AASB - CHAPTER XII
~•••~
CHAPTER XII: TRAITORS
~•••~
South
MABILIS siyang tumingin sa likod at napansin ang dalawang sasakyan na sumusunod sa kanila. "Ultear, what happened?" Pagtataka niya.
Napakapit sila nang biglang bumilis ang pagmamaneho ni Harper at kasabay nito ang sunod-sunod na pagputok ng baril mula sa kalaban. "Dumapa kayo!" Agad silang sumunod ni Angel at nakaramdam ng matinding takot.
Anong nangyayari bakit may putukang nagaganap?
"Kunin niyo ang dalawa pang baril dyan sa ilalim ng inuupuan niyo." utos ni Harper sa kanila. Agad namang kumilos si Angel at hinahanap ang mga baril sa ilalim ng upuan. Nang makita ito agad niyang nilagay ang mga bala at mabilis itong ikinasa. "South kunin mo ito." Inabot nito sa kanya ang isang pistol. Ang Beretta 92FS naman ay kinuha nito at ihinanda ang sarili.
"Kailangan natin agad makapunta sa mismong location at makaalis. Posibleng pakay nila si Scarlette." Pag-aalala ni Ultear.
"Sino si Scarlette?" Pagtataka niya ngunit hindi ito sumagot at mabilis na nagpaputok ng sunod-sunod sa mga kalaban. "Akin na yung baril Angel. Hindi kayo pwedeng dumungaw sa bintana at delikado."
Inabot ni Angel ang handgun kay Harper at sabay na nagpaputok sa mga kalaban habang patuloy ang isang kamay nito sa pagkontrol ng manibela.
"Ying Clan?" Rinig niyang pagtataka ni Harper. Agad niyang ikinuyom ang kanyang kamao at kasabay nito ang pagkaramdam niya ng galit.
Hindi maaari! Isa ito sa mga kaanib ng Xtres pero bakit kami tina-target nila?
"Teka bakit tayo hinahabol ng mga Ying Clan? At sino yung Scarlette na hinahanap nila?" Pagtataka niya. Ang alam niya ang mga tinatarget lang ng mga Ying ang mga taong nag traydor sa kanila . . .
"Shut up South! Fuck!" Nanlaki ang mata niya nang makita ang tumamang bala sa braso nito. Unti-unting nagkalat ang mga dugo at kulay lilang likido sa braso nito na siyang ikinabahala nila ni Angel. "Ultear!"
"Don't panic! Yumuko lang kayo dyan!" Utos ni Harper.
Nakita niya si Ultear na pumunit ng konting tela sa suot na damit at agad itinapal iyon sa dumudugo niyang braso. Humiyaw ito sa sakit na nararamdaman pero pilit pa rin niyang tiniis ito. Pagkatapos nitong itali ang tela sa braso ay muli ulit itong nagpaputok ng baril sa mga kalaban.
"Malapit na tayo." Ani Harper matapos tignan ang location na tine-trace. Naramdaman pa nilang mas bumilis ang pagmaneho nito dahilan para mas napakapit sila sa upuan.
"I'm scared." Mahinang usal ni Angel at kasunod nito ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi niya maisawang hindi maawa. Parang naaalala niya ang kapatid na si North. "Don't cry,"
Lumapit siya at niyakap ito. "Magiging maayos din ang lahat."
Nagulat sila sa biglaang pagbunggo ng mga kalaban sa likod ng sasakyan. "Shit!"
"Tang ina naman oh! Ang tagal ko nang iniingatan itong sasakyan ko tapos sisirain niyo lang! Gago!" Rinig niyang mura ni Harper at patuloy na kinokontrol ang manibela ng sasakyan at sinisikap na makalayo sa kalaban.
