AASB - CHAPTER X

~•••~
CHAPTER X: NECKLACE
~•••~

Angel

KANINA pa siya hindi mapakali dahil sa dami ng iniisip. Halos mag-iisang oras na mula nang ikulong niya ang sarili sa kwarto at hindi niya pa rin makalimutan ang mga narinig niya na usapan sa pagitan ni Ultear at ng taong kausap nito. Dumagdag pa sa mga iniisip niya ang kahihiyang nagawa niya kay East. "Ano pa ang mukhang maihaharap ko sa lalaking iyon . . ."

"Sa tingin ko papatayin niya na talaga ako dahil d'on."

Bigla niyang naalala ang mga kasamahang naiwan sa labas. Marahil sa ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga ito kaya napagdesisyunan niyang lumabas na. Sakto namang nakita niya ang mga ito at kasama sila Ultear, Harper, at si Tanda.

"Nandyan ka lang pala!" Nakangiting tawag sa kanya ni North. Isinara niya ang pintuan at agad na lumapit sa kanila.

"Kanina pa ako nandoon sa kuwarto. Sino ang una mong nahanap, Arzay?" Tanong niya at medyo nakaramdam ng kaba. Alam niyang nandaya siya sa laro at hindi pumalakpak dahil sa takot na maparusahan .  .  .

Hindi rin puwedeng malaman ni Arzay na nagkita kami ni East. Paniguradong mangungulit na naman ito sa akin at baka malaman niya ang kalokohang nagawa ko . . . nakakahiya!

"Si North una kong nakita, but I decided na wala na lang punishment." Tanging naisagot ni Arzay. Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. Kahit papaano para sa kanya ay hindi siya makakaramdam ng guilt dahil wala namang naparusahan.

"Angel, can we talk?" Itinuon niya ang tingin kay South at tila nagtataka sa kung ano mang pakay nito.

"Bakit?" Pagtataka ni Arzay.

"I'm not talking to you." Diretsahang sagot ni South at agad na ibinalik ang tingin sa kanya. Tumango naman siya bilang pagpayag sa kagustuhan nito at agad silang lumayo nang kaunti sa mga kasama.

"I saw you lately with East," Panimula nito "You cheater! I didn't saw you clapping." Wika nito na bahagyang ikinagulat niya.

Pa-paano niya iyon nalaman? Lagot ako neto . . .

"Oo kasama ko si East kanina. Ikaw ba iyong pumalakpak kanina?" Medyo nauutal niyang tanong.

Nakita niya kaya ang ginawa ko? Huwag naman sana . . .

Nagulat siya nang bigla itong tumawa. "No, si North iyon. Magkasama kaming nagtago ni Trejan sa isang kwarto. Sinabi niya sa akin na nakita ka niyang——" Shit! Alam nila!

"Hey! Can you keep it as a secret? Kayong dalawa ni Trejan . . ."

"Yes I promised since we are now friends," Nakahinga siya nang maluwag dito. "but you need to explain why you kissed him? Anong mayroon sa inyo ni East?"

"Alam mo magkapatid nga kayo ni North. Pareho niyo ako tinutukso sa kung sino-sino." Sagot niya.

"Sasabihin mo ba ang dahilan o sasabihin ko sa kanila na ginawa mo iyon? Paniguradong tutuksuhin ka nila."

"Sasabihin ko na but please don't tell them! Nakakahiya iyong ginawa ko . . . but I did that because he's too loud! I can't lose the game that's why I came up to that decision." Medyo nahihiya niyang paliwanag.

Alam kong nababaliw na ako dahil sa ginawa ko pero ayun lang talaga ang alam kong paraan para maisalba ang sarili. Promise! Cross my heart!

"Sus! You like him noh?" Panunukso nito. Naramdaman niya ang mabilis na pag-init ng kanyang pisngi.

Anong klaseng pakiramdam ito? Wala akong crush kay East!

"Sino iyong tinutukoy mong nagugustuhan ni Angel?" Agad siyang naalarma sa biglaang pagsali ni Ultear sa usapan. "Wala! Wala akong nagugustuhan dito." Tanging nasabi niya at tinignan nang masama si South.

"Angel, you need to be ready. We are leaving tonight." Sabi nito na ikinataka niya. "Saan tayo pupunta?"

"Mayroon kaming mission ni Harper. We are going to somewhere. Isasama kita pati si South."

"Really! Oh my gosh I'm excited!" Masayang wika ni South. "Angel tara mag-impake na tayo!"

Anong kailangan kong e impake? Nasa bag naman na lahat ng gamit ko!

"Bakit biglaan naman ata?" Medyo may pag-aalinlangang sabi niya sa dalaga. Kung kailan unti-unti niya ng nakakasundo ang bawat miyembro dito. Naalala niyang muli ang narinig na usapan sa pagitan ni Ultear at ng taong kausap nito.

