AASB - CHAPTER XI
~•••~
CHAPTER XI: LEAVING
~•••~
Ultear
"WE HAVE A SPECIAL TASK AGAIN, ULTEAR." Ani Harper na agad namang nakatawag sa atensyon niya. Ilang linggo na rin siyang naghihintay ng bagong order mula sa isang kliyente kaya hindi niya ito papalagpasin.
"Spill it."
"I got an email from an unknown account. We need to go in France and catch this big man." Ani'to at hinarap ang laptop sa kanya. Ipinakita nito ang mukha ng target na bahagya naman niyang ikinagulat.
"Demitri Faulton . . ." She knew him very well because of his wealth. Isa lang naman ito sa mga member ng Royal Four na kinabibilangan din ng kanyang ama na si Augustino Vierre.
"He's a traitor. Halos ₱135M ang inilabas ng buong Royal Four para sa mga armas, pero nakulimbat niya ang lahat ng pera bago pa man maganap ang transaksyon."
Marahil isa rin sa mga Royal Four ang may gustong ipapatay ito . . . "Kailan tayo aalis?"
"We will leave tonight. This is an urgent task, Ultear. We need to catch him before he leaves the place. Oh! I receive again 2 emails from that account." Agad niyang ibinalik ang tingin sa laptop nito at nabasa ang panibagong mensahe.
Unknown:
Go to this place. Nandyaan ang Helicopter na sasakyan niyo.
Kinuha niya ang laptop kay Harper at agad na tinignan ang finorward nitong location. "We need to pack up our things. Isasama natin si Angel dahil hindi na siya safe rito." Aniya at biglang nakaramdam ng sobrang kaba. Sa pagkakatanda niya huli siyang kinabahan nang ganito noong nalaman niyang na assassinate ang pamilya ni Angel.
Hindi niya mapigilang hindi mag-alala sa kaligtasan ni Angel. Kani-kanina lang kasi ay may nahuli muli siyang assassin na nagtangkang pumatay dito. Ika lima na siguro ito sa mga nahuli niya at napaslang kaya sa tingin niya'y mas delikado kung iiwan niya ito sa base. "Isama na rin natin si South para may kasama si Angel." Suhestiyon ni Harper sa kanya.
"Oo. Sasabihan ko sila mamaya." Huling sambit niya rito at agad na ihinanda ang mga gamit na dadalhin. Habang nag-iimpake ay patuloy pa rin siya sa pag-iisip.
"Bakit gustong-gusto mo malaman? Hindi ba assassin ka? Sigurado namang inutusan ka rin para patayin siya . . ."
Tama ang sinabi ng nahuli niya kanina. Ilang beses na siyang binigyan ng order na hanapin ang nag-iisang anak ni Anton at patayin, but she just ignore it.
Anton Ottinger is the only son of Gustavo Ottinger——known as the head of Ottinger Mafia. Pero itinakwil siya nito dahil sa kagustuhan ni Anton na mamuhay ng normal.
Nang makaalis ito sa puder ng kanyang ama itinuloy nito ang pagtupad sa kanyang pangarap na maging isang journalist. Dahil sa napamahal siya sa kanyang ginagawa, nakalikha siya ng ingay sa industriya dahilan para mabilis siyang matunton ng ibang Black Organization na nagnanais na ipapatay siya. Isa na ang Xtres doon. She was tasked to kill the son of the Ottinger Mafia.
Pero noong makita niya ito na masaya na natutupad ang mga pangarap nito, hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng inggit.
Sana nagagawa ko rin ang bagay na iyon . . .
Nadiskubre nito ang pagkatao niya at bahagya itong nagtaka sa ginagawa niyang pagprotekta. She told herself not to protect him, but she can't help but still helping him. May nag-uudyok sa kanya na protektahan ito sa mga nagtatangkang pumaslang sa kanya.
Naging magkarelasyon sila ng halos limang taon at nangako siya na po-protektahan ito kahit pa ang kapalit ay ang buhay niya, pero nagbago iyon nang may matuklasan siyang bagay na nagpabago sa pagsasama sila.
She ended their relationship at nagpunta sa Germany ng halos ilang taon. Naintindihan niya sa sarili na hindi maaaring maging sila . . .
Once na siyang nabigo sa pagprotekta kay Anton kaya naman ngayon hindi niya na maaaring biguin ang sarili.
Ang iniisip niya ngayon ay kung hanggang kailan niya maitatago at mapo-protektahan si Angel dahil maraming notorious assassins ang interesadong patayin siya at kunin din ang isa pa sa importanteng bagay na pinagkakainteresan ng mga black organizations. Iyon ang Rose gold Necklace nito na pagmamay-ari ng Ottinger Mafia.
Siya na lang ang natitirang tagapagmana ng mga Ottinger kaya naman marami talagang nagnanais na mapatay siya. Isa na rin sa mga nagkakainteres sa kanya ang Xtres kaya naman sinabihan niya itong mag disguise. Tanging siya, si Harper, at Tanda lang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao nito.
Nang matapos siyang mag-impake ay agad itong bumalik sa sofa. Sakto namang naroon din sila South, North, Arzaylea, Harper, Trejan, West, at si Tanda. "Where's Angel?" Tanong niya.
"We don't know. Naglaro kami ng hide and clap kanina pero hanggang ngayon hindi——" Napansin niya ang pagbukas ng pintuan at kasunod nito ang paglabas ni Angel.
"Nandyan ka lang pala!" Tawag ni North sa kaibigan. Agad naman itong nagpunta sa puwesto nila. "Kanina pa ako nandoon sa kwarto. Sino ang una mong nahanap, Arzay?" Tanong niya.
"Si North una kong nakita, but I decided na wala na lang punishment." Sagot ni Arzay.
