CHAPTER 4: Ice Cream
Thea's POV
With the half moon and stars scattered in the sky, I was still in front of Kyle's house. I did not allow myself to wear the COMI uniform with him. I decided to went home first before going out with him. It was my lucky day to go out because Mama was not in the house when I came back. I only texted her that I went to Kath so she would not be mad.
It was already eight o' clock in the evening and I was still with him while we were sittin outside their house.
"Ang galing mo talaga!"
He was looking at my photography collection in my phone.
"Really? But I still want to improve," I stated.
"Sus! Ano pang improvement gusto mo? Every photo you capture was the best."
I smiled genuinely. "Thank you!"
"Alam ko na!" He uttered.
"Ano?" Tanong ko na medyo natatawa.
"Alam ko na paano mai-improve photography skills mo."
I raised my eyebrow. "Paano?" I asked in curiousity.
He went closer beside me and opened the camera of the phone. He clicked the selfie button and put the phone in front of us.
"Smile!" He happily said while he's trying to have a selfie with me.
Without any hesitation, I smiled on the camera then he clicked the capture button multiple times.
"Ayan! Oh 'di ba? May improvement na... tayong dalawa," masaya niyang sabi habang nakatingin sa picture namin.
Umiling-iling nalang ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sa 'yo! Akin na nga. Uwi na ako. May pasok pa bukas," saad ko.
Hindi naman niya binigay ang cellphone ko hanggat 'di na-share sa phone niya yung mga pictures.
"Oh ayan na. Ingat ka ah," sabi niya pagkaabot niya sa 'kin ng cellphone.
Tumango lang ako saka pinaandar na ang E-bike pauwi sa 'min. Buti nalang hindi ako napagalitan dahil wala pa si mama nang dumating ako.
*****
Kinabukasan, maaga ako pumasok sa school gamit ulit ang E-bike. May tatapusin pa kasi akong essay at ipapasa rin ngayon. Nakalimutan ko kagabi dahil late na ako umuwi. Nakatulog na rin kasi ako agad after namin mag-usap sandali sa chat ni Kyle.
Ewan ko ba! Gumagaan na yung loob ko sa lalaking 'yon. I never imagined myself before being with a guy but it changed a lot right now.
I was lucky that I finished my essay before our instructor came. Halos wala naman ginawa sa mga naunang subjects kaya chill lang ang klase namin.
Break time na. I was only sitting on my chair while browsing on Facebook. I did not used to buy a food for break time because I saved it for lunch.
Suddenly, my classmate called.
"Althea! May naghahanap sayo."
Napakunot naman ako ng noo. Wala naman sinabi si Kath na pupunta siya dito. Tiningnan ko ang paligid ng room pero wala naman si Loreen.
"Sino?" Tanong ko habang nakatingin sa pinto ng classroom.
Biglang may lumitaw na ulo at kalahating katawan sa pinto.
"Hi!" Malakas na bati niya. Napatalon naman ako sa upuan ko dahil sa gulat.
Mabilis akong umalis sa upuan ko at pinuntahan siya.
"Anong ginagawa mo rito, Kyle?" Tanong ko habang tumitingin sa paligid.
"Dinadalaw ka," sagot niya.
Napatawa naman ako saglit. "Bakit? Mukha ba akong nasa preso?"
Umiling siya saka ngumiti. "Hindi pero ikaw nasa puso ko," mapang-asar niyang sabi.
Namula agad ang pisngi ko sa sinabi niya. "Bahala ka nga dyan!"
Aalis na sana ako sa harap niya pero hinila niya ang kamay ko para pigilan ako.
"Wait lang! Yayaain lang kita kumain eh. Eto naman," nagtatampong sabi niya.
Humarap ulit ako sa kanya. "Libre mo?"
"Oo sige! Need ko lang ng kausap," nahihiya niyang sagot.
Tiningnan ko ang mga mata niya. Hindi ako magaling bumasa ng tao pero alam ko kapag may problema ang isang tao.