Hindi kaya may kinalaman iyon sa biglaang planong pag-alis? Teka? Anong nangyari sa taong kausap niya?

"South, paano si North?" Tanong niya.

"I'll talk to her now." Tanging nasabi nito at agad na lumapit sa kapatid niya.

"I know you are there." Ani Ultear na ikinagulat niya. "Paanong——"

"My half brother told me." Wika nito na bahagyang ikinakunot ng noo niya.

"Teka? Si East ba ang tinutukoy mo?" Paglilinaw niya.

"Yeah." Tanging naisagot nito.

So half brother niya lang pala si East . . .

"I'm sorry for hearing your conversation with a guy. Pero sino iyong narinig kong kausap mo?"

Nagulat siya nang biglang lumuhod si Ultear at ipinantay ang ulo sa kanya. "Don't think about it Angel. I'll do everything just to protect you don't worry. Kahit pa ang mamatay ako . . . ." Tanging nasabi nito at umalis na.

*****

Napagdesisyunan nitong magpunta sa rooftop para makapag-isip. Nang makaakyat ay agad itong nagtungo sa pinakadulo at bahagyang niyakap ang sarili dahil sa lakas ng hangin na nararamdaman.

Magdidilim na pala. Napakabilis ng oras at pangyayari. Ito na rin ang huling beses na makikita ko itong nasa paligid. Hindi ko alam kung ano ang kakaharapin ko sa mga susunod na araw pero kampante ako na magiging ligtas dahil nandyan si Ultear . . . siya lang ang taong bukod na pinagkakatiwalaan ko.

"Bakit ka nandito sa teritoryo ko?" Agad siyang napalingon sa nagsalita at bahagyang nakaramdam ng kaba.

"East." Tanging nasabi niya at biglang napaatras.

Teritoryo? Ibig sabihin siya pala ang nakikita ko rito simula noong una akong mapunta dito sa Xtres . . .

Akmang aalis na siya nang mabilis nitong nahawakan ang braso niya. Nagsalubong ang mga mata nila at nagkatitigan. "Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Bakit? Ano naman sayo kung saan ako pupunta?" Balik niyang tanong at agad niya natanggal ang mga kamay nito sa kanya na saglit namang ikinagulat ng binata.

"Bakit mo ginawa iyon?" Seryosong tanong nito.

"Iyong alin?" Tanong niya kahit alam naman talaga ang tinutukoy ng binata.

Paano ko ba siya sasagutin? Nakakahiya talaga ang nagawa ko . . .

"That k-kiss." Medyo nauutal nitong sabi.

Wth? Nauutal din pala itong lalaking ito? Pero bakit parang ang lungkot ng mga mata niya . . .

"Sorry sa nagawa ko——" Nagulat siya nang mabilis siya nitong halikan sa labi. Agad nag init ang mga pisngi niya at kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Agad din namang tumigil ang binata. "I don't accept your apology, my prey." Wika nito at ngumising muli.

"B-bakit mo ginawa iyon!" Sigaw niya

"Because you're too loud." Sagot nito na ikinaigting ng panga niya. "Naririnig kita kanina. Ang lapit niyo sa akin pero hindi mo ako napansin."

"Fuck you East!" Sigaw niya rito.

Kahit pa mali ang nagawa ko sa kanya mali pa rin na halikan niya ako sa labi! He just stole my first kiss! Nakakaimbyerna!

"I love the way you curse my name. I think that would be the reason for me to like you even more . . ."

"Shut up!" Sigaw niya rito at agad na naglakad palayo. "I have your necklace. Dito muna ito sa akin para makasigurado ako na makakabalik ka pa."

Fuck!

"Ibigay mo sa akin iyan!" Sigaw niya at agad na tumakbo para agawin sa binata ang tanging natitirang importanteng bagay sa kanya.

"No. I just want to make sure na makakabalik ka kaya itatago ko muna ito." Pagpupumilit nito at nagulat siya nang bigla itong tumalon sa rooftop.

Agad siyang dumungaw isa ibaba at walang anumang bakas na nandodoon ito. "Shit!" Sigaw niya at agad na tumakbo pababa ng hagdan.

Hindi pwedeng mawala sa akin ang kwintas. Ayun na lang ang natitirang bigay sa akin ni mama at papa kaya hindi ko iyon maaaring ibigay sa kanya!

"Ibigay mo sabi sa akin iyon!" Sigaw niya pero walang sumagot. Hinanap niya ito sa buong gusali ngunit hindi ito nagpakita. "Fuck you East! I curse you to death!"

"Angel, aalis na tayo." Tawag sa kanya ni Ultear.

"Yung kwintas ko kinuha ni East." Pag-aalala niya. Natatakot siya na baka maski iyon ay mawala nang tuluyan sa kanya.

"Don't worry hindi niya iwawala iyon. Tara na mahuhuli na tayo." Wika nito at agad na binitbit ang mga dadalhin.

"Tara na Angel!" Tawag sa kanya ni South.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top