CHAPTER 27: Gift
Thea's POV
'Di ko pa nasisilayan ang araw nang magising ako kasabay din nang paggising ni Loreen. Nandito kami ngayon sa kwarto ng resthouse. May dalawa itong kama at kaming mga babae ay nagsiksikan dito samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisikan din sa isa pang kwarto.
Maaga ako gumising dahil pupunta kami sa malapit na mall dito sa Subic. Nagtanong kasi ako kahapon sa mga maintenance ng beach at sinabi nila na may Mall malapit dito sa lugar kung nasaan kami.
Lumabas na kami pareho ni Loreen mula sa kwarto at dumiretso naman ako sa restroom para maghilamos at toothbrush.
Mabuti na lang at nagising pa rin ako nang maaga kahit madaling araw na kami natulog. Pagkatapos kasi ng Taize ay nagkwentuhan pa kami na matatanda at saka mas nakipag-ayos pa kay Andrea.
Wala naman sigurong masama na bigyan ng chance ang isang tao besides may rason kung bakit niya nagawa 'yon.
Pagkalabas ko ay sumunod na pumasok si Loreen. Nag-ayos naman ako ng mukha at damit habang hinihintay siya. Kinuha ko na rin ang cellphone at wallet ko pati na ang camera. I would think marami pang perfect spots for pictorial dito.
"Tara na?" Tanong ni Loreen pagkalabas niya sa restroom.
"Yup, para agad din tayo makabalik."
Tumango naman siya at sabay kami naglakad sa may buhanginan palabas ng beach resort.
Suot ko ngayon ang off-shoulder floral dress habang ang buhok ko ay naka-ponytail. Si Loreen naman ay suot ang simpleng highwaisted shorts at saka blue shirt. Hindi ko na inabala pa si Kath na isama dahil alam ko na pagod 'yon kakaasikaso sa lahat ng kasama namin.
Nang makalabas kami ay naghanap kami agad ng masasakyan na tricycle para makapunta sa sinasabi nilang Mall.
"Kuya, sa Mall na malapit po rito," sabi ni Loreen sa isang tricycle driver.
"Sige po, Ma'am."
Sumakay na kaming dalawa ni Loreen at saka tiningnan ang daan para 'di kami maligaw.
Mga ilang minuto lang ay tumigil ang tricycle sa harapan ng isang mataas na building.
"Ma'am, dito na po 'yon," sabi ng driver.
Agad naman kaming bumaba ni Loreen at saka nagbayad kay Kuyang driver.
Nang makaalis ang tricycle at tiningala namin ni Loreen ang mataas na building. Mukha naman siyang mall. 'Di ganon kalawak pero mataas.
"Ano ba maganda iregalo kay Kyle?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok. Buti na lang ay bukas na ito nang ganito ka-aga.
"Para sa induction nila bukas?"
Tumango naman ako. Iyon ang pinakamahalagang araw sa kanya kaya gusto ko siya regaluhan para iparamdam na mahalaga rin siya sa akin.
"Kahit ano naman siguro magugustuhan niya basta galing sa 'yo," nakangiting saad niya.
Tama. Namuhay kami pareho sa simpleng buhay noon kaya alam ko na tatanggapin niya kahit ano basta galing sa puso.
Dumiretso muna kami sa isang stall ng shawarma para kumain dahil umalis kami sa resthouse nang walang kain.
Habang kumakain ay iniisip ko pa rin ang bibilhin ko para kay Kyle. Bahala na nga!
Nang matapos kami kumain ay naglibot-libot na kami sa loob. Bawat may makita kaming bilihan ng gamit ay tinitingnan namin ang pwedeng mabili doon.
Tumigil kami sandali sa isang store ng mga accessories. Nagpasya naman kami ni Loreen na bumili para sa mga kasama namin at pasalubong na rin sa iba. May mga damit din na binebenta at may nakalagay na 'I love Subic'.
