CHAPTER 3: Forbidden Rule

Thea's POV

The time have passed so fast. I was busy for the whole week because it was our finals week for the first semester and I had to focus myself in studies. Everyday felt like nightmare because of the nonstop requirements we needed to pass.

I also included the man who always got my attention everyday through his messages.

After the VOCARE, I ended up being with Isaiah until we got home. He became talkative as we approached each other. The night after we went home, I received a friend request from him.

I accepted it because I knew he's nice and he's my churchmate. Without my knowledge, he started to message me after I accepted him.

Isaiah: Hi, Thea!

Althea: What?

Isaiah: Wala lang. Busy ka?

Althea: Nagrereview for exam tommorow. 'Di ba may exam din kayo?

Isaiah: Yhup! Basic lang 'yun.

I smirked and ignored his message. After a minute, I received a message again.

Isaiah: Hala! 'Di na nagseen. Haha.

Althea: I'm busy nga. Ba't ka ba nagcha-chat?

Isaiah: Bawal ba? May magagalit ba?

Napakunot ako ng noo sa nabasa ko. Ano ibig sabihin ng lalaking 'to?

Althea: Wala naman. Wala naman akong jowa noh hahaha.

Isaiah: Ayun naman pala eh! Pwede naman ako. Hahaha. Joke lang.

Althea: Ewan ko sa 'yo!

I turned off my phone and didn't mind him again.

Araw-araw nag-cha-chat siya sa 'kin. Sa umaga, sa tanghali pati na sa gabi! Wala atang makausap ang lalaking 'yon. Kaya kapag may free time ako nirereplyan ko rin siya.

Sabado ngayon kaya may meeting kami ng org. Tapos ko na rin naman lahat ng gagawin ko at nakaligo na rin. Nagpapalipas na lang ako ng oras habang nakahiga sa kama.

Nilingon ko ang mata ko sa wall clock ng kwarto. Halos alas dos na kaya bumaba na ako ng kama at saka nag ayos na ng mukha at buhok. Simpleng gray jogger pants lang naman suot ko saka black na t-shirt na nakatuck-in sa jogger pants ko.

Nag-ponytail naman ako ng buhok at saka na rin nagpolbo. Naglagay na rin ako ng konting lip balm at nagpabango.

Pagkatapos no'n ay dinampot ko na ang sling bag na may laman na cellphone, susi, at wallet saka ang white notebook na nasa kama.

Pagkababa ko mula sa kwarto ay dumiretso ako sa garahe namin para kunin yung electric bike. Eto kasi madalas kong gamit pag nagpupunta sa church. Ayoko inaabala yung driver ni mama para lang ihatid ako.

"Thea! Umuwi ka agad pagkatapos ng meeting niyo ah?" Sigaw ni Mama mula sa loob.

Napabuga ako sa hangin nang marinig iyon. "Yes, Ma!" Pinaandar ko na ang e-bike at saka umalis nang hindi na nagpaalam.

Pagkarating ko do'n nandun na rin ang ibang members. Nagpark na 'ko ng bike sa gilid ng church saka naglakad papasok sa loob. Si Andrea at Ate Kim ang nakita kong makakasama na officers para sa meeting.

Tumulong na 'ko na mag ayos ng mga papers. Ako na rin ang nagpa-attendance sa mga members.

Nagsimula ang meeting namin ng alas tres. Pinag-usapan namin ang mga magseserve para sa Sunday Mass. Pagkatapos ay yung mga next events at mga concerns ng members.

May nagtaas ng kamay habang pinag uusapan pa namin ang mga concerns nila.

"Ate, 'di ba bawal makipag close sa mga Altar Servers? Napapansin ko kasi na iba yung closeness ng mga ibang member natin sa mga Altar Servers."

Tiningnan ko ang dalawa kong kasama para tanungin kung ano masasabi nila.

"Oh, remind ulit namin kayo ah! Isa sa mga rule ng organization natin ang bawal makipagrelasyon sa Altar Server. Okay lang makipag-close wag lang umabot sa point na malaman ng buong parish na may relasyon kayo," explain ni Ate Kim na mas matanda sa amin ni Andrea.

Nanahimik na lang ako kasi wala naman akong issue sa ganyan. Halos ka-close ko lang sila pero wala naman meaning para sa akin 'yon at saka baka kung saan ako pulutin kapag nangyari 'yon.

Natapos ang meeting namin ng mga ala singko na ng hapon. Pagkatapos namin nagligpit nila Andrea at Ate Kim ay lumabas na ako. Nakita ko kasi sila Kath at Loreen na nakatambay sa labas.

"Ayan na si Thea!" Masayang sabi ni Kath nang makita ako.

"Dalian mo, Thea! May kwento ako," dagdag niya.

