! Iyong iba ay tinanggal na ang P.E. shirt sa sobrang init. Ako naman ay kasama sina Ollie at Caitlyn sa gilid, nakaupo. Nakapatong ang binti ko sa upuan habang pinapaypayan ang sarili. 

"May tubig kayo? Painom," sabi ko. 

"Ay, ubos na. Tara, cafeteria!" pag-aaya ni Ollie. 

"Pst, Estella, pinapabigay ng jowa mo," pang-aasar ng lalaki kong kaklase nang abutan ako ng malamig na bottled water. Pabiro ko siyang hinampas ng folder. 

"Sweet naman kahit magkaaway..." pang-aasar ni Caitlyn. 

"Magbati na kasi kayo!" Kinurot ako ni Ollie sa baywang. "Nahihiya na ako dahil tuwing may exchange papers na ganap ay parang jina-judge niya ang papers ko sa dami ng mali!" 

Wala ulit debate training kaya noong dinismiss ang huling klase ay inayos ko na ang gamit ko para makauwi na kaagad. Iyon nga lang, wala rin palang training si Yori. Narinig kong pupunta silang KTV nina Jap kasama ang iba naming kaklase. Natangay na naman siya. Kawawa naman. 

"Ayaw mong sumama, Estella?" tanong ni Ollie. Inaaya rin kasi kami. 

"Wala naman akong gagawin doon," dahilan ko pa. 

"Tara na! Saturday naman bukas! Walang pasok!" pamimilit ni Caitlyn.

Bandang huli ay napasama tuloy ako. Nakita ko na lang ang sarili kong tahimik na nakaupo sa dulo ng couch habang ang lahat ay maingay, nagsasaya, at nagsasayawan sa loob ng KTV room. Sa kabilang dulo ng couch ay si Yori na nanonood lang din habang nakasandal at nakakrus ang braso sa dibdib. Nakabukas ang polo niya kaya kita ang panloob niyang puting shirt. 

"Ano ba, Estella! Para ka namang others! Hindi ka gaganyan dito, ha!" Hinatak ako ni Ollie para makisayaw roon. 

Baka masabihan pa akong KJ kaya nakisaya-saya na lang din ako roon. Hindi naman ako KJ, eh. Si Daddy 'yon. 

Kumanta-kanta rin kami as a group habang si Yori ay mukhang bored doon sa gilid at nanonood lang. Nakaakbay na ngayon ang braso niya sa sandalan ng couch at naka-dekwatro. Nagtatawanan kami habang kinakanta ang isang old disco song. May kasama pang sayaw. 

Nang mapagod ay naupo muna ako roon. Kukuha pa lang sana ako ng iced tea na nasa table ay may humatak na sa palapulsuhan ko palabas ng KTV room. 

"Yori!" reklamo ko habang sumusunod sa kanya. 

Huminto kami sa likod ng isang pader papunta sa madilim na hallway. Sinandal niya ako roon habang nasa harapan ko siya. 

"Hindi mo talaga ako kakausapin?" tanong niya sa akin. 

"Hinihintay lang kitang kausapin ako," sabi ko naman. Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko at matapang siyang tiningnan. 

"The e-games competition might start early in the morning. The time is not finalized yet, but I already told my coach about the debate. He said he would try to move it as much as possible," pagpapaliwanag niya. 

"Okay." Nagkibit-balikat ako. Hindi pa sure 'yon kaya hindi muna ako aasa. Kapag sure na, saka gagaan ang loob ko... pero hindi naman na ako galit. Depende na lang sa kung ano ang mangyayari sa future. 

"Okay. Are you not going to say sorry for cornering me with your questions last time?" Galit din siya.

"Hindi mo nga sinagot. I just wanted you to choose me."

"No, Estella-"

"Nat," I corrected. "Estella ba ako sa 'yo kapag galit ka, huh? Pasalamat ka wala kang ibang pangalan." 

"Nat... You asked me to choose between debate and e-games. Not between you and anyone else." He sounded frustrated. 

"Bakit? Kung ganoon ba, masasagot mo?" 

"It's you, Nat. You know that... I will always choose you," mahinang sabi niya. "But if you're making me choose between the two competitions, I can't. Both are important to me."

"Okay..." Tumango ako. 