Habang pumipili si Loreen ng mga bracelet na palalagyan namin ng mga pangalan ay naglibot-libot muna ako sa loob ng store. May mga mamahalin din silang binebenta na talagang nakalaan para sa mga turista.
Nahagip ng mata ko ang iba't ibang klase ng relo na naka-display. Tiningnan ko iyon isa-isa hanggang sa mapadpad ako sa isang silver watch na may disenyong krus sa loob.
"Ate, kunin ko po iyon," turo ko sa relong nakita ko.
'Di na ako nagdalawang-isip na bilhin 'yon dahil pagkakita ko pa lang ay naalala ko na agad siya. Naalala ko ang mga oras na kasama siya at ang sentro ng relasyon namin ay si Jesus.
Kinuha ng tindera ang relong nagustuhan ko at saka iyon nilagay sa box at binalot. Pagkabigay ko ng bayad ay bumalik na ako kung nasaan si Loreen.
"Okay na?" Tanong niya.
"I found the perfect one," nakangiting sagot ko.
Ngumiti lang din siya at saka hinintay matapos ang pinagawa namin. Bumili na rin ako ng damit para sa aming dalawa ni Kyle at pinili ko ang may magkaparehong disenyo.
"Tara na, Thea," aya ni Loreen pagkatapos ibigay ang mga nabili naming accessories.
Naglakad-lakad pa kami sa loob ng ilang minuto bago kami bumalik ng beach resort.
Mga alas otso na nang mapagpadesisyunan namin ni Loreen na bumalik sa resthouse. Katulad nang ginawa namin kanina ay naghanap kami ng tricycle at saka sumakay pabalik ng beach resort.
Nang makarating kami sa beach resort ay nagmadali kami naglakad papunta sa rest house.
Nadatnan namin ni Loreen na nagsimula na ang second day ng program. Sinalubong naman ako agad ni Kyle at halatang nagtataka ang kanyang mukha.
"Saan ka galing?" Bungad niya agad sa akin pagkatapos ko siyang yakapin.
"Hmm.. sa labas. May binili lang kami ni Loreen," malambing na sagot ko.
Tumango naman siya at saka pumasok kami sa loob ng resthouse habang ang iba ay nakikisali sa huling araw ng team building.
"Kumain ka na?" Tanong niya habang ako ay tinatago sa bag ko ang mga napamili namin. Buti na lang ay 'di siya nag-abala na tingnan 'yon.
"Kumain kami ng shawarma ni Loreen," sagot ko.
"May pagkain pa rito. Tara kain tayo," aya niya.
Naglakad naman ako pabalik sa may lamesa at umupo sa may upuan kung saan nakapatong ang pinggan na may laman ng pagkain na inihanda niya.
Sabay kaming kumain na dalawa. Naalala ko tuloy kapag kumakain kami sa canteen ng school. Napangiti na lang ako habang inaalala 'yon.
"Ano nginingiti mo dyan?" Takang tanong niya.
"Wala!"
Natawa naman kaming dalawa.
"Ano pala plano mo bukas niyan? Bukas din ba ang announcement of board exam passers?" Tanong ko pagkatapos ko uminom ng tubig.
"Ah may pa-handa siguro si Mama. Simpleng celebration ganon," sagot niya.
Pagkatapos namin kumain ay nagyaya siya na maglibot-libot sa may beach. Malakas kasi ang simoy ng hangin kahit na mainit.
Naglakad-lakad kaming dalawa sa may bandang gilid ng resthouse. Nakatingin naman ako sa dagat at pinanood ang mga tao na sumakay ng bangka. Habang naglalakad kami ay hawak niya ang mga kamay ko.
"Are you happy?" Biglang tanong niya habang patuloy namin na inihahakbang ang mga paa namin kasama ng mga puting buhangin.
I turned my eyes on him. "More than happy. Yung mga tinik sa puso ko unti-unting naglaho."