Ngumiti ako. "Okay! Tara!"
Vacant naman namin hanggang mamaya kaya pumayag na ako. Kinuha ko ang wallet ko sa bag saka ang camera ko. Ayoko kasi nag-iiwan ng mahahalagang bagay, mahirap na baka makuha pa ng iba.
Pagkarating namin sa canteen ay wala na rin masyadong tao. Tumingin ako ng upuan malapit sa mga puno at buti na lang mayroong bakante.
Si Kyle naman ay pumasok na sa loob para umorder ng pagkain. Sinabihan ko na lang na kung ano ang order niya ay 'yon na rin ang akin. Libre niya naman.
Habang hinihintay siya ay umupo na ako sa pangdalawahan na lamesa at upuan. Binuksan ko ang DSLR ko at kumuha ng ilang shots. Nature was my favorite scenery. I loved taking pictures with nature. I was lucky dahil mahilig sa halaman at puno yung head ng school namin kaya madalas ako kumuha ng litrato sa school namin.
After a few minutes, he was walking towards our table with the tray on his hands. He was too focus on the tray while I was only staring at him. He suddenly smiled when he turned his eyes on me.
He placed the tray on the table after he reached our place. I handed the two plates with spaghetti and bananacue. He also put down the water bottles then he got the tray on his hand again. He also put it down on the other table at the back.
I started to eat the food and he did the same thing after he sat down in front of me. He remained silent while we were eating together. After I sipped the bottle water, I stared at him again without turning his gaze on me.
"Oh ba't ka nakatitig?" Tanong niya bigla.
Napamulat naman ako saglit. "Ha? Hindi noh," depensa ko.
"Aysus! Ikaw ah may patitig-titig ka na," pang-aasar niya.
I rolled my eyes on him. "Assumero ka no?"
Tumawa lang siya saka tinapos na ang kinakain. Nanahimik ulit siya after maubos ang pagkain.
"Akala ko ba gusto mo ako makausap? Ba't na nanahimik ka dyan?" Tanong ko.
Napangisi siya sa sinabi ko. "May iniisip lang."
"Ano naman iniisip mo?"
Huminga siya nang malamim saka tumingin sa mga mata ko.
"Bagsak ako sa calculus. 'Di ko alam paano sasabihin kila mama."
"Hala!" Dahil sa gulat ay napalakas ang boses ko. Natawa siya nang konti sa reaksyon ko.
"Paano?" Tanong ko. Sa pagkaka-alam ko ay isa yun sa mga major nila at base sa rules ng school na kapag graduating bawal bumagsak lalo na sa major dahil baka hindi makagraduate.
"Hindi ako nakapagpass ng final requirement," sagot niya habang kinakati ang itaas ng ilong.
"Baliw ka! Bakit hindi ka nagpass?! Ayaw mo mag-graduate?" Nag-alala tuloy ako baka hindi siya makagraduate.
"Gusto syempre! 'Di ko kasi maintindihan kung ano gusto mangyari dun sa project! Sabi mag-picture kami tas iso-solve yung mathematics sa picture na 'yon! Wala naman akong alam sa photography eh," sunod sunod na reklamo niya.
Natawa naman ako. "Binigyan ka ba ng chance na gawin 'yon?"
Tumango siya saka yumuko. Yung mukha niya hulatang problemado dahil hindi man lang makangiti.
"Sige. Tulungan kita," sabi ko at saka ngumiti. Kahit hindi niya pa tinatanong ay sinabi ko na agad ang nasa isip ko. Gusto ko rin naman siya tulungan.
Unti-unting lumiwanag ang mga mata niya saka ulit tumingin sakin nang may ngiti sa mga labi niya.
"Talaga?"
Tumango ako. "Sayang chance noh! Tandaan mo. Always take the second chance to do and give your best from your mistake before."
