CHAPTER 24: Regret

Kyle's POV

Love is better on it's second chance.

Ang mga salitang pinaninindigan ko simula nang magka-ayos kaming dalawa. Ang plano kong higantihan siya ay naglaho na lang na parang bula.

Mas nangibabaw sa akin ang kagustuhan na suklian ang mga sakripisyo niya.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay araw-araw na akong pumupunta sa kanyang bahay. Ihahatid ko siya sa trabaho at sabay kaming papasok. Katulad nang dati. Parehas na kumpanya ang napasukan namin na trabaho pero magkaiba kami ng departamento.

Halos dalawang linggo na rin nang lumipas ang araw na 'yon. Napakabilis. Sa dalawang linggo na 'yon, araw-araw ay sinamahan ko siya sa bahay niya hanggang makatulog siya tapos ay uuwi ako ng madaling araw para umidlip saglit at saka babalik para sunduin siya.

Kulang na lang do'n na ako tumira sa bahay niya. Katulad ngayon, 'di ko namalayan ang oras kaya nakatulog ako dito sa may sala.

Nagising lang ako dahil sa tawag niya.

"Kyle! 'Don ka na matulog sa taas kung inaantok ka pa. Wala ka bang serve ngayon?"

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang napakaganda niyang mukha. Napangiti ako sa kanya kahit 'di pa masyadong gising ang aking diwa.

"Wala. Automatic na papalitan ako ni Carl."

Tumango naman siya at maglalakad sana papuntang kusina pero huli na nang mahila ko siya. Napasubsob siya sa akin at ang mukha namin ay isang dipa na lang ang layo.

"Ang ganda mo. Para kang isang anghel na bumaba sa lupa," nakangiting sabi ko.

Napamulat ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko. "Umuwi kana! Ang baho mo," sarkastikong sabi niya sabay tayo sa aking harapan.

"Ayoko! 'Di muna ako," reklamo ko.

"Maiwan ka dito mag-isa? Sisimba ako."

Nagliwanag naman ang aking paningin at saka umupo mula sa pagkakahiga. "Ay o sige sige! Sama ako ah! Tapos date tayo," masayang sabi ko at saka kinindatan siya.

"Uwi kana maliligo na ako," utos niya.

Napanguso naman ako sa kanya. Ayokong umuwi. Maya-maya ay may naisip akong ideya.

"Sabay tayo?" Nakangising tanong ko.

Pinanliitan niya naman ako ng mata at saka unti-unting lumapit ulit sa akin.

"Ikaw ah, Isaiah Kyle. Akala mo 'di ko napapansin," nakangising sabi niya habang dahan-dahang pumatong at umupo sa aking hita.

Napalunok naman ako at pinagsisisihan na sabihin iyon.

"A-Anong napapansin mo?"

Naghalo-halo ang aking naramdaman nang isabit niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Nagsimula naman akong pagpawisan at tila may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan.

"Kung 'di ka lang Altar Server, iisipin ko na pinagnanasaan mo ako. Gusto mo ba talagang sabay tayo maligo?" Nanunuksong bulong niya sa tenga ko.

Umakyat naman ang daloy ng dugo ko at nag-aalab na ang aking nararamdaman. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko sabay ang pagkagat sa ilalim ng labi ko.

"Hindi. U-Uuwi na ako s-sabi ko nga eh," nanginginig na saad ko.

Natawa naman siya sa reaksyon ko pero nanatili siyang nakapatong sa akin at saka tinitigan ako nang matagal.

Ilang saglit pa ay bigla nalang dumapo ang kanyang mga labi sa aking labi. Parang may sariling isip ang labi ko nang tugonan nito ang kanyang mga halik. Sa bawat galaw ng kanyang labi ay tila nahihipnotismo ang aking katawan na kusang gumalaw at saka inilibot ang kamay sa kanyang katawan.

Habang palalim nang palalim ang aming mga halik ay iginagala ko ang aking kamay sa kanyang katawan. Tumigil ako nang mapunta iyon sa kanyang bewang.

Nang maramdaman niyang ipinapasok ko ang kamay ko sa loob ng kanyang damit ay bigla siyang bumitaw sa paghalik.

Natawa naman ako nang makitang pulang-pula ang kanyang mukha. Ang mga labi niya ay basang-basa pa dahil sa pagpapalitan namin ng mga halik.

"Mukhang ikaw ang may pagnanasa sa akin, Althea," nanunuksong saad ko.

"In your dreams!" Pagtanggi niya.

"Hindi na nga ikaw yung santa na minahal ko. Masyadong kang wild."

Umalis na siya sa pagkakandong sa akin at saka umupo sa aking tabi.

"Wild na santa pwede pa," natatawang saad niya.

Umiling-iling ako habang nakangiti.

"O sige na. Sunduin kita maya-maya. Uwi muna ako."

