AASB - CHAPTER III

~•••~
CHAPTER III: MASKED
~•••~

Angel

NAGISING siya nang makarinig ng mga sigawan mula sa labas at dali-daling bumangon. Inunat niya ang kanyang katawan at iginala ang tingin sa buong kwarto at napagtantong siya na lang ang natitirang tao na nandito.

She was about to leave the room when she heard a knocking on the door. Agad niya iyon binuksan at nakita si Ultear. Mayroon itong bitbit na bag at isang supot ng pagkain. Pumasok ito sa kwarto at ibinigay ang mga bitbit sa kanya.

"Angel, you need to eat and clean yourself. Pagbukas mo ng pintuan sa gilid nandyan ang shower room. Nandyan na sa bag lahat ng pangangailangan mo gaya ng toothbrush, shampoo, mga damit, at underwears. Pag kailangan mo ako tawagin mo lang ako okay?"

"Ultear . . ." Tawag niya rito.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti "Bakit?" Pagtataka nito.

"Salamat." Ngumiti siya at agad binuksan ang nasa supot.

"Ultear!" Napukaw ang atensyon nila nang marinig ang mga tawag mula sa labas. "Damn! Ano na namang kailangan mo Tanda." Inis na sabi ni Ultear at tuluyang lumabas ng kwarto.

Agad niyang binuksan ang tupperware na naglalaman ng pagkain at natakam nang malaman na ang ulam niya ay Chicken Curry. It was her favorite food. Mabilis niya itong tinikman at natuwa nang masarapan sa lasa. She suddenly remember the person who always cook this food for her. Para sa kanya iyon ang pinaka masarap na chicken curry na natikman niya at wala ng hihigit pa roon . . . .

Pinunasan niya ang luha na pumatak sa kanyang mukha. "Ugh, don't cry self. You still need to find the person behind this." Aniya at mabilis na kumain.

*****

Nang matapos kumain ay agad siyang nagpunta sa banyo para maligo at magsipilyo. Pagkatapos ay agad siyang nagbihis at nagsuklay ng buhok. Tumingin siya sa salamin at nanlumo nang makita ang sarili. "You need to be strong." Aniya

Pagkabukas ng pintuan ng banyo ay siyang mabilis na pagkatalon niya sa gulat. Dahan-dahan siyang lumabas ng banyo at kabadong tinignan ang binatilyong may hawak na baril. "Ba-bakit ka may baril, East?"

"Follow me." Agad naman siyang tumango at sumunod sa binata.

Lumabas sila sa kwarto at nagtungo sa hagdan. Habang naglalakad ay siyang pagkaalala niya sa sinabi ni North. "Lahat ng nasa Xtres masasamang tao Angel. Lahat kami kayang pumatay kung kina kailangan."


Hindi kaya papatayin niya ako?

"East, saan ba tayo pupunta?" Hindi siya nito pinansin at hinila siya pababa ng hagdan. Nang makababa ay pumasok sila sa isang kwarto at doon siya malakas na itinulak. "Aray ko naman!"

"Sino ka?" Tanong nito.

"Ako si Ang——"

"Stupid. I'm not referring to your name," Matalim itong tumingin sa kanya. "Sino ka para dalhin ni Ultear dito?"

"Hindi ko alam! Nakita niya lang ako na namamalimos." Pagsisinungaling niya. Mas lalo pang lumalim ang tingin ng binata sa kanya. "Tapos?"

"Iyon lang 'yon. Please wag mo akong papatayin." Sagot niya at nagmakaawa sa binata.

Nagulat naman ito nang mabilis itong makalapit sa kanya at agad itinutok ang baril sa kanyang sentido. "Listen to me, I don't care how Ultear cares for you,"

Hinawakan nito ang baba niya at inangat. Inilapit nito ang mukha sa kanya at mas malapitan siya nitong tinignan sa mata. Parang nag slow-mo ang paligid at tanging naririnig niya lang ay ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. It is a strange feeling. Ang bagal ng paligid at ang binatilyo lang na kasalukuyang nakatitig sa kanya ang nakikita niya.



Agad niyang binura sa isipan ang pagpapantasya at mabilis na iniwas ang tingin sa binata. Hindi puwedeng mangibabaw ang nararamdaman niya sa oras na ito. "Pero sa oras na mapahamak si Ultear nang dahil sayo, sisiguraduhin kong mawawala ka sa mundo." Huling sabi niya at tuluyang lumabas sa kwarto.



Nakahinga siya nang maluwag ng tuluyan itong makaalis. "Sino siya para tutukan ako ng baril? Anong problema niya?" She gasped at mabilis na tinulungan ang sarili na makatayo. Napahawak siya sa kanyang dibdib at hindi napigilang magtaka.

Bakit parang kakaiba ang naramdaman ko kanina?


"Angel!"


Napalingon siya at nagulat nang makita si North na mabilis na tumakbo palapit sa kanya. "Are you alright?"

"Oo ayos lang ako. Hindi pa naman ako tinuluyan ni East . . ." Sagot niya at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa kanyang dibdib.