"Sa tingin ko meron pang natira," saad niya.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya at tama siya. Yung tinik ng pagkamuhi ko sa nanay ko ay nananatiling nakabaon sa puso ko.
"Hindi pa ako handa para harapin siya, Kyle."
"Malay mo bigla na lang darating ang araw na hindi mo inaasahan at mapapatawad mo rin siya," nakangiting saad niya.
"Sana nga. Hindi pa siguro ito yung tamang oras para gawin 'yon."
Nagpatuloy kami sa paglalakad pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi gano'n kadali magpatawad pero naniniwala pa rin ako na kapag mahal mo papatawarin mo.
Mga ilang minuto pa ang lumipas nang magpasya kami na bumalik na sa resthouse. Sakto naman na pagkabalik namin ay pumapasok na rin ang mga kasama namin. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.
Magtatanghali na rin pala. Maghahanda na siguro sila para sa pag-uwi namin.
Nang makapasok kami ni Kyle ay nagliligpit na ng mga gamit ang iba. Naghanda naman sila Kuya Josh ng makakain habang ang iba ay inaayos na ang mga gamit nila.
Magpaalam muna ako kay Kyle para pumasok sa kwarto at ayusin ang gamit namin nila Kath at Loreen. Masyado silang abala sa labas kaya mas mabuti na ako na lang ang mag-aayos ng gamit namin.
"Kath! Loreen! Nasaan mga nabasa niyong damit kagabi?!" Tanong ko pagkalabas ko ng kwarto.
"Bakit?!" Tanong pabalik ni Kath.
"Malamang aayusin ko gamit n'yo!"
"Ay good! Nando'n nakasampay sa labas. Paayos na lang gamit ko ah! Thank you, Sis!" Masiglang sabi niya habang nagpiprito ng ulam.
Tumango naman ako at saka dumiretso sa may labas para kunin na rin ang mga damit namin. Nakita ko na konti na lang ang mga damit na nando'n kaya kinuha ko na lahat iyon at itatanong na lang mamaya kung kanino ang iba sa mga 'yon.
Habang kinukuha ko ang mga damit na nakasampay ay narinig ko ang pamilyar na boses na may kausap sa cellphone.
"Ano pa bang kulang?!"
"Natawagan mo na ba?
"Pauwi na rin kami. Puntahan kita mamaya dyan."
May lakad siguro siya mamaya. Sino naman kikitain niya?
'Di ko na pinakinggan ang mga sunod niyang sinabi at saka kinuha na lahat ng damit. Sakto naman na pabalik na sana ako nang bigla siyang lumitaw sa harap ko.
"Ano ginagawa mo rito?" Tanong niya na may halong kaba.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinong kausap mo sa phone?" agad na tanong ko.
Tiningnan naman niya ang hawak niyang cellphone at saka napakamot ng ulo. "Yung isang Altar Server. Nagkaproblema lang nang konti para sa induction bukas."
Umaliwas naman ang mukha ko at saka tumango. Tinulungan niya naman ako sa mga dala kong damit at saka sabay kaming pumasok ulit sa loob.
Nag-ayos na rin siya ng gamit niya tapos mga ilang minuto pa ay nagyaya na kumain ang mga kasama namin.
Pagkatapos namin kumain ay nag-picture taking naman kami as a group. Sinulit namin ang ilang minuto nang pamamalagi namin dito.
Ala-una na ng hapon nang mapadesisyunan namin lahat na umuwi na. Sabay-sabay kaming naglakad lahat palabas ng beach resort. Ang mga kamay naman ni Kyle ay nanatili ulit sa aking kamay.
Sa huling pagkakataon, naglakad ako patalikod para matitigan ang napakagandang gawa ng kalikasan. Kahit isang araw lang kami nanatili rito ay tila may parte na sobrang halaga ng lugar na 'to para sa akin.
"Balik tayo rito sa susunod," nakangiting sabi ni Kyle habang ako ay isinasaulo ang bawat parte ng beach resort.
