AASB - CHAPTER VI

~•••~
CHAPTER VI: ROSE TATTOO
~•••~

South

"DO YOU THINK that is the best way to know her real motive here in Xtres? You know I don't like her, but I think I'm not capable to put her on that situation. Ayaw ko ring maparusahan!" Pag-aalala niya dahil sa naisip nitong plano.

Lumapit ito sa kanya at bahagyang ngumiti. "You can do it South. Baka magtampo ako sayo kapag hindi mo ginawa iyon. Sinabihan ko na rin si North tungkol doon."

"But why? What's your real reason? Bakit gusto mong gawin ko iyon?"

Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit gusto niya na ipagawa sa akin ang ganong bagay. Bukod pa r'on, bakit pa kailangang magpanggap nang ganito kung pwede naman siyang sapilitan na lang na tanungin? Hindi naman sapat na dahilan na gusto lang niya malaman ang pagkatao nito. Paniguradong may iba pa itong pakay kay Angel . . .

"Basta gawin mo na lang South, please?" Pagpupumilit nito.

Why would she waste her time for that bitch? Kahit na may parte sa utak ko na gustong mawala ang babaeng iyon sa Xtres ay hindi ko pa rin gustong mangialam dahil si Ultear ang nagdala sa kanya rito . . . but this person is completely out of her mind.

Huminga siya nang malalim at napasabunot sa kanyang buhok dahil sa nararamdaman na frustration. She knew that this person is much intelligent than her but she can't help but to doubt her actions. Pwede kayang naiingit siya kay Angel? But why? "Please?" Pagpupumilit nito lalo.

"Fine, I'll do it." Tanging naisagot niya. She had no choice but to follow this person. Ngunit ipinapangako niya sa sarili na once matapos ito ay hindi na muli siya papayag sa anumang sasabihin niya.

Bumukas ang pintuan at kasunod nito ang mabilis na pagpasok ng kanyang kapatid. "Hey! Naglibot kami ni Angel sa rooftop!" Masayang kuwento nito pero nakita niyang napairap ang taong kausap niya.

"Galingan niyo sa pag-arte. Don't worry North once na matapos itong gagawin niyo ibibigay ko sa iyo yung barbie doll na gusto mo. Okay?"


"Okay!" Masayang sagot nito.

"Goodluck, girls." Huling sambit nito at tuluyang lumabas ng kwarto.

"South, are you ready?" Excited nitong tanong.

"Shut up North! Humiga ka na lang sa sahig." Utos niya.

Agad din naman itong humiga at malakas na umiyak. Napasapo siya sa kanyang noo. Ito na siguro ang pinaka nakakabaliw na pag papanggap na ginawa nila. "You're crazy! Ayaw ko nang ganito! Ang pangit mo umarte North!" Naiinis niyang sabi.

"Kailangan ko ng barbie doll. Wala kaming malalaro ni Angel e!" Pagpupumilit niya.

Nagulat sila nang biglang bumukas ang pintuan at nakita si West na tila alam na ang nangyari. "North!" Sigaw nito at agad tumakbo sa direksyon nila.

"P-please call Angel . . ." Nauutal-utal na wika ng kanyang kapatid. Agad siyang napalunok at pinipigilan ang sarili na hindi tumawa sa kabaliwan ng kanyang kapatid.

Bakit parang naging ako pa ang lumalabas na masama?

"South! Anong ginawa mo sa kapatid mo?" Galit na winika sa kanya ni West at mabilis na lumabas sa kwarto.

"South, tadyakan mo ako!" Mabilis na utos nito.

"WHAT! NABABALIW KA NA BA?" Hindi maka paniwalang sabi niya.

Ganito na ba siya ka-desperada na makakuha ng barbie doll? Napaka childish!

"Bilisan mo na. Aray ang sakit!" Sigaw nito. Fuck this shit!

Agad siyang lumapit at tinadyakan ito "We are crazy!" Aniya

Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa sa sariling kapatid. Nagmumukha lang silang baliw sa pinaggagawa nila . . .

"Anong ginagawa mo!" Nagulat siya nang makita si Angel at itinulak siya dahilan para mapadaing siya sa sakit.

"North, okay ka lang ba?" Pag-aalala nito.

"O-okay lang ako." Sagot niya at nagpanggap na hirap na hirap makabangon.

Ganito ba talaga ang nagagawa ng taong gustong makuha ang isang bagay? Gagawin niya lahat para makuha ang barbie doll na ipinangako sa kanya ng taong iyon. She's a good actress though . . .

