AASB - CHAPTER VIII

~•••~
CHAPTER VIII: HE'S BACK
~•••~

Angel

NAGULAT siya at napatingin sa taong nagsalita. She didn't expect na magmumula ang salitang iyon kay Arzay kaya naman hindi niya mapigilang hindi mamangha sa kumpiyansang meron ito. Masyado itong excited na magsimula ang training subalit kabaligtaran naman ito sa kagustuhan niya. Medyo nakakaramdam pa rin siya ng ngalay sa kanyang binti ngunit wala naman siyang iba pang choice kung hindi ang sumunod na lang.

Napansin ni Arzay na nakatingin siya kaya naman agad niyang iniwas ang tingin dito. Ibinaling niya ang atensyon sa tatlong babae na nasa unahan. "You all must know the use of every weapons here." Sabi nung Sheena at mabilis na pumunta sa mesa na pinagpapatungan ng mga armas.

Kinuha niya ang isang maliit na baril at mabilis na ikinasa at itinutok sa walang tao. "This is Beretta, a 9x19mm type of hand gun. You can always bring this since madali lang naman siya maitago at gamitin, you can also use this gun for self defense." Sabi nito at agad itong ipinutok sa malayo. Bahagyang nagulat ang iba sa biglaang ginawa nito maliban sa kanya. Seryoso lang itong nakikinig. Ngumisi naman si Sheena rito at agad na ibinalik ang baril sa mesa.

"North, Seira, Angel pumunta kayo rito." Nang marinig ang pangalan ay agad silang nagpunta sa puwesto ni Ultear.

"North, this is a Assault Riffle. It can fire up to 600 rounds per minute at ang range niyan ay umaabot hanggang 350 meters." Ani Ultear at ibinalin naman ang atensyon sa babae na nagngangalang Seira. "This is the Phoenix Sniper Rifle. Tama kayo ng iniisip, this is usually used kapag mayroon kayong target na nasa malayo. Don't worry I won't let you use this as of now. Sinasabi ko lang ang mga ito for you to have knowledge,"

Tumingin ito sa kanya at napakunot ang noo sa hindi niya malamang dahilan. "Angel, maliban sa mga baril ay mayroon ding swiss knife, dagger, mga explosive bombs na maaari niyong magamit depende sa sitwayon."

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon dito at napansin ang iba pang miyembro ng Xtres na nagsilabasan at nag form ng linya pahaba. "Magsipunta kayo sa kanila at magharapan kayo." Utos ni Ultear.

Sumunod naman ang mga ito at dali-daling pumunta sa kanila. "Angel dito ka!" Tawag sa kanya ni Flaire. Agad naman siyang nagpunta rito at humarap. "Anong gagawin?" Tanong niya

Napailing ito. "I don't know! Sinabihan lang kami ni Tanda na pumunta rito."

"Listen, ang katapat niyo ang makakasama niyo at magtuturo kung paano kayo mas magiging malakas, mabilis, at alisto. You must know how to control your body movements. Sa ngayon ay hahayaan na lang muna namin kayong magsanay." Huling wika ni Ultear at umalis na. Sumunod naman dito sina Yeline at Sheena.

"Are you excited to learn something from the most gorgeous and fabulous assassin in the earth?" Tanong ni Flaire sa kanya at nag posing pa.

Napangiti siya. Kahit bago pa lang sila magkakilala hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa pagiging confident nito. "Oo naman!"

"Simulan na natin. First, kailangan mong tumakbo sa punong iyon at makabalik dito within 1 minute." Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung gaano ito kalayo sa kinaroroonan niya. Seriously?

"1 minute talaga? Sigurado ka? Hindi naman ako si Flash!" Reklamo niya at napahawak sa kanyang sentido.

Tumakbo kami ni Trejan papunta rito. Nakapag 100 Burpees pa kami dahil na late. Tapos ngayon papatakbuhin ako hanggang doon sa puno at kailangan makabalik ako ng hindi lumalagpas ng isang minuto?

"Hey! Makinig ka na lang. Ayaw ko na hindi ka matuto mula sa pinaka gorgeous at fabulous na assassin." sabi nito

"Alam mo bang kakatapos ko lang mag burpees?" Tanong niya at ikinagulat naman ni Flaire nang bahagya. "Really? That's good to hear. Simulan mo na ang pagtakbo. Kapag sobra sa isang minuto, uulit ka ng uulit." Nakangiting sabi nito.

