AASB - CHAPTER I

~•••~
CHAPTER I: XTRES
~•••~

Angelica Scarlette

ISANG LINGGO ang nakalipas nang tuluyang maihatid sa huling hantungan ang mga labi ng importanteng tao sa buhay niya-Ang itinuring niyang kapamilya na si nanay Celia, at ang kanyang ama na si Anton. Parang kailan lang masaya siya kasama ang mga ito pero sa isang iglap naglaho na lamang sila nang walang paalam at siya na lang ang naiwang mag-isa.

"Kawawa naman siya. Pinatay ang mga magulang niya, ang masaklap nawawala pa rin si Geneva." Sabi ng isang chismosa.

"Ang narinig-rinig kong balita ng mga pulis sa kanya hindi pa rin daw nila matukoy kung sino yung kriminal. Pero sana makita na nila. Nakakaawa si Scarlette." Sagot naman ng isa pang chismosa at tuluyan na silang umalis sa puntod.

Napatingin na lamang siya sa kalangitan nang biglang dumilim ang paligid. Unti-unti itong lumikha ng kulob at kidlat at kasabay nito ang pagpatak ng malakas na ulan. "B-bakit? Bakit itinira mo pa ako? Sana isinama mo na lang ako para kahit wala na ako makakasama ko pa rin sila! B-bakit, bakit!" Sigaw niya at kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.

I want to go back in that scenario. Kung naging mas mabuti lang akong anak. If I already knew this would happen maybe . . . I can still save them.

"I promised, I'll make sure they are going to pay for this. Magbabayad ang taong gumawa nito sa inyo. Ipaparanas ko sa taong gumawa nito ang pakiramdam ng isang taong ipinunta sa impyerno!" Nagngangalig siyang tumayo at mabilis na tumakbo.

*****

Mag-iisang buwan ang nakalipas nang manirahan siya sa kanyang tiyuhin na si Armando. Silang dalawa lang ang magkasama sa bahay na kanilang tinutuluyan dahil kakagaling lang ng tiyuhin niya sa hiwalayan ng kanyang asawa.

Wala naman siyang ibang choice dahil wala na siyang iba pang malalapitan. Nasa ibang bansa yung iba niyang kilalang kamag-anak at ang iba naman na nasa pilipinas ay ayaw siyang tanggapin. E kesyo magiging pabigat lamang daw ito sa kanila at dagdag na rin sa gastusin.

Hindi naging simple para sa kanya ang pagtuloy sa bahay ng kanyang tiyuhin. She always sensed that someone was watching her everytime. Ni sa pagligo at pagtulog ay parang may napapansin siyang kakaiba . . . .

Everytime she sleeps, she feels someone touching her. Minsan nang magising siya, nakikita niya nalang na nakayakap sa kanya ito. Madalas namang dinadahilan nito na wala namang masama sa ganon dahil magkamag-anak naman sila at normal lang ang bagay na iyon.

One night, she decided to fake her sleep. Doon niya na realize na may malaki itong pagnanasa sa kanya. Unti-unti niyang nararamdaman ang mga kamay na humahaplos sa katawan niya at kinilabutan. "Ang gandang babae. Manang-mana sa ganda ni Geneva. Hindi na ako magtataka kung maraming magkakagusto sayo, pero sa ngayon akin kana muna . . . ."

Agad niyang iminulat ang kanyang mata. "Tito, anong ginagawa mo rito?"

Bahagyang nagulat ito saglit at ngumisi,"Shh, steady ka lang diyan. Saglit lang ito," agad itong pumatong sa kanya at hinalikan siya sa leeg.

"Tito ano ba!" Nagpupumiglas siya pero patuloy pa rin ito sa paggawa ng kahalayan sa kanya. Sinusuntok niya ito nang malakas ngunit parang wala lang ito sa kanya. "Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang pamangkin ko. Hindi bale, ako naman ang mauuna sayo."

"Tama na ho! Parang awa mo na tito," Pagmamakaawa niya. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

Mabilis na kinuha ng tiyuhin niya ang panyo at inilagay sa bunganga niya para hindi makalikha ng ingay. Hinubad nito ang kanyang belt at itinali ang kamay niya para hindi ito makapiglas sa gagawin niyang kahalayan. "Ayan, hindi kana makakapag-ingay. Kahit anong gawin mo, hindi mo ko mapipigilan . . ." Rinig na rinig niya ang mala demonyo nitong tawa.