"Sige, ingat ka ah," malambing na sabi niya.

Tumango naman ako at saka lumapit ulit sa kanya para halikan sa noo. Pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad palabas ng gate nila.

Pumasok ako sa kotse na dala ko at saka pinaandar iyon pauwi sa amin. Ilang minuto ang lumipas nang makarating ako sa amin. Pinarada ko ang kotse sa harapan at saka mabilis na pumasok sa loob.

"Oh, nak! Inumaga ka ata ng uwi. Wala ka bang serve?" Bungad sa akin ni mama na naghuhugas ng plato.

"Natulog po ako sa bahay ni Thea, Ma. Wala po pero sisimba kami ni Thea," sagot ko.

Binitawan niya ang plato na hinihugasan niya at saka nagpunas ng kamay. Humarap naman siya sa akin pagkatapos niyang gawin iyon habang ako ay nag-aalis ng sapatos.

"Nagkabalikan na kayo?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi pa, Ma. Nililigawan ko pa ulit siya."

Biglang nag-alala ang mukha niya. "Paano ang nanay niya?"

Tumayo namn ako at saka huminga nang malalim. "Haharapin ko po ang nanay bago ko siya tanungin ulit. Gusto ko maging maganda ang tingin sa 'kin ng mama niya at gagawin ko ang lahat para ipaglaban siya," nakangiting sagot ko.

Ngumiti lang si Mama sa 'kin. Alam ko na ang mga ngiti na 'yon ay sinasabi na nakasuporta lang siya para sa aming dalawa ni Thea.

Umakyat na ako sa kwarto at saka kumuha ng damit. Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo.

Ilang minuto ang lumipas nang makalabas ako sa banyo at nakapagpalit na rin ng damit. Bumalik muli ako sa kwarto at saka nag-ayos ng sarili.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang bumaba na ako pagkatapos ko isuot ang rubber shoes.

"Ma! Alis na po ako," paalam ko at saka dumiretso sa labas.

Binuksan ko naman ulit ang kotse at saka nag-drive pabalik sa bahay ni Thea.

Mabilis akong nagmaneho kaya wala pang limang minuto ay nakabalik na ako sa bahay niya. Bumusina naman ako para sabihan siya na nandito na ako.

Ilang saglit lang ay lumabas na siya. Suot niya ngayon ang isang denim skirt na tinernuhan ng floral na polo at saka puting rubber shoes. Lumabas naman ako ng kotse para tulungan siya na isarado ang gate.

Pagkatapos ay pinagbuksan ko siya ng pinto sa kabilang harapan ng kotse. Nang makapasok din ako sa kotse ay tinitigan ko siyang muli.

"Tara na," aya niya.

"Ang ganda talaga," bulong ko sabay tingin sa daan.

"Ha?!" Nagtatakang tanong niya.

"Halika ka na sabi ko," natatawang sagot ko.

Pinaandar ko na ang kotse nang mabagal. Napansin kong palinga-linga siya sa loob.

"Bilib ka noh! Ako na ngayon may sasakyan sa ating dalawa!" Pagmamayabang ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Meron kaya akong kotse! 'Di ko lang ginagamit," pagdadahilan niya.

"Eh ba't 'di mo ginagamit?"

"Ayoko gamitin," maikling sagot niya. "Kailan mo pala ito nabili?" Dagdag na tanong niya.

"Nung makapagtrabaho ako nag-loan ako agad para sa kotse. Hinuhulugan ko pa rin hanggang ngayon," simpleng sagot ko.

Tumango-tango naman siya. "Saan ka pala nag-aral ng college?"

"DHVSU."

"Hmm.. eh 'di lisensyado ka na?" Curious na tanong niya.

"Hindi pa. Malapit na. Kakatapos ko lang mag-board exam last month."

Nang makarating kami ay pinarada ko ang sasakyan sa may gilid ng simbahan.

"Kailan yung announcement para sa mga pumasa?" Tanong niya ulit habang tinatanggal ang seatbelt.

"Baka kasabay ng induction namin. Full Knight na ako nyan eh," pagmamalaki ko.

"Wow! Sana all," birong sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. 'Di na niya kasi naranasan mag-fullpledge sa COMI.

Sabay kaming lumabas ng kotse at saka naglakad papasok ng simbahan.

"Gusto mo ba bumalik?" Tanong ko naman habang akbay-akbay siya.

Umiling naman siya. "Hindi pa siguro panahon para bumalik."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Masaya naman ako sa desisyon niya. Nang makapasok kami sa loob ay agad kami naghanap ng upuan. Sa may bandang harapan kami umupo dahil do'n banda walang nakaupo.

Ang mga mata ng mga nagseserve ay bumaling sa aming dalawa nang makita nila kami.

'Di naman namin pinansin ni Thea iyon at saka hinintay na lang magsimula ang misa. Hawak ko naman ang isang kamay niya magsimula nang pumasok kami sa loob ng simbahan. 'Di niya nga rin magawang bitawan hanggang sa magsimula ang misa.