Naalala niya ang ipinangako niya sa taong iyon at marahil ay ito na ang tamang oras na gawin niya ang pinapagawa nito. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo at mabilis na lumapit kay Angel. "Umalis ka riyan! Huwag kang mangialam!" Sigaw niya at ginantihan siya.

Tumingin ito sa kanya at bakas sa mukha nito ang galit na nararamdaman. "Bakit mo sinasaktan si North!"

Totoo ba itong narinig ko? I can't believe na ipagtatanggol ng babaeng ito ang kapatid ko kahit na bago pa lang sila na magkaibigan . . .

But what if malaman niya na nagpapanggap lang kami na nag-aaway?

"E bakit? Ano bang pakialam mo? Ang kapal ng mukha mo para itulak ako! Bitch!" Agad niyang hinablot ang buhok nito.

Wala siyang ibang choice kung hindi panindigan ang kabaliwan niya at isa pa, hindi niya rin naman ito gusto. She's a bitch after all. "Aray ko South! Tama na!" Daing nito at pilit nitong tinatanggal ang mga kamay niya sa ulo nito.

Bakit hindi siya lumalaban? Hindi puwedeng hindi siya lumaban!

"Ang kapal ng mukha mo bago ka pa lang dito! Wala kang karapatang mangialam sa'min ni North! Magkapatid kami at natural na lang na saktan ko siya dahil sa paglapit niya sa'yo bitch!" Sigaw niya at patuloy itong sinabunutan. Pinaghahampas niya ito at malakas na tinadyakan sa tagiliran. "Aray ko!"

Doon siya nakakuha ng tiyempo at pinaghahampas ito ng malakas.

"Tama na South!" Sigaw ni West at pinigilan siya. Agad siyang nagpumiglas dito.

Bakit ba siya nakikisali? "Don't ever try to mess with me, Angel. Hindi mo ko kilala!" Hindi niya alam kung saan siya nakakahugot ng galit para saktan ito. Wala naman itong ginawang masama pero napain siya sa isang walang kwentang patibong. She's not sure anymore if this is the right thing to do para makilala ang tunay nitong pagkatao.

What if she's just a normal kid?

Napatingin siya rito at nagulat nang mag-iba ang awra nito. Huli na para makailag siya nang biglang tumama ng malakas ang kamay nito sa kanyang pisngi. "Tama na sabi!" Natauhan siya sa kanyang nagawa at mabilis na tumayo nang makita si Tanda na nakatayo sa pintuan.

"Anong nangyayari?" Pagtataka nito pero wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita dahil sa takot.

Hindi niya mapigilang hindi kabahan dahil si Tanda mismo ang nakakita sa kanila. Isa si Tanda sa pinaka-ginagalang and at the same time isa rin sa mga kinakatakutan niya sa Xtres. "Sino ang may pasimuno nito!" Sumigaw ito na mas ikinadagdag ng tensyong nararamdaman niya.

"Si South." Bahagyang napatingin siya kay West at tinignan ito nang masama.

"Hindi ako sinungaling ka!"

"Ako." Sambit ni Angel na ikinagulat niya. Nahihibang na ba siya? Gusto niya bang maparusahan ni Tanda?

"Sino sabi!" Galit na sigaw nito.

Napalunok siya at nang makahanap ng tiyempo ay agad itong nagsalita "Ako ang nagsimula." Pag-amin nito.

Ngayon ay siguradong-sigurado na siya na sinadya ng taong iyon na sa kanya ipagawa ang ganitong bagay. That person asked her for this and she didn't resist. It's her fault. Pumayag siya sa kagustuhan nito and now she will face the consequences . . .

Hirap man siyang aminin ang bagay na iyon but that's the only chance to save her from this. Naniwala siya sa taong iyon pero ganito lang pala ang kalalabasan.

"Sinungaling ka. Ako nga sabi!" Sigaw nito. Kunot noo niya itong pinasadahan ng masamang tingin.

She's a stupid bitch! Siya na nga itong tinutulungan para hindi mapahamak pero pinipilit niya pa rin na siya ang nagsimula. She's crazy!

Napaatras siya ng kaunti nang maglakad si Tanda palapit sa kanila. "Walang gustong umamin sa inyo? Sige, kunin silang dalawa."

Wala silang ginawang kahit anong pagpupumiglas at dinala sila sa isang madilim na silid. Kahit wala mang makita at pilit nitong pinapakiramdaman ang paligid. This place is somewhat familiar . . ."Dahil sa mga katarantaduhang pinaggagawa niyo hindi kayo ngayon makakakain. Mananatili lang kayo rito hangga't sa sasabihin ko!" Huling sambit nito at isinara ang pintuan.

