CHAPTER 9: Mi Amore

Thea's POV

It was like a song that was repeatedly played in my ears. It was like a poem that was really catched my heart.

Did I hear it right? Did he tell me that he loves me?

"W-What?" I nervously asked as his voice was repeatedly playing in my mind.

"Sabi ko, mahal kita. I'm sorry kung naging duwag ako. I'm sorry kung 'di ko sinabi yung saloobin ko pero ngayon handa na ako. Handa na ako harapin kung ano man ang magiging consequences nito..."

"Basta hayaan mo lang ako na mahalin kita sa paraan na alam ko," he sincerely said while he was in front of me, holding my hands. Suddenly, he lifted up my hand and placed it in his heart. I was speechless.

Sa loob ng dalawang linggo na walang pansinan, 'di ko inaasahan na gan'to pala ang kahihinatnan. Sa loob ng dalawang linggo, mas lumalim pa ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

"Pero..." I stopped as he put his pointing finger on my lips.

"Sabi ko naman sa 'yo, walang bawal sa taong nagmamahalan. Ipaglalaban kita. Ang Diyos mismo ang magiging sentro ng buhay natin," mahinahon pero seryosong sabi niya.

Unti unti naman tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "I'm sorry kasi pinangunahan ako ng takot. Takot na baka mawala ang lahat sa atin nang basta basta."

"Shhh. 'Di na yun mahalaga ngayon. Ang mahalaga nandito ka at nandito ako. Mag-uumpisa tayong dalawa sa simula." Sabay punas niya sa mga luha ko.

"Paano?" Tanong ko dahil nagsisimula na naman mangamba ang puso ko.

"Liligawan na kita simula ngayon," sagot niya sabay tingin sa malayo.

Napamulat ako dahil sa gulat. Liligawan? Seryoso?

"Pag-iisipan ko muna."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi mo na kailangan pag-isipan. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan pa rin kita."

At saka niya hinawakan ang kamay ko at yinaya na maglakad palabas. Naalala ko nandito na pala kami sa school at halos mga non-teaching personel nalang ang nandito.

Hanggang sa makalabas kami sa school ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Dala-dala niya na rin ang mga libro na hawak ko kanina.

Pakiramdam ko ngayon naging magaan na yung puso ko. Noong time na hindi kami nagpapansinan, halos matumba na ako sa bigat na nararamdaman ko.

"Yung about pala sa isyu, ako nalang ang aayos no'n. Wag mo na isipin. Ako rin naman may pakana," sabi ko habang naglalakad kami pauwi.

"Tutulungan kita. Damay ang pangalan ko kaya dapat kasama mo ako na ayusin 'yon."

Wala na akong nagawa dahil sa sinabi niya. 'Di ko rin naman alam kung paano ko 'yun aayusin pero susubukan kong kausapin ang head ng Ministry.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay humarap siya sa akin. Hinawakan niyang muli ang dalawa kong kamay.

"Wag ka mag-expect ng surprise ah! 'Di pa ako mayaman. Hahah. 'Di porket nanliligaw na ako, puro expectations na nasa utak mo!" Sabay tulak sa noo ko gamit ang hintuturo niya.

"Baliw! Ikaw nga dyan ang punong puno ng kalokohan at kamaisan sa katawan," sagot ko naman sabay tawa sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. "Na-miss ko yan. Na-miss ko mga tawa at ngiti mo."

"Ikaw miss!" Pang-aasar ko naman sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti nang nakakaloko. "Ano? Miss mo rin ako?"

Napa-iling naman ako sabay ngiti dahil sa sinabi niya. "Uwi ka na nga! Sige na! Byeeee."

Mabilis kong inalis ang isa kong kamay na hawak niya habang tinataboy siya paalis ngunit sa lakas ng katawan niya ay mabilis niya akong hinila mula sa isang kamay para mayakap siya.

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig habang nakayakap sa kanya. Yung tibok ng puso parang nakikipagkarera sa mga kabayo.

Rinig na rinig ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya pero mas namutawi ang saya nang marinig ko ang sinabi niya.

"Salamat, Mi Amore."

At saka siya bumitaw at ngumiti sa harap ko. Nang makaalis siya ay pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto.

'Di ko naman mapigilan ngumiti at mag-spread ng good vibes sa aking kwarto. Hanggang sa mag-dinner kami ni Mama ay todo pa rin ang ngiti ko. Daig ko pa nga ang manalo sa lotto.

Natapos na akong magshower at nahiga na sa kama ko pero 'di ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. 'Di ko na nga nagawang magmessage kay Kyle dahil nakatingin lang ako sa kisame habang nakangiti.

*****

Kinabukasan ay mabilis akong nag-ayos ng sarili at umalis ng bahay dahil halos ma-late na ako sa klase namin. Sakto naman na pagkapasok ay dumating na ang instructor namin.