Hinatak niya ako palapit at mahigpit na niyakap. Napabuntong-hininga siya at sinandal ang baba sa tuktok ng ulo ko. 

"We will win together, remember? I will never leave you in that debate competition alone. Just trust me." 

I pursed my lips and nodded. "I'm sorry," bulong ko. 

"Let's not fight anymore. Kausapin mo na ako," pagmamakaawa niya.

"Ito na nga, oh," sabi ko naman. "Hindi kaya hinahanap na tayo roon?" 

Bumitaw siya sa yakap pero hindi siya lumayo sa akin. Lumipat lang ang mga kamay niya sa likod ko para mapanatili ang distansya naming dalawa. Nilapit niya ang mukha niya at tumingin sa mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at nahugot ang hininga ko.

Pero hinalikan niya lang ang pisngi ko at binitawan na ako. 

"Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak na ako pabalik sa may KTV room. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang hindi ako makahinga!

"Uy, bati na sila," sabi ni Caitlyn nang makitang sabay kaming bumalik ni Yori. 

Nakipagsayawan na ulit ako kina Ollie habang si Yori ay naroon ulit sa couch. Tinabihan na lang tuloy siya nina Jap at pinilit makikanta sa kanila. Late na nang matapos kami kaya si Daddy ang sumundo sa akin.

"Good evening po, Daddy ni Estella!" bati ni Ollie at Caitlyn nang makita si Daddy na nakasandal sa may kotse niya at nakakrus ang braso habang naghihintay sa akin. Naka-formal attire pa siya. 

"Good evening po." Lumapit din si Yori para magmano. 

"Hi, Daddy!" Nakangiti akong tumakbo papunta sa kanya. "Kanina ka pa?" 

"No, I just arrived," sabi niya naman sa akin. 

"Oh, Attorney, iyan na ba ang panganay mo?" sabi noong matandang kakalabas lang ng convenience store. "Buti dumating na! Isang oras ka na ring naghihintay diyan, ah!" 

Napatingin ako kay Daddy. Ngumiti lang siya roon sa lalaki at binuksan ang pinto ng sasakyan. Nagpaalam na rin ako kay Yori at sa mga kaklase ko. 

Napangiti ako dahil nagsinungaling si Daddy para hindi ako ma-guilty na pinaghintay ko siya nang matagal sa labas. Bakit naman kasi hindi siya nag-message? Ayaw niya bang masira ang time ko kasama ang mga kaklase ko? 

"Ikaw talaga, Dad!" Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Napakunot ang noo niya at sinulyapan ako, naguguluhan kung bakit ko siya hinampas. 

Walang pasok kinabukasan kaya bored na naman ako. Nag-aral na ako, tumugtog ng violin, at nagbasa na rin ng libro, pero bored pa rin ako! Kinuha ko kaagad ang phone ko para i-video call sina Seven at Lyonelle. 

"Ano'ng plano mo sa birthday mo bukas, Seven?" tanong ko. 

"Nothing," sagot niya naman.

"Eh? Pumayag Mommy mo na walang ganap sa birthday mo?!" Nagulat ako roon, ah. 

"I begged her not to make it a big deal." Napakamot siya sa ulo niya. 

"Let's just celebrate tomorrow. Just the three of us," suggest ni Lai. 

"Oo nga! Saan mo gustong pumunta?" pag-agree ko. 

"Sa bahay." Ang boring na tao talaga nito! Kapag volleyball lang ginaganahan sa buhay! 

Minessage ko tuloy privately si Lyonelle para maghanda ng surprise kay Seven. Nag-agree naman kaming dalawa kung sino ang bibili ng cake, tapos kung sino ang bibili ng ibang kailangan tulad ng balloons at party hat. Dinamay pa namin si Kiel. 

Balak naming salubungin 'yong birthday niya. Gabing-gabi na nang pumunta kami sa bahay ng mga Camero, pero lahat sila ay gising pa. "Iyong Kuya mo? Ano'ng ginagawa?" tanong ko kay Kiel habang dahan-dahan kaming pumapasok. Dala ko pa ang cake. 

"Nanonood ng anime," sabi niya. 

Sinuotan ko siya ng party hat para tatlo na kami nina Lai na may party hat. May mga dalang balloons si Lai para complete birthday package. 

