AASB - CHAPTER II
~•••~
CHAPTER II: ANGEL
~•••~
Angelica Scarlette
HABANG palayo nang palayo ang nilalakad nila ay mas nakakaramdam siya ng pangangalay sa binti. Kanina pa sila naglalakad ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nila nararating yung mismong lugar na pupuntahan. Tumatagaktak na ang pawis niya at bakas sa mukha ang pagod at pagkauhaw. "Wait lang! Pagod na ako."
Awtomatikong napalingon sa kanya ang babae at bahagyang natawa sa sitwasyon niya. "May pera kabang dala, bata?" Tanong nito.
Napailing siya at sumagot sa kanya. "Wala. Lumayas ako sa bahay ng tiyuhin ko."
"Wala rin akong dalang pera. Sinadya kong hindi magdala ng pera kasi nagtitipid ako. Malayo-layo pa ang lalakarin natin bago makapunta sa mismong base. Kung magpapahinga kapa, baka abutin na tayo ng umaga." Aniya
Nangangalay man pero ipinagpatuloy pa rin nila ang paglalakad. Napakamot siya ng ulo nang mapagtantong hindi pa niya alam ang pangalan ng kasama. "Ano nga pa lang pangalan mo?"
"Ultear," Sagot nito at tumingin sa kanya. "And you are Angelica Scarlette. Ang nag-iisang anak ni Anton . . . ."
Nagulat siya sa naging sagot nito at bahagyang nagtaka. "Paano mo nalaman pangalan ko? Sino ka ba?"
Ano bang nagtulak sa akin para sumama sa taong ito? Ngayon ko pa lang naman siya nakita pero bakit ang gaan ng loob ko sa kanya?
"Sabihin na lang natin na ibinilin ka sa akin ng papa mo bago siya mawala . . ." Sagot nito.
Hindi kaya may kinalaman siya sa pagkamatay ni mama at papa?
"Bakit? Anong kinalaman mo kay papa at sa nangyari? Ikaw ba may pakana nang lahat ng ito?"
"Hindi." Tipid nitong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
*****
Huminto sila sa paglalakad nang marating ang isang malaking lumang gusali. Napansin niyang may iilang palapag na bukas ang ilaw habang ang karamihan naman dito ay napaka dilim. Inilibot niya ang tingin sa pinaka itaas ng gusali at mayroon siyang naaninag na parang nakatingin sa kanila. Tao ba iyon? Hindi niya ito gaano makita dahil nasa pinakababa sila samantalang nasa pinakaitaas naman ang taong sinasabi niya.
"Huwag kang mag-alala. You're safe here," Ani Ultear sa kanya. "Mauna na ako sa loob."
Naglakad na ito papasok sa loob at siya na lamang ang naiwan sa labas. Tumingin siyang muli sa itaas at kunot-noong nagtaka nang mawala ang nakita. "Teka hintay, Ultear!" Sigaw niya at dali-daling sumunod sa kanya.
Madilim at nakakapangilabot ang bumungad sa kanya nang tuluyang makapasok sa gusali. Nakakaramdam man siya ng kaba ngunit mas iniisip niya na wala na siyang iba pang matutuluyan. Bukod pa r'on, marami siyang kailangang malaman kay Ultear.
Marami siyang mga katanungan sa isipan na hindi pa rin nasasagot . . . Maaaring si Ultear ang maging sagot para malaman niya kung sinong pumatay sa pamilya niya.
"Dito ang base namin, dito ka na rin maninirahan simula ngayon kaya dapat hindi ka matakot pero," Seryoso itong tumingin sa kanya. "Kahit anong mangyari hindi mo maaaring sabihin sa kanila ang totoo mong pagkatao. Maaaring ikapahamak mo iyon sa oras na may makaalam tungkol sayo. Naiintindihan mo ba?"