"Sige. Yung tayong dalawa lang," saad ko naman.
Tumango naman siya at sabay kaming humarap sa daan patungo sa labas.
Nagpaalam na kami sa mababait na staff ng beach resort at saka nagpasalamat na rin.
Ilang saglit pa ay nagkanya-kanya na ng sakay ng lahat at ang dalawa kong kaibigan ay sumakay na rin sa kotse ni Kyle.
Habang nilalagay ko ang seatbelt ko ay rinig na rinig ko ang pagpupumilit ni Carl na sumakay sa kotse.
"Hindi ka nga kasya!" Inis na sabi ni Kath.
"Kasya ako! I'm sexy you know! Please! Ayoko sa jeep! Nakakasuka!" Tapos ay umakto pa siya na susuka sa harap ni Kath.
"Pumasok na kayo para 'di tayo gabihin," utos ni Kyle.
"The best ka talaga, Pre!" masayang saad ni Carl habang pumapasok sa kotse.
Pinagitnaan siya ng dalawang babae at natatawa naman kami dahil wala na siyang magawa.
Nauna na ang ilang sasakyan sa amin kaya binilisan ni Kyle ang pagda-drive. Katulad kahapon ay nagpatugtog ulit ng musika sa loob ng kotse.
Habang ako nakatitig muli sa labas. Inalala ko yung naging buhay ko noon. Na-realize ko na nag-iiba talaga ang ikot ng buhay natin habang tumatanda tayo. Mas bumibigat ang mga pasubok at mga responsibilidad natin. At mas tumitibay yung pundasyon ng pagmamahal ng dalawang tao.
'Di ko namalayan na nakatulog ulit ako buong byahe namin. Ngayon ko siguro naramdaman yung pagod mula kahapon. Mas nangibabaw kasi ang kasiyahan na nararamdaman ko.
"Nandito na tayo," saad ni Kyle habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.
Nagising kasi ako kanina nang maihatid namin sina Kath, Loreen at Carl. Pumipikit-pikit lang ako habang wala pa kami sa bahay.
Dumilat naman ako at tiningnan ang oras sa cellphone. Halos dalawang oras din ang byahe namin.
"Alis kana?" Tanong ko habang palabas kami ng kotse.
Kinuha naman niya ang bag na dala ko habang ako ay dumiretso sa gate para buksan iyon.
"Oo may aasikasuhin pa kasi ako para bukas," sagot niya.
Pumasok muna kami sa loob ng bahay at saka pinatong niya sa couch ang gamit ko. Tapos ay dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig.
"Kain ka agad mamaya ah?"
Tumango naman ako sa sinabi niya habang kinukuha ko ang damit na binili para sa kanya.
"Ingat ka," saad ko tapos ay naglakad siya pabalik sa couch.
Pinakita ko sa kanya ang damit nang makalapit siya sa akin.
"Para sa akin?"
"Oo. Meron din ako," malambing na sabi ko.
Binitawan niya iyon saglit at saka hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Thank you, Mi Amore. Ang aga naman ng regalo mo."
Natawa naman ako sa sinabi niya. 'Di pa yan ang regalo ko, Kyle. Banggit ko sa isip ko.
"Punta ka bukas ah? Gusto ko nando'n ka pati sa bahay punta ka rin."
May namuo naman na kaba sa dibdib ko.
"Wag ka mag-alala hindi galit si Mama sa 'yo," nakangiting sabi niya na tila alam niya kung ano ang nasa isip ko.
"Pupunta ako. Mahalagang araw 'yon para sa 'yo kaya hindi pwedeng makaligtaan ko 'yon."
Lumapit siya sa akin at saka hinalikan akong muli sa noo. Ang mga halik na 'yon ang sumisimbolo kung gaano niya ako kamahal at nirerespeto.
"Hihintayin kita, Mi Amore."
~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top