"Napakababoy mo! Tulong! Tulungan niyo ako!"

Nagulat sila nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto, at mabilis na pumasok ang mga tanod. Bugbog, tadyak, hampas ang sinapit ng kanyang tiyuhin dahil sa planong kahalayan sa kanya.

"Tangina ka wala kang awa sa bata!"

"ANG BABOY MO!"

"HAYOP KA WALA KANG AWA GAGO!"

Tinanggal nila ang belt na nakapulupot sa kanyang kamay at sunod namang tinanggal ang panyo na nakalagay sa bibig niya. Napahagulgol siya sa pag-iyak at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

"Teka bata!" Sigaw ng tanod sa kanya. Hindi ito lumingon at mabilis na sumakay sa isang jeep. Wala na siyang pakialam kung saan man siya mapadpad basta ang gusto niya ay malayo sa lugar na iyon. Tuluyan ng nakaalis ang jeep at pinagmasdan niya ang paglayo sa mismong impyernong pinanggalingan niya.

Nakahinga siya nang maluwag ng tuluyang makalayo sa mismong lugar. "Hoy! Yung na sa pinakadulo sa kanan! Nagbayad ka na ba?" Napatingin siya sa driver na nagtatanong sa kanya. Huli na nang mapagtanto niya wala siyang nadalang kahit anong pera at tanging sarili lang at ang kwintas na ibinigay sa kanya ng mga magulang niya bago ito mawala.

"P-pasensya na po. W-wala po akong pera." Halos nauutal-utal siyang nagsabi sa driver.

"Nako! Hindi pu-puwede 'yan! Bumaba ka na! Sasakay-sakay ka hindi ka nagbabayad. Naghahanap-buhay ako para magkapera! Alis!" Pagtataboy nito sa kanya.

"Pasensya na po." Huling winika niya rito at kasunod nito ang paghinto ng sinasakyang jeep. Bumaba siya at naiwan sa gilid ng tulay habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng sinakyan. "Paano na ako? Mama . . . Papa?"

Hindi na niya kinakaya pa ang mga nangyayari sa kanya. Hindi niya na alam kung paano siya mabubuhay at halos mawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya lubos maisip na darating siya sa punto na maiisip niya na lang na wakasan ang kanyang buhay. "Bakit kailangan kong maranasan ang ganito?" Agad siyang tumuntong sa bakod ng tulay at tumayo. Hindi niya alintana ang taas ng babagsakan niya kung sakaling tumalon ito.

"Tell me what did I do wrong? Ang gusto ko lang naman makasama sila," Muling pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Why life is so unfair? Why do I have to experience this!" Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.

I realized that maybe I should die now . . .


"What took you so long to jump on that bridge?" Mabilis niyang idinilat ang mga mata at napalingon. She saw a woman sitting beside her. Nakasuot ito ng black plain shirt at pants, at may hawak na isang sigarilyong halos paubos na.

"You don't know anything so shut up." Sagot niya at ngumiti ng mapakla.

Agad itinapon ng babae ang upos ng sigarilyo at lumapit sa kanya. "Are you afraid? Are you afraid of facing the reality?" Nagulat siya nang itulak siya nito pababa sa tulay.

"Aray ko!" Daing niya.

"Kapag ba tumalon ka dyan, mawawala na yung nararamdaman mong sakit? Hindi kaba takot sa impyerno bata?"

Sino ba siya para pakialaman ako? I want to die! Wala naman nang saysay ang pananatili ko . . . kinuha na lahat sa akin.

"Nasa impyerno na ako simula nang mawala ang mga magulang ko. Walang awa nilang pinatay ang magulang ko. Sinira nila ang buhay ko. Binaboy nila buhay ko!" Nagngangalit niyang sagot sa dalaga.

"Gusto mong matutong gumanti?" Natahimik siya bigla sa itinanong sa kanya ng babae.

Oo. Gustong-gusto ko gumanti pero hindi ko alam kung paano at sino ang taong may pakana nito. Gustong-gusto kong iparanas sa taong sumira sa buhay niya ang sakit ng mawalan ng mga mahal sa buhay.

"Kung akala mo mabubuti ang mga tao sa mundong ito dyan ka nagkakamali bata," Nakita niyang ngumisi ito. "Gusto mong sumama sa'kin?"

Bakit niya ako inaalok na sumama sa kanya? Should I trust her?

"Saan?"

"Sa Xtres." Sagot nito at nag-umpisa nang maglakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top