AASB - CHAPTER IV
~•••~
CHAPTER IV: THE CELLAR
~•••~
Angel
NAPAKAMOT na lamang siya ng ulo habang patuloy na nakikinig sa kanina pang paulit-ulit na sinasabi ni Ultear. Halos maggagabi nang makabalik sila sa kwarto at tila kanina pa siya nito hinahanap. "Angel, next time kailangan mong mag-paalam sa akin kapag aalis ka. Bago ka pa lang dito, not everyone here is trustworthy."
"I'm sorry . . ." Sagot niya at napayuko na lamang. Napatagal kasi sila ni North sa rooftop dahil napagdesiyunan pa nilang maglaro. Kahit na gustuhin man niya na magpaliwanag, mas pinili na lang niyang manahimik.
Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Ultear at nagulat nang i-angat nito ang kanyang ulo. She gazed at Ultear and noticed how she was concern for her. "Angel, ibinilin ka sa akin ng papa mo. I have no choice but to protect his treasure . . . to protect you. Hindi kita pwedeng pabayaan lalo na't wala na si Anton at ang mama mo. This is not the safest place for you but as long as I'm alive, no one will harm you."
Hindi niya mapigilang hindi mapa isip sa sinabi nito.
Why Ultear cares for me a lot? Hindi naman kami magkaano-ano.
"Why you're here in Xtres? At anong mayroong ugnayan sa inyo ni papa?" Tanong niya pero hindi ito agad umimik sa kanya. "It's okay if you don't want to answer——"
"I'm an assassin." Sagot nito na labis niya namang ikinagulat. Biglang nawala ang kaninang emosyon nito at napalitan ng lungkot.
"We came into a different world and I was tasked to kill him . . ."
Tumingin ito sa kanya. "But I protect him instead. Your father supposed to be the target of many black organizations. He is a famous journalist and many of them want him dead, but I didn't let them succeed. I value Anton Ottinger more than myself,"
Patuloy siyang nakinig sa sinasabi nito. "I loved him and he loves me too. Naging kami but fate doesn't seem to be favored on us. Naghiwalay kami and it made me decide to leave this country for a while. Inilulong ko ang sarili sa paggawa ng iba pang mga pending tasks ng Xtres. After spending 5 years in Germany nalaman kong may asawa na siya and it was Geneva Gonzales, your mom."
"I'm sorry." Tanging nasabi niya.
"I received a text from him, he want me to protect you. Noong una hindi ko yun pinansin dahil ayaw ko nang ilapit pa ang sarili ko sa pangalan niya. Pero isang araw nagulat na lang ako na patay na siya. I failed to protect him . . . I failed to protect my love . . . ." Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata nito at iniwas ang tingin sa kanya.
"I'm sorry." Sambit niyang muli.
"This is why I do this, Angel. Sinabi niya sa akin sa text na kahit anong mangyari kailangan mailayo kita. Mahal ko siya kaya ko ito nagawa. Kapag nakikita kita Angel, naaalala ko siya."
"I'm so sorry. Pinapangako ko sa'yo na hindi ko na ulit gagawin iyon. Nasaktan kita." Nalulungkot niyang sabi.
"No, Angel. Dahil kasama kita, gumaan ang pakiramdam ko. Pansamantala ka muna rito sa Xtres. Once na maka receive ako ng order mula sa bagong client, isasama kita." Tumayo ito sa pagkaka-upo at pinunasan ang mga luha sa kanyang mata.
"Kailangan mong ihanda ang sarili mo, malapit na magsimula ang training niyo." Huling sambit nito at lumabas na.
Huminga siya nang malalim at ipinilig ang kanyang ulo. "Nasaktan ko siya by just asking about papa Anton. Bakit ko ba kasi tinanong yun!" Hindi niya mawari kung anong dapat niyang maramdaman sa mga sinabi nito.
"Bakit kapa kasi nagtanong eh!" Inis niyang reklamo sa sarili.
Nagulat siya nang malakas na bumukas ang pintuan at nakita si West. "Angel, kailangan mong pumunta kay North!"
"Bakit anong nangyari kay North?" Kunot-noong tanong niya.
"Sinasaktan siya ni South!" Sigaw ni West.
Agad siyang tumayo at mabilis silang pumunta sa kwarto kung saan nandodoon si North at South. Nang makapasok sa pintuan ay tumambad sa kanya si North na nakahandusay sa sahig habang patuloy siyang tinatadyakan ng walang awa niyang kapatid.
