AASB - CHAPTER V
~•••~
CHAPTER V: A NIGHTMARE
~•••~
Angel
"ANONG GINAGAWA KO RITO?" Tanong niya sa sarili at agad na tumayo sa pagkakahiga. Tinignan niya ang buong paligid at napagtanto ang isang pamilyar na lugar.
Naglakad siya at agad na binuksan ang pintuan. Lumabas siya at agad na nagtungo sa hagdan. "Am I dreaming?"
"Gising kana pala Scarlette. Bumaba kana rito at kakain na kayo." Mabilis niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses. "Nanay Celia?" Hindi siya makapaniwala at pilit na inirerehistro sa kanyang isipan ang nakita.
"Oo ako nga iha, ang nanay Celia mo!" Masayang sambit nito.
Mabilis siyang tumakbo sa puwesto nito at binigyan siya nang mahigpit na yakap. "Oh my gosh! You're alive!" Sigaw niya at napaiyak na lamang sa tuwa nang makita muli ang pinaka mamahal niyang kasambahay.
"Buhay ako iha. Buhay na buhay ako dahil nariyan kami sa puso mo. Kami ng mama mo at ng papa mo——"
"Na saan si mama at papa?" Hindi niya napigilang mai-mtanong.
"Nandito ako anak!" Lumingon siya at nakita ang kanyang ama. Mabilis siyang tumakbo at niyakap ito. "Papa, I missed you! Miss na miss ko na kayo ni Mama at nanay Celia!"
"Talaga ba," Napalingon siyang muli at nakita ang kanyang ina."Na miss ka rin namin agad!" Sabi nito at niyakap siya.
Gumuhit ang napaka gandang ngiti niya sa labi. Ito na siguro ang pinakamasayang nangyari sa kanya at iyon ang makita niyang muli ang mga pinaka importanteng tao sa kanya . . . Nagbalik ang kanyang nanay Celia, papa Anton, at ang kanyang ina na si Geneva.
"Ang sweet niyo namang mag pamilya!" Hindi mapigilang komento sa kanila ng kanyang nanay Celia.
"Celia, lumapit ka rito," Utos ng kanyang ina. "Parte ka na ng pamilya. Sumali ka sa amin!" Hindi niya maiwasang hindi mapatitig sa kanyang ina. Napaka ganda nito at hindi makabasag pinggan. Isa na siguro ito sa mga naging dahilan kung bakit siya nagustuhan ng kanyang ama.
"Nako po ma'am Geneva kayo na lang po." Nahihiyang sabi nito.
"Nanay Celia sige na please?" Pagpupumilit niya.
"Hay nako. Mapilit ka talaga Scarlette." Napakamot ito sa ulo at sumali sa kanila. Ito na siguro ang pinaka masayang pangyayari sa kanya. Pero sa isipan niya na sana itong sayang nararamdaman niya ay hindi na muling mawala . . . .
"Kumain na tayo," Masayang wika ng kanyang ama. Agad silang dumiretso sa hapag-kainan at umupo. "Anak ikaw na ang mag lead ng prayer."
"Opo." Sabi nito at pumikit. "Thank you po sa lahat ng——" Mabilis nito idinilat ang mata nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
Nagulat siya nang mapagtantong siya na lamang ang tao sa hapagkainan at agad na tumayo. Napaigtad siya sa gulat nang makita ang kanyang kasambahay na naliligo na sa dugo. "Nanay Celia!"
"Mama . . . papa na saan kayo!" Sigaw niya at patuloy na ginigising ang kanyang nanay Celia. "Nanay Celia 'wag naman kayong ganito sa'kin. 'Wag niyo akong iwan ulit!"
"Nanay Celia gumising ka! Mama, papa na saan na kayo!" Sigaw niya at biglang napatigil nang makita ang mga armadong naka maskara na mabilis na nakalapit sa kanya. "Saan niyo ako dadalhin?"
"Sa impyerno bata . . ." Wika ng isang armado na lalaki at agad siyang ihiniga sa sahig. "Tama na ho! Parang awa niyo na . . ."
"Mama . . . Papa . . ."
*****
"Angel, gumising ka nga dyan!" Agad siyang napa bangon sa pagkakahiga at napaiyak sa sakit na nararamdaman. "Bitch, are you okay?" Hindi siya umimik dito at pilit na pinupunasan ang luhang patuloy na pumapatak sa kanyang mata.
Bakit pati sa panaginip na kasama ko sila may ganito pa ring pangyayari? Sana hindi na lang ako nagising. Sana kasama ko pa rin sila . . . .
"Bitch," Tawag sa kanya ni South. "I know there's something on you but I can't figure it for now."
Hindi niya pinansin si South at ibinaling ang atensyon sa liwanag na tumagos sa gilid ng pintuan. "Umaga na ba?" Pag-iiba niya ng topic dito.
"Hindi ba obvious? Kaya mo nga ako nakikita 'diba?" Pilosopo nitong sagot at habang takip-takip ang kanyang ilong.
"Ang attitude mo——" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang maamoy muli ang nakakasulasok na amoy. "Hey! Takpan mo yang ilong mo!" Inis na sinabi ng kanyang kasama.
"I can't!" Sigaw niya at tuluyang sumuka dahil sa amoy.