Sa kalagitnaan ng misa ay parehas kaming tahimik na dalawa ngunit ang mata ng iilan naming kakilala ay 'di maalis-alis ang tingin sa amin.

Hanggang sa matapos ang misa ay tahimik lang kaming dalawa. Maya-maya habang kasalukuyang nagbabasbas ang pari ay tumingin siya sa akin.

"Salamat at pumasok ka ulit sa buhay ko," nakangiting sabi niya.

"Tinutupad ko lang ang mga pangarap ko at ikaw 'yon. Ikaw ang pangarap ko, Thea."

Yumakap siya sa akin habang ang mga tao sa paligid ay nagpapalakpakan dahil tapos na ang misa. Ilang saglit ay bumitaw na kami sa mga yakap at saka naglakad papunta sa gilid ng simbahan.

Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang sa salubungin kami ng mga matang kanina pa nakatingin sa amin.

"Thea!" Masiglang bati ni Kuya Josh at saka niyakap ang isa't isa.

"Ay 'di mabitawan ang kamay, Isaiah?!" Reklamo niya sa akin.

"Mahirap na, Kuya!" saad ko naman.

"Sabi sa inyo mabilis ang comeback eh!" Nakangising anunsyo ni Carl.

Natawa naman kaming dalawa sa pang-aasar ni Carl.

"Nasabi mo na sa kanya?" Tanong naman ni Kuya Josh sa akin.

Umiling naman ako.

"Ano 'yon?" Tanong ni Thea.

Humarap si Kuya Josh kay Thea. "May team building kami next week bago ang induction nila Isaiah."

"Talaga? Nice."

"Oo. Sama ka ah!" Aya ni Kuya Josh.

Umiling naman agad si Thea. "Wag na! 'Di naman ako nagse-serve eh!"

"Sama ka na! 'Di sasama si Isaiah kapag 'di ka sumama eh!"

Tumingin naman siya sa akin at saka napakamot ako ng ulo.

"Boring kapag hindi ikaw ang kasama."

Namula naman siya at saka inirapan ako tapos bumalik ng tingin kay Kuya Josh.

"Pag-iisipan ko, Kuya."

Marami pa ang lumapit sa kanya para kamustahin siya. Ang iba ay mga batang member ng COMI na ngayon ay mga dalaga na. Ang iba ay nakipagkwentuhan habang ako nakasunod lang habang hawak ang kanyang kamay.

"Hindi ka na po babalik, Ate Thea?" Tanong ng isang COMI.

Napangiti naman si Thea sa kanya. "Hindi na eh. Nagwo-work na kasi ako."

Nalungkot naman ang bata. "Sayang naman po. Miss ka na namin."

Maya-maya ay dumating sa harapan namin si Andrea.

"Oh well! Tama nga ang rinig ko. Nandito ang greatest rule breaker ng OLGP," sarkastikong bati niya kay Thea.

Napakunot naman ako ng noo sa paraan ng pagsasalita niya habang si Thea ay pinalayo ang bata at hinarap si Andrea.

Napabaling din naman ng tingin sila Kuya Josh at iba pang naroon sa kanilang dalawa.

"Ay wow! Hindi naman ako na-inform na may demonyo na pa lang nakapasok sa simbahan," nakangising sabi ni Thea.

Lumapit ako kay Thea. "Wag mo na patulan," bulong ko.

"So! Nagkabalikan na pala ulit kayo," pabalang na sabi ni Andrea.

"Oh bakit?! Sisiraan mo ulit kami? Go! Tingnan natin kung 'di ka maalis sa pwesto mo ngayon," seryosong sabi ni Thea.

"Ano bang sinasabi mo?!" Pekeng tawa ni Andrea.

"Ay nakalimutan mo na? Wait. Alam ba ng mga taong nandito yung ginawa mo?! Sinabi mo ba sa kanila? Sabagay ba't mo nga naman sasabihin ang kasamaan ng ugali mo noh?!"

Pinigilan ko si Thea dahil baka mas lalo kaming mapahamak sa sasabihin niya.

"Sandali! Kinakausap ko pa siya! Wag mo nang itago sa maskara mo ang tunay mong ugali, Andrea. Malalaman din nila yung ginawa mong paninira sa amin ni Kyle!"

"SHUT UP!" Inis na sigaw ni Andrea habang pinipigilan siya ni Kuya Josh na sugurin si Thea.

"Tama na, Thea," bulong ko habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Tandaan mo, Andrea! May atraso ka pa sa akin kaya wag mo ng subukan ulit na hilahin ako pababa dahil hindi na ako papayag na mangyari 'yon!"

"Thea! Tama na. Pagsisihan niya rin ang ginawa niya," sabi ko sa kanya habang at saka hinila siya paalis ng simbahan.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top