AASB - CHAPTER XIV
~•••~
CHAPTER XIV: ULTEAR VIERRE
~•••~
South
WALANG HUMPAY sa pag-agos ng mga luha mula sa mata niya nang tuluyang bumagsak ang Helicopter sa isang lugar na malayo sa kinaroroonan nila. Pinagmasdan ang itim na usok na lalo pang nagpadilim sa mismong kalangitan, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang humagulgol at pilit na sinisisi ang sarili sa naging kapalaran ng mga taong nakasakay doon. Iniisip niya na dahil sa pagpilit niya kay Angel na umalis, mas napaaga pa ang pagkamatay nito. "Kasalanan ko iyon . . . pinilit ko siyang umalis. Namatay siya dahil sa katangahan ko!"
"Hindi ba dapat matuwa kayo? Namatay na ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nabuo." Tumingin siya sa taong may pakana ng pagsabog at pinanlisikan ito. "Kaibigan namin si Angel at parte na siya ng Xtres——"
"Kahit kailan hindi magiging parte ng organisasyon ang isang kalaban alam niyo iyan . . . lalo ka na Ultear."
Hindi niya na napigilan pa ang sarili. Galit na galit siyang tumayo at ikinuyom ang kanyang kamao. Kanina pa nito tuluyang nasagad ang pasensya niya kaya gusto niyang gumanti. Sa isip pa lang niya ay pinagpa-planuhan na niya kung paano ito mapapaslang dahil sa mga ginawa nilang pagpahamak sa mga kasama.
Hindi niya ininda ang pagkirot ng kanyang binti at akmang susugurin na ito, ngunit agad siyang napatigil nang makarinig muli ng mga putok ng baril. Nagulat siya sa pagbagsak ni Sheena sa sahig at tuluyan na itong nawalan nang buhay. Napansin niya ang pagdating ng iba pang mga miyembro ng Xtres at kasama nila si East na siyang pumatay kay Sheena. Mabilis itong tumakbo sa direksyon nila at halos manginig sa nakitang sitwasyon ng nakakatandang kapatid. "Ultear . . ."
"E-East . . ." Banggit ni Ultear sa ngalan nito at kasunod ang biglang pagtulo muli ng luha sa kanyang mata. "Alam ko na kung bakit mo ginagawa ang bagay na ito sa kanya. Kahit na anak siya ng kalaban, nagawa mo pa rin siyang ipaglaban at protektahan. Importante siya sa'yo kaya naging importante na rin siya para sa akin. I think I love her Ate Ultear, ngayon ko lang aaminin sa iyo ang bagay na ito. So tell me nakaligtas siya sa pagsabog 'di ba?"
Hindi niya na labis pang ikinagulat ang pag-amin ng binata. She knew in the first place na nagugustuhan nga nito si Angel.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa babaeng iyon na ubod ng ganda at bait?
Kahit na alam niyang may itinatago si Angel tungkol sa tunay na pagkatao nito ay nangingibabaw pa rin ang pagiging mabait at mala anghel nitong pag-uugali. Marahil iyon ang dahilan kung bakit nagustuhan ng binata ang kanyang kaibigan.
Pero huli na siya dahil patay na si Angel . . . .
"I-I am s-so s-sorry," Napatigil ito sa naging sagot ni Ultear. Nakita niya ang tuluyang pagbuhos ng mga luha sa mata ng binata. "P-patay na siya East. I f-failed to p-protect her."
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo Ate, hanggat hindi ko nakikita ang katawan niya hindi ako maniniwala." Pinunasan nito ang kanyang luha at pilit na inaayos ang sarili. "Sa ngayon ikaw muna ang aasikasuhin ko. Naniniwala ako na buhay siya."
"Shh, d-don't cry East! Ayaw kong n-nagkaka ganyan ka," Rinig niyang pagkagaralgal ng tinig ni Ultear at patuloy na hinahabol ang kanyang hininga. "Ang mga k-kapatid n-natin. S-sina Z-Zerou at E-Eanah, h-huwag mo s-silang p-papabayaan."
"Don't speak. We'll bring you to the hospital. Ano pang hinihintay niyo? Tulungan niyo kami rito!"
"Ultear, don't leave us. Wala na akong partner in crime kung mawawala ka . . ." Naiiyak na sambit ni Harper sa kaibigan. Saksi siya sa pagkakaibigan ng dalawa. Harper treated Ultear as her bestfriend, and partner in crime. Sa lahat ng task nila, laging isinasama ni Ultear si Harper. They had a best tandem kaya naman madalas silang nagtatagumpay sa ng task, ngunit ngayon ay nagbago ang ihip ng hangin.
Patuloy lang siya sa pagtingin sa mga ito. Nakita niya ang bahagyang pagbalin ng tingin ni Ultear sa kaibigang humahagulgol sa pag-iyak. "Don't c-cry H-Harper." Wika niya at ngumiti sa kaibigan. Ang dugong nagkalat sa bibig at katawan nito ay patuloy pa rin sa pagdami. Ibinalik muli ni Ultear ang tingin kay East at hinawakan ang mga kamay nito. "I-itago mo ang k-kwintas. Kay Angel l-lang i-iyon . . ." Sa pagtagal ng kanyang pagsasalita ay siyang unti-unting paghina ng kanyang boses. Hinang-hina na rin ang mga katawan nito na siyang ikinababahala niya.