Napatakip naman ako ng bibig nang makitang may tatlong chocolate biscuits at water bottle na nakapatong sa lamesa ng upuan ko. Mabilis ko naman na kinuha iyon at nilagay sa bag ko.

Habang nakikinig ako ay iniisip ko pa rin na kung galing nga ba kay Kyle yung mga pagkain na nakapatong sa lamesa ko. Baka kasi sa iba pala 'yon tapos nilagay ko pa sa bag ko. Nakakahiya baka sabihin nila assuming ako. Napasampal tuloy ako sa noo ko at 'di ko namalayan na napalakas iyon.

"Ayos ka lang, Ms. Lopez?" Tanong tuloy ng instructor namin.

"Ah! Yes, Sir! May... uhm... may lamok kasi, Sir!"

Tumango naman siya at saka nagdiscuss ulit. Napayuko tuloy ako dahil sa kahihiyan. Ano ba yan!

Pagkalabas na pagkalabas ng instructor ay tumayo ako agad.

"Kanino yung tubig at chocolate biscuits na nasa upuan ko?" Malakas na tanong ko sa mga kaklase ko.

"Ha? Sa 'yo yan eh, Thea!" Sagot naman ng isa.

"Bigay ni Isaiah yan, Thea," sabi naman ni Loreen habang palapit sa pwesto ko.

"Ah, sige! Salamat," sabi ko naman sabay upo ulit sa pwesto ko.

"Nililigawan ka?" Tanong naman ni Loreen pagkaupo ko.

Napamulat ako at tinakpan ang bibig niya. "Shhh! Wag ka maingay! Loreen, sa 'tin muna nila Kath ito ah! Pati sa church, shut up lang kayo."

"Oo naman! Minsan ka na nga lang magka-lovelife ilalaglag ka pa ba namin."

Nagkwentuhan pa kami ni Loreen habang hinihintay ang sunod na instructor pero almost thirty minutes na siyang wala at break time na after ng klase niya.

"Tara! Punta tayo kila Kath!" Aya ko kay Loreen.

Nginitian niya ako na may halong pang-aasar. "Kay Kath nga ba o kay Kyle?"

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Pagkarating namin do'n ay sakto naman lumabas ang instructor nila. Tinawag naman namin agad si Kath pero nang makita niya kami ay may tinawag din siya.

"Hoy! Isaiah! May dalaw ka!" Sigaw ni Kath.

"Ha? Sino? Sabihin mo may girlfriend na ako!" sigaw niya pabalik dahil naroon siya malapit sa kabilang pintuan.

Namula naman ang pisngi ko dahil sa narinig ko. Nginitian naman ako ng mga kaibigan ko pero yung ngiting nang-aasar at kinikilig.

"Ay friend! May girlfriend na pala eh!" Asar na sabi ni Kath.

Sinaman ko ng tingin si Kath at saka naglakad ako papunta sa kabilang pintuan para gulatin si Kyle.

"At sino naman ang girlfriend mo ah?!" Malakas na sabi ko pagkatapos kong magpakita sa harap niya habang siya ay naglalaro sa cellphone.

Halos mahulog naman siya sa upuan niya nang marinig ang sinabi ko at saka napamulat nang makita ako. Tawang tawa naman ako sa itsura niya dahil para siyang nahulog sa sarili niyang kalokohan.

"Thea naman! Literal na nahulog yung puso ko sa 'yo! Wag ka naman nanggugulat ng ganon!" Reklamo niya.

"Eh sino nga yung girlfriend mo?!"

"Ikaw!" Mabilis na sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinagot na ba kita?!"

"Oo!" Matapang na sagot niya.

"Baka multo yung sumagot sa 'yo."

Tinago niya naman ang phone niya sa bulsa ng pants niya saka tumayo at humarap sa akin.

"Walang multong kasing ganda mo," nakangiting sabi niya at saka naglakad palabas ng classroom.

Tilian naman ang mga estudyanteng nasa classroom kasama na ang dalawa kong kaibigan. Napatakip naman ako ng tenga saka yumuko dahil pinipigilan ko rin ang sarili ko na tumili kahit konti nalang sasabog na rin ako sa kilig.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at saka mabilis kaming umalis papuntang canteen.

Pagkaupo namin pareho sa dating pwesto namin ay nakapag order na kami ng pagkain.

"Kinain mo ba yung almusal mo?" Tanong niya habang pinaglalaruan niya ang mga kamay ko.

Umiling naman ako. Tapos sinamaan niya ako ng tingin.

"At bakit hindi?!"

"Nilagay ko kasi sa bag ko. Stocks ko nalang sa bahay. Thank you pala," sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.

"Stocks! Ayaw mo lang niyan kainin eh kasi galing sa akin," pang-aasar na naman niya.

"Asa ka!"

Tumawa nalang siya at umiling iling. Ilang saglit ay dumating na ang order namin at sabay na kami kumain.