"Kulang ng clown, Kiel. Ikaw na lang 'yon," pang-aasar ko. 

"Anong kulang? Hindi ka pa ba nakabihis niyan?" turo niya sa mukha ko. 

"Ikaw bata ka-" 

"Shush, Nat!" singhal sa akin ni Lai habang paakyat kami sa kwarto ni Seven. Tinikom ko na tuloy ang bibig ko at baka mabunyag pa ang surprise namin. Pinaghandaan pa naman namin 'to! 

Huminto muna kami sa tapat ng pintuan para sindihan ang kandila. Pagkatapos ay nagbilang kami bago buksan ang pinto.

"Happy birthday!" Malakas na sigaw namin.

"What the fu-" Muntik nang matisod si Seven habang nagbibihis ng shirt. Napatakip kaagad ako sa mga mata ko gamit ang isang kamay at tumalikod kahit pangtaas lang naman iyon! Ang innocent eyes ko! 

"Ang O.A., Nat. As if naman hindi ganyan ang suot niya kapag nagsi-swimming," sabi ni Lai.

"Ah, oo nga pala." Tinanggal ko na ang takip sa mga mata ko at lumapit sa kanya habang hawak ang cake. Nakasuot na siya ng shirt ngayon. "Make a wish, dali! Natutunaw na ang kandila!" 

Natahimik siya saglit bago hinipan ang kandila. Nilapag ko 'yon sa gilid at nagpalakpakan kami. Napasilip tuloy sina Ninong Sevi nang makarinig ng ingay sa kwarto ni Seven. 

"Hala, naunahan tayo mag-surprise," sabi niya nang lingunin si Tita Elyse. 

May hinanda rin pala silang cake at gifts para kay Seven! Sorry sila dahil nauna kami ni Lyonelle mag-execute ng plano! 

Kahit ayaw ni Seven at gusto nang matulog, nagkaroon kami ng mini-celebration ng birthday niya sa baba. Nag-open siya ng gifts at kumain din kami ng cake. Dalawa iyon. Maliit lang 'yong sa amin ni Lai tapos malaki 'yong sa Mommy at Daddy niya. 

"Hoy, birthday mo ba? Ikaw umuubos ng cake, ah," sabi ko kay Kiel. 

"Masama ba? Bahay naman namin 'to, ah!" ganti niya sa akin. 

"Palagi ka talagang may sagot."

"Palagi ka rin kasing maraming tanong, 'te!" 

"Ano bang tinuturo mo sa kapatid mong 'to, Seven?!" reklamo ko. "Bakit ganito 'to?! Ibang-iba siya sa 'yo! Kaso ikaw, nasobrahan ka sa boring." 

"Umalis ka na nga," masungit na sabi niya sa akin. 

"Ayaw ko nga! Eh di nawalan ka ng magandang friend! Nag-effort kaya kami para sa birthday surprise mo, tapos papaaalisin mo lang ako?!" Kinurot ko ang braso niya at sinamaan niya naman ako ng tingin. Muscles lang iyong nakapa ko! Kaka-volleyball niya 'yan. 

Nag-sleepover na rin kami ni Lai doon sa kwarto ni Seven. Pinagkasya naming tatlo ang sarili namin sa kama. Sa gitna namin si birthday boy. Nanood pa kami ng movie para antukin dahil gising na gising pa ang diwa namin dahil sa tamis ng cake. 

"Nat, do you think you'll end up with Yori in the future?" tanong bigla ni Lai habang sinusubukan naming matulog. 

"Sana?" Hindi ko naman sigurado dahil hindi ko alam ang mangyayari sa future. Gustuhin ko man, baka ma-disappoint lang ako at masaktan nang sobra kapag hindi iyon ang nangyari. "Kayo ba? Tingin n'yo may dadating pang right person para sa inyo or sa tingin n'yo nakilala n'yo na pero hindi n'yo lang alam?"

"I don't think I've met her yet," sagot ni Lyonelle.

"I don't think there's a right person for me out there," sabi naman ni Seven. 

"Grabe ka naman sa sarili mo! May magkakagusto sa 'yo diyan, for sure! Baka kapag college na tayo, makilala n'yo na 'yong right person. Paano kaya 'yon, 'no? Kasi siyempre, may priorities tayong tatlo in life. Paano 'yon magwo-work?"