"I'll keep it. I won't let anyone steal the necklace, but now please promise to me. You won't leave us."
"Y-you r-really love me as your s-sister, and I am t-thankful f-for t-that. I-Ikaw lang ang t-tumuring s-sa akin bilang k-kapatid——"
"Please don't speak. Nasasaktan ako. Huwag mo akong iwan. Huwag kana dumagdag pa sa mga mawawala." Pagsusumamo ni East. Ramdam niya ang sakit at pagka frustrate na nararamdaman nito. "Ang tatanga niyo tulungan niyo kami rito!" Sigaw ng binata ngunit napansin ang pag-iling ni Ultear sa mga kasamahan. Napaiyak siya sa naging desisyon nito.
"Lagi m-mong iingatan ang s-sarili mo. M-mahal na m-mahal kita, kapatid . . ."
"Ate Ultear, please don't!"
Napahagulgol sila lalo at nagulat nang tuluyang bumagsak ang kamay ni Ultear. Labis labis ang kalungkutan ang naramdaman nila at ito na siguro ang maituturing niya na pinakamasakit sa lahat. Maraming namaalam na malalapit sa kanila. Patuloy lang ito sa paghagulgol at dinadamayan ni Harper. Sobrang naaawa siya kay East at alam niya na sobrang sakit para dito ang mawalan ng kapatid.
Nakilala ko si East bilang isang lalaking matapang at sobrang iniidolo ang kapatid na si Ultear. Kahit na alam nito na hindi niya purong kapatid si Ultear, itinuring niya pa rin itong ate na siyang ikinamamangha ko.
Pero ngayon na wala na ang kapatid na iniidolo niya paano na siya . . .
*****
Lumipas na ang ilang linggo ngunit sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang lahat ng ala-ala ng mga pangyayaring iyon. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsisi sa kanyang sarili dahil sa maling desisyon na nagawa niya. Inuusig siya ng kanyang konsensya at halos gusto niya nalang na maging mapag-isa. "Laging ako ang naglalagay sa kanya sa kapahamakan . . ." Pag-amin niya sa sarili.
Mas lalo pang nadagdagan ang lungkot sa kanyang mga mata nang tuluyang matagpuan ang katawan ni Angel at Flaire. Tuluyang natupok ng apoy ang kanilang mga katawan kaya naman noong nahanap ang mga bangkay ng mga ito ay hindi na nakikilala ang kanilang pagmumukha.
"Sorry Ultear! Nakokonsensya ako sa mga ginawa ko," Nagsimulang mamuo ang mga butil ng luha sa mata niya habang pinagmamasdan ang pangalan ni Ultear na naka ukit na mismo sa isang itim na lapida. "Pero salamat sa mga nagawa mo. Kahit na humantong sa sitwasyon na namatay ka dahil sa ginawa mong pagsasakripisyo sa amin, I am thankful dahil ikaw ang dahilan kung bakit nakilala namin si Angel at naging kaibigan. Malungkot ang buong Xtres sa pagkawala niyo, pero hindi namin kayo kakalimutan."
"South!" Napalingon siya at nakita ang kapatid na palapit sa kanyang direksyon. "Bakit ka nandito?"
"Alam namin ni Tanda na narito ka. Gusto rin naming dumalaw kay Ultear." Sagot ng kapatid niya at bakas pa rin dito ang kalungkutan. Simula n'ong nalaman ni North na wala na ang kanilang itinuturing na kaibigan, wala itong ibang ginawa kung hindi ang humagulgol.
"Inunahan mo pa talaga akong bata ka!" Rinig niyang reklamo ni Tanda at inilapag ang bulaklak malapit sa mismong lapida ni Ultear. "Kanina ka pa ba nandito South?"
Tumango lamang siya bilang sagot dito. "Hindi kayo maaaring maging ganyan na llang. Masakit dahil nawalan tayo ng miyembro at kaibigan, pero kailangan nating tanggapin na patay na sila."
"Wala na akong kalaro . . ." Narinig niya ang mahinang paghikbi ng kanyang kapatid. Hindi niya maiwasang hindi maawa, sa ngayon hindi pa nito maiintindihan ang buong sitwasyon.
"Ako? Pwede mo naman akong maging kalaro 'di ba? Hindi lang naman si Angel ang kalaro mo." Tuluyan silang napaiyak sa sakit na nararamdaman. Na-miss na nila ang mga kasamahang nawala. Na miss na nila ang mga presensya ng mga ito.
"Naguguilty ako South! Iyong ginawa natin kay Angel dati, dahil doon nagkaroon ako ng Barbie doll. Pero ayaw ko na non! Mas gusto kong kalaro si Angel!"
"Huwag mo sisihin ang sarili mo. Hayaan mong ako makaramdam ng bagay na iyan dahil sumakay ako sa kalokohan ni Arzaylea noon." Paliwanag niya.
"Tumigil na kayo sa pagbanggit tungkol doon, matagal na iyon at wala na akong planong dagdagan ang sakit na nararamdaman niyo." Malungkot silang tumingin kay Tanda.
Ayos lang para sa akin ang maparusahan ni Tanda. Kasalanan ko rin naman ang pagkamatay niya ngayon . . .
"Simula mamaya buburahin niyo na sa isipan niyo si Angel. Ayaw ko nang marinig pa ang babaeng may dahilan kung bakit namatay ang alaga kong si Ultear." Huling sambit nito at nauna na umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top