"Bitch, you are so gross! Takpan mo sabi ilong mo! Gusto mo bang mamatay sa amoy!" Galit nitong wika.
Itinaas niya ang damit niya at agad na itinakip sa kanyang ilong. "I hate you! Bakit ka kasi nandito baka malagot ako!" Reklamo ni South.
"Malagot? Kanino?" Pagtataka niya.
Nagulat sila nang marinig ang pagbukas ng pintuan. "Ilabas na yang mga 'yan." Utos ni Tanda. Sumunod naman ang mga ito at agad silang binuhat palabas.
Nakahinga sila nang maluwag ng tuluyan silang mailabas sa lugar na iyon. "Sinabi na sa akin ni North ang totoong nangyari. Totoo ba iyon South na ikaw ang nagsimula?"
"Opo, tanda. Patawad." Malungkot nitong sabi.
"Sa susunod na maulit muli ang ginawa niyo, sisiguraduhin kong hindi lang ito ang pagdadaanan niyo." Huling sambit nito at umalis na. Sabay silang bumalik sa mismong kwarto nila at nakita sila North at Arzay. "Angel! You don't look okay . . ." Ani North at tila nag-aalala sa kanya.
"I'm okay. Ikaw, okay ka lang ba?"
"She's fine now, Angel. Magpalit na kayo ng damit kasi ang baho niyo." Wika ni Arzay.
Mabilis silang naghubad ng damit at agad nagpalit ng t-shirt. "May tattoo ka pala sa likod mo." Nagulat siya sa sinabi ni Arzay at agad humarap. "Fake tattoo lang 'yan." Pagsisinungaling niya.
Naalala niya na ilang taon pa lamang siya noong mailagay ito sa likod niya . . .
"Patingin nga!" Usisa ni North at agad lumapit sa kanya
"Hey! Don't force her. Sinabi niya ngang fake tattoo 'di ba?" Sabi ni South sa mga ito na ikinagulat niya.
"Himala naging concern ka big sister." Pataray na sabi ni North.
Umirap ito. "I don't care. Pero dahil sa pag-sama niya sa akin sa pinuntahan namin, siguro bati na muna kami." Huling wika nito at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Anong meron doon?" Pagtataka ni North sa inaata ng kapatid.
"Pms?" Natatawang sabi ni Arzay.
Ibinaling niya ang atensyon kay North. "Anong dahilan kung bakit ka sinaktan ni South kagabi?" Pagtataka niya.
"Ah wala. Hindi mo na kailangan pang malaman——" Agad nitong pinutol ang sasabihin niya.
"Please tell me." Seryosong tono niya.
"I think she doesn't want to tell you about it," Biglang singit ni Arzay sa usapan. "Can we talk about something? Yung tayong dalawa lang muna sana." Dagdag pa nito.
"Bakit ayaw mo ako isama sa pag-uusapan niyo?" Tanong ni North.
Tumingin si Arzay sa kanya at tila may sinesenyas. Tumango naman ito at agad din lumabas ng kwarto. Umupo sila sa double deck at doon nila ipinag patuloy ang pag-uusap. "Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya
Tumingin sa kanya si Arzay. "Sinabi sa akin ni North na nagkita raw kayo ni East. Is that true?"
Yung lalaking iyon! Hmpp!
"Yes. Why?" Pagtataka niya.
"Hindi pa kasi siya ulit nagpapakita sa akin e. Baka alam mo kung na saan siya? Gusto ko lang din sana tanungin kung anong sinabi niya sayo?" Tanong nito.
Bahagyang kumunot ang noo niya at napaisip kung bakit gusto nitong malaman ang pinag-usapan nila. "Bakit? Anong mayroon sa inyo ng lalaking iyon?" Balik niyang tanong.
"Wala naman. We're just close . . . " Tanging nasabi nito dahilan para makaramdam siya ng konting kirot sa dibdib. Ano na naman itong kakaibang nararamdaman ko?
Ibinaling niya ang tingin sa drawer."Wala naman siyang sinabi sa akin bukod lang sa pagbabanta. Iyon lang 'yon." Sagot niya.
"Well maaari niyang totohanin ang mga bagay na sinabi niya, but don't worry once na magkita ulit kami I'll try my best to convince him na hindi ka na muli pang lapitan."
Napatingin muli ito sa kanya. "Okay." Tipid niyang sagot.
"But please do your best para makalayo sa kanya. He's very dangerous than what you think."
Napailing siya at bahagyang natawa sa sinabi nito. She knows that he's really dangerous at wala rin naman siyang balak na mapalapit dito. "I don't know him, at malabo rin na maging kaibigan ko siya." Tanging nasabi niya.
"Then good. Wala na tayong iba pang dapat pag-usapan." Ngumiti ito sa kanya at tuluyang lumabas sa kwarto.
Napangiwi na lamang siya nang tuluyan itong makalabas. "Bakit niya sa akin hinahanap ang lalaking 'yon? Magkaibigan naman sila at close pa naman din sila kaya dapat alam niya kung saan-saan nagpupunta ang taong iyon,"
"And as if I care to him? Duh!"
"Ano ba itong pakiramdam na ito!" Reklamo niya sa sarili at nagpagulong-gulong sa kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top