"Like how you make it work with Yori right now." Umayos ng upo si Lyonelle at sinandal na lang ang likod sa headboard. 

Hindi ko nga alam kung paano nagwo-work iyong ginagawa namin ni Yori, o kung nagwo-work ba? Iyong away namin last time, sign ba 'yon na hindi kami magwo-work or part ba 'yon ng process? Marami akong alam sa ibang bagay, pero pagdating sa mga ganitong relasyon, wala akong alam! Ni wala nga kaming relasyon! Hindi ko alam ang itatawag sa amin!

Masaya? 

MU? 

Unti-unti na rin akong nakatulog habang nag-uusap kami. Hindi ko na nga matandaan iyong huling topic. Nagising na lang ako na mag-isa sa kama. Dumeretso kaagad ako sa banyo para maghilamos ng mukha.

"Lai! Seven! Mga bwisit talaga kayo!" malakas na sigaw ko sa sobrang inis nang makita ang mga stickers na nakadikit sa mukha ko! Pinagtatanggal ko 'yon at naghilamos. 

Nang bumaba ako, kumakain na ng breakfast iyong dalawa. Pareho ko silang binatukan! Muntik pang masubsob ang mga mukha sa bowl ng cereal. 

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo, may first kiss na ako!" kinikilig na sabi ko sa dalawa. Mabuti na lang at tulog pa sina Ninong kaya hindi ako masusumbong.

"What?" Napakunot ang noo nilang dalawa.

"Oo, dito!" Tinuro ko ang pisngi ko. Nawalan sila ng emosyon sa mukha at napailing, mukhang disappointed sa sinabi ko. Akala nila ay totoong first kiss! Totoo 'yon para sa akin 'no! First kiss na 'yon! 

Hindi man lang kinilig para sa akin! Ang boring talaga ng dalawang 'to! Ako lang talaga ang nagpapagana sa friendship namin! Ako ang nagdadala sa kanila! Ang bibigat buhatin! 

Nag-swimming kami that morning para may additional bonding bago ako umuwi sa amin. Magse-celebrate din sila as a family kaya hindi namin pwedeng kuhanin ang buong araw ng birthday niya 'no!

"Hay, ang boring na naman!" sigaw ko habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame.

"Why are you in my room?" seryosong tanong ni Kye habang may pine-paint siya roon sa desk niya. 

"Bored ako, eh! Wala ka bang kwento diyan? Wala ka pa bang crush sa room n'yo?" pagchismis ko naman. 

"No," walang emosyong sagot niya. "You can leave now." 

Tumayo ako at ginulo-gulo ang buhok niya bago ako tumakbo palabas ng kwarto niya. Narinig ko ang inis na sigaw niya. Tinawag pa niya si Mommy para magsumbong. Malakas akong tumawa habang pababa ng living room. Linggo ngayon kaya ang boring! 

Kinabukasan, masaya ako dahil may pasok na naman at makikita ko na naman ang crush ko! Si Yori! Sabi ko agahan niyang pumasok para makita ko siya kaagad. 

Nagkita kami sa convenience store sa tapat ng school. Bumili siya ng inumin, at bumili naman ako ng biscuit. 

"They already confirmed that the e-games competition will be in the morning," pagbabalita niya sa akin. 

"Yay! Around Metro Manila lang din naman, right? Aabot ka?" paninigurado ko.

"Yes. Don't worry about it." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I'll do my best."

Okay, eh di wala na akong problema! Nag-away pa kami, okay naman pala. 

Nagsimula na rin ang shooting namin noon para sa ipapasa naming short film sa isang subject. Class project 'yon kaya involved dapat ang lahat sa production. Hindi necessary na lahat ay makikita sa film kaya nag-uusap kami kung sino ang mga characters.

"Ayaw ko! Sa script writing na lang ako," tanggi ko kaagad. 

"Sayang naman ang ganda mo, sissy ko!" pambobola pa ni Ollie. 

"Sige na, Yori! Kayo ni Estella, oh! Kaya n'yo naman 'yan! Malakas chemistry n'yo," pamimilit ni Caitlyn. 

"Dali na, bro," sumali na rin si Jap. 

"I work better behind the cameras," tanggi rin ni Yori. 