Labis na galit ang naramdaman niya at agad itinulak si South. "Anong ginagawa mo!" Sigaw niya at agad na nilapitan ang kawawang si North. "North, okay ka lang ba?"
"O—okay lang ako." Sagot nito at pilit inaangat ang sarili.
"Umalis ka dyan! Huwag kang mangialam!" Bulyaw sa kanya ni South at mabilis na tumayo at itinulak siya.
"Bakit mo sinasaktan si North!" Galit na wika niya at itinulak ulit si South.
"E bakit? Ano bang pakialam mo? Ang kapal ng mukha mo para itulak ako! Bitch!" Sigaw nito at hinablot nang malakas ang buhok niya at pinag sasabunutan.
"Aray ko South! Tama na!" Daing niya at pilit na tinatanggal ang mga kamay nito sa kanyang ulo.
"Ang kapal ng mukha mo bago ka palang dito! Wala kang karapatang mangialam sa'min ni North! Magkapatid kami at natural na lang na saktan ko siya dahil sa paglapit niya sa'yo bitch!" Sigaw nito at patuloy siyang sinabunutan. Nagpalitan silang dalawa ng sabunot at hampas. Tinadyakan siya nito nang malakas sa tagiliran dahilan para mapadaing siya sa sakit. "Aray ko!"
Nakakuha agad si South ng tiyempo at pinaghahampas siya nang malakas. "Tama na South!" Rinig niyang sigaw ni West at lumapit sa kanila.
"Don't ever try to mess with me, Angel. Hindi mo ko kilala!" Galit nitong saad at patuloy siyang binigyan ng malalakas na hampas.
Nagdilim ang paningin niya at mabilis na tumayo at binigyan siya ng malakas na sampal. "Tama na sabi!" Nanggigil niyang sigaw.
"Anong nangyayari?" Nagsitigil sila nang marinig ang boses na iyon. Mabilis silang tumayo at abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib nang mapantanto kung sino ang nagsalita.
"Sino ang may pasimuno nito?" Galit nitong tanong.
"Si South." Mabilis na sagot ni West sa matanda.
"Hindi ako sinungaling ka!" Pagsalungat ni South sa paratang sa kanya.
"Ako." Sagot niya na ikinagulat ni North at West. Tumingin siya sa direksyon ni South na mukhang hindi makapaniwala sa sinagot niya.
"Sino sabi!" Galit na sigaw nito.
"Ako ang nagsimula." Pag-amin ni South.
"Sinungaling ka. Ako nga sabi!" Pagpupumilit niya.
Lumapit ang matanda sa kanila at tinignan sila sa mga mata. "Walang gustong umamin sa inyo? Sige, kunin silang dalawa." Galit na utos nito.
Agad nagsikilos ang mga kasama nito at mabilis silang dinala sa isang madilim na silid. Hindi ito kasama sa mga nalibot nila ni North kanina lang kaya wala siyang ideya rito.
"Dahil sa mga katarantaduhang pinaggagawa niyo hindi kayo ngayon makakakain. Mananatili lang kayo rito hangga't sa sasabihin ko!" Sambit nito at lumabas na. Narinig nila ang malakas na pag-sara ng pintuan at kasabay n'on ang pagkalansing ng mga susi. Naiwan silang dalawa sa kwarto at hindi nakikita ang isa't-isa. "Bakit mo 'yon ginawa? Edi sana ako lang ang nandito." Mahinang usal ni South.
"Kung ikaw lang ang nandidito tingin mo magiging masaya ka?"
"Hindi nga ako masaya na nandito ka rin!" Inis na sabi nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus pinakiramdaman ang paligid "Nasaan tayo bakit ang baho?" Tanong niya at halos masuka sa nakakasurang amoy na umaalingasaw sa buong kwarto.
"We are in the Cellar . . ." Sagot nito.
"Bakit ang baho? Hindi ba kapag nasa cellar dapat mabango? Eh hindi na kakayanin ng sikmura ko yung amoy!" Halos naduduwal na sabi niya.
"Shut up Angel! Nasusuka rin ako——"
"Bakit natahimik ka? South!" Sigaw niya at tinakpan ang ilong.
"Sa tingin ko hindi pa rin nila naiaalis dito yung ibang mga pinatay . . ." Sabi ni South dahilan para mawalan siya nang malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top