"A-anong kailangan kong gawin?" Tanong niya
"Simula ngayon Angel na ang itatawag ko sa'yo. Tandaan mo lahat ng sinabi ko sa iyo. Hindi mo puwedeng sabihin sa kanila kung sino ka at ang nangyari sayo. Maliban na lang kapag sinabi ko . . . ."
Umakyat na sila ng hagdan at nang makarating sa 5th floor ay bumungad naman ang maraming kwarto.
Sumunod lang siya kay Ultear at nagpatuloy sa paglalakad. Tumigil sila sa isang kuwarto at mabilis na binuksan ni Ultear ang pintuan.
Tumambad sa kanila ang iilang grupo ng kababaihan at kalalakihan na may iba't-ibang pinagkakaabalahan. Inilibot niya tingin sa mga ito at may napansin. Bakit bawat isa sa kanila ay may baril?
"Ultear, sino sila?" Medyo napalakas ang pagkaka tanong niya dahilan para makuha ang atensyon ng lahat. Parang gusto niya na lang ibaon ang sarili sa lupa at hindi na lumabas. Mabilis siyang nagtago sa likuran ni Ultear at kinurot ito bilang senyales ng paghingi ng tulong. "Ultear, I'm scared." Tanging nasabi niya.
"Ultear, nandito ka na pala," Nakita niya na may papalapit sa kanila na matandang babae. May hawak itong sigarilyo at baril kaya mas humigpit pa ang hawak niya sa dalaga. "Siya ba yung tinutukoy mo?" Medyo mahina nitong tanong.
"Oo. Siya si Angel, simula ngayon makakasama na natin siya rito sa Xtres. Ituring niyo siya na isa sa atin. Maliwanag ba?"
"Mayroong balita si boss tungkol——"
"Mamaya na natin pag-usapan iyan." Pagpuputol nito sa gustong sabihin ng matanda.
"Ako si Tanda," Pakilala nito at ngumiti. "North! Pumunta ka rito!"
"Wait lang po . . ." Agad niyang napansin ang pagtakbo ng isang babae at nagpunta sa direksyon nila.
"Bago niyong makakasama, si Angel." Pakilala nito sa kanya.
"Hi Angel! Ako si North," Masayang pakilala ng babae sa kanya. "Tara sumama ka sa akin!" Tumingin siya kay Ultear at tumango naman ito.
Sa huli ay pumayag na rin siyang sumama kay North at pumasok sa isang kuwarto. Bumungad sa kanya ang iba pang mga bata bukod sa kanila ni North. "Siya si Angel. Bagong miyembro ng Xtres. Kaibigan na natin siya ngayon, okay?"
"Ako si West." Pakilala ng isang lalaki at agad nakipagkamay sa kanya.
Bahagya siyang natawa sa naisip.
North, South, East, West? Posible kaya iyon?
"Anong nakakatawa?" Agad siyang nanumbalik sa katinuan at tumingin sa babaeng nakataas ang kilay sa kanya. Maganda siya katulad ni North at may pagkakahawig sila.
Teka magkapatid ba sila?
"Ang taray mo naman South! Bago palang siya rito e!" Reklamo ni North at halatang naiirita sa inaasta ng kasama.
"Magkakapatid ba kayo?" Pagtataka niya.
"No." Natuon naman ang atensyon niya sa lalaking nakatalikod at naninigarilyo. Sa naiisip niya ay mukhang mas matanda ito sa kanya ng ilang taon at may pagka brusko na ang pangangatawan. She stared at him pero hindi ito alam ng binata dahil nakatalikod ito.
"Siya si East, Angel. Kaming dalawa lang ni South ang magkapatid. Si East at West hindi magkapatid. Mga baliw lang talaga mga magulang namin at ganon ang trip nilang ipangalan sa amin." Paliwanag ni North.
"Ako si Arzaylea, Arzay nalang." pakilala ng isang napakagandang babae. Mahaba ang buhok nito, may puting balat at higit sa lahat mukha itong mabait. Hindi niya mapigilan na hindi mapatitig sa kanya at pagmasdan ang ganda nito.