"Ano ba 'yan, parang hindi magjowa!" sabi ng isa naming kaklase. 

Wala na ba silang maisip na iba, huh?! Ang sabi ay kami raw ni Yori ang pinaka-photogenic. Enebe, parang sira. Pero ayaw ko pa rin, 'no! Alam kong walang tatalo sa ganda ko, pero mas gusto ko nga magsulat ng script! Hindi ako pang-artista, 'no!

Hindi nila ako mapipilit! Mas lalong hindi rin nila mapipilit 'yan si Yori kahit anong mangyari. 

"May plus points daw sa grade kapag may nanalong best actor at best actress sa class."

Napatayo ako. "Okay, sige! Bakit hindi n'yo kaagad sinabi?!"

Lumingon ako kay Yori at mahinang sinipa ang upuan niya para magsalita siya. Nagkatinginan kami. Halatang sinasabi niyang ayaw niya pero napailing din siya at tumango. 

"Okay, set!" Nakangiti akong umupo ulit. Hah, plus points! Kailangan ko 'yon 'no! Gagalingan ko talaga sa pag-acting!

Love story pa kasi ang naisipang gawin ng mga 'to, pero hindi lang iyon tungkol sa love. Kailangan daw ay may i-tackle na societal issue. Bahala na ang scriptwriters diyan! Kailangan kong praktisin ang acting ko!

May debate training kami pagkatapos ng klase kaya sabay kaming naglakad ni Yori papunta sa debate room. Napatigil lang kami sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. 

"Oppa! Thank you for this!" Inabot ng babae iyong paper bag. May lamang box yata 'yon ng microphone. Iyong mga pang-stream. Hindi ko kilala 'yon at hindi ko pa nakita kahit kailan. Iba rin ang uniform. 

"No problem," sagot ni Yori at tinanggap ang paper bag. 

"See you!" Ngumiti ang babae at umalis na. 

Napanguso ako habang naglalakad kami. Hindi na ako nagtanong. Hindi naman ako selosa, eh! Bakit naman ako magseselos?! Normal na conversation lang naman 'yon! Wala namang kakaibang nangyari! 

Nagpahiram lang naman siya ng mic, eh! Ano namang mali roon?

"Nat, we're here," sabi ni Yori nang lumagpas ako sa debate room. "Are you okay?"

"Oo naman, sus!" 

Nauna na akong pumasok sa kanya. Nang magsimula ang training, tinuon ko na lang ang focus ko sa pinapagawa sa amin ng instructor. May mga sinabi siyang guidelines sa finals, iyong date, pati time. Dalawang oras din kaming nag-training kaya madilim na nang matapos kami. 

"Is there a problem?" tanong ni Yori habang naglalakad kami papuntang gate. 

"Hmm, wala naman." Nagkibit-balikat ako. "Sino nga pala 'yong babae kanina?"

Dumeretso ako sa may waiting shed para hintayin ang sundo ko. Umupo naman siya sa tabi ko para samahan akong maghintay. Narinig ko ang tawa niya kaya napalingon ako sa kanya. Tinakpan niya ang bibig niya at umaktong hindi siya tumawa.

"Ano'ng nakakatawa?" tanong ko. 

"Selosa?" patanong pa iyon. 

"Huh, ako?!" I scoffed. "Tinatanong ko lang kung sino. Curious lang ako."

"It was Jap's younger sister," natatawang sagot niya. "She's younger than us. Probably the same age as your brother." 

"Ah..." Napatango-tango ako. Pinagsisihan ko kaagad ang naramdaman ko. Huh? Ano ba ang naramdaman ko? Wala naman, ah! 

"Cute mo." 

"Hindi ako cute! Maganda ako!" sabi ko naman. Napailing siya sa akin at natawa na lang. "Paano kaya sa college? For sure, ang daming magkakagusto sa 'yo niyan!" 

"No way," hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Akala niya pa ay nagbibiro ako. 

Hindi ba niya nakikita ang sarili niya?! Ang dali kaya niyang magustuhan! Kaya nga ako nagkagusto sa kanya, oh! For sure, marami pang iba diyan na maga-agree sa akin. Kaya nga pinili rin siyang bida sa short film. Ang gandang tingnan ng mukha niya. 

