AASB - CHAPTER VII

~•••~
CHAPTER VII: TRAINING
~•••~

Angel

SA HALOS dalawang linggo niyang pananatili sa Xtres ay unti-unti na rin siya nagiging komportable sa mga kasamahan.

Simula noong matapos silang parusahan ni South, napansin niya ang unti-unting pagbabago nito at kinakausap na rin siya kahit papaano.

Si North naman na madalas niyang nakakasama ay ibinibida sa kanya ang bagong barbie doll na natanggap niya mula sa isang kaibigan.

Si West at Arzay naman na malapit kay East ay bihira niya lang din nakakausap dahil busy ang mga ito.

Simula noong pagbantaan siya ni East na papatayin ay hindi na ito muling nagpakita sa kanya na ikinapanatag naman niya nang sobra. Alam niya na mas magiging safe siya kung wala ito dahil kung nandito man siya ay maaaring totohanin nito ang banta sa kanya.

Para sa kanya ay marahil hindi na masama ang pananatili niya rito sa Xtres lalo pa't dumarami ang mga taong nakakasama at nakakausap niya. Nagiging kakuwentuhan niya ang mga ito at minsan pa'y nakakatawanan din.

Pero kahit na nakakausap at nakakasama niya ang mga ito, natatandaan niya pa rin ang mga sinabi ni Ultear sa kanya at ito ay ang hindi pagtitiwala kahit kanino.

"Ikaw Angel, paglaki mo siguradong-sigurado ako na pag-aagawan ka ng mga lalaki." Napailing siya at tumingin kay Harper. She know her as Ultear's partner in crime. Iyon lang ang pagkakatanda niya sa napakahabang ikinuwento nito last time na pinaburan naman ni Ultear.

"True!" Ani Trejan at nilaklak ang isang malaking bote ng alak. Hindi siya makapaniwala na sa edad nitong 15 ay nagagawa na nitong lumaklak ng ganoong karaming alak, datapwat wala man lang itong bakas na kahit anong kalasingan.

"Stop teasing her. Masyado pa siyang bata." Seryosong wika ni Flaire at tumingin sa kanya. Kinindatan siya nito at bahagyang napangiti sa kanya. Bukod siguro kay North ay isa pa ito sa mga pinaka nakakasundo niya. Mas bata ito nang kaunti kung ikukumpara kay Ultear at napakahaba ng buhok nito.

"Paepal ka talaga Flaire, hindi ka naman si Angel, at hindi naman hamak na mas maganda sayo si Angel. Partida bata pa iyan," Tumingin ito sa kanya. "Angel kapag pinag-agawan ka ng maraming lalaki bigyan mo nalang ako kahit isa lang ah!" Natatawang sabi nito.

Bahagyang ngumisi si Flaire. "I pity you. Palibhasa wala ka namang love life Harper." Pang-iinsulto nito.

"Tumigil na kayo. Parang mas isip bata pa kayo kaysa kay Angel." Natatawang sabi ni Trejan at uminom muli. Nagulat siya nang makita sina Harper at Flaire na nakatingin nang masama kay Trejan.

"Uy, tama na wag kayong magtalo. Wala naman akong panahon para sa mga ganoong bagay . . ." Aniya at agad iniwas ang tingin. Natahimik din naman ang mga ito at nagpatuloy sa pag-inom.

Inilibot niya ang tingin sa paligid at bahagyang napakunot ang noo nang hindi makita ang hinahanap. "Na saan si Ultear?" Pagtataka niya.

Mabilis na napatayo si Trejan. "Oh shit! I forgot to tell you! Lagot tayo!" Aniya at mabilis siyang hinila. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumunod dahil hila-hila nito ang braso niya habang patuloy na tumatakbo. He's a fast runner. . . Hindi niya na ata kakayanin ang hingal na nararamdaman.

Lumabas sila ng gusali at nakita ang mga taong nakaupo habang mayroong tatlong taong nakatayo at tila may pinag-uusapan. Sa nakikita niya ay isa si Ultear sa mga ito. Nang tuluyang makalapit ay tumigil si Trejan sa pagtakbo at agad na tinanggal ang pagkakahawak sa kanya. Habol-hininga siyang tumingin dito at nagulat nang wala man lang itong bakas na anumang pagod.

