08
"We're... dating?"
Parang hindi pa makapaniwala si Yori sa narinig niya. Noong nakaalis si Rus ay humarap kaagad siya sa akin para tanungin 'yon, tila gulat na gulat!
"So ano pala ang tawag mo sa ginagawa natin?!" nagtatampong sagot ko kaagad. Kung makatanong siya, parang naging assuming ako! "Pinaglalaruan mo lang siguro ako!"
Pinagkrus ko ang braso ko at humarap sa kabilang gawi. So, ano pala?! Ayaw ko ngang mag-settle sa hindi naman sure! Mahalaga ang oras ko 'no! Ayaw ko ng may pinoproblema. Gusto ko 'yong hindi ko na iisipin randomly habang nag-aaral kung committed ba siya sa akin o may iba siyang nilalandi! Hassle lang 'yon!
"Hey, Nat..." Kinalabit niya ako pero hindi ako lumingon sa kanya.
Umirap na lang ako at niligpit ang baunan ko! Ang kapal niya! Hindi man lang niya sinagot kung pinaglalaruan niya ako o hindi!
"Saan ka pupunta?" Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako. Hinatak ko naman 'yon paalis at sinamaan siya ng tingin. "Hey, let me explain first, okay?"
Hmm... Matagal akong nag-isip bago ako umupo ulit, hindi pa rin tumitingin sa kanya. Magpaliwanag muna siya!
"I just wanted to ask you properly. Hindi ba ganoon 'yon?" kalmadong sabi niya.
"Paanong ask properly?" Humarap na ako sa kanya ngayon.
"If you can be..."
"Can be?"
"You know," nahihiyang sabi niya.
"I don't know!" inis na sabi ko na. Ang tagal naman! Hindi ko makuha!
"My girlfriend?"
Pagkasabi niya noon ay napatayo kaagad siya at tumalikod sa akin habang nakapamaywang. Nakita ko pang kinagat niya ang kamao niya at halatang hiyang-hiya sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at humarap din sa kabilang direksyon. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang pisngi ko!
"A-ang bilis naman!" nahihiyang sabi ko. "Girlfriend agad!"
"Exactly! I told you." Humarap siya sa akin.
"Magkaiba naman 'yon sa dating, ha!" pagde-defend ko sa sarili ko. Akala ba niya ay... magkapareho 'yon?! "May... May talking stage pa kaya! Parang ganoon 'yong dating..."
"I'm new to this. Ano 'yon?" naguguluhang tanong niya.
"Getting to know each other, ganoon... bago pumasok sa real relationship," pagpapaliwanag ko. Iyon ang mga napapanood ko, eh!
"Wait, I get it..." Napaisip siya. "Okay... We're dating but we're not... lovers?"
Lovers?!
Napatakip ako sa mukha ko para hindi niya makita ang reaksyon ko! Anong term 'yon?! Nakakahiya! Wala pa namang aylabyu-han! Crush lang ang napag-usapan, huh!
"Basta, ganoon!"
"Yes, so... I'll wait for the right time to ask, right?"
"Oo! Basta!" Ayaw ko nang ipaliwanag masyado!
Naramdaman kong hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Nang tanggalin niya ang pagkakatakip ko sa mukha ko ay nakita kong nakaluhod ang isang tuhod niya sa harapan ko para makita niya ako nang maayos.
"Sabi mo... Kapag nanalo tayo, maging tayo na rin, 'di ba?"
Hala, nagbibiro lang ako noon!
"Paano kapag hindi tayo nanalo?" tanong niya naman.
"Huwag mong isipin 'yan dahil wala sa vocabulary ko ang matalo. I can't even think about losing," determinadong sabi ko. Sumeryoso kaagad ang mukha ko.
Pagdating sa competition, wala sa iniisip kong outcome ang pagkatalo. Hindi win or lose. It was win or nothing. Win or win. Iyon lang dapat ang choices.
Siya lang naman ang tumalo sa akin, kaya nga inis na inis ako sa kanya! Ngayon... Ngayon, hindi na. Partners na kami, kaya mananalo ako. Mananalo kami. Hindi pwedeng hindi. Wala na dapat ibang taong tatalo sa akin. Okay na iyong isa... Kapag nalaman kong may iba pang mas magaling sa akin... Paano na ako?
Kapag natalo ako... Nakakahiya kina Mommy at Daddy.
"It's almost time. Let's go." Tumayo si Yori at hinatak din ako.
Pagkabalik ko sa room, kakaiba ang ngiti ni Ollie at Caitlyn sa akin! Nakakunot ang noo ko, hindi ma-gets kung bakit sila ngumingisi-ngisi... hanggang sa mag-Airdrop sila ng photos sa akin. Halos bumagsak ang panga ko nang makita ang napakaraming stolen shots namin ni Yori sa field habang kumakain kami!
"Hoy! Alam n'yo bang masama 'yan?!" Sinamaan ko sila ng tingin.
"Ang masama, iyong iniiwan ang kaibigan para sa jowa!" pang-aasar naman ni Ollie.
"YorElla is real!" Isa pa 'tong si Caitlyn. "Shet, kinikilig ako! Bagay talaga kayo!"
Kung makapagsalita sila ay parang hindi naririnig ni Yori lahat ng sinasabi nila! Hindi ko na nga lang pinansin 'yong dalawa!
Noong uwian ay hindi ako nasamahan ni Yori maghintay sa waiting shed dahil nagte-training sila para sa e-sports competition nila next week 'ata 'yon.
Kinabukasan, nagkaroon ako ng bagong problema.
Birthday na ni Daddy. Wala pa akong regalo! Kailangan kong bumili ng regalo kaya pupunta ako sa mall mamaya. Hmm... May training pa rin si Yori, panigurado. Magpapasama na lang ako kina Seven. Wait... Baka may training din sila?
Estella: bday ni daddy bokaz samahan niu k bumili ng gift
Seven: Training
Lyonelle: Training
Estella: la ko paki
Seven: Let's go after.
Lyonelle: Alrighty
Hah! Napangisi ako at tinago na ang phone ko. Noong nag-dismiss na ang last subject namin ay inayos ko na kaagad ang gamit ko. Pupuntahan ko na lang sina Lyonelle sa pinagte-training-an nila. Actually, ayaw kong mabasa kaya kay Seven na lang ako pupunta.
"May training ka?" tanong ko kay Yori habang naglalakad kami sa hallway.
"Yes. Ikaw? Uuwi ka na?"
"Hindi pa. Hihintayin ko pa si Lai tsaka si Seven. Nagpasama ako sa kanila bumili ng gift para kay Daddy. Birthday na niya bukas, eh!" pagkekwento ko.
Natahimik siya bigla kaya nilingon ko siya at sinilip ang mukha niya.
"Oh, bakit? Ano'ng iniisip mo?"
"Why... didn't you ask me instead?" Nagtama ang mga mata namin.
Umiwas kaagad ako ng tingin. "Eh, nakakahiya! Baka busy ka. Competition mo na next week, eh... Istorbo pa ako niyan."
Nilabas niya ang phone niya at may tinype doon saglit habang naglalakad kami. Napanguso na lang ako at napahawak sa dalawang strap ng backpack ko habang naglalakad.
"Let's go." Tinago niya ang phone niya.
"Huh?" Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Samahan kita."
"Eh?! 'Di ba may training ka?!"
"I don't need training."
Hah! Grabe, ang yabang mo na, Yori!
"Sure ka?!" I felt bad! "Nagpaalam ka ba? Pinayagan ka ba? Patingin muna ng message para maniwala ako!"
Ayaw ko noong may masa-sacrifice para lang sa akin. I didn't want him to go down that path... because I wouldn't. Hindi ako ganoong klase ng tao. I knew my priorities.
Pinakita niya sa akin ang message.
"Sige, Yori. Bukas na lang ang training," pagbabasa ko sa message noong manager ng club nila. "Ayos ka, ah! Ang bilis mong payagan mag-skip!" Tinapik ko ang dibdib niya.
"I told you. I'm their best player." Ngumisi siya at sinalo ang kamay kong tumapik sa dibdib niya. "Let's go."
Nagpahatid ako sa driver papunta sa pinakamalapit na mall. Minessage ko na rin sina Seven na hindi na kami tuloy. Hindi ko na sinabi kung bakit dahil kung ano-ano na naman ang sasabihin nila!
"My dad's a lawyer," pagkekwento ko sa kanya habang naghahanap kami ng regalo. Na-realize kong wala kami masyadong alam sa background ng isa't isa. "He owns a law firm. Pwede mo nang hulaan ang personality niya sa information na 'yon." Tumawa ako nang malakas.
"Then... How about a necktie?" suggest niya.
"Oo nga 'no! Tara, hanap tayo!" Hinatak ko siya para maghanap ng mga necktie. Doon lang sa mga hindi masyadong mahal dahil savings ko ang gagamitin ko para bumili!
Hindi ko alam kung anong design ang mayroon na si Daddy. Parang lahat ay nakita ko nang suot niya kaya pinag-isip ko si Yori ng panibagong suggestion.
"Wait, alam ko na!" Malakas akong natawa at hinampas pa siya nang maisip ko ang best gift. "Tara, maghanap na lang tayo ng maliit na gift box."
Nag-ikot-ikot kami sa mall hanggang sa makahanap na kami ng mga materials na gagamitin ko pangbalot ng regalo ko. Pagkatapos naming mag-ikot ay inaya niya akong kumain muna. Mabuti na lang at nagkasundo kami kahit papaano sa pizza.
"So... Kwento ka naman tungkol sa family mo, kung okay lang," sabi ko habang naghihintay kami ng order.
"My dad already died when I was twelve. My mom's in Japan, working. I haven't been to Japan ever since we moved here. My sister has always been the one taking care of me here ever since my dad died." Para siyang robot. Sunod-sunod siyang nagkwento! Wala man lang akong chance na mag-react sa bawat sentence! Ang dami ko pa namang gustong sabihin! Dapat ay mag-film na lang ako ng reaction video para ma-pause ko naman siya at masabi ang mga opinyon ko.
"Wait... First of all, I'm sorry to hear about your loss."
"Matagal na 'yon."
"Second, so anong job ng mom mo sa Japan? Wait, is it rude to ask?" Hindi ko alam kung rude 'yon o hindi!
"Okay lang. She's a nurse." He gave me a smile to assure me that it was okay. "How about you? Tell me something about your family."
"Hmm, nabanggit ko na si Daddy. Si Mommy, architect. Family of architects mostly 'yong mom side ko, tapos 'yong dad side ko is family of doctors. Si Daddy 'yong umiba ng landas. May kapatid din ako, mas bata sa akin. Si Kye. He also likes comics! Parang ikaw! Sobrang talented noon sa arts!" Masaya ako habang nagkekwento tungkol sa pamilya ko.
"Ikaw? What do you like?" Nangalumbaba siya habang nakatitig sa akin, interesado sa mga kwento ko.
"Studying!"
Natawa siya saglit at napailing. Parang hindi iyon ang inaasahan niyang isasagot ko, pero iyon talaga ang gusto ko! Iyon ang favorite kong gawin! Siguro hindi studying... I liked learning. Gusto ko kapag may natututunan akong bago. The world always offered new information. Hindi ako nauubusan ng pwedeng matutunan. How fascinating.
"Ano pa?" tanong niya.
"I also play the violin. I dance... Uhm, mahilig ako sa milk tea at cheesecake. Iyon lang. Ikaw ba?"
"I like fruit shakes. My hobbies include playing games, studying, watching, and reading," maikling sagot niya.
"Ano ang mga pinapanood mo?"
"Kung ano-ano." Kumunot ang noo ko. Ano ang kung ano-ano na 'yon? "Like... anime, movies based on comics, streams..."
Dumating na ang pagkain kaya natigil kami sa pag-uusap, pero tinuloy rin namin habang kumakain. Ang dami kong natutunan sa kanya, huh, kahit hindi siya pala-kwento. Sabi niya wala naman daw interesting sa buhay niya pero interesadong-interesado ako kahit sa mga maliliit na details lang tungkol sa kanya.
Hinatid ulit namin siya sa bahay nila bago ako nakauwi. Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kwarto at kinuha ang camera ko bago ko tinawag si Kye. Sabi ko sa kanya ay kuhanan niya ako ng pictures. Ayaw pa niyang lumabas ng kwarto niya pero napilit ko siya.
Nilagyan ko ng designs 'yong dalawang polaroid pictures at binalot bilang regalo kay Daddy. Lucky charm 'yon!
Gusto ko mang mag-stay up until midnight para salubungin ang birthday ni Daddy, may pasok ako kaya kailangan kong matulog kaagad.
Kinabukasan, ang una kong ginawa ay bumaba sa dining dahil alam kong maagang umaalis si Daddy. Mabuti na lang at naabutan ko siya. Sumakay kaagad ako sa likod niya kaya nagulat siya.
"Happy birthday, Daddy!" masayang sabi ko bago bumaba at inabot sa kanya ang box.
"Thank you, my love." Hinalikan niya ako sa noo bago kinuha ang box. "What's this?"
"Open mo later kapag nasa office ka na! Lucky charm 'yan! Lagay mo sa wallet mo!" Ngumisi ako.
"You're making me nervous," seryosong sabi niya.
"Bye, Daddy!" Humalik na lang ako sa pisngi niya at umakyat na para maligo.
Pinaalala sa akin ni Mommy na may birthday party si Daddy mamaya sa bahay kaya umuwi raw ako kaagad. Good mood ako noong pumasok!
"I don't think that's a good representation of friendship. For me, if you are already sacrificing something valuable to you, then that just seems like a burden. I think Charlotte feels burdened because of what Odelia did," pagre-recite ko sa Creative Writing. May pinabasa kasi sa aming story.
"What do you think, Yori? Do you agree with Estella?"
Mukhang nagulat pa si Yori nang tawagin siya. Tumayo siya at sinara ang notebook kung saan siya nagsusulat ng notes.
"No, I don't agree."
Napaawang ang labi ko. Ganoon, huh?! Okay, sige! Tingnan natin kung ano ang isasagot mo!
"I think all relationships with people would somehow require you to sacrifice or offer something, such as your time, effort, affection, and other things. Charlotte did not feel burdened but overwhelmed. It was her first time receiving something like that, so she didn't know how to react. She grew up receiving less love and affection compared to Odelia."
"Odelia gave the necklace that was always so important to her. If we pay attention to the story, that necklace symbolizes something, and it is her self-worth and self-love. She thinks she's beautiful when she wears it. She thinks she loves herself more and she's worth more. How could she give that up for Charlotte... who is not even a good friend to her?"
"Saying that Charlotte is not a good friend just because she is not expressive is unfair," Yori argued.
"It's not because she is not expressive. Let's put it this way. Odelia would cross mountains for Charlotte, but Charlotte won't even put her foot in the mud for Odelia. That's how their friendship works."
"Interesting points." Pinigilan na kami ng teacher namin.
Sinamaan ko ng tingin si Yori bago umupo. Napailing din siya at bumalik sa pagno-notes. Hindi pa kami tapos, Ma'am! Bakit mo kami pinigilan?! Marami pa akong gustong sabihin at ipaliwanag!
During lunch break ay binalik ni Ma'am ang papers namin sa MIL quiz at ako ang nag-distribute. Napakunot ang noo ko nang makita ang dalawa kong mali sa True or False. Mas nagsalubong ang kilay ko nang makitang perfect si Yori.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"May tatanong lang ako kay Ma'am," sabi ko sa kanya.
Pumunta ako sa faculty room para itanong kung bakit mali ako sa numbers na 'yon. Sinubukan kong i-justify dahil magkaiba ang sinabi niya sa lecture at iyong nasa libro kaya ginawa na lang niyang bonus. Iyong isa, mali raw talaga. Ugh!
In-announce ko sa klase na bonus 'yong number nine kaya nagsi-celebrate naman sila. Ibabalik na lang daw namin 'yong papel sa Monday.
Wala akong gana kumain kaya nanatili na lang ako sa room at nag-aral. Mayamaya, pumasok si Yori na may dalang snack. Kinuha niya ang upuan sa harapan ko at binaliktad para maging magkaharap kami. Kami lang dalawa ang naiwan sa room.
"Ano'ng problema?" tanong niya kaagad pagkaupo.
Napabuntong-hininga ako at tinigil ang pagbabasa ko.
"First, marami pa akong gustong sabihin kanina," sabi ko sa kanya. "Pero hindi ako nabigyan ng time."
"Nat... it was opinion-based. No right or wrong answers. We earned recitation points and that's it. It was not a debate competition," kalmadong pagpapaliwanag niya sa akin.
Still... I wanted to win that small argument.
Pero hindi ko na 'yon sinabi.
Ngumuso ako. "Second, may mali ako sa quiz. Nine over ten!" Napasabunot ako sa buhok ko. "That's like... Ninety. Muntik na maging eighty nine."
"Pero hindi eighty nine," sabi naman niya. "Line of nine pa rin 'yon, Nat. Mababawi mo pa 'yon sa susunod na quiz, and she gives bonus questions sa long exams. Mahirap talaga 'yong True or False sa quizzes niya."
"Hindi mahirap 'yon kasi naka-perfect ka."
Napakunot ang noo niya. "I'm not your rival, Nat."
"Yori... You are," seryosong sabi ko.
"I am not going to show my scores to you anymore because you're acting like this." Bumuntong-hininga siya.
Natahimik ako at ganoon din siya. Noong dumating ang iba naming kaklase ay tumayo siya at binalik ang upuan. Dumeretso siya kay Jap at lumabas silang dalawa. Iniwan niya lang ang snack na binili niya sa arm chair ko. Napatakip ako sa mukha ko, feeling guilty.
Hindi ako kinausap ni Yori hanggang sa matapos ang klase. Kinuha niya lang ang bag niya at sabay sila ni Jap lumabas ng room. Napasabunot ako sa sarili at kinuha ang gamit ko. Sabay kami nina Ollie lumabas.
Pagkarating ko sa waiting shed, nakita kong naroon din si Yori, nakatayo. Alam ko may training siya, ha.
Umupo lang ako at nanahimik. Kami lang dalawa ang naroon kaya ang awkward. Ito na ba ang unang pag-aaway namin?!
"Are you not going to apologize to me?"
Napaawang ang labi ko at lumingon sa kanya nang magsalita siya. Seryoso ang mukha niya kaya napalunok ako.
"Uhm..." Pinaglaruan ko ang daliri ko.
"Apologize to me." Nagtatampo ang tono niya.
I cleared my throat before talking. "Sorry na," mahinang sabi ko.
"Ano?" Lumapit pa siya dahil hindi niya narinig.
"I'm sorry!" malakas na sabi ko kaya napaatras siya at tinakpan ang tainga niya. Ngumuso ako at umiwas ng tingin. "I'm sorry for acting like that. I'll work on it, okay?!"
"Bakit parang galit ka pa?"
"Hindi ako galit!" Nilingon ko siya.
"Bakit ka sumisigaw?"
"Hindi ako-" Natigilan ako nang tumaas ang boses ko. "Hindi ako sumisigaw. Sorry," malumanay na sabi ko na ngayon.
Narinig ko ang buntong-hininga niya. "I'm sorry," sabi niya. Nagulat ako.
"Bakit ka nagso-sorry?"
"I should have been more understanding. I walked out and ignored you instead of talking about it."
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Nag-thumbs up ako at tinapat sa kanya.
"Mag-thumbs up ka rin," sabi ko at ginawa naman niya. I touched his thumb with my thumb. "There. Ibig sabihin niyan, bati na tayo!"
Nawala ang ngiti sa labi ko nang hawakan niya ang kamay ko. He intertwined my hand with his and stared at me.
"H-hoy! Nasa school tayo!" Binawi ko kaagad ang kamay ko! Nag-init bigla ang pisngi ko!
"I'll go back to my training now." He gave me a small smile before ruffling my hair. "Take care."
"Sige na, bye!" paalam ko nang hindi tumitingin sa kanya dahil nahihiya ako!
Pagkarating ni Kuya Adrian ay tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng sasakyan. Finally, nakahinga na ako nang maluwag!
Pagkauwi ko ay umakyat kaagad ako para mag-shower at mag-ayos para sa birthday party ni Daddy. Simpleng salo-salo lang naman kaya nag-long gown ako.
Joke, nagsuot ako ng summer dress at inipit din ang buhok ko into a ponytail. Tinalian ko ng ribbon na white para bagay sa suot ko. Hindi na ako masyadong nagpaganda dahil maganda na ako at mga mukhang palagi kong nakikita lang din ang mga bisita mamaya.
Sana may palaro si Daddy sa birthday niya para naman makahakot ulit ako ng premyo. Hindi naman kasi sumasali sa mga ganoon sina Seven kaya wala akong kalaban kung hindi iyong mga mas bata sa akin! Bawas na rin sa kalaban si Kye.
"Nat, may mga bwisita na sa baba," paalam sa akin ni Mommy pagkabukas ng pinto sa kwarto ko.
"Okay, pababa na, Mommy!" Nag-spray ako ng pabango para naman mapuri akong mabango.
Siyempre, nag-selfie na rin ako para ma-post sa Instagram story ko at makita ni Yori. Duh! Sana 'pag-open ko ulit ng account ko ay makita kong ni-like niya na 'yong story ko. Kung hindi... eh di wag!
Nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang ingay ng mga matatanda sa baba. Parang gasgas na ang noo ko sa kakamano ko sa mga kaibigan ni Mommy at Daddy. Napakarami nila. Iyong iba ay ayaw pang magpamano dahil daw nakakatanda. Ang feeling!
Sina Kiel, Kye, at Leone ay nasa sofa, nanonood ng YouTube at nagkekwentuhan na parang may sarili silang mundo. Naroon na rin si Seven at Lyonelle.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko kay Seven nang makitang nago-organize siya ng mga plato, kutsara, at tinidor. Napakalinis talaga nito! Ayaw nito sa kalat, eh. "Ako na diyan! Bahay namin 'to, oh!" Binunggo ko siya gamit ang hips ko para tumabi siya. Ako na ang gumawa noon dahil nakakahiya naman. Bisita namin sila, eh!
Si Lyonelle naman ay nangunguha ng pictures nina Daddy dahil siya ang nautusan. Si Ate Avi ay kasama sa pictures ng matatanda.
"Nat, halika, sumama ka rito!" sabi ni Tita Kierra.
"Kayo na lang, Tita!" tanggi ko naman.
"Sige na, Nat. Sumama ka na." Wala na akong nagawa dahil marahang hinatak na ni Tita Via ang braso ko para mapasama ako sa picture.
Pagkatapos ng mandatory picture-taking ay sa wakas, kakain na! Ito talaga ang inaabangan ko! Ang sarap ng pagkain, grabe! Dalawang plato kaagad ako sa unang kuha ko para hindi na ako tatayo ulit para kumuha. Hindi naman mauubos 'yon dahil marami naman 'yon.
"Kumusta naman ang school, Nat?" tanong ni Ate Avi habang kumakain kami sa iisang table. Ate siya ni Lyonelle at Leone.
"Nat already has a boyfriend," nakangising sabi ni Lai.
"Lai breaks hearts," ganti ko naman.
"What?!" reklamo kaagad ni Lai. "She's lying."
"She's not lying," singit ni Seven.
"What the f-"
"Language." Pinagalitan kaagad siya ni Ate Avi. Bumelat ako kay Lai at ngumisi para mas lalo siyang asarin.
Noong binalik ko ang plato ko sa lababo ay nakasalubong ko si Celestia na nagbalik din ng plato. Napangisi kaagad ako. Parang alam ni Celestia ang mangyayari kaya nagmamadali siyang tumalikod at umaktong hindi ako nakita pero hinabol ko siya at inikot ang braso ko sa baywang niya bago siya binuhat.
"Huli ka!" natatawang sabi ko. Natawa rin siya at sinubukang kumawala sa akin. Ang bigat niya na. Hindi na talaga siya baby!
"Ate!" reklamo niya sa akin.
"Hug mo muna ako!"
Tumatangkad na siya lalo. Kapag siguro nasa age ko na siya, mas matangkad na siya sa akin. Tahimik lang siya at madalas nakadikit lang sa Mommy niya or sa Daddy niya. Kapag naman wala siya roon sa magulang niya, kasama siya nina Leone na naglalaro ng kung ano-anong games.
"One, two, three, go! Happy birthday to you!" Napakalakas ng boses ng Daddy ni Seven at ang haba pa ng bawat word sa kanta niya.
Hawak-hawak na ni Kye ang cake at nakasindi na ang kandila. Sinimulan nang kantahan si Daddy.
"Happy happy happy birthday! Sa 'yo ang inumin! Sa 'yo ang pulutan! Happy happy happy birthday!"
Pagkatapos ng kanta ay hinipan na ni Daddy ang kandila at isa-isa na siyang inabutan ng regalo. Nauna na akong nagbigay kanina! Nanatili lang ako para tingnan kung ano ang regalo ni Kye. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang nadaig niya ako sa regalo niya! It was a portrait of Daddy that he painted!
"Huy, i-paint mo rin ako sa birthday ko," pagbibiro ko kay Kye.
"No," mabilis na sagot niya. Sumimangot ako at pabiro siyang kinurot sa baywang pero nakaiwas naman siya.
Noong tapos nang kumain ang lahat ay umakyat na kami nina Seven sa kwarto ko para roon tumambay at magkwentuhan bago pa magwala ang mga matatanda sa baba. Nagwa-wine na sila. Mamaya, kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig ni Mommy.
"May announcement ako!" proud na sabi ko habang nakatayo sa kama ko. Nagpamaywang ako at mayabang na ngumisi sa kanilang dalawa. "I'm already dating someone!"
"Wow, ha-ha. Surprise, surprise," sarkastikong sabi ni Lyonelle.
"That was so hard to guess," sabi rin ni Seven.
"Mga inggitero lang kayo!" pang-aaway ko sa dalawa. "Wala kasi kayong crush at walang nagkaka-crush!"
"Me? Hah... Have you been to Europe?" tanong ni Lai.
"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You can see the end of the line there. Ganoon kahaba 'yong pila," pagyayabang niya.
"Don't you feel disgusted with yourself sometimes?" tanong naman ni Seven.
"Whatever, losers! Basta kami ni Yori, happy!" Umirap ako at binagsak ang sarili sa kama.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Instagram para tingnan kung na-view na niya ang story ko. Nagulat 'yong dalawa nang mapatili ako dahil nakita kong nag-reply si Yori sa story ko!
y_tsune replied to your story: pretty
"Oh, sorry, umuwi na kayo! Wala kayong ganyan!" I flipped my hair.
"Malala ka na, Nat," sabi ni Lai at napailing na lang.
I was kicking my feet in the air while typing my reply when all of a sudden, my phone rang. Nanlaki kaagad ang mga mata ko at napaayos ng upo sa kama.
"Shh! Shh! Tumatawag siya!" sabi ko sa dalawa.
Kinakabahan kong sinagot 'yong tawag. Nakatitig lang 'yong dalawa na parang inaabangan din nila kung ano ang sasabihin.
"Hello?" sagot ko.
"Hello?" Lyonelle mocked in a high-pitched voice. "The hell was that?"
Tumawa si Seven. "She became a different person."
Nilayo ko muna ang phone at sinamaan sila ng tingin. "Shh! Ano ba!" Binalik ko na ulit sa tainga ko para marinig si Yori.
"Hi, are you busy?" tanong ni Yori.
"Hmm, hindi naman," nahihiyang sabi ko.
"Hmm, hindi naman," Seven mocked my voice this time. Sinipa ko ang upuan niya at pinanlakihan siya ng mata. Napatakip silang dalawa ni Lai sa bibig para pigilan ang tawa.
"I just wanted to ask you something... Are you free this Sunday?"
"Sunday? Free ako, bakit?" excited na sabi ko.
"Do you want to... uhm... watch a movie with me?" Ramdam ko ang hiya sa boses niya.
"Sure, sure! Kahit ano pa 'yan! Just text me the details!" Sinubukan kong kontrolin ang boses ko para hindi halatang masyado akong kinilig at na-excite.
He asked me out on a date! Omg!
"Okay, have fun there... I'll text you."
Pagkababa ko ng tawag ay malakas na tumawa si Lai at Seven. Kanina pa nila pinipigilan iyong tawang 'yon. Kinuha ko ang unan ko at pinaghahampas 'yong dalawa.
"Aray, Nat!" reklamo nila. Hinampas ko ulit sila kahit nasa sahig na sila. Hindi pa rin tumitigil sa kakatawa 'yong dalawa!
"Kapag kayong dalawa, nagka-love life, tingnan natin! Tatawanan ko rin kayo nang malakas!" Hingal na hingal tuloy ako nang binaba ang unan.
"That won't happen. My life revolves around volleyball," sabi ni Seven.
"I'm too busy winning medals, sorry," nakangising sabi ni Lai.
"Sorry, I can do both." Umirap ako at dumapa ulit sa kama.
Tinawag namin 'yong ibang mga bata para manood ng movie sa may cinema room. Nanood na lang kami habang naghihintay mag-aya ang mga magulang nilang umuwi. Si Ate Avi ay parte na ng adults kaya hindi na siya sumama sa amin.
Noong medyo late na ay nagsi-uwian na rin sila. Gasgas na ngayon ang pisngi ko sa kaka-beso bilang paalam. Sayang, walang mga palaro!
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maabutan si Mommy sa baba. Minsan kasi ay kahit Saturday, umaalis pa rin siya dahil may inaasikaso.
"Mommy, may pupuntahan ako tomorrow," paalam ko habang kumakain ng cereal. Kunwari casual lang pero kinakabahan talaga ako!
"Saan ka pupunta? Bakit?" magkasunod na tanong niya habang may kagat na toasted bread. Hinihintay niya mag-boil ang tubig niya para sa tea niya. Healthy living na raw siya ngayon.
"Manonood po ng sine."
Alam ko na ang susunod na tanong! Hinanda ko na ang sarili ko!
"Sino ang kasama mo?" Lumingon siya sa akin.
Hindi ako nakasagot kaagad kaya lumawak ang ngiti sa labi niya.
"'Yong crush mo?" pang-aasar niya kaagad.
"Mommy!" Hindi ko man lang ma-deny dahil totoo naman! Ayaw ko namang magsinungaling kay Mommy sa kung sino ang kasama ko at kung saan ako pupunta.
"Sa akin, okay lang. Tanong mo ang Daddy mo." Ayan na nga ba ang sinasabi ko! "Oh, ayan na pala siya. Babe, may itatanong si Nat."
"Mommy," bulong ko para pigilan siya.
"What is it?" I heard Dad's serious voice. He was in formal corporate attire. Mas nakaka-intimidate ang datingan! Ang hirap magtanong!
"Uhm... Can I watch a movie tomorrow?!" mabilis na tanong ko.
"With?"
Ayan na nga!
"With my classmate. His name is Yori!" Wala nang takas! Kailangan kong sabihin!
"Just the two of you?" Hindi nagbabago ang expression ni Daddy kaya hindi ko mabasa kung papunta ba 'yon sa "yes" or papunta sa "no."
"Yes, Dad!"
"Have I met this classmate before?" Ngayon lang nagtama ang tingin namin. Nakataas ang isang kilay niya, kinikilatis ang mga galaw ko!
"Hmm, hindi pa, Daddy." Ngumiti ako sa kanya para naman lumaki ang chance na pumunta sa "yes" ang sagot!
Hindi siya sumagot kaya napakagat ako sa ibabang labi ko, kinakabahan lalo! Tumingin ako kay Mommy para manghingi ng tulong pero she just made a face and shrugged. Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin. Napatakip siya sa bibig niya para pigilan ang tawa niya.
"Daddy?" Finollow-up ko na ang question ko dahil ang tagal niyang sumagot. Parang sa email lang 'yan, o kaya sa chat na pwedeng i-bump ang message.
"Okay," sagot niya naman.
"W-weh?!" Napatayo kaagad ako sa tuwa. "Sure?! Sinabi mo na 'yan, Daddy! Wala nang bawian!" Mamaya, biglang bawiin, eh!
"But..."
Nawala ang ngiti sa labi ko.
Akala ko ay iyon na. Nasa tuktok na ako ng kaligayahan ko tapos bigla akong bumagsak ulit sa pinakababa! Masyado akong pinaasa!
"May 'but' pa? Birthday mo naman, Daddy, eh." Ngumuso ako. "Ang damot, huh..."
"But I have to meet this classmate of yours. Tell him to stop by." Lumapit siya at humalik sa pisngi ko bago sa pisngi ni Mommy. "Bye, I have to go."
Hindi man lang niya ako binigyan ng chance magreklamo! Grabe!
"Mommy, paano na 'to?!" Kay Mommy na lang ako nagreklamo. Napasabunot ako sa buhok ko, stressed na! "Mamaya, i-uncrush na ako noon dahil kay Daddy!"
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top