AASB - CHAPTER XVII

~•••~
CHAPTER XVII: THE BATTLE ARENA
~•••~

Harper Quinto

"HEY," Tumigil siya sa pagsuntok sa punching bag at kaagad na hinanap ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Arzay na kasalukuyang nakasilip sa pintuan ng mismong training area. "He wants you to come to his office."

"Bakit daw?" Tinanggal niya ang boxing gloves sa kanyang kamay at kaagad naglakad palapit sa kinaroroonan ng dalaga. Napansin niya naman kaagad ang pagkunot ng noo nito na mas lalo niya pa ikinapagtaka.

"I should be the one who's asking about that. Ano ang pag-uusapan niyo ni East? Bakit kayo lang?" Napaawang siya ng labi sa sinabi nito.

Pati ba naman ako pagseselosan ng babaeng ito. Feeling girlfriend lang ni East . . .

She sighed. "I must go." Tanging nasabi niya at kaagad na nilagpasan ang dalaga. Dumiretso siya sa mismong Elevator, at nang tuluyan itong magbukas ay mabilis siyang pumasok.

Kaagad niya pinindot ang palapag kung saan matatagpuan ang office ni East. Naghintay siya ng ilang minuto at nang tuluyang magbukas ang elevator ay mabilis siyang naglakad at kumatok sa pintuan ng office nito.

Sakto naman na awtomatikong bumukas ang pintuan kaya dumiretso na siya sa loob. Nakita niya si East na kasalukuyang nakatalikod, nakahawak ang kamay sa kanyang sentido, at seryosong nag-iisip. "Bakit mo ako pinapatawag?"

"May ipapagawa ako sa iyo." Sagot nito at kaagad na humarap sa kanya. Nakita niya kung gaano ka seryoso ang pagmumukha nito dahil sa malalim na iniisip.

"What is it?"

"Kailangan mo alamin kung sino ang nagpa-padala sa akin ng mga dating gamit ni Angel at dalhin mo mismo sa akin."

"Teka lang," Bahagya siyang nagtaka sa sinabi nito. "Sinunog na ni Tanda lahat ng mga gamit niya kaya paano nangyari 'yon . . . saka kailan pa iyan?"

"I don't know, but I started receiving those things outside my condo unit. Halos limang beses ako nakatanggap ng box at puro mga dating gamit niya nandoon. Damit, mga punit na litrato niya noong nandoon pa siya sa dating base."

"Tapos hindi mo kaagad sinabi."


"No. I assigned Zerou to investigate about that." Nakita niya ang pagkuyom nito ng kamao. "May alam na siya tungkol doon, but he didn't want to tell hangga't hindi ko nagagawa pinapagawa niya . . ."


"Ano ba pinapagawa niya?" Tanong niya.

"It is something between West and North's relationship. That punk wanted me to ruin their——"

Mabilis niya pinutol ang sasabihin nito. "They already broke up. North ruined their relationship because she cheated on West with another guy."

"Who's the guy?"

"Trejan Hamilton." Sagot niya dahilan para mapangisi ang binata.

"Matagal na mula nang umalis si Trejan sa Xtres for some reason that I don't know." Nakanguso niyang tinignan ang opisina nito. "Tungkol kay West, almost 2 weeks na siyang hindi nagpapakita dito sa Headquarters. South told me last time na minsan nagpapakita 'yon sa Club at sa Arena."


"You must find him. Ka-kailanganin ko tulong niya para masabi na ni Zerou nalalaman niya," Ang kaninang ngisi nito ay napalitan ng nagngangalit na emosyon. "Kung hindi pa rin magsasalita si Zerou matapos ko pagbigyan gusto niyang mangyari alam mo na gagawin mo . . ."

"Sige, masusunod." Tanging nasabi niya at nagsimula nang maglakad palabas ng opisina nito.

*****

South Remmington

Underground Battle Arena
11:15 PM

DUMADAGUNDONG na hiyawan na nagmumula sa madla ang sumalubong sa kanila nang tuluyan silang lumabas sa pintuan at magpunta sa mismong sentrong bahagi ng Arena. Ito ang ikatlong beses na lalaban sila para makakuha ng malaking pera na plano nilang gamitin para sa mga pansariling interes. "This will be so much fun!" Napatingin siya sa kanyang kapatid at napansin ang pagiging excited nito.