"Hi Angel!" Tumingin siya sa nagtawag at nakita si North na nakaupo sa unahan. Katabi nito si South at nasa likuran naman nito ay nandoon si Arzay na kasalukuyang nakikipag-usap sa apat na babaeng katabi niya.

"Ultear, I'm sorry nakalimutan kong sabihin." Ibinalik niyang muli ang atensyon kay Trejan habang kinakausap si Ultear. Napansin niyang nagpunta sa puwesto nila ang dalawa pang taong nakita niyang nagsasalita kasama si Ultear. Halos kaedaran lang din ni Ultear ang mga ito. Ang isang babae ay mayroong blonde hair na hanggang dibdib habang ang isa naman ay purple na hanggang balikat lang ang buhok. "Trejan, who's that girl?" Pagtataka ng babaeng naka blonde at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Hindi nagsalita si Trejan at patuloy na hinihintay na magsalita si Ultear. Bahagyang napairap ang babae at tumalikod dahil na rin sa hindi nito pagpansin sa kanya.

"100 burpees." Ani Ultear na ikinagulat niya.

"Se-seryoso ka?" Napatingin siya kay Trejan nang sabay silang magtanong.

"Oo." Tanging naisagot nito.



Agad silang pumuwesto at sinimulan iyon gawin.

"1 . . . 2 . . . 3 . . . 4 . . . 5 . . ."

Nakakaramdam man siya ng sobrang hingal ngunit ipinagpatuloy niya pa rin ang pinapagawa nito.

"Bilis!" Sigaw ng naka blonde hair sa kanya.

"20 . . . 21 . . . 22 . . ." Bilang niya habang patuloy na ginagawa iyon. Malayo pa siya bago matapos ngunit nakakaramdam na agad siya ng pangangalay sa kanyang binti.

Mas mahirap pa ata itong pinapagawa niya kaysa sa mahaba nilang lakaran noon ni Ultear.

"Ang bagal!" reklamo ng babaeng naka blonde hair. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa. "50 . . . 51 . . . 52 . . . 53 . . ."

"98 . . . 99 . . . 100!" Nagulat siya at hindi maiwasang hindi mamangha kay Trejan. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero mabilis nitong natapos ang pinapagawa ni Ultear.

"5 mins and 30 secs." Sabi ni Ultear na ikinagulat niya lalo.

Ganito ba talaga kabibilis ang mga tao dito? Partida nakainom pa iyan ng alak!

Agad niya binilisan ang pag-gawa nito at nang matapos ay agad siyang napaupo sa sobrang pagod. "8 mins. Not too bad but still slow." Komento sa kanya ng naka blonde hair. Ano bang problema nito?

"Stand everyone. Hindi pa tayo nagsisimula." Wika ni Ultear na ikinaigting ng panga niya. Hindi pa sila nagsisimula pero sobra na siyang nakakaramdam ng pagod.

"At the count of 3. Ang mga hindi tumayo makakaranas din ng ganon." Hindi pa man nakakapagbilang ay mabilis silang nakatayo. Nakakaramdam man siya ng pangangalay pero wala siyang iba pang magagawa bukod sa sumunod.

"Hindi magiging madali ang araw na ito sa inyo. Kung gusto niyong sumuko, parang isinusuko niyo na rin ang buhay niyo sa amin ni Sheena at Yeye."

"Stop calling me Yeye Ultear! I'm Yeline." Inis na reklamo ng babaeng naka blonde hair.

Bahagyang natawa ang babaeng pagkakakilala niya ay si Sheena. "Yeye or Yeline, it still the same because it's you. By the way, I'm excited to kill trashes. Sinong agad susuko sa inyo?"

Walang sumagot sa kanya. "Well, dahil walang sumagot sa inyo lahat kayo sasabak sa mga trainings hanggang sa maging bihasa kayo. Lahat kayo ay parte na ng Xtres at wala dapat ang mahina sa inyo." Ngumisi ito.

"Simulan na natin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top