"Ano na naman yan?" Tanong ko agad pagka-upo ko sa tabi nila. Naka-upo kaming tatlo ngayon sa harap ng kumbento dahil dito madalas ang tambayan ng mga youth na kagaya namin.

"About daw sa future jowa niya," sagot ni Loreen saka natawa.

"Gaga! Ba't mo 'ko inunahan?!" Reklamo niya kay Loreen.

"Kath! Nasa simbahan tayo! Yung bibig mo!" Saway ko.

She did not mind what I've said but she continued to tell about the seminarian that she encountered from the VOCARE.

She kept on telling us how they started to talk. How they met. Something like that. I was only hearing her out then suddenly a man got my attention.

Isaiah again.

He was in front of us wearing the smile on his face. I looked at him from top to bottom. He was wearing a school jogging pants and gray t-shirt. I would think, their meeting got only finished.

"Hi, Thea!" He greeted. Then he turned his eyes to my best friends.

"Hi, Kath and Loreen!"

With the wide opened mouth and widened eyes on my best friend's face, I shrugged my shoulder and looked again on him.

"Hi!" I simply said.

"Close kayo?!" Tanong agad ni Kath.

"Hindi / Oo," magkaiba pero sabay naming sabi.

"Ano ba talaga?" Naguguluhang tanong ni Loreen.

"Hindi nga kami close / Oo close kami," magkaiba ulit na sabi namin.

Tiningnan ko siya nang masama. "Ano ba?!"

"Ano? Close tayo, 'di ba? Friend na nga tayo sa FB eh. Magka-chat pa tayo kaga---"

Mabilis akong tumayo at tinakpan ang bibig kasama ang ilong para 'di matuloy ang sasabihin niya.

Nang naramdaman ko nahihirapan na siya huminga inalis ko na ang kamay ko. Nahigpitan ko ata ang pagtakip sa bibig niya.

"Grabe ka naman magmahal! Nakakamatay!" Hinihingal na sabi niya saka ngumisi.

Binatukan ko siya. "Baliw ka ba?!"

"So, the both of you are having a chat and close together?!" Mapanuyang tingin ni Kath sa amin habang si Isaiah ay kinakati ang ulo.

Nakalimutan ko na nandyan pa pala sila. Ano ba yan!

"Oo," simpleng sagot ko.

Pagkatapos ng usapan na 'yon ay nag aya naman si Isaiah na kumain sa labas. Hindi sana ako sasama dahil pinapauwi ako agad kaso mapilit yung dalawa kong kaibigan.

Ako, si Isaiah, si Kath, si Loreen, at iba pang Altar Servers. Nagpunta kami sa may palengke para bumili ng kwek-kwek at isaw.

Nang makakuha na ako ng pagkain ay tumabi ako sa gilid para 'di nakakaabala sa mga dumadaan. Habang kumakain ay tumabi naman sa 'kin si Isaiah.

"May serve ka na bukas?" Tanong ko after makain yung isaw.

Tumingin siya sa 'kin habang abala na kumakain. Inubos niya muna ang nasa bibig niya bago sumagot.

"Yup! First serve ko," excited na sagot niya. "Ikaw? May serve ka?" Tanong niya naman.

Tumango lang ako. Mabait naman ako sa kanya. Ayoko lang na may ibang isipin ang mga tao lalo na sa church kapag magkasama kami. Nakilala ko na nga siya dahil sa kadaldalan niya sa chat. Pag sa personal naman kung 'di mang-aasar tahimik lang.

Halos nagku-kwentuhan lang kami habnag inuubos ang mga binili naming pagkain. Nilibre rin ako ni Isaiah ng gulaman juice pero dahil sa kagagawan niya nagpalibre na rin ang mga kasama namin.

After kumain ay nagsi-uwian na rin ang mga kasama namin. Si Kath at Loreen naman ay nagpaalam na rin. Ihahatid pa raw ni Loreen si Kath.

In the end, kami nalang ni Isaiah ang magkasama.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko dahil halos mag alas syete na ng gabi.

"Ayaw mo ba ako kasama mag-isa?" Balik na tanong niya sa 'kin.

"Ha? Hindi naman no!" Tanggi ko. Nakakatakot lang kasi baka may makakita sa 'min.

"Weh? Pansin ko kasi halos naman ng kakilala ko na servers ay ka-close mo rin."

"Oo nga. Saka ka-close ko lang naman sila. 'Di naman umabot sa point na gan'to," depensa ko.

Naglalakad kami ngayon pabalik sa church dahil iniwan ko ang E-bike ko do'n.

"Swerte ko pala kung gan'on!" Masayang sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pero ayoko kasi na may ibang isipin yung mga tao lalo na yung mga taga-church," sabi ko nang makarating kami sa harap.

"Ano naman iisipin nila? Magkaibigan naman tayo 'di ba?"

"Hindi ka sure!" Pang-aasar ko.

Dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. Natawa lalo ako sa kanya.

"Magkaibigan na tayo 'di ba?!" Pangungulit niya.

"Iba ang ka-close sa magkaibigan, Isaiah."

Nakarating na kami kung saan ko pinark yung E-bike ko. Inalis ko sa pagka-park nito at sumakay na. Tiningnan ko naman siya sa tabi na nanahimik.

"Eh 'di tawagin mo akong Kyle!" Sabi niya bigla habang nakatitig sa aking mata.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano?"

"Tawagin mo akong Kyle mula ngayon," muli niyang sabi.

"Bakit naman kita tatawaging Kyle? Isaiah pangalan mo 'di ba?" Tanong ko na may pagtataka pa rin sa mukha.

"I only allowed someone to call me Kyle when that someone is special," paliwanag niya.

Nagsimula na naman kumabog ang dibdib ko. "B-Bakit special ba ako?" Nag-aalanganin na tanong ko. 'Di ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko iyon pero may part na gusto ko marinig ang sagot niya at may part din na ayoko ko.

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Oo. Special child." Tapos tumawa siya nang malakas.

Napaawang ang aking labi. I can't even process what he said. Nang mapagtanto ko ay binatukan ko siya.

"Baliw! Tara na nga! Hatid kita sa inyo para 'di ka na maglakad."

"Sus! If I only knew that you expect something!" Saka tumawa ulit.

Napangiti na lang ako sa kalokohan niya at saka umiling-iling. Sumakay na siya sa likuran habang natatawa pa rin. Sinabi naman niya ang bahay nila bago kami umalis. Malapit lang pala sa school namin ang bahay nila kaya agad din akong makakauwi.

Tahimik lang kaming dalawa habang ako nagda-drive. Nang makarating kami sa kanila ay agad din siyang bumaba. Pinapapasok niya pa ako sa loob ng bahay nila pero 'di ako pumayag. Nakakahiya.

Paalis na sana ako nang tinawag niya ako ulit.

"Bakit?" Tanong ko naman habang palapit ulit siya sa akin.

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina," sabi niya habang nakatitig sa 'kin.

"Saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Kyle nalang itawag mo sa 'kin."

Huminga ako nang malalim. "Why do I need to call you with that nickname?"

"Cause your special to me."

Natahimik ako sandali sa sinabi niya at saka inalis ang tingin sa kanya. Ako? Special?

"O sige na. Uwi ka na baka hinahanap ka na. Salamat sa hatid."

Tiningnan ko ulit siya pero ngayon nakangiti na siya sa 'kin. Yung ngiting nakakatunaw. Yung ngiting hindi nakakasawa. Feeling ko namumula na ang buong mukha ko dahil ang lakas na rin ng tibok ng puso ko.

He waved his hand and already walked inside their house. I was still spacing out when I got home. I was lucky I did not hit my bike on the road.

*****

The next day, Mama and I did not have the same schedule for our serve but she always reminded me about the rules of the church as if I'm being forgotten.

I looked at myself on the mirror. I already wore my uniform for my serve and my hair was also fixed. Before I went out of my room, I received a chat from Kyle. I also changed his nickname so I would used to call him with that name.

Kyle: I'm already here at church. Ingat!

Althea: On the way. Thanks.

I went straightly to the garage and used my E-bike again. I drove around five minutes when I got there. I quickly parked my E-bike and locked it for safety. I was walking from the parking to the inside of the church when I saw him holding the huge candle.

He curled his lips into smile. I smiled back at him. "Good luck!" I mouthed.

The Sunday Mass went well likewise before. When I went out inside, I saw him again standing and looked like he's waiting for someone.

"Kyle!" I called. He formed a smile again after he saw me wearing my uniform.

He was also wearing a black pants and the white t-shirt was tuck-in in his pants. He looked manly with his attire.

"O, uwi kana?" He asked.

I nodded.

"Aga pa eh, tara kain? Libre ko," aya niya.

"Bawal ako lumabas," sagot ko.

"Ha? Bakit bawal?"

"Suot ko kaya itong uniform namin! Bawal 'to igala kung saan-saan!"

He looked at me from top to bottom. As if he was scanning my whole body.

"Bakit? Maganda ka naman eh. 'Di ka naman magmumukhang white lady," sabi niya.

Kikiligin na sana ako dahil sinabihan niya akong maganda pero binatukan ko ulit siya dahil do'n sa white lady na sinabi niya.

"Ewan ko sa 'yo! Basta bawal!" Inis na sabi ko.

"Aysus! Tara na kasi, Thea!" Pangungulit niya.

"Bawal nga!"

"Hayaan mo! Walang bawal-bawal sa mga taong nagmamahalan."

~~~~~

A/N: How it is going? Did you enjoy this chapter? C'mon! Tell me your thoughts 😉❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top