Torpe
Kung alam mo lang...
Ilang buntong-hininga pa pinakawalan ko,
Ilang pagpuno ng hangin sa dibdib ginawa ko,
Ilang tapik sa balikat natanggap ko,
Ilang pagtutulak ng kaibigan naranasan ko...
Para lamang malapitan ka.
Tapos makikita pa kita,
Nakangiti sa kanya...
Ako naman 'tong si gago,
Nang makalapit na sayo,
Nahulog pa sasabihin sa lalamunan ko.
Kailangan pang tumikhim para mailabas ng dila ko.
Pero p--tang 'na!
Dalawa na lang na salita
Pasko at Bagong Taon ko nawala,
Di pa masabi na--
"Iniibig kita".
NOTE: Isa sa mga time na wala akong magawa. haahahaha.... nilipat ko lang galing sa facebook note ko : http://www.facebook.com/home.php#!/notes/roaden-bonifant/torpe/10150202963970842
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top