Narinig nila ang pagkandado ng pintuan kasabay ng pagtahimik ng paligid. Hinahanap ng tingin niya si Angel ngunit hindi niya ito makita. "Bakit mo 'yon ginawa? Edi sana ako lang ang nandidito." Mahinang usal niya.

Alam ni Angel na hindi siya ang nauna, bakit inilagay niya ang sarili sa kapahamakan?

"Kung ikaw lang ang nandidito tingin mo magiging masaya ka?" Balik nitong tanong sa kanya.

Nababaliw na ba siya?

"Hindi nga ako masaya na nandito ka rin!" Inis na sabi niya.

Parang may utang na loob tuloy ako dahil sa pagsama nito sa akin . . .

"Na saan tayo bakit ang baho?" tanong nito at narinig ang pagduwal nito. Nagsimulang umalingasaw ang isang mabahong amoy.

Pamilyar talaga ito! Alam ko na hindi ito ang unang beses na naamoy ang nakasusurang amoy.

Agad niyang tinakpan ang kanyang ilong "We are in the Cellar . . ." Sigurado siya sa sinabi.

"Bakit ang baho? Hindi ba kapag nasa cellar dapat mabango? Eh hindi na kakayanin ng sikmura ko yung amoy!" Halos naduduwal na sabi niya.

"Shut up Angel! Nasusuka rin ako——" Naputol ang sinabi nito nang hindi na kayanin ng sikmura ang amoy at tuluyang sumuka.

"Bakit natahimik ka? South!" Sigaw niya at tinakpan ang ilong.

"Sa tingin ko hindi pa rin nila naiaalis dito yung ibang mga pinatay . . ." Sagot niya at patuloy na nagsuka. Nagulat siya nang makarinig ng pagbagsak sa sahig. "Angel!" Tawag niya rito ngunit hindi ito sumasagot.

"Angel . . ." Huling nasabi niya at nawalan na rin nang malay.

*****


Nagising siya at maamoy muli ang nakakasulasok na amoy mula sa kwartong kinalalagyan nila. Bumangon siya at napagtantong umaga na dahil sa ilaw na tumatagos sa gilid ng pintuan.

Nakita niya si Angel na natutulog pa rin ngunit tumatagaktak ang pawis nito.

Nananaginip ba siya?

Agad siyang lumapit sa kinaroroonan nito at umupo. "Angel! Gumising ka. Nananaginip ka ata." Hindi niya mapigilang hindi mag-alala sa sitwasyon nito.

Gusto kong mag sorry sa kabaliwang nagawa ko. Sa kabaliwang ginawa nila ni North at ng taong may pakana nito. Tumingin siya dito at hindi naiwasang hindi magtaka. "Tama na ho! Parang awa niyo na . . ."

"Uy! Gising!" Pagtawag niya rito ngunit hindi ito nagising. Ano ba ang napapanaginipan niya?

"Mama . . . Papa . . ."

Agad siyang sumigaw dito. "Angel, gumising ka nga dyan!" Mabilis itong napabangon at halos mapahawak sa kanyang dibdib. Pilit nitong hinahabol ang kanyang hininga. "Bitch, are you okay?" Pag-aalala niya.

Hindi ito sumagot sa kanya at dali-dali nitong pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata. May mali sa kanya. Paniguradong hindi maganda ang napanaginipan nito. "Bitch," tawag niya "I know there's something on you but I can't figure it for now . . ."

May parte sa kanya na gustong malaman kung ano ang napanaginipan nito pero alam niya na hindi naman siya nito sasagutin. They aren't even friends. Inaway niya pa ito kahit wala naman talaga siyang sapat na dahilan bukod lang sa sundin ang sinabi sa kanya.

"Umaga na ba?" Tanong nito.

Napairap siya. "Hindi ba obvious? Kaya mo nga ako nakikita 'di ba?" Namimilosopo niyang sagot habang takip-takip ang kanyang ilong.

"Ang attitude mo——" Napaduwal ito.

"Hey! Takpan mo 'yang ilong mo!" Inis na sabi niya.

"I can't!" Sigaw nito at sumuka.

"Bitch, you are so gross! Takpan mo sabi ilong mo! Gusto mo bang mamatay sa amoy!" Galit niyang wika.

Itinaas nito ang suot niyang damit at agad na itinakip sa kanyang ilong. "I hate you! Bakit ka kasi nandito baka malagot ako!"

"Malagot? Kanino?" Pagtataka nito.

Kay Ultear malamang!

Nagulat sila nang marinig ang pagbukas ng pintuan. "Ilabas na yang mga 'yan." Mabilis na utos ni Tanda. Agad tumango ang mga kasama nito at agad silang inilabas.

Nakahinga sila nang maluwag ng tuluyan silang mailabas sa lugar na iyon. "Sinabi na sa akin ni North ang totoong nangyari. Totoo ba iyon South na ikaw ang nagsimula?"

"Opo, Tanda. Patawad." Tanging nasabi niya at napayuko na lamang. Gusto niyang mag-sorry dahil na disappoint niya ang taong kumupkop at nag-aruga sa kanila ng kapatid niya na si North . . .

"Sa susunod na maulit muli ang ginawa niyo, sisiguraduhin kong hindi lang ito ang pagdadaanan niyo." Huling sambit nito at umalis na. Nakita niya ang unti-unti nitong paglayo sa kinaroroonan nila.

Sabay silang bumalik sa kwarto nila at nakita ang kapatid niya at ang taong may pakulo ng pangyayaring ito. Tinignan niya ito ng masama ngunit tila hindi ito natinag sa kanya. That bitch! "Angel! You don't look okay . . ." Pag-aalala ni North sa kaibigan.

"I'm okay. Ikaw okay ka lang ba?" Pag-aalala nito.

She's very ok, Angel. Hindi mo dapat siya inaalala dahil isa rin siya sa mga kasali sa pangyayaring ito . . .

Napailing siya sa naisip at agad na pumunta sa drawer niya para kumuha ng damit.

"She's fine now, Angel. Magpalit na kayo ng damit kasi ang baho niyo." Napairap siya at mabilis na isinuot ang t-shirt na nakuha sa drawer. Napalingon siya at nakita ang likuran ni Angel. Napansin niya ang tattoo na na sa likuran nito. It's a small rose at nakapahiga ito.

Is it possible na nagsisinungaling lang ito sa sinabi niya kay North na namamalimos siya?

"May tattoo ka pala sa likod mo." Napatingin siya kay Arzay at binigyan ito ng masamang tingin. Ano na naman ba ang pinaplano niya?

"F—fake tattoo lang yan." Sagot nito na ikinapagtataka niya. Nakita niya iyon nang malapitan at hindi niya masasabing peke lamang ito.

"Patingin nga!" Ani North at agad lumapit sa kanya.

"Hey! Don't force her. Sinabi niya ngang fake tattoo 'di ba?" Wika niya at mabilis na tumingin kay Arzay. Ngumisi siya at mabilis na inirapan ito.

"Himala naging concern ka big sister." Sarkastikong wika ni North.

Umiling siya at naglakad sa pinto. "I don't care. Pero dahil sa pag-sama niya sa akin sa pinuntahan namin, siguro bati na kami." Huling sambit niya at tuluyang lumabas ng kwarto.

Nakahinga siya nang maluwag nang makaalis sa kwartong iyon. Atleast kahit pa paano may nasabi siyang maganda ngayong araw. "South . . ."

Agad siyang tumingin at nakita si West. "Bakit?" Pagtataka niya. Naalala niya na nasungitan niya ito kagabi and she feel sorry for that. "I'm sorry." Aniya

"Hinahanap ka ni East." Bahagyang ikinagulat niya ito at pilit na iniisip kung anong pakay nito sa kanya. First time lang siya nitong ipinatawag at hindi niya maiwasang hindi magtaka. "Na saan siya?"

"Sumunod ka sa akin." Sambit nito. Naglakad sila at nagtungo sa unang palapag ng gusali. Nang makarating ay pumasok sila sa room 10 at napatingin sa taong nagpapatawag sa kanya. "Pinapata——"

"Anong katarantaduhan na naman ang ginawa niyo at dinamay niyo pa siya?" Tanong nito na ipinagtataka niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"You all should be careful next time. I don't want to share my prey to anyone."

Hindi naman sila magkaano-ano at isa pa ang pagkakaalam ko ay magkarelasyon sila ni Arzay dahil siya lang naman ang taong nakakausap nito nang matagal at minsan palihim pa.

"Bakit ka concern kay Angel? I thought you and Arzay——" Hindi nito natapos ang sasabihin at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Bakit mo ba sinaktan ang kapatid mo?" Tanong ni West sa kanya.

Inirapan niya ito. "Wala kang pake!" Huling sambit niya at umalis na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top