Grabe ang sigawan ng mga tao sa Arena at halos hati lang ang kanilang pinapanigan. Sakto namang nandoon na rin ang kanilang makakalaban at napansin ang pagiging seryoso ng mukha ng mga ito. Pasimpleng nabubuo ang ngisi sa kanyang labi at sabay mabilis na nag flip hair bilang pagpapakita kung gaano siya kasigurado na sila ang mananalo.


"The Sato Assassins versus The Remmington Sisters of Xtres. Two versus two ang labanan kaya sino sa tingin niyo ang magwawagi at mag-uuwi ng tumataginting na P300,000?"



"Kami siyempre." Kumpyansang sagot niya.


"Kaya niyo 'yan North at South!" Kaagad niya hinanap ang pinanggalingan ng malakas na boses at nakita si Sierra na malapit lang sa mismong paglalabanan, kasama ang mga baguhang miyembro ng Xtres.


Napansin niya na nasa gilid nito ang lalaki na isa sa nakapasok sa ranked assassins ng Xtres. "Devon . . ."



He's not the type of assassin na mahilig sa mga ganitong lugar. He loves silence. Kaya naman kapag pumapatay siya lagi niyang inuunang putulin ang mga dila ng biktima.

Ang alam ko wala siyang oras para ilaan ang sarili sa panonood ng ganito, but unless nandito ang mismong target niya . . . .


"There's only one rule here. Kung sino ang maiiwang nakatayo, sila ang magwawagi." Ibinalik niya ang tingin sa nagsasalitang emcee at kaagad na hinanda ang sarili.


"South, ikaw sa babae. Ako na bahala sa isang lalaking ito." Ani North.

"Ok." Tanging nasabi niya.

"1 . . . 2 . . . 3 . . . Fight!" Nang sabihin iyon ng emcee ay kaagad siyang pumuwesto at tinignan ang kanyang makakalaban.


Cami Sato . . . "Balita ko isa ka sa mga magaling sa pakikipaglaban, kaya mo kaya ako tapatan?" Pang-aasar niya rito.

Ngumisi lang ito at mabilis na lumapit sa kanya at nagpakawala ng atake. Kaagad niya iyon iniwasan at nang makahanap ng tiyempo mabilis siyang umikot at sinipa ito.

"Boo!"

"Tapusin niyo na agad!"

"Anong klaseng laban 'yan!"

"Boo!"

"Masasayang pa pusta!"

"Talo ka na agad? Ang hina mo naman." Natatawa niyang sabi.


Mabilis naman itong tumayo na bahagyang ikinamangha niya. Hinanda niya ang sarili at kaagad na inilagan ang sunod-sunod nitong atake.

Napansin niya ang butas sa ginawa nito kaya hindi niya ito pinalagpas at kaagad itong binigyan nang malakas na suntok. "Iyon na talaga kaya mo?"

Napakahina.



Tumingin siya sa direksyon ng kanyang kapatid. "Palit tayo! Napakahina ng kalaban—aaaray!"


Mabilis niyang tinignan ang sarili at nakita ang maraming dugo na umaagos sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Mayroon sa kanyang tiyan, mga braso, at binti.



Shit! Bakit hindi ko kaagad napansin ang patalim na nasa kamay niya . . .




"Sa sobrang pagmamaliit mo sa akin hindi mo na napansin na marami ka nang tama. Ikaw ata ang mahina . . ." Natatawa nitong sabi at mabilis na umatake at nagpakawala nang malakas na suntok.

Sa pagkakataong ito ay nararamdaman niya na ang unti-unting pagkirot ng kanyang sugat na naging dahilan ng pagbagal nang kanyang kilos. Sinalo ng katawan niya ang bawat atake nito. "Ang dami mo pang sinabi, wala ka naman pala hahaha!" Napahiyaw siya sa sakit nang hawakan nito ang kanyang braso sabay mabilis na pinilipit.

"South!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top