Habang kumakain kami ay nagku-kwentuhan naman kami tungkol sa iba't ibang bagay. Hanggang sa mapunta sa mga courses na kukunin namin sa college.

"Saan ka pala mag-aaral niyan?" Tanong ko.

"Baka sa DHVSU or TSU," sagot niya.

"Ay ayaw mo sa MCC?"

Mas malapit kasi ang MCC sa amin kaya less hassle yun para sa mga taga-Mabalacat.

"Wala naman yung course ko dyan eh," sagot niya pagkatapos uminom ng tubig.

"Ay oo nga pala! Engineering, 'di ba?"

Tumango naman siya. "Computer Engineering to be specific."

Tumango tango naman ako dahil alam ko na walang Engineering sa MCC at alam ko rin naman na maraming specific field ang Engineering at sa Computer siya mas maraming alam.

"Eh, ikaw? Journalism talaga course na kukunin mo?" Tanong niya habang nililigpit ang mga pinagkainan namin at nilagay sa tabi.

"Oo! Pangarap ko kasi magkaroon ng blog website kung saan nakalagay lahat do'n ng articles, stories, journal, photo journals na ginawa ko at gagawin ko pa," masayang sabi ko.

"Tandem pala tayo eh! Basic lang gawin yung website. Ako bahala sayo do'n," sabi niya sabay kindat sa akin.

Lumiwanag naman ang mata ko nang marinig iyon. "Talaga?! So, gagawan mo ako ng website?"

"Oo sige pero may kapalit," sabi niya sabay ngisi sa akin.

Napasimangot naman ako. "Ano naman?"

"Secret."

Tapos tumayo na siya at nagpunta sa loob ng canteen para magbayad. Sumunod naman ako para kulitin siya.

"Kyle! Ano nga yung kapalit?"

Tiningnan niya ako pagkatapos niya kunin ang sukli niya.

"Basta."

"Ihh! Sabihin mo na kasi," pangungulit ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa classroom ko.

"Ayoko. Secret muna," pagmamatigas niya.

Hanggang sa makarating kami sa classroom ko ay kinukulit ko pa rin siya pero ayaw niya pa rin sabihin sa akin kung anong kapalit. Kung ano ano na kasing pumapasok sa isip ko eh! Baka mamaya ibenta ako nitong lalaking ito! 'Di joke lang.

"Kyle naman eh!" Pagdadabog ko habang nandito pa kami sa harap ng pintuan.

Humarap siya sa akin at hinawakan ulit ang isang kamay ko at ang isang kamay niya ay hinawakan ang ilalim ng baba ko para tingnan siya.

"Mi Amore, mamaya sasabihin ko, okay?" Malambing na sabi niya.

Tumango naman ako at pinipigilan ang sarili na kiligin. Pinapasok na niya ako sa loob at umalis na rin siya. Hinintay ko na matapos ang klase namin dahil 'di ko mapigilan isipin yung kapalit na sinasabi niya.

Buti nalang at maaga nagdismiss yung last instructor namin. Nag-ayos na ako agad ng gamit pati na rin ng sarili.

Nang makalabas ako ay nakita ko na agad siya nakasandal sa pader. Naglalaro.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sabay tingin sa oras. Mukhang mas maaga dismiss nila kaysa sa amin.

"Sakto lang," sagot niya sabay off ng phone at binulsa. "Tara na?" Dagdag na tanong niya.

Tumango naman ako. Maglalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Ano?"

"Bag mo," sabi niya. Binigay ko naman dahil siya naman nag-insist. Kaya ang dala dala ko nalang ay yung mga libro ko.

Nagulat pa ako saglit nang hawakan niya ang kamay ko after namin makalabas sa school. Typical na naglakad na naman kami dahil ayaw din namin gumagastos at saka malapit lang naman.

Tahimik kami pareho na nanglalakad tapos ay naalala ko na may sasabihin siya.

"Akala ko may sasabihin ka," sabi ko habang nakatingin sa daanan.

"Yhup. Pwede ka ba sa katapusan?"

Napakunot naman ako ng noo. "Nov thirty?"

Tumango siya. Alam ko holiday 'yon kaya walang pasok. Wala naman din akong ibang pupuntahan.

"Oo. Sa bahay lang naman ako tuwing holidays," sagot ko.

"Sakto! Tara! Punta tayong Clark. Sa may CDC," aya niya.

Nagliwanag naman ang mga mata ko nang marinig iyon. "Talaga?"

Tumango siya. "Kain saka nood tayo ng banda."

"Hala! Alam mo talaga kung ano pa gusto ko noh!" Sabi ko sabay palo sa kanya.

"Oo naman noh! Kaya nga alam ko rin na gusto mo ako." Sabay kindat sa akin.

~~~~~

A/N:

DHVSU- Don Honorio Ventura State University (San Fernando, Pampanga)

TSU- Tarlac State University (Tarlac)

MCC- Mabalacat City College (Mabalacat, Pampanga)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top