AASB - CHAPTER XVIII
~•••~
CHAPTER XVIII: IT WAS REALLY NICE SEEING YOU, AGAIN
~•••~
South
"SOUTH!" Napansin niya ang mabilis na pagtakbo ng kanyang kapatid na ikina alarma niya. She doesn't like to be in this situation. Ayaw na ayaw niya na nagmumukha siyang kahiya-hiya sa napakaraming tao.
"Don't try to help me. Kakayanin ko ito. Asikasuhin mo ang kalaban mo!" Sigaw niya sa kapatid na patuloy na nag-aalala sa lagay niya.
Ramdam niya ang panghihina dulot ng mga nawalang dugo sa kanya, idagdag pa ang maraming natanggap na suntok mula sa kanyang kalaban.
"Mahina lang ang kalaban natin. Hindi tayo puwede matalo lalo pa't magiging kahihiyan ito sa Xtres." Seryosong sambit nito sa kanya.
Tumango naman siya rito at agad na inayos ang sarili. Nagulat siya nang may ihagis itong bagay sa kanya. Kaagad niya iyon sinalo at napagtanto na ito ang latigong pagmamay-ari niya. "Muntik mo na maiwan mabuti na lang nadala ko, mukhang ka-kailanganin mo talaga 'yan ngayon."
"Thanks, Sis." Aniya at ibinalik ang tingin sa kalaban. Kinuyom niya ang kanyang kamao kasabay ang pakikinig sa mga sinisigaw ng madla. Sinisigaw ng mga ito ang kanilang pangalan na naging dahilan upang maging determinado pa siya na maipanalo ang laban. "Cami Sato . . ." Nanggigigil niyang tawag.
Nginisian siya nito. "Base sa nakikita ko mukhang lalaban ka pa. Sige, pagbibigyan kita." Mabilis itong tumakbo kaya agad niya inalerto ang kanyang makapal at mahabang latigo.
Nang makalapit na ito nang kaunti, kaagad niya itong iwinasiwas at pinulupot sa paa ng kalaban. Malakas niya itong hinila dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Shit!"
Lumapit siya at kinuha ang patalim na ginamit nito laban sa kanya ngunit sa hindi niya inaasahan ay malakas siya nitong tinadyakan sa sikmura na naging dahilan para bumagsak siya at mapadaing sa sakit. "Bitch!"
"Bangon!"
"Boo!"
"Patayin na 'yan!"
"Boo!"
Nakita niya ang pagbangon ng kanyang kalaban at kaagad siyang dinaganan at malakas na pinag sasampal. "Ikaw pala talaga ang mahina. Paano ka pa naging parte ng Xtres eh wala ka naman pagdating sa akin?"
Patuloy ito sa pagsampal sa kanya samantalang siya naman ay nag-iisip ng paraan para makaalis at manalo.
"Ayoko na! Suko na ako, kahit anong gawin ko hinding-hindi na ako magiging magaling na assassin tulad nila. Hindi ko kayang tapatan ang galing nila sa pakikipag laban." Galit niyang sabi at naglakad palayo.
Galit ako sa sarili ko! Kung gaano ako katapang sa salita, 'yon rin ang ikinahina ng alam ko sa pakikipaglaban!
"Babalik ka rito. Sa bilang ko ng isa . . . dalawa . . ." Tumigil siya sa paglakad at nalulungkot na umikot. Nakita niya si Tanda na sumisenyas sa kanya na bumalik.
Sumunod siya rito at naglakad pabalik sa matanda. Kinuha niya ang kanyang espada at walang gana na pumosisyon.
Nagulat siya nang lumapit si Tanda sabay hinawakan ang kanyang kamay. "South, hindi mo dapat iniisip na matatalo ka sa kanila, hindi katanggap-tanggap sa Xtres ang ganyang kaisipan. Kaya mong maging isang mahusay at matapatan ang iba."
"Hindi ko alam ang gagawin Tanda——"
"Magsanay ka! Lahat nang natutunan mo gamitin mo para kapag dumating ang panahon na malagay ka sa alanganin, alam mo kung paano ipagtatanggol ang sarili mo."
"Tama ka Tanda. Ngayon ang tamang panahon para ipakita ko ang mga natutunan ko sayo." Itinarak niya ang kutsilyo sa tagilirang bahagi ng kalaban sabay malakas itong sinapak sa mukha.
Kaagad itong nagpanic sa pagdami ng dugong umaagos sa katawan. Doon, nagkaroon siya nang pagkakataong makaalis mula sa pagkakadagan nito at mabilis na tumayo at iwinasiwas muli ang latigo. Ipinulupot niya ito sa leeg ng kalaban sabay itong idiniin upang masakal ito. "T-tama n-na . . ."
"Tapusin niyo na!"
"Xtres! Xtres! Xtres!"