"You should take pictures more often, kahit sa akin mo lang i-send," sabi ko. 

Kinuha ko ang phone niya para buksan ang Instagram niya. Tuturuan ko siyang manguha ng magandang picture or selfie! Pero natigilan ako nang makitang pinalitan niya ang profile picture niya ng picture ko. 

"Sira ka talaga, bakit ako?! Dapat kasama ang mukha mo! Profile mo 'to, eh!" natatawang sabi ko. 

"Oh? What's wrong with this?" 

"Parang pinagkakalat mo talaga sa buong mundo na crush mo ako!" Mas lalo akong natawa. "Tara nga rito! Palitan natin!"

Lumapit ako sa kanya para manguha kami ng selfie. Binuksan ko na lang ang flash dahil madilim na sa labas. Nakangiti ako sa picture at nakatingin naman siya sa akin kaya side view lang ang kita sa kanya. Okay na 'yon! Pinalitan ko na ang profile picture niya noon. 

"Ganito, ha. Mag-selfie ka. Try mo mamaya tapos send mo sa akin."

Gusto ko lang talaga siyang makita, hehe! 

Dumating na rin ang sundo ko kaya nagpaalam na ako sa kanya. Pagkauwi ay naligo na kaagad ako. Tingin ako nang tingin sa phone ko para mag-abang pero wala pa rin hanggang sa matapos akong kumain ng dinner. 

Muntik pa akong mapatalon sa kama para kuhanin ang phone ko nang marinig kong tumunog iyon. Nag-send siya ng photo!

Ng pagkain niya. 

Napakamot ako sa ulo ko. Nag-send ulit siya ng photo... ng computer screen niya. Hindi nga iyon ang gusto ko! Okay rin dahil pinapakita niya ang ginagawa niya, pero saan ang picture niya?

Estella: ikaw uxto ko makita 

Nag-send siya ng picture ng libro. Napasimangot ako at nilapag ang phone ko para ipagpatuloy ang pag-aaral. 

Binitawan ko ang ballpen nang mag-chat na naman siya. Wala na akong inaasahan nang buksan ko ang phone ko pero nahulog ang panga ko nang makitang nag-send na siya ng picture niya!

Tumili kaagad ako at tumalon sa kama. Pinaghahampas ko ang unan para pigilan ang kilig ko. 

"Ang pogi!" kinikilig na sabi ko at tiningnan ulit ang photo. Naka-hoodie siya tapos naka-smile nang kaunti habang naka-headphones. 

Natigil ang kilig ko nang buksan ni Kye ang pinto ng kwarto ko. "Ate! Shush!" sabi niya at sinara na ulit ang pinto.

Tahimik ko na lang tinuloy ang kilig ko. Bumalik na ako roon sa desk dahil muntik ko nang makalimutang nag-aaral ako.

Estella: pogi mo!!!!!! <3

Yori: Study time. 

Estella: ok fine >__< ttyl

Yori: What's ttyl

Estella: nu b ean endi alam. edi talk to you later

Yori: ily

Nanlaki ang mga mata ko. 

Estella: HUH!!!?!?!?

Yori: I'll launch YouTube. Bye

Natawa ako nang malakas. Pinaghahampas ko pa ang desk ko habang tumatawa, kaso natigil na naman ang kasiyahan ko nang buksan na naman ni Kye ang pinto ng kwarto ko.

"Ate," inis na sabi na niya. "You're too loud. I'll tell Mom." 

"Ito na nga! Quiet na nga! KJ talaga nito," bulong ko. 

Nag-type na lang ako ng ire-reply ko kay Yori bago bumalik sa pag-aaral. 

Estella: nmiaskkpimat

Yori: What's that?

Estella: nang ma-inlove ako sa 'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ulit ang tawa ko. Galing 'yon sa lumang song na pinapakinggan ni Mommy. Ni-like niya lang iyong message at hindi ako ni-replyan! Nag-type ulit ako para makuha ang atensyon niya.

Estella: pst sino love mo

Yori: Study, Nat.

Estella: ok fine mag-aaral na nga ako bye bye

Ibababa ko na sana ang phone ko kaso nag-chat ulit siya. Napakunot ang noo ko nang basahin ang sinabi niya dahil hindi ko na-gets. 

Yori: That was an answer.

 _______________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top