Talagang gusto niya na ata akong patayin sa pagod!

Huminga siya nang malalim at hinahanda ang sarili. "Don't worry. I'm just testing your speed and endurance. Ganyan din ako noong unang beses akong sumabak sa training. Marami pang mas mahirap diyan at sigurado naman akong makaka survive ka sa bawat training."

"Sige. Tatakbo na ako." Aniya at agad na tumakbo ng mabilis. Pilit niyang hindi iniinda ang pangangalay ng mga binti at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Kaya ko ito! Kailangan bago mag isang minuto makarating na ako!

Nang makarating sa puno ay mabilis siyang tumakbo bumalik sa kinaroroonan ni Flaire. Napatingin siya sa pinaka itaas na bahagi ng base at nakita ang isang tao na tila pinapanood silang mga nasa baba. Siya ba ang nakita ko noong unang beses ako makapunta dito sa Xtres? Tumingin muli ito pero nawala ulit ito doon sa pinupuwestuhan niya. "Angel, bilisan mo 10 secs nalang!" rinig niyang sigaw ni Flaire. Mas binilisan niya pa lalo ang pagtakbo at nang makarating ay agad itong napa upo.

"Congrats! Mas ok pala yung may hinahabol kang oras para mas ma-challenge ka." Aniya.

"Sobrang pagod na ang paa ko." Reklamo niya habang patuloy na hinahabol ang hininga.

"Sige. Since tayo nalang naman ang nandito, sa susunod na lang natin ipagpapatuloy ang training." Sambit nito dahilan para mapangiti siyang muli.

"Thank you!" Aniya at mabilis na niyakap ang kaibigan.

"Nako pinagbibigyan lang kita ngayon at dahil magdidilim na rin kaya mauna na tayo sa kanila." Sabi nito.

Tumango naman siya at nagsimula na silang maglakad papasok sa base. Nakasalubong naman nila si South at kasabay nito si Harper, Trejan, at North. "Tapos na rin kayo?" tanong niya

"Sa susunod nalang daw ulit namin ipagpapatuloy yung pagsasanay." Sagot ni North at agad na ipinulupot ang kamay sa kanya. "Mauna tayo!" Wika nito at mabilis siyang hinila palayo kay Flaire.

"Bakit? Anong meron?" pagtataka niya

Silang dalawa ang naunang pumasok sa base at agad umakyat sa hagdan. "Angel! Kinikilig ako sa inyo ni Trejan kanina! Nakahawak pa siya sayo!" Nagulat siya sa mga sinabi nito.

"Loko-loko ka huwag kang mag-isip ng kung ano tungkol sa amin! We are just friends." Paglilinaw niya.

"Sa una lang iyan Angel. Feeling ko may crush sayo si Trejan! Ayiee! Tangina kinikilig ako!"

"Stop cussing——" Sabi niya at biglang napatigil nang makasalubong ang taong hindi niya na gustong makita.

She stared at him and knowing his cold presence, nakakaramdam muli siya ng kaba dahil sa maaaring mangyari. Agad siyang napaatras nang maglakad ito. Hindi kaya papatayin niya na ako sa mga oras na ito?

She was in a state of shock nang lagpasan lang siya ng binata. Medyo nakaramdam siya ng kirot sa hindi malaman na dahilan. "Sandali!" Sigaw niya.

Napatigil ang binata sa pagbaba ng hagdan at lumingon sa kanya. Abo't-abot ang kaba sa dibdib niya nang makitang nakatingin ito sa kanya. She stared at his deep blue eyes. May kung anong bagay na nag uudyok sa kanya na titigan pa ito ng malapitan.

Oh my god! Erase . . . erase! Nagpapantasya ako sa taong ito?

"Angel, bakit mo tinawag si East?" Pagtataka ni North.

Bahagyang kumunot naman ang noo ng binatang tinawag niya. "If you have nothing to say, I'll leave." Malamig na wika nito at tuluyang naglakad pababa ng hagdan.

Bakit parang nag-iba ang timpla ng lalaking yun? Noong una kaming magkita parang gusto niya akong patayin . . . pero ngayon wala lang itong pakialam.


"I'm fucked up!" Sigaw niya.

"Stop cussing Angel." Napatingin siya rito at naramdaman niya ang unti-unting pag-init ng kanyang pisngi sa kahihiyang ginawa niya.

Bakit ko tinatawag ang isang delubyo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top