"Yeah. Chances are everywhere. Minsan nakakalimutan lang talaga natin kasi 'di natin alam paano gagamitin yung chance na 'yun," saad naman niya. Ngumiti ulit siya sa 'kin nang nakakatunaw.
"Salamat, Thea."
We spent the remaining time before we went back to our room. I asked him about his taste when it comes to pictures. Luckily, he also loved to the scenery of the nature.
*****
The next day, we started to do his project. We met in the canteen on the same place we had yesterday. I brought my photopapers with me and the camera then I started to capture the nature scenery in the school.
When I was contented from what I captured, I asked him to look at it so he could chose what he wants.
"Eto nalang. Perfect siya do'n sa solving," he answered while pointing out the patterns of trees.
He only had one week to do it so we really worked hard for it everyday. Either during breaktime or after our class.
Honestly, I had a great time with him. Even though I did not have much knowledge about the math, I was enjoying our moments. His presence made me feel the enjoyment that I never felt before.
Bukod din do'n ay minsan hinahatid niya rin ako sa tapat ng bahay namin kapag sabay kami umuuwi. Mas narami kasi kaming nagpag-uusapan kapag naglalakad.
*****
Friday na ngayon at sabay ulit kami naglalakad sa daan. Tawa kami nang tawa dahil sa mga kalokohan at kakornihan niya. 'Di pa namin tapos yung project pero baka bukas bago magmeeting ay tapusin na namin.
"Naalala mo yung nakuhanan mo ng picture yung epic na mukha ng kaklase namin," sabi niya saka niya tumawa nang malakas.
Natawa na rin ako sa tawa niya at umiling-iling. "Ikaw kaya kumuha no'n."
'Di ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin nang bigla siyang tumigil sa paglalakad.
Humarap siya sa 'kin. "Oo. Pati ikaw kunin ko na rin kaya?"
Natawa naman ako sa sinabi niya saka napansin namumula na rin ang pisngi ko. "Uwi ka na nga! Kung ano-ano na naman sinasabi mo!"
Ngumiti lang siya saka na rin nagpaalam. "Thank you, Thea! Maya ah? Online ka. Bye."
Tumango na lang ako saka na rin pumasok sa loob ng bahay namin. Pagkatapos ko nag-ayos ng sarili ay ginawa ko na muna ang mga assignments ko. Napansin ko sa tabi ng kama ko yung camera na lowbat kaya chinarge ko na rin.
Pagkatapos ay napag-usapan namin ni Kyle na sa kanila nalang tapusin yung project niya. Ayoko sana pumayag kaso nagpumilit siya.
Kyle: Sa 'min nalang! Mga kapatid ko lang naman nandito bukas.
Althea: Oo na. Tatanggi pa ba ako?
Kyle: Yes! Thank you.
*****
Kinabukasan ay maaga ako nagising para makapag-ayos agad. Alas otso na nang matapos ako maligo. Nagsuot lang ako ng highwaisted jeans saka blue shirt. Diretso na rin kasi ako sa meeting after namin.
Napansin ko na nag-message si Kyle habang nag lalagay ako nang konting make-up.
Kyle: Saan kana?
Althea: Bahay
Kyle: Oki. Chat ka pagpaalis kana. Ingat.
Hindi ko na siya nireplyan para mabilis na ako matapos. Nagsuot lang ako ng sandals para komportable.
Pagkababa ko ay nakita ko si mama. Nagulat pa siya nang makitang nakabihis ako.
"Where are you going?" Tanong niya habang palabas ako papunta sa garahe.
"May project po kami gagawin, Ma. Diretso na rin po ako sa meeting later," sagot ko. Sinabit ko na ang bag ng camera sa leeg ko saka pinaandar ang E-bike.
Dumating ako sa kanila at nagdalawang isip pa pumasok sa loob.
"Sabi ko chat mo ako pag papunta kana eh," bungad ni Kyle sa 'kin.