Natanaw niya sa hindi kalayuang direksyon ang isang helicopter at napansin din ang mga kalalakihang naka black suit. Idiniretso ni Harper ang sasakyan doon at nang makalapit ng kaunti ay agad nitong itinigil ang sasakyan. "Kunin mo na ulit itong baril Angel. Sa pagbilang ko ng tatlo lalabas tayo at pupunta sa kanila naiintindihan niyo ba?" Agad ibinalik ni Harper ang baril kay Angel.
"Don't worry, Angel. I won't let them kill you." Rinig niyang wika ni Ultear at ihinanda muli ang baril na hawak.
Bakit si Angel? Siya ba ang target?
"Isa . . ."
Shit! Ikalma mo ang sarili mo. Kaya ko ito!
"Dalawa . . ."
Huminga siya nang malalim at humawak sa pintuan ng sasakyan.
"Tatlo!" Mabilis silang lumabas ng sasakyan at tumakbo palapit sa mga naka black suit. Napansin naman ng mga ito ang presensya nila at agad na lumapit sa kanila.
Nang makalapit sa mga ito ay agad silang tumigil. "Ikinagagalak kong makilala ka, Lady Ultear . . ." Bati sa kanya ng isang lalaki na sa wari niya'y tumatayong lider ng mga naka black suit. Napansin niya na mayroon itong mga baril tulad ng mga ibang kasama.
"Kayo ang ipinadala ng client para magsundo sa amin 'di ba?" Tanong nito ngunit agad silang na alarma sa pagdating ng dalawang sasakyan na humabol sa kanila kanina lang.
Nagulat siya nang itinutok ng mga naka black suit ang kanilang mga baril sa mga nasa sasakyan at huminto ito. Bumukas ang bawat pintuan nito at nakita ang apat na assassins na sakay ng dalawang sasakyan. Pinagmasdan niya ang bawat isa sa mga ito at napansin ang dalawang kilalang pigura.
Yeline and Sheena Ying . . .
"Yeye . . ." Rinig niyang banggit ni Ultear at agad itong pinaputukan ng baril.
Mabilis naman itong nakaiwas at nginisian siya. "Don't call me by that name. You traitor!"
Traitor si Ultear? Paano?
"Hello Angel. Nice to meet you again." Humakbang si Sheena papunta sa direksyon nito. Agad itinago ni Ultear si Angel na bahagyang ikinakunot ng noo nito. "Binabati ko lang ang napakagandang tagapagmana ng Ottinger, masama ba?"
Ibinaling naman nito ang tingin kay Harper. "Isa ka rin pala sa mga traydor Harper. Isa kayong malaking kahihiyan sa Xtres, lalo kana Ultear! Tama nga naman! Kapag anak ka talaga sa labas, isa kang salot. Salot ka sa pamilya mo."
"Hindi kami traydor. Mayroon kaming mission." Sagot ni Harper.
"Anong mission? Para itago ang anak ng isang Ottinger?" Tanong ni Yeline.
Si Angel ay isa sa mga Ottinger? Kaya pala nagtataka ako sa black rose tattoo niya sa likod. Ayun ang palatandaan na isa siya sa pamilyang iyon . . . Isa siya sa mga bigtime na pinaghahanap ng mga notorious assassins. Maski Xtres interesado sa kanya pero . . .
Bakit siya ipinagtatanggol nina Harper at Ultear?
"Mga traydor kayo kaya naman hindi namin ito papalagpasin." Napansin nila ang pagbagsakan ng mga naka black suit dahilan para maalarma sila.
"A trap." Rinig niyang sambit ni Ultear at hindi makapaniwala na nautakan sila.
"Gulat kayo noh? Lahat ng nangyayari ay naaayon sa plano." Ngumisi si Sheena. "Paano kaya kung ikaw na mismo Ultear ang pumatay sa kanya ngayon?"
"Tumakbo na kayo at pumasok sa loob ng Helicopter!" Sigaw ni Ultear at agad na umatake sa mga kalaban.
Bago pa man sila makatakbo hinarang na sila ng isang assassin. "May game ako sa inyo." Rinig niyang lintanya ng lalaking iyon.