"Sinabi niya sakin na narito ka kaya tumakbo agad ako para puntahan ka. Buti naman at hindi ka napahamak." Pag-aalala nito.

"May sinabi siya sa akin."


"Tungkol saan?" Pagtataka nito.

"Ang sabi niya once na mapahamak daw si Ultear nang dahil sakin, papatayin niya ako." Sabi niya at nakaramdam muli ng kaba. Hindi niya magawang matitigan ang buong mukha ng binata . . . pero sa nararamdaman niya kanina parang kaya siya nitong kakainin nang buhay.

"Wag mong isipin yun, Angel. Hinding-hindi yun gagawin ni East. Tinatakot ka lang niya panigurado."

"Seryoso siya sa sinabi niya. Sino siya para pagbantaan ako! Magkaano-ano ba sila ni Ultear?" Pagtataka niya.

"Magkapatid sila." Nagulat siya sa natuklasan mula kay North. Na realize niya na kaya pala ganon na lamang ang kinilos ni East sa kanya.

"Bakit sila nasa Xtres?" Tanong niya.

"Matagal na nang magtrabaho rito si Ultear. Si East naman hindi ko alam, wala naman siya rito noong una. Siguro sumunod lang siya kay Ultear." Sagot nito.

"Ilang taon na ba si East?" Hindi niya mapigilang itanong. Sa pagkakakita niya kasi rito mukhang mas matanda ito sa kanya ng ilang taon.

Tumingin si North sa kanya "He's 15. Bakit mo natanong?"

Napailing siya. "Wala. Eh ikaw, ilang taon ka na? Si South, Arzay, at si West?"

"I'm 10. Si South 12, si Arzay at West naman 14," Sagot nito at bahagyang kumunot noo. "Eh ikaw, Angel?"

"Magkaedad lang tayo." Aniya

"Kaya pala magkasundo tayo!" Masayang sabi nito sa kaibigan. "Tara sumama ka sa akin, ipapasyal kita sa buong base namin!"

Lumakad sila at nilibot ang buong gusali. Sa paglilibot nila sa gusali ay marami silang nakasalubong na iba't-ibang tao at napapatingin sa kanila. "Lahat ba ng nandito miyembro ng Xtres?"

"Oo. Lahat ng miyembro ng Xtres ay may kanya-kanyang ginagampanang gawain. Naka depende sa order ng client kung anong gagawin namin." Sagot nito at bahagyang napatingin ulit sa kanya. "Nagkakamali ka ng iniisip kung madali lang ang maging parte ng Xtres. Sa bawat pagkakamali natin ay may parusa na naghihintay."

"Anong parusa?" Pagtataka niya.

Huminto sila sa paglalakad at bahagyang sumagot si North sa kanya. "I don't know Angel. Basta ang naririnig ko lang ang sabi ng iilan mahirap daw yung parusa. Kaya kung maaari lang ayaw kong magkamali. Ayaw kong maranasan yung parusang sinasabi nila." Aniya

"Ano nga pala yung ginagampanan mo rito North?"

"Sa ngayon wala pa akong ibang gagawin bukod sa sumabak sa mga trainings. Pati ikaw Angel dahil miyembro ka na ng Xtres." Sambit niya at nagpatuloy sa paglalakad. Marami silang napuntahang mga kwarto at karamihan doon ay nakalock. "Doon na lang tayo sa rooftop! Wala tayong mapapala rito puro naka lock eh!"

Umakyat sila ng hagdan at nagpunta sa 6th floor ng naturang gusali. Sa pag-akyat nila ay bumungad sa kanila ang malakas na hangin. Iginala niya ang tingin sa paligid at naalala niya ang nakita kagabi. "Diyan ko ata nakita yung tao kagabi." wika niya at itinuro ang mismong pwesto kung saan niya nakita ang tao.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako pumupunta dito kapag gabi." anito

Lumapit siya sa dulo ng rooftop at pinakiramdaman ang preskong hangin na humahaplos sa kanyang katawan. "Ang gaan ng pakiramdam ko rito sa rooftop North!" Wika niya at bahagyang ngumiti.

Masyadong malamig at nakikita niya sa ibaba ang mga dumadaang tao. "Ngayon lang kita nakitang ngumiti nang ganyan at sobrang ganda mo talaga. . ." Ngumiti ito sa kanya. "You're like an angel, bagay talaga pangalan mo sayo. Angel." Puri nito sa kanya.

"North," Tawag pansin nito sa kaibigan.

"Bakit Angel?" Pagtataka nito.

Tumingin siya kay North. "Can I ask you a favor?"

"Ano naman iyon?" Tanong nito

"Can you hug me?"


Agad namang napangiti si North sa kanya. "Oo naman! Friends tayo eh!" Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Thank you, North!" Sambit niya at niyakap ito pabalik.

Biglang pumatak ang luha na kanina niya pang pinipigilan. Ito na siguro ang pinaka-peke niyang na sabi dahil alam niya sa sarili niya na hinding-hindi na siya manunumbalik sa dating siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top