"Nagmadali na nga ako eh para makapunta agad."
Nakapasok na ako sa loob at mga kapatid niya nga lang ang nakita ko. Dalawang babae. Panganay siya at siya lang ang mag-isang lalake.
I looked around their house. It's not really wide. The kitchen and living room were combined together. They also had a second floor for the bedrooms but I didn't mind going upstairs.
I sat down on the long chair and waited for him from upstairs. Minutes later, he went down with the papers with his hands. He put it down on the table in front of the long chair.
"Compilation nalang naman ang kailangan gawin," sabi niya. Tumango naman ako at saka kinuha ang folder sa kanya.
Umupo na rin siya at saka namin inumpisahan i-compile yung mga pictures at solving niya.
Lumipas ang oras nang 'di namin namamalayan dahil naging abala kami sa ginagawa namin.
"Ayan! Tapos na," masayang sabi niya habang hawak hawak ang folder na may laman ng mga ginawa niya.
Tiningnan niya ako saka ngumiti nang nakakatunaw. Yung ngiti na 'yon ang dahilan ba't gusto ko siyang nakakasama.
"Salamat, Thea!"
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang mata ko at 'di alam ang gagawin. Nanatili lang ako nakatulala habang ang kabog ng dibdib ko ay pabilis nang pabilis.
"Ay sorry!" sabi niya pagkatapos bumitaw sa mga yakap.
Nakatulala lang ako hanggang sa makakain kami. Siya ang naghanda ng pagkain kaya nang tinawag niya ako ay 'di ko nalang pinansin ang nararamdaman ko.
Pagkatapos kumain ay nag-ayos na rin siya ng sarili para sa meeting. Sabay na rin naman kami ppupunta sa church. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na ulit siya mula sa kwarto at nakapagpalit na rin siya ng pants at shirt.
"Tara?" Tanong niya. Tumango lang saka lumabas na kami at sumakay sa bike para pumunta sa church.
Pagkadating namin do'n ay napansin kong nakatingin ang ilang Altar Servers sa amin. Bumaba na siya at nagpark na rin ako.
"Uy! Ba't sabay kayo ni Thea ah?"
"Bakit? Masama?" Sagot naman ni Kyle.
Nauna na ako at hindi pinansin ang mga pang-aasar ng mga kasama niya. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Pumasok na ako sa loob at hinayaan nalang sila.
Pagkatapos ng meeting ay nagmadali na rin ako pumunta sa labas. Pagkalabas ko naman ay may bigla nalang nagbigay sa akin ng ice cream na naka-cup. 'Di ko naman nakilala kung sino ang nagbigay. Ibabalik ko sana kaso gutom rin ako kaya kinain ko na lang. Habang kumakain ako at nakaupo sa may E-bike ay biglang sumulpot si Kyle sa harap ko.
Napatigil naman ako at tiningnan ang mga tao sa paligid. Buti na lang walang nakatingin sa amin.
"Kanino galing yan?" Tanong niya habang turo ang ice cream na kinakain ko.
"Ah. Ewan eh. 'Di ko rin kilala nagbigay," sagot ko saka natawa nang konti.
"Tumatanggap ka pala mula sa taong 'di mo kilala," sabi niya.
"Ha? Bakit? Gusto mo? Eto oh," saad ko habang inaabot ang ice cream sa kanya.
"Ayoko! Ikaw ang gusto ko," walang pagdadalawang isip na sabi niya.
Nalunok ko agad ang ice cream na nasa bibig ko at napamulat sa sinabi niya.
"HA? ANO?!" Medyo malakas kong tanong.
Tiningnan niya ako sa mga mata. Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko para iharap ako sa kanya. Naramdaman kong kumakabog na naman nang mabilis ang dibdib ko.
Ngumiti siya sa akin. "Sabi ko gusto kita."
~~~~~~
A/N: Share mo naman yung thoughts mo about the story 😉 I'm happy to hear them ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top