AASB - CHAPTER XVI
~•••~
CHAPTER XVI: NEW HEADQUARTERS
~•••~
Erostiño "East" Vierre
"Shut the fuck up Zerou! I won't do that." Iritableng sagot niya sa kapatid na nasa kabilang linya. Napahawak na lamang siya sa kanyang sentido at pilit na tinatanggihan ang gusto ng kapatid.
"Last na talaga ito kuya. Please tulungan mo ako," Rinig niyang pagmamakaawa nito. "Madali lang naman ito para sa'yo basta tulungan mo lang ako na mailayo si North kay West. Ayaw kong nilalandi niya ang Weston ko!"
"Then do it by yourself! Kung alam ko lang na ganito lang kababaw ang mga pinapagawa mo dapat hindi ko na pinatulan sa simula pa lang." Sagot niya.
"Kuya naman eh! Please . . ." Pagpupumilit pa nito lalo.
"I said no. Zerou, stop your shits!" Mariin niyang sagot at ang kaninang nakangising ekspresyon ay napalitan ng inis. He has no interest getting involved into their drama.
"Hays, okay fine! Naalala mo ba ang pinapa imbistiga mo sa akin tungkol sa taong nagpapadala sayo ng mga sira-sirang litrato at gamit nung namatay na batang pinoprotektahan dati ni Ultear." Bahagya siyang natigilan sa sinabi ng kapatid.
"Well, I was about to share what I found out but it seems you're not interested at all. So I'll end this——"
"Tell me who the fuck that person Zerou. Don't ever try not to tell me and I'll assure you'll suffer." Pagbabanta niya sa kapatid.
Napansin niya ang saglit na pagtahimik nito at maya-maya pa'y kaagad na nagpakawala nang malakas na tawa. Mas lalo pa iyon nagpaigting sa galit na nararamdaman niya. "Akala mo matatakot mo ako sa ganyan mo? Gawin mo muna favor ko sa'yo bago ko sabihin ang gusto mong malaman. Che!" Ikinuyom niya ang kanyang kamao nang tuluyan nitong ibaba ang tawag. Galit niyang hinagis ang cellphone sa kama at naglakad papunta sa shower room.
He took a shower at doon niya inilabas ang galit na nararamdaman. Doon niya malakas na sinuntok ang pader na naging dahilan para makalikha ng malakas na ingay sa buong silid. "Fuck!"
He knew to himself na hindi siya papatahimikin ng kanyang isipan sa kakaisip sa taong nagpapadala ng mga dating gamit ni Angel.
Sa pagkaka-alam niya ay sinunog na ito dati pa ng mga nasa Xtres kaya isang malaking tanong sa kanya ay kung paano na lamang nakarating ang bagay na iyon sa condo na tinutuluyan niya.
Hindi kaya pakay ng taong iyon ang kwintas niya?
Nang matapos maligo kaagad siyang nagtapis ng tuwalya at naglakad palabas ng shower room. Pinuntahan niya ang volt na mismong pinagtaguan ng kuwintas, binuksan niya ito at kaagad na nakita ang isang box.
Inilabas niya ang kwintas na pagmamay-ari ng tao na mahalaga sa kanya.
I am sure na mayroong gustong iparating na mensahe itong nagpapadala sa akin ng gamit niya. Kailangan ko mahanap ang taong iyon at malaman ang pakay niya . . .
*****
Xtres New HQ
7:58 PM (PHT)
Sa pagpasok niya sa loob ng headquarters ay siya namang pagsalubong sa kanya ng mga sinasabing ranked assassins ng Xtres. Halos isang taon din ang nakalipas nang muli siyang makabalik dito, and as what he observed ay maraming pagbabago sa paligid maski sa mga mukhang nakikita niya ngayon.
"Maligayang pagbabalik sa Xtres, sir Erostiño Vierre." Bati sa kanya ni Tanda at kasunod nito ang sabay sabay na pagbibigay pugay sa kanya ng iba pang miyembro.
Hindi niya pinansin ang mga ito at nagsimulang maglakad at pumasok sa elevator na siyang papunta sa kanyang opisina. Ang Xtres HQ ay mayroong dalawampung palapag at mayroon itong IT Access Room, Lab, Training Area, Main Storage Room, Library, Head Office, Security Access Room, Conference Hall, atbp. Ang mismong office niya ay nasa 19th floor at awtorisadong tao lamang ang pinapayagang makapasok. Nasa pinaka itaas na palapag ay nandoon naman ang mismong rooftop na tanging siya lang ang puwedeng pumunta.
Pagkalabas sa Elevator ay kaagad siyang naglakad at nang makarating sa pintuan ng office ay kaagad niya nilagay ang passcode. Pumasok na siya sa loob at kinuha ang controller sa gilid ng pinto. Pinindot niya ito at awtomatikong nagsara ang pintuan. Agad siyang dumiretso sa kanyang office desk at napansin ang pagiging malinis nito.
Umupo siya sa pangmalakasan niyang black swivel chair at inayos ang sarili. Maya-maya pa'y nakarinig siya ng mga katok sa pintuan. Pinindot niyang muli ang kanyang controller at awtomatiko itong nagbukas. Walang emosyong tinignan niya ang pagpasok ng kanyang bisita. "Omg! East!"
Agad siyang niyakap nito nang mahigpit. "I miss you!"
Kaagad niyang tinanggal ang pagkakapulupot nito sa kanya. "I don't miss you Arzaylea," Diretsahang sagot niya. "What do you want?"
"Hey! Masama ba na magpunta ako sa office mo? Mag bestfriends naman tayo!" Paliwanag nito.
Napaawang ang labi niya nang mapansin na magkaparehas sila ng kulay ng damit. "Arzaylea,"
Nakangiti namang tumingin sa kanya ang dalaga. "Hmm?"
"How's your mission?" Tanong niya sa dalaga.
Inirapan siya nito. "Akala ko ba naman pupuriin mo ang hitsura ko." Narinig niya ang mahabang buntong-hininga ng dalaga. "I already accomplished my mission to Mr. Fernandez. Nakuha niya na ang mga kinakailangan niyang drug samples para sa experiment na gusto niyang gawin."
"How about the others? I want to know what happened while I'm not here."
"Everything is fine East don't worry. Besides, rank 1 pa rin tayo. For almost 13 years napanatili ng Xtres ang pangunguna sa ibang black organizations na dahilan para dumami ang mga client at gustong maki-anib sa'tin."
"Good to hear that." Aniya
"Yeah, at malaki rin talaga ang naitulong ng pagkamatay ng nag-iisang tagapagmana ng mga Ottinger."
"How's the Ottinger Mafia?"
"They don't take any action between us. Nabahag na mga buntot nila simula noong maraming napatay sa kanila," Tumawa ito. "Hindi pa sila muli nagpapakita at wala naman nang natatanggap ang kahit anong organisasyon na order na patayin ang nakakatandang Ottinger." Confident pa nitong sabi.
"Well, sa tingin ko iyon na lang muna ang kailangan kong malaman sa iyo. You can leave now, but kindly go to Harper and asked her to come here. May pag-uusapan kami . . ."
"Kayo lang? Ano bang pag-uusapan niyo? Bakit bawal ako sa usapan niyo?" Pagtataka nito.
"It's not for you to know. You can leave now." Aniya at agad na tinuro ang bukas na pintuan.
"Fine." Nakita niya ang pagka-asar sa pagmumukha nito at padabog na lumabas ng pintuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top