"Ang ganda mo Angel." Puri sa kanya ng lalaking nagngangalang West.
"Oo nga." Nakangiting wika naman nong Arzay.
"Bitch!" Inis na sabi nung South at lumabas sa kwarto.
"Wag mong intindihin si South. Attitude lang talaga 'yon haha!" Natatawang paliwanag ni North sa inasta ng kapatid.
"Sobrang ganda mo Arzay." Nakangiting komento niya rito dahilan para mamula ang mga pisngi nito.
Ang cute!
Agad din naman sila natahimik nang biglang tumayo si East at bahagya itong tumingin sa kanya. Ngayon nakita niya ang hitsura nito. She couldn't help but stare at his handsome yet dangerous face.
Agad siya nanumbalik sa katinuan nang marinig ang malakas na pagsara ng pintuan. "Puntahan ko lang si East." Pagpapaalam ni West at lumabas na rin ng kwarto.
"Ayaw ba nila akong maging kaibigan?" Malungkot niyang tanong sa mga natitirang kasama.
"Of course not! Si South talaga yung ma-attitude samin. Si East naman hindi namin gaano nakakausap may pagkama-attitude rin talaga. Si Arzay lang ang may kayang makausap siya nang matagal, I guess." paliwanag ni North at napatango naman siya.
Hindi ko naman ata kailangang ipilit ang sarili ko sa kanila. Hindi sila ang pakay ko rito . . .
"Upo tayo." Pag-aya ni Arzay at naunang umupo sa upuan. Sumunod naman siya at si North na umupo sa tapat ng kinapu-puwestuhan nito.
"Paano ka pala nakilala ni Ultear?" Napatingin siya bigla kay North at nakaramdaman ng kaba.
I need to hide my real identity as what Ultear said lately. Oh come on Angelica Scarlette! You can do it!
"Nakita niya lang akong namamalimos sa daan." Napangiwi siya sa naisagot niya at hindi mapigilang hindi mapalunok. Hindi naman siya sanay sa pagsisinungaling pero ito na siguro mismo ang pagsisimula . . .
"Alam mo ba na maaaring ikasira ng buhay mo ang pagpunta rito sa Xtres?" Pag-aalala ni North sa kanya. "Lahat ng nasa Xtres masasamang tao Angel. Lahat kami kayang pumatay kung kinakailangan. Lahat ng utos mula sa itaas, sinusunod ng Xtres Angel. Hindi ka nababagay dito!"
"Okay lang. Matagal nang sira buhay ko." Mabilis nitong sagot. Napasapo ito sa noo nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka sa kanya ni North.
"I mean, matagal na akong namamalimos at wala na akong ibang matutuluyan. Kaya niyaya ako ni Ultear dito." Bahagyang nakahinga siya nang maluwag nang makaisip ng palusot.
I'm saved!
"Angel, magpahinga ka na muna. Sa susunod nalang natin ito pag-usapan." Ani Arzay at nauna nang lumabas sa kwarto.
"Hatid na kita sa matutulugan natin para makapagpahinga ka na." Ani North at sabay silang lumabas ng kwarto. Napadako ang tingin niya kay Ultear na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga kasama at umiinom ng alak.
Balang araw malalaman ko rin ang lahat . . .
Hindi na ito nagpaalam pa at sumunod na sa kaibigan na si North. Pumasok sila sa katabing kwarto. "This is our room Angel. Apat na tayo nila Arzay, at South ang matutulog dito pero tig isa naman tayo ng tutulugan since dalawa naman ang double deck. Saan mo gusto?"
"Dito na ako sa itaas." Matipid na sagot niya sa kanya at umakyat na sa kanyang hihigaan.
"Goodnight, Angel." Aniya at lumabas na ng kwarto. Huminga siya nang malalim ng tuluyang isara nito ang pinto. She have had such a tough and tiring day and she wants to sleep. She wants to forget everything for now.
"Xtres . . ." Bulong niya at tuluyang nakatulog dahil sa pagod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top