"Angel, can we talk?" Bahagya siyang napatingin kay South. "Bakit?" Pagtataka ni Arzay.
"I'm not talking to you." Wika ni South dito at agad silang dumistansiya ni Angel.
Napansin niya si East na malapit dito. Napatingin naman ito sa kanya at bahagyang sumenyas sa kanya.
Lumapit siya para kumpirmahin kung nakuha na nito ang inuutos at tumango. "Ingatan mo iyan." Aniya
Sa apat nilang magkakapatid, si East ang tanging nakakasundo niya at maaasahan. Ito lang ang tumuring sa kanya bilang ate at patuloy na sumasama sa kanya sa Xtres, ngunit kahit pa na magkasundo sila ay hindi niya maaaring sabihin ang tungkol sa pagkatao ni Angel. "I saw her, nakikinig siya sa iyo habang may kausap ka sa loob ng kwarto."
"Let me handle this." Ibinalik niya muli ang tingin kay Angel at napansin ang bahagyang pagpula ng mukha nito. Agad siyang tumayo at lumapit dito. "Sus! You like him noh?" Rinig niyang panunukso ni South.
"Sino iyong tinutukoy mong nagugustuhan ni Angel?" Pagtataka niya sa sinabi nito.
"Wala! Wala akong nagugustuhan dito." Tanging nasabi nito at tila sumisenyas kay South.
"Angel, you need to be ready. We are leaving tonight." Seryosong wika niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nito.
"Mayroon kaming mission ni Harper. We are going to somewhere. Isasama kita pati si South."
"Really! Oh my gosh I'm excited!" Masayang wika ni South. "Angel tara mag-impake na tayo!"
"Bakit biglaan naman ata?" Medyo may pag-aalinlangang sabi nito sa kanya. "South, paano si North?"
"I'll talk to her now." Huling wika ni South sa kanya at lumapit na sa kapatid.
"I know you are there."
"Paanong——"
"My half brother told me." Sagot niya na bahagyang ikinakunot ng noo nito.
"Teka? Si East ba ang tinutukoy mo?" Tanong nito.
"Yeah." Tanging naisagot niya.
"I'm sorry for hearing your conversation with a guy. Pero sino iyong narinig kong kausap mo?" Tanong nito.
Bahagya siyang lumuhod at tinignan ito. "Don't think about it Angel. I'll do everything just to protect you don't worry, kahit pa ang mamatay ako . . ." Tanging nasabi niya at umalis na.
Naisip niyang lubusin na lang ang natitirang oras niya na nandito sa Xtres. Naki-inom siya sa mga kasamahan at nakisali sa mga pinagkakaabalahan nito.
*****
7:30 PM.
Tumayo na siya at agad na hinanda ang sarili. Ito na ang oras ng pag-alis nila sa base kaya naman agad niyang tinawag sina Harper at South na nasa bandang sofa. "Aalis na tayo. Na saan si Angel?"
"Nasa labas siguro." Sagot ni South habang patuloy na pinapatahan si North sa pag-iyak.
"Bakit hindi ako pwede sumama?" Tanong ni North habang patuloy sa paghikbi.
"Don't worry North, sa susunod na task ikaw naman ang isasama ko." Aniya at agad na naglakad. Akma siyang lalabas nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Angel. Tila hingal na hingal ito at may hinahanap. "Fuck you East! I curse you to death!"
"Angel, aalis na tayo."
"Yung kwintas ko kinuha ni East." Pag-aalala niya.
"Don't worry hindi niya iwawala 'yon. Tara na mahuhuli na tayo." Agad niyang binitbit ang mga dadalhin. Mabilis naman niyang napansin ang pagbago ng ekspresyon nito at naging malungkot. "Tara na Angel!" Tawag sa kanya ni South.
"Angel, babalik kayo 'di ba?" Tanong ni North.
Lumapit ito kay North at binigyan ito ng mahigpit na yakap. "Oo, babalik ako North. Sa pagbabalik namin maglalaro ulit tayo, okay?"
"Mamimiss kita Angel! Kayo ni South . . ."
"Shh, tahan na! Wag kang umiyak wala namang patay!" Inis na wika ni South sa kapatid.
"Ultear, mag-iingat kayo ni Harper." Tumango siya kay Tanda. "Oo, Tanda."
Sabay-sabay silang lumabas ng base at inilagay ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Habang patuloy na nilalagay ang mga gamit sa likod ng sasakyan, hindi maiwasan nitong makaramdam muli ng kaba. "Harper, I feel not okay. Can you drive?"
"Anong nararamdaman mo?" Pagtataka niya.
"Kanina lang habang pinag-uusapan natin ang mission may bumabagabag sa akin. Parang may mali . . ."
"Don't worry kasama mo kami, hindi ka nag-iisa." Kinuha nito ang susi sa kanya at naunang sumakay sa sasakyan.
Sumunod naman sina Angel at South at umupo sa bandang likuran. Nang matapos niyang ilagay ang mga gamit ay agad siyang sumakay sa sasakyan at isinarado ito.
Agad na pinaandar ni Harper ang makina at minaneho ito palayo sa base. Tahimik niyang pinagmasdan ang bawat lugar na nalalagpasan nila.
*****
Halos isang oras na ang lumipas at tuluyan silang makalayo sa Base. "Still bothering you?" Pagbasag ni Harper ng katahimikan.
Tumingin siya rito at tumango. "Yeah." Tanging nasabi niya at tila may napansin sa left side mirror. "Drive fast!" Sigaw niya rito at agad na kinuha ang isang handgun na nasa dashboard. "Na saan ang ibang mga bala nito?"
"Nandyan sa loob ng box. Bakit anong meron?" Pagtataka nito.
"I think they are following us . . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top