Agad naman nilang itinutok dito ang baril. "Wala kaming panahon para sa mga palaro mo kaya kung ayaw mong iputok namin ito sa iyo, get the fuck out of our way." Matapang niyang sabi.
He smirked. "Ganito lang naman ang mechanics ng laro. Kung sino ang mauunang mamamatay sa inyo, ayun lang ang makakasakay doon." Ani'to at itinuro ang Helicopter.
Hindi sila nakinig dito at pinaulanan ito ng bala. "Tumakbo na tayo!" Sigaw niya at tumango naman si Angel.
Nagulat siya nang mabilis na nakalapit ang lalaki at kasunod nito ang pagsipa sa kanya. Napadaing siya sa sakit nang maunang lumagapok ang kanyang tuhod sa sahig. "Arrrrgg!"
"South!" Sigaw ni Angel. Sumenyas siya rito na huwag lumapit ngunit hindi ito nakinig. "Pasaway ka talaga." Aniya at napatingin sa mga nakalaban ni Ultear at Harper.
3 versus 2. Sana kayanin nila iyon . . .
"Mahihina lang ang taong hindi kayang pumaslang." Rinig niyang sabi ng lalaking kalaban nila at agad na umatake. Mabilis siyang tumayo at nilabanan ito.
Nagpakawala siya ng mga suntok dito ngunit nadismaya nang wala man lang isa na tumama dito. "Ang hina." Wika nito at mabilis na nakuha ang braso nito at ibinalibag siyang muli sa sahig.
"Aray!" Napaiyak siya sa sakit na nararamdaman.
Kailangan naming manalo laban sa kanila!
"Mauna kana Angel! Ako na ang bahala rito." Buong desisyon niyang wika at pilit na inaangat ang sarili.
Kung pinoprotektahan nila Ultear at Harper si Angel, dapat ganon din ang gawin ko sa kanya. Naging parte na rin si Angel sa Xtres at kaibigan din siya ng kapatid ko!
"Ayaw ko! Tutulungan kita!" Pagsuway nito at agad na umatake sa kalaban. Nagpalitan sila ng mga suntok at tadyak na bahagyang ikinamangha niya. Kahit papaano may ibinunga din ang training na naranasan nito sa Xtres.
Patuloy sila sa pagpapalitan ng atake hanggang sa makabuwelo si Angel at mabilis itong tumalon at sinipa ito sa mukha. Napaatras nang bahagya ang kalaban. "Masasabi kong marunong ka sa pakikipaglaban. Pero hindi ibig sabihin non kaya mo na ako patayin. Kilala mo ba ang pumatay sa mga magulang mo?" Tanong nito na biglang ikinawala ng emosyon ni Angel.
Hindi ko inaasahan na may ganitong parte pala sa nakaraan ni Angel. Nagsinungaling ito sa kanila kung paano siya dati nakuha ni Ultear . . .
"Ikaw ba ang pumatay sa kanila?" Walang emosyong tanong ni Angel.
Hindi ko alam kung anong tunay na pagkatao ni Angel pero masasabi kong nakakatakot ang awra nito ngayon . . .
"Secret." Pang aasar ng kalaban sa kanya.
Mabilis niya muling sinugod ang kalaban at sa pagkakataong ito nakakagulat ang mga nagawa nito. Mas bata si Angel kumpara sa kanya ngunit mas magaling ito sa kanya sa pakikipaglaban. Masyadong malayo ang agwat ng lakas nito at nahigitan nito ang lakas ng kalaban. "Paanong——" Hindi natuloy ang sinabi nito nang biglang tumalon si Angel at kumapit sa lalaki. "Hindi ko gusto ang nililihim sa akin ang sagot . . ." Mabilis nitong ipinutok ang baril sa dalawang mata nito at kasabay nito ang pagbagsak nila ng lalaki sa sahig.
"Fuck! Angel ang gross!" Reklamo niya rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top