CHAPTER 23: Home
Thea's POV
Sa pagmulat ng aking mga mata ay tila may gumuguhit na kuryente sa aking ulo. Hinawakan ko ito at saka sinuri ang paligid kung saan ako naroon.
Sinampal-sampal ko pa ang aking mukha para malaman kung nasa tamang lugar ba ako. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto na narito ako sa aking kwarto. Pagkatapos ay kinuha ko ang baso ng tubig na nakapatong sa maliit na cabinet sa tabi ng aking kama at saka ininom iyon.
Naramdaman ko na medyo nahimasmasan ang aking pakiramdam. Ano bang nangyari kagabi?
Inalala ko ang bawat senaryo na nangyari kagabi. Tama. Nagpunta kami sa kasal. Tama. Nagkausap kami ni Kyle. Tama. Hinalikan ko si Kyle.
Napatalon naman ako sa kama at mas napamulat ng mata nang maalala ang pangyayaring iyon. Hinawakan ko ang ibabang bahagi ng aking labi.
May nangyari pa ba bukod do'n?!
Shet! Nagmadali ako na kunin ang cellphone para tingnan kung may ginawa ba akong kakaiba. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang bahid ng kung ano ang aking cellphone.
Bumaba naman ako sa kama at nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto. Unang araw ko sa trabaho, 'di ako nakapasok! Bahala na. Nasa akin naman ang desisyon kung papasok ako basta may ipasa lang ako na journal sa kanila mamaya.
Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko ang dalawang babae na nanonood sa aking sala. Tanghali na rin pala nang magising ako.
"Oh gising ka na pala! May bisita ka sa labas," bati ni Kath sa akin.
"Anong nangyari kagabi?" Bungad na tanong ko.
Nagkatinginan naman sila ni Loreen at saka humalakhak na parang may ginawa akong 'di maganda.
"Hindi mo maalala?" Natatawang tanong ni Loreen.
Napakamot naman ako ng ulo at sinubukan ulit alalahanin pero mas nananalaytay ang sakit ng ulo ko.
"Hindi," inosenteng sagot ko.
Napakagat naman ako ng labi nang tumawa ulit silang dalawa.
"Ano ba kasing nangyari?!"
"Puntahan mo muna yung bisita mo sa labas. Kanina pa naghihintay 'yon," sagot ni Kath.
Bumuga naman ako ng hangin at saka naglakad papunta sa gate. Maayos naman ang suot ko kaya ang hinala ko sila Kath ang nagpalit sa akin ng damit.
Walang gana kong binuksan ang gate at halos matumba ako sa gulat nang makita kung sino ang nasa labas.
"Anong ginagawa mo rito?!"
Napangisi naman siya. "Mukhanh 'di mo naalala ang nangyari kagabi ah?"
Muli kong kinagat ang labi ko dahil pumasok na naman sa isipan ko ang paghalik na ginawa ko sa kanya. Shet!
"Hmm... wala akong maalala eh," sagot ko.
Sa susunod 'di na talaga ako maglalasing ng dahil sa kanya! Kinakabahan talaga ako baka may hindi ako magandang ginawa kagabi!
"Talaga?" Nanunuksong tanong niya at saka lumapit sa akin.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang niya palapit sa akin.
"Y-Yung h-halik lang naaalala k-ko. Ano pa bang nangyari?"
"Papasukin mo muna ako at ipapaalala ko," nakangising sagot niya.
Nagkibit-balikat naman ako at saka naglakad pa pabalik sa loob habang siya ay nakasunod sa akin.
"Ano ba kasing nangyari?! Ba't ka nandito?!" Inis na tanong ko pagkatapos kong pumasok sa loob ng bahay.
"Sis. Ikaw ang nagpapunta sa kanya dito," simpleng sabi ni Kath.
"Ano?!"
Nagtawanan naman ulit sila ni Loreen. Pinagloloko nalang ako ng dalawang 'to. Kailan ko pa naisip na papuntahin ang lalaking 'yan sa pamamahay ko?!
"Oh maiwan na muna namin kayo ah. May pag-uusapan pa kayo eh," nakangiting sabi ni Loreen pagkatapos nilang tumayo at naglakad papunta sa taas.
Si Kyle naman ay walang hiya na umupo sa may couch at naiwan na nakatayo habang tulala at 'di alam ang gagawin.
"Kung iniisip mo na may nangyari sa ating dalawa, wag mo na isipin dahil 'di ko magagawa na pagsamantalahan ang isang taong 'di ko pa karelasyon," mahinahon na sabi niya.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Habang hawak-hawak ko ang aking dibdib ay tumungo ako sa couch at umupo sa tabi niya.
"Eh ano nga ang nangyari?!"
"Ako ang naghatid sa inyo nila Kath pagkatapos mong sabihin ang mga bagay na matagal ko na dapat nalaman," mahinahon pa rin na saad niya.
Biglang namutawi ang kaba sa aking dibdib. Natahimik naman ako at hinintay siya na sabihin ang lahat.
"Walang ibang nangyari bukod do'n sa halik. I went here because I want to confirm what I've heard from you yesterday..."
"...Lasing ka kaya may posibilidad na tama ang sinabi mo at narito ako para kumpirmahin iyon," seryosong paliwanag niya.
Punong-puno naman ng kaba ang dumaloy sa katawan ko. Napalunok ako at 'di malaman ang sasabihin.
"Hindi ko maalala ang mga sinabi ko."
Huminga siya nang malalim. "But, is it true that you only broke up with me because of your mother and not because of Andrea?!"
Halos mabingi ako sa mga sinabi niya. Ang tibok ng puso ko ay pabilis nang pabilis na tila mas gugustuhin ko na lang magpalamon sa lupa.
"I-I don't know w-what you are talking about, Kyle," nanginginig na sabi ko.
Biglang nag-iba ang timpla ng kanyang paningin. Ang mga mata niya ay para bang namumuo na ng galit. Sa bawat titig niya ngayon sa akin ay tila kinukwestiyon ang mga sinabi ko.
"Tama na ang pagsisinungaling, Thea! Tell me! Hindi ka umalis sa COMI, 'di ba? Inalis ka. Pinaalis ka ng mama mo kasabay no'n ay ang utos niya na iwanan ako, 'di ba?!"
Bumuhos ang mga luha ko sa bawat sigaw niya ng mga salitang iyon. Bakit kailangan pang balikan?! Sunod-sunod ang mga luhang pumatak sa aking mga mata.
"Papatalksikin ka niya sa organization niyo kapag 'di ko ginawa 'yon! Gagamitin niya ang kapangyarihan niya para lang pahirapan ka! 'Di ko kayang magdusa ka dahil sa kagagawan ng nanay ko, Kyle!"
Punong-puno ng sakit bawat salitang lumalabas sa aking bibig. Patuloy na bumabagsak ang aking mga luha. Bumalik na naman ang sakit na matagal nang nakabaon sa aking pagkatao.
Napahilamos siya ng mukha at tila pinag-iisipan ang mga sasabihin niya.
"Kaya ikaw ang nagsakripisyo?!"
Tumango ako. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi, ang galit, at ang awa. Sinara niya ang kanyang mga palad at saka naghanda na parang may susuntukin.
"Tang*na! Bakit 'di mo ako hinayaan na ipaglaban ka, Thea?! Ikaw ang buhay ko no'n, Thea!"
Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya habang ako patuloy pa rin sa paghihinagpis.
"Hindi naman ako duwag para hindi ka ipaglaban! Nakahanda ako no'n, Thea! Handa akong bitