07


"The feeling of the fading warmth is a sign that our summer daydream has ended. We now welcome you to another school year in Heinrich! Have a happy Monday!" 

In-off ko na ang microphone at nag-inat habang nakaupo sa swiveling chair sa loob ng broadcasting room. Tumingin ako sa orasan at nakitang thirty minutes na lang bago magsimula ang first subject ko kaya tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. 

Nagpaalam na ako sa ibang members ng broadcasting club bago lumabas ng room at naglakad sa hallway. Nagse-cellphone ako habang naglalakad dahil iniisip ko kung ime-message ko ba si Yori para tanungin kung nariyan na siya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti. Bakit ba ako nae-excite na para bang first time ko siyang makikita?! 

"Focus, Estella," bulong ko sa sarili ko. 

Palagi ko na yatang inuulit sa sarili ko ang phrase na 'yon dahil ayaw kong mawala sa sarili at makalimutang kalaban ko pa rin siya sa academics! Hindi dapat ako nawawalan ng focus! Kailangan kong maging valedictorian. Ang goal ko ay makapagbigay ng valedictorian speech sa graduation. Grade 12 na kami, oh. Ga-graduate na kami, kaya dapat pagbutihin ko na. 

Hindi ko na lang tuloy siya minessage. Mga dalawang linggo kaming hindi nagkita dahil noong natapos ang summer training ay may two weeks na binigay sa amin bago magsimula ang klase. Muntik na naman akong mamatay sa boredom doon sa bahay dahil wala akong magawa. Mabuti na lang at nag-aya si Mommy mag-out of town kaya nakapag-travel naman ako. 

Huminga ako nang malalim nang makarating sa tapat ng room. Kinausap ko muna ang sarili ko sa isipan ko at sinabing hindi na muna ako magpapaapekto kay Yori, lalo na sa presensya niya! I mean, oo, gusto namin ang isa't isa pero wala naman kaming relasyon! Noong summer lang 'yon! Baka nga hindi na niya ako gusto ngayon... kahit ako gusto ko pa rin siya!

Estella, ano ba! Focus lang, okay?! Hindi tayo magpapaapekto kay Yori! 

"Are you not going inside?" 

Parang nahugot ko ang hininga ko nang lumingon ako at nakitang napakalapit ni Yori sa akin! Na-trap pa ako dahil hawak ng isang kamay niya ang door knob na nasa gilid ng katawan ko. 

Did he... did he just get a new haircut?! Nagbago ang hitsura niya! Bakit ang pogi niya lalo?! 

Nagbago rin ba siya ng pabango?! 

"U-uhm..." Hindi ako makapagsalita! 

Tumaas ang isang kilay niya at binuksan ang pintuan. Nilahad niya ang kamay niya, gesturing for me to walk inside first. Tinalikuran ko na siya kaagad at naghanap ng mauupuan. 

Gusto ko pa naman sa harapan kaso may mga nakaupo na kaya roon na lang ako sa gilid ng second row, sa tabi ng bintana. Nilapag ko ang gamit ko roon. Hindi ko napansing nakasunod pala sa likod ko si Yori at nilapag din ang gamit niya sa upuan sa tabi ko! Napakunot ang noo ko at tiningnan siya.

He gave me a small smile before sitting down. 

"Yieee! YorElla! Kayo na 'no?!" 

Bakit nga ba nakalimutan ko ang mga epal kong classmate? 

At kailan pa kami nagkaroon ng loveteam?! 

"Sabay pumasok tapos magkatabi pa! Anong nangyari noong summer?! Ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal sa classroom!" 

"Manahimik ka nga, Ollie!" Sinamaan ko siya ng tingin. Malakas siyang tumawa at umaktong zinipper ang bibig. 

Hindi tuloy ako makagalaw sa upuan ko dahil nasa tabi ko si Yori, as if naman hindi ko siya nakakatabi noon! Tumingin na lang ako sa bintana at sumilip sa field. 

Dumating na ang teacher namin sa MIL kaya nilabas ko na rin ang iPad ko at digital pen para sa pagte-take ng notes. Lumingon ako kay Yori at wala siyang nilabas. Nakaupo lang siya roon at nakatingin sa harapan, maiging nakikinig. 

Halos puro introductions lang naman ng mga teacher at sa lesson kaya wala masyadong naganap. Mahaba ang lunch break namin dahil ang P.E namin ay every Wednesday at Friday lang kaya kanya-kanyang aya ang mga kaklase kong kumain sa labas. 

Binagalan ko ang pagliligpit ng gamit ko dahil medyo umaasa akong aayain akong kumain ni Yori.

"Tara, Estella!" Pero iba ang umaya sa akin! Nauna nang hinatak nina Ollie at Caitlyn ang braso ko paalis! 

Nagkatinginan pa kami ni Yori. Nakaawang ang labi niya, mukhang may sasabihin sana sa akin pero tinangay na ako noong dalawa paalis, tapos lumapit na rin sa kanya si Jap para mag-aya kumain! 

Ano ba 'yan! Epal naman ng mga kaibigan ko! What if aayain niya pala ako?! Sayang naman 'yon! Parang hindi pa nakaramdam ang dalawa kong kaibigan at excited pa sa kakainang chicken wings. Doon daw kami kakain sa Wings Club. Matagal na 'yong nandito, kahit noong hindi pa ako buhay, kaya naman parang part na talaga siya ng go-to restaurants ng magkakalapit na schools. Itong Heinrich, Valeria High, at Lopez High. 

"Oh, my gosh, ang pogi!" Napalingon ako sa sinasabi ni Caitlyn na pogi. Napalitan kaagad ng pandidiri ang mukha ko nang makitang si Lai ang tinitingnan nila. Kasama niya ang swimming team at mga naka-jacket pa. Halatang mga athlete. 

"Tara na nga! Wala kang pag-asa riyan, Caitlyn!" Hinatak ko na siya dahil nagugutom na ako at gumaganti ako! 

Pagpasok pa lang namin ay punuan na. Naghalo-halo ang mga estudyante sa iba't ibang schools. Mabuti na lang at nakahanap kami ng isang table dahil may kakatapos lang kumain. Sakto!

"So... Kumusta na nga kayo ni Yori?" chika kaagad ni Ollie pagkatapos namin mag-order. 

"Wala naman!" deny ko kaagad. Wala naman talaga, eh! Ayaw ko namang sabihin 'yong tungkol sa pag-amin namin sa isa't isa kasi... wala naman na akong ma-o-offer pagkatapos noon. 

"Weh?" Hindi pa naniwala si Caitlyn. "Ano nga kasi? Dali na!"

"Wala nga!" Ang kulit! "Ano magandang gawin sa birthday ko next month? Ayoko ng mga engrande na celebration! Gusto ko simple lang." Iniba ko kaagad ang topic. 

"Uy, pareho kayo ni Yori na September ang birthday!" Ito namang si Ollie, iniiba ko na nga ang topic! 

"Ano ba, Yori ka nang Yori! Ikaw siguro may crush sa kanya, 'no?!" inis na sabi ko sa kanya.

"Sis ko naman! Never na! Selosa ka naman masyado!" pang-aasar niya at sinundot pa ang baywang ko. 

Kailangan ko nang planuhin ang birthday ko dahil next month na 'yon. Ayaw kong nagpaplano ng mga bagay-bagay kapag malapit na. Sanay akong ahead ako sa deadline kaya ganoon din ako sa mga events. Kailangan maayos na ang lahat mga two weeks before the event!

"Kung gusto mo ng simple lang, eh di spend the day with your family na lang," suggest ni Caitlyn. "I'm sure they will make the day special for you!" 

"O kung gusto mo naman isama ang friends and classmates mo, field trip na lang tayo somewhere!" sabi naman ni Ollie.

Napaisip tuloy ako kung ano ang mas gusto ko. Family lang ba or isasama ko ang iba kong friends... kasi si Lai at Seven kasama na sila sa family. Sina Ollie kaya... or... si Yori...

Ano ba 'yan! Siya na naman nasa utak ko! Birthday ko 'to! Wait... Kailan din ba ang birthday niya? 

"Ang alam ko parang mas mauuna birthday mo tapos one week lang pagitan n'yo," sabi ni Caitlyn.

"Huh?! Nasabi ko ba 'yon nang malakas?!" Pareho silang tumango sa akin. 

Hindi ko na nga muna inisip ang birthday-birthday na 'yan at kumain na lang noong dumating ang order. May isang oras pa kami nang maglakad pabalik sa room kaya nagpaalam muna akong magiikot-ikot. 

Pumunta ako sa may hagdan papuntang garden ng school at naupo roon dahil madalas walang tao roon. Kumakain ako ng popsicle habang nakatulala. 

Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong paakyat ng hagdan. Nakita ko si Jap, Yori, at dalawang babae na nakikipag-usap sa kanilang dalawa. Hindi namin kaklase 'yon at hindi ko rin kilala 'yong mga 'yon. 

"Wala ka namang girlfriend, 'di ba?" Kinukulit noong isa si Yori. Napaiwas kaagad ako ng tingin at siniksik ang sarili ko sa gilid ng hagdan na para bang hindi nila ako makikita roon. 

"Nat."

Muntik na akong mabulunan sa kinakain ko nang tawagin ako ni Yori. Naglakad siya paakyat at umupo sa tabi ko sa may hagdanan. Parang nakalimutan niyang may mga kasama siya. 

"Can I have some?" mahinang tanong niya sa akin.

Parang wala ako sa sarili at binigay ko sa kanya ang popsicle na kinakain ko. Kumagat siya roon at binalik sa akin. 

"I'm leaving. Diyan ka na," paalam ni Jap at natawa pa. Sumunod naman sa kanya 'yong dalawang babaeng kasama nila kaya naiwan na lang kaming dalawa. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. 

"Ikaw?" tanong niya pabalik. 

"Nauna akong nagtanong," pakikipagtalo ko.

"Kasi nandito ka?" 

"Okay..." Hindi ako nakasagot doon, ah! "Dito lang ako tumatambay kasi wala masyadong tao dito tapos mahangin pa."

"Bakit hindi mo ako kinakausap?"

Napakunot ang noo ko at tiningnan siya nang masama. Ano na namang inaarte nitong lalaking 'to?! Kinakausap ko nga siya ngayon! Ano ang tawag niya rito?! 

"Kailan?" 

"Kanina." Parang nahihiya pa siyang sabihin 'yon dahil umiwas siya ng tingin. 

"Wala naman kasi tayong pag-uusapan, ha..." Hindi ko masabing nahihiya kasi ako! Hindi ko rin alam kung bakit! "Hindi mo nga ako minessage noong natapos ang training. Parang wala na lang sa 'yo." 

"What?" Nagulat siya. "I thought you didn't want me to message. You were on vacation." 

"Kahit na!" pagmamaktol ko. "At least man lang alam kong iniisip mo 'ko." 

"Okay... I'll call you later." 

Umiwas ako ng tingin. "Okay..." mahinang sabi ko. 

Natahimik na naman kami. Nakatingin siya sa ibang direksyon at ganoon din ako. Para kaming tanga! 

Inubos ko na lang ang popsicle ko at tumayo na. Tumayo rin siya at sumunod sa akin sa paglalakad. Tinapon ko ang stick sa nadaanan kong basurahan at huminto saglit kaya huminto rin siya. 

"Paano mo nalamang nasa vacation ako?" tanong ko sa kanya.

"Your IG stories," sagot niya.

Nagsimula na ulit akong maglakad kaya sumunod siya sa akin. Sabay na kaming naglakad pabalik ng room.

"Akala ko ba hindi mo ginagamit IG mo?" 

"I just use it to check what you're up to." 

Pinigilan ko ang ngiti ko at yumuko. Hindi naman siya nagpapakilig at mukhang kaswal lang ang pagkakasabi niya pero hindi ko alam kung bakit ang saya ko masyado! 

"Kailan birthday mo?" tanong ko.

"September 15. Yours is September 8, right?" 

Tumango ako. Nakakahiya naman! Alam niya 'yong birthday ko pero hindi ko alam 'yong sa kanya! Kailangan ko pang itanong! 

"Hmm, anong plano mo sa birthday mo?" Gusto ko lang malaman! Hindi ko gagayahin! 

"Nothing." He shrugged. "It's just a birthday."

"Ah... You're that type." Natawa tuloy ako. "Hindi ka magse-celebrate?" 

"I don't know. My sister will probably bake me a cake. She does that every year. Other than that... No plans. How about you?"

"Hindi ko rin alam, eh. Ayaw ko rin ng mga grand celebration. I want the intimate type. 'Yong simple lang. Baka mag-dinner lang kami sa bahay tapos i-invite ang family. Gusto mo pumunta?" Lumingon ako sa kanya, nakangiti.

"Am I meeting your whole family?" Nakita ko ang kaba sa mukha niya. 

"Hindi lang family ko! Pati mga Tito at Tita ko!" Mas lalo ko siyang pinakaba dahil nakakatawa ang mukha niya. 

"Seriously?"

Malakas akong tumawa. "Ito naman! Siyempre, i-invite ko rin 'yong iba nating classmates! Sina Ollie, Caitlyn, 'yong iba! Isasama ko rin si Jap!" Tinapik-tapik ko siya sa balikat. Akala niya ba siya lang ang iimbitahin ko?! 

Nang makabalik kami sa room ay napuno na naman kami ng pang-aasar. Tinakpan ko na lang ang tainga ko at hindi sila pinagpapansin. Ganoon din si Yori na dumeretso lang sa upuan niya sa tabi ko. 

Noong research subject na, pinag-form kami ng groups with three members. Siyempre, automatic na si Caitlyn at Ollie ang ka-group ko. Nagkatinginan na lang kami ni Yori dahil inakbayan din siya kaagad ni Jap. We gave each other an apologetic smile. Gusto namin maging magka-group pero kawawa naman ang magiging third member namin! Baka mag-away lang kami palagi ni Yori! 

Pagkatapos mag-discuss ng possible topics ay uwian na. Nauna nang lumabas si Yori kasama si Jap kaya medyo na-disappoint ako. Next week pa kami babalik ulit sa debate training dahil may competition na kami three weeks from now. 

Dere-deretso akong lumabas pero may biglang humatak sa braso ko sa hallway. Nagulat ako nang makitang hinihintay pala ako ni Yori sa labas ng room. 

"Nandiyan ka pala." Kunwari hindi ako masyadong nagulat at natuwa. 

Sabay kaming naglakad papunta sa may waiting shed sa labas ng room dahil doon naman ako sinusundo. Umupo siya sa tabi ko at nilabas ang comics na binabasa niya. Sumilip din tuloy ako para makibasa. 

"Wala kayong meeting sa e-games club mo?" tanong ko dahil usually may meeting ang clubs tuwing first day. Kaninang umaga 'yong meeting namin sa broadcasting. 

"Hmm, tomorrow." Binaba niya saglit ang binabasa niya. "We have a competition next week."

"Mananalo ka kaya?" pang-aasar ko.

"Siyempre."

"I love your confidence," sarkastikong sabi ko. 

"I'm their best player," pagyayabang niya pa lalo sa akin. 

Biglang umiral ang pagiging competitive ko at nilabas ang cellphone ko para i-download ang nilalaro niya palagi. Aaralin ko 'yon tapos tatalunin ko siya. 

"Ano nga 'yong nilalaro mo? Laban tayo roon." 

"Hindi mo alam 'yon." Aba! Na-offend ako lalo! 

"Excuse me! Kapag ikaw natalo ko roon, tanggal 'yang yabang mo. Ano nga ang pangalan? Ido-download ko." 

Mas nainis ako nang natawa pa siya bago kinuha ang phone ko at dinownload ang laro. Tawa-tawa pa siya diyan, ha! Lagot siya sa akin! Magpa-practice ako buong linggo. Isang linggo lang ang kailangan ko tapos expert na 'ko diyan sa larong 'yan! Itaga mo sa bato, Yori! Hindi ka na makakatawa next week! 

Pagkauwi ko tuloy ay dumeretso ako sa kwarto ni Kye! 

"I don't play that game." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa! "Kiel does. He's good at games." 

Ano ba 'yan! Kailangan ko pang pumunta roon sa bahay nina Seven palagi para magpaturo?! Huwag na! Nanood na lang ako ng mga videos sa YouTube kung paano maglaro. 

Noong medyo alam ko na ay tinawagan ko si Seven.

"What?" Mukhang irita kaagad ang tono niya nang sagutin ang phone! Bwisit talaga!

"Sabihin mo nga sa kapatid mo laro kami ng KFM." Iyon ang pangalan ng laro. 

Narinig kong tinawag niya si Kiel at nag-usap kami saglit para magtanungan ng ID. Pagkatapos ay sinamahan niya akong maglaro.

Pero binuhat niya lang ako. 

At napagalitan pa niya ako. 

"He doesn't want to play with you anymore," sabi ni Seven sa tawag. "He said you died ten times, and your kill count is two." 

Ano ba 'yan! Paano ko na haharapin si Yori niyan?! Niyabangan ko pa naman siya! Wait... Beginner pa lang naman ako! At least nakapatay ako kahit malalakas kalaban! Look at the brighter side! 

Dahil wala pa namang mga assignment ay iyon muna ang pinagtuonan ko ng pansin. Masyado akong naging busy sa kakalaro. 

"Estella, put your phone down." Galit na si Daddy dahil kakain na kami.

"Wait lang, Dad. Saglit na lang 'to. Malapit na matapos ang game." Hindi ko inalis ang tingin ko sa screen. 

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili bago tumayo at sinilip ang ginagawa ko sa phone ko.

"You're losing," he pointed out. 

"Daddy!" inis na sabi ko. "Hindi pa! Kaya pa 'yan, late game!" 

May bago akong natutunang term galing kay Kiel. Sinasabi niya 'yon kanina. 

"Stop that, Estella. We're about to eat," he said in a stern voice. Malalagot na ako nito pero hindi ko kayang iwan ang laro! 

"Daddy!" sigaw ko nang kinuha niya ang phone ko. Akala ko ay papatayin niya pero siya ang naglaro! Tumayo kaagad ako sa kinauupuan ko para panoorin siya. 

"Hoy, kayong dalawa, kakain na. Ano pa ba 'yang ginagawa n'yo?" Lagot, si Mommy na ang nagagalit. 

Napatakip ako sa bibig ko nang mapanalo ni Daddy 'yong game! Oh, my gosh! Tuwang-tuwa ako nang makabalik sa upuan dahil tumaas ang rank ko! Finally! At nakahanap na ako ng bagong magtuturo sa akin. 

Kinabukasan, puyat ako nang pumasok dahil sa kakalaro. Grabe, hindi ako sanay na natatalo kaya masyado kong pinag-effortan matutunan 'yong laro! Galit na galit na nga ako kagabi! Sinong nagsabing pwede nila akong talunin, huh?! Estella 'to, oh! 

"What's your ID?" tanong kaagad ni Yori pagkarating sa room dahil nakita niya akong nasa home page ng laro. 

Binigay ko sa kanya ang phone ko at napairap. Siya na ang maghanap! 

"Your ID really sounds like something you'd come up with." 

no1estella

Number one, Estella! 

"I added you." Binalik niya ang phone ko. 

Pareho lang ang username niya sa Instagram sa ID niya sa laro. In-accept ko ang request niya at chineck ang profile niya. Napaawang ang labi ko nang makita ang rank niya. Nasa pinakamataas na rank na siya! 

"Wow, look at your rank after one night of playing." He smiled. "I'm proud of you." Ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. 

"Nang-aasar ka ba, huh?!" inis na sabi ko.

"Bakit? Ang galing mo nga, eh," seryosong sabi niya. "Ang taas na kaagad ng rank mo." 

Napanguso ako at pinisil naman niya ang pisngi ko habang tumatawa. Hindi ko alam kung genuine 'yon or sarcastic, eh! 

May surprise quiz kami sa PhySci for knowledge check! Confident akong kumuha ng papel, handa na para sa quiz. May tiwala ako sa stock knowledge ko. 

Mabilis kong sinagutan lahat at tumingin kay Yori. Tapos na rin siya at pinapaikot na lang ang ballpen sa daliri niya habang naghihintay. Sumimangot ako at nag-double check ng answers. Na-triple check ko pa nga pero hindi pa tapos ang oras kaya yumuko na lang ako sa desk. 

Noong tapos na lahat ay nag-exchange kami ng papel ni Yori. Bawat tama niya ng sagot ay humihigpit ang hawak ko sa red ballpen ko! Kinakabahan ako! Sinisilip ko palagi ang paper ko para makita kung may mali na ako. Wala pa naman so far. 

May isa siyang mali dahil wala siyang sagot doon kaya nakalamang ako! 50/50 ako tapos 49/50 lang siya. 

"Ah, kuso..." rinig kong bulong niya nang makita ang hindi niya nasagutan. He cursed in his language.

"Hindi mo nakita?" tanong ko at tumango naman siya. Hindi ko tuloy ma-celebrate ang pagkapanalo ko dahil hindi naman 'yon dahil sa hindi niya alam! Hindi lang niya nakita! 

Napanguso ako at pinasa na ang papel. 

Noong Creative Writing ay medyo lumilipad ang utak ko dahil alam ko na 'yong mga dinidiscuss. Natauhan lang ako nang maglapag ng kapirasong papel si Yori sa desk ko. Kinuha ko 'yon at binuksan. 

'lunch?' 

Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilan ang ngiti ko. Tumingin muna ako sa may bintana para hindi niya makita ang reaksyon ko. Nang kumalma ako ay kinuha ko ang ballpen at nagsulat ng reply. 

'where?' 

Nagsulat ulit siya at pinasa sa akin.

'rooftop'

'okay'

Mahaba na naman ang lunch break namin dahil walang P.E. Naunang umalis si Yori sa room at bago pa ako mahatak nina Ollie, sabi ko ay may kukuhanin ako sa library. Nag-elevator ako hanggang 5th floor, tapos naghagdan ako papuntang rooftop. Nakita kong nakaupo si Yori sa gilid dahil doon malilim. Umupo ako sa tabi niya. Noon ko lang na-realize na wala pala akong dalang pagkain.

"Nakalimutan kong bumili ng food. Wait lang." Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.

"We can share," sabi niya.

Nilabas niya ang lunchbox niya at chopsticks tapos pinatong sa binti niya. Kumuha siya ng isang sushi at pinakain sa akin. 

"Sarap!" sabi ko. "Bukas, magbabaon na rin ako ng lunch ko para i-share din sa 'yo. Dito ulit tayo kumain. Maganda rito... Mahangin." 

Mabilis lang naming naubos iyong pagkain niya. Kaunti nga lang 'yon pero busog na busog ako kaya inantok tuloy ako. Niyakap ko ang tuhod ko at tumingin sa harapan habang dinadama ang hangin. Hindi rin nagsalita si Yori sa tabi ko. 

"Hindi mo 'ko tinawagan kagabi," sabi ko naman.

"Oh." Nagulat siya at kinuha ang phone niya para ipakita sa akin. "I got a new phone."

"Hala, bakit?" Hindi ko napansin 'yon kanina noong in-add niya ako sa game. 

"Nasira phone ko kagabi while I was helping in the restaurant. Sorry," nahihiyang sabi niya.

"Okay lang..." Nahiya rin tuloy ako! 

Natahimik na naman tuloy kami! Ano ba 'tong mga awkward moments na 'to! Hindi ko alam kung paano aakto, at paniguradong siya rin ay nahihiya for some reason. Para kaming hindi nagtatalo noon, ha! 

"Napuyat ako. Tulog muna ako, huh?" paalam ko sa kanya. 

Tumango siya at nilabas ang comics niya para magbasa. Nahiya akong isandal ulo ko sa balikat niya kaya sa pader ko na lang sinandal at pumikit. 

Noong nakakatulog na ako ay nagising ako bigla dahil bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Yori. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman niya tinanggal kaya pumikit na lang ulit ako at natulog. Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko hanggang sa makatulog ako. 

"Nat..." Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko. "Wake up. We have class." 

Nag-inat kaagad ako at tumayo. Pinagpagan ko ang uniform ko at kinuha ang gamit ko, medyo inaantok pa. May fifteen minutes pa kami para maglakad pabalik ng room. 

"Sorry, napatagal 'yong tulog ko," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.

"It's okay." Napansin kong minamasahe niya 'yong braso niya hanggang sa palapulsuhan. Dahil ba 'yon sa 'kin?!

"Okay lang ba braso mo?" tanong ko.

"Yes..." Umiwas siya ng tingin. 

"Mabigat ba ulo ko?"

"No, I was shielding your face from the sun." 

Nakita kong hawak niya ang comic book niya. Wait... Ginamit niya ba 'yon? Kanina pa ba nakataas ang kamay niya dahil nasisinagan ng araw ang mukha ko? 

"Ano ba... Hindi mo naman kailangan gawin 'yon," sabi ko pero kinikilig talaga ako. 

"Hoy, Estella! Kaya ba iniwan mo kami ni Caitlyn dahil magkasama kayo ni Yori, huh?!" bungad kaagad sa akin ni Ollie pagkabalik ng room.

"Hindi, ah!" sabi ko kaagad para wala na kaming pag-usapan! "Nagkasabay lang kami sa library!" 

"Liar!" sabi naman ni Caitlyn. "Sarado kaya ang library kaninang lunch break! May inayos sila sa aircon!" 

"Binuksan na kaya ulit nila pagkatapos."

Naging busy na naman ako sa pakikinig sa klase. Start na ng lesson proper kaya maigi na akong nagte-take down ng notes. Pagkatapos ng classes ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko. 

"I have a meeting," sabi sa akin ni Yori habang sinusuot ang strap ng bag niya. 

"Sige... Bye." Ngumiti ako sa kanya at nauna nang maglakad paalis. 

Mag-isa lang tuloy akong naghintay sa waiting shed. Mabuti na lang at dumating kaagad ang sundo ko. Pagkauwi ko ay nag-aral lang ako buong gabi. Dinner lang ang naging pahinga ko. Inaral ko na kasi pati 'yong mga susunod na lesson para familiar na ako, tsaka para ready ako in case magkaroon ulit ng surprise quizzes. 

Tumingin ako sa orasan at naalala ang studying hours ni Yori. Nag-aaral pa siguro siya kaya hindi ko na siya ginulo. 

Nag-alarm ako noong ten P.M. dahil iyon ang tapos ng aral ni Yori. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-abang ng tawag niya. Binilang ko na yata lahat ng minutong dumadaan.

Hindi pa rin siya tumatawag! 

Nilapag ko na lang ulit ang phone ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ko ng mga libro. Nang matapos ay nag-inat na ako at handa nang matulog.

"Huh?!" Napatakip ako sa bibig ko nang kuhanin ko ang phone ko at nakita ang dalawang missed calls ni Yori.

Tinagawan ko siya pabalik at kinagat ang daliri ko. Baka tulog na 'yon.

"Hai," he answered in his language. 

"Uhm, hi... Sorry, tulog ka na ba?"

"Oh..." Mukhang nagulat siya. "Nat?" Parang bumangon pa siya mula sa kama nang tumawag ako. Narinig ko siyang naglalakad. 

"Sorry, hindi ko nasagot tawag mo kanina. Nagbabasa ako, eh. Hindi ko narinig." Umupo ako sa kama at sinandal ang ulo sa headboard. 

Hindi ko na alam ang sasabihin ko! Nahihiya ako na ewan! Iba ang feeling kapag sa phone ko naririnig 'yong boses niya. 

"It's okay. I'm sorry I called so late... I got lost in studying." 

Pareho lang pala kami. 

"Tulog ka na ba?"

"Hmm, no..." 

Okay... Wala na akong masabi! Natahimik na lang ako. 

"Don't forget to bring your lunch tomorrow... and by the way, we have P.E. Do you want to eat in the bleachers instead?"

Makikita kami ng mga kaklase namin! 

"Sige," sagot ko naman kaagad. 

Hindi rin nagtagal ang tawag namin dahil tinamaan na ako ng antok. Kinabukasan, nagpa-pack ako ng lunch tapos sinuot ko na rin ang P.E. uniform namin. Excited na ako. Mommy helped me braid my long hair para hindi sagabal sa P.E. 

Pagkarating ng school ay nakasalubong ko si Rus sa gate. Binati niya kaagad ako. 

"Uy, Estella, saan ka papunta?" tanong niya.

"Sa building ng HUMSS," sagot ko naman. 

"Malapit lang 'yon sa amin! Sabay na tayo!" 

Sabay nga kaming naglakad habang nag-uusap tungkol sa debate competition. Mauuna silang mag-compete kaysa sa amin ni Yori. Iyon lang naman ang mapag-uusapan namin, eh. 

"Hatid na kita sa room n'yo," alok niya.

"Malayo na 'yon sa 'yo. Huwag na," tanggi ko kaagad.

"Okay lang! May bibilhin din ako sa cafeteria malapit sa inyo, eh!" 

Pumayag na rin ako dahil doon din naman daw ang daan niya. Pagkahinto namin sa tapat ng room ay nanghiram siya ng calculator. Wala ba siya noon?

Naiwan daw niya kaya pinahiram ko na lang siya. Ang sabi ko ibalik niya na lang 'yon mamayang lunch break dahil mapapagalitan ako kapag nawala 'yon! 

"Thanks, Estella! Uy, Yori! Hello!" 

Napalingon kaagad ako kay Yori na kararating lang. Tinanguan niya lang si Rus at pumasok na sa room. Sumunod naman ako sa kanya. 

Dance ang P.E. namin kaya hindi naman ako masyadong nahirapan. Iyon nga lang ay kailangan ng partner para sa ballroom dance! 'Yong instructor na nga ang pumili para sa amin, kay Yori pa rin ako na-partner.

Tinuruan kami ng mga basic na sayaw muna. Kailangan naming maghawak ng kamay! Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko! 

'Yong isang kamay niya naman ay nasa baywang ko! Ang lapit naming dalawa! Parang hindi ako makahinga! 

Mabuti na lang ay mabilis lang kaming natapos at nakahinga na ako nang maluwag. Pagkatapos ng P.E. ay roon kami sa may bleachers umupo ni Yori. Roon naman kami sa may lilim para hindi mainit. 

"Hiniram ni Rus 'yong calculator ko," sabi ko sa kanya just in case nagtataka siya kung bakit naroon si Rus kanina sa room. 

"Mm-hm..." Tumango siya habang binubuksan ang lunch box niya. 

"Bakit naman ganyan reaksyon mo?" 

"I think he likes you." He shrugged and took a bite from his food. 

Natawa tuloy ako roon nang malakas! 

"Ako?! Sira, sino namang magkakagusto sa 'kin?!" natatawang sabi ko.

"The one in front of you?" sarkastikong sabi niya.

Natahimik ako bigla at muntik pang mabulunan sa kinakain ko! Ano ba 'yan, ginugulat talaga ako nito palagi! 

"Estella!" 

Saktong dumating si Rus para isauli ang calculator ko. 

"Thank you rito, ah! Hi, Yori!" bati niya rin. "Bakit dito kayo nagla-lunch?"

Umupo siya sa tabi ko na para bang gusto niyang maki-lunch din! Nakita ko kaagad ang irita sa mukha ni Yori. Hindi niya nga pinansin si Rus.

"Galing kaming P.E." Ako na ang sumagot.

"Ah... Bakit kayo lang?" inosenteng tanong niya.

Tumingin ako pabalik kay Yori bago lumingon kay Rus. 

"Siyempre, we're dating," sagot ko.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top