"Patayin na 'yan!"
"P-panalo k-ka n-na d-don't k-kill m-me I'm b-begging y-you . . ." Pagmamakaawa nito.
She gritted her teeth. Gusto niya man ito patayin sa mga ginawa nitong mga sugat sa kanya ngunit mas importante para sa kanya na matapos na ang laban at manalo. "Pasalamat ka may awa pa ako sa'yo kaya hindi kita papatayin,"
"Pero hindi ibig sabihin non hindi ko na puwedeng gawin ito." Malakas niya itong sinapak dahilan para tuluyang bumagsak ang kalaban at mawalan nang malay.
"Ang nagwagi pa rin sa laban na ito ay walang iba kundi ang Remmington Sisters! Sila ang mag-uuwi ng pera at automatic na makakasali pa sila sa susunod na laban." Anunsiyo ng emcee na ipinagdiriwang ng mga tao at sinisigaw ang kanilang pangalan.
"Nanalo tayo, South!" Natutuwang sambit ng kanyang kapatid na kasalukuyang nagtatalon na sa saya.
Natawa na lang rin siya sabay tingin sa mga kalaban na wala pa ring malay. "Tss. Pathetic . . ."
Naglakad na siya at agad na tinungo ang mga kasamahan na nasa labas ng mismong battle area. "Congrats! Akala ko matatalo ka. Pinakaba mo ako girl!" Natatawang komento ni Sierra sabay abot sa kanya ng first aid kit.
Hindi niya iyon tinanggap. "Nasaan si Devon?" Pagtataka niya at inilibot ang tingin sa paligid.
"Kaka alis lang. Nagmamadali nga eh. Teka saan ka——" Hindi niya na ito pinatapos at kaagad na tumakbo palabas upang hanapin ang binata.
Sakto namang nakita niya ito ngunit malayo-layo ito mula sa kinaroroonan niya. Sinundan niya lang ang binata at doon niya napagtanto na mayroon itong hinahabol. "Sabi ko na nga ba nandoon kanina ang target niya . . ." Mabilis siyang tumakbo at kaagad na pumasok sa eskinita kung saan pumasok ang mga ito.
Mas binilisan niya pa ang pagtakbo at sa bawat pagtahak ng eskinita ay siyang pagdilim nang paligid. Napatigil siya sa pagtakbo nang mapansin ang kaliwa't kanan pang eskinita. "Nasaan kaya sila dumaan? Nakaka asar!"
Naisip niyang pumasok sa kanang daanan at mabilis na tumakbo. Pagkaraan nang ilang sandali ay siyang pagbagal niya sa paglalakad. Nakakarinig siya nang mga kaluskos mula sa paligid. "Kung sino ka man lumabas ka!"
Inilibot niya ang tingin sa buong lugar at agad napatigil nang makita sa hindi kalayuan ang isang pigura ng babae at nakabalot ito ng buong itim na kasuotan. Naka black pants, hoodie jacket, at natatakpan ang kalahating pagmumukha nito ng maskara. "Hi, South." Tawag nito sa kanya.
Bahagya siyang nagtaka nang malaman nito ang kanyang pangalan. "Paano mo ko nakilala? Sino ka?"
"I'm a huge fan of your organization . . . Natutuwa ako na makita kung paano kayo lumaban kanina,"
"Kayo ng kapatid mo na si North."
"Tell me who are you!" Nagulat siya nang bigla itong mawala sa paningin niya kaya dali-dali siyang tumakbo at hinanap ito. "Magpakita ka!"
Nakarinig siya ng pag-andar ng isang sasakyan kaya agad niya iyong hinanap. Nang tuluyan niya itong nakita ay napagtanto niya ang isang motor at nakasakay doon ang babaeng hinahanap niya. "It was really nice seeing you again, South . . . Don't worry you'll see me again soon." Mabilis nitong pinaharurot ang motor palayo sa lugar.
"South," Kaagad siyang lumingon at nakita si Devon na kasalukuyang dismayado. "Why are you here?" Pagtataka nito.
"I am following you. Sabi ko na nga ba tama ang hinala ko na nandoon sa Battle Arena ang target mo kaya ka naroon. Nahuli mo ba?"
"No, naisahan ako ng taong iyon. Akala ko siya na ang sinusundan ko pero lahat nang ito ay planado niya . . ."
"What do you mean? Sino ba ang target mo?" Pagtataka niya.
"She's unknown . . ." Mahina man ang pagkakasambit nito ay narinig pa rin ito ng kanyang tenga. Napansin niya na mabilis ito tumakbo at tuluyang lumayo sa kanyang kinaroroonan.
Napa-isip siya sa sinabi nito. Hindi kaya iyong hinahanap niya ay yung taong nakausap ko bago siya dumating?
"Teka hintay naman Devon!" Tawag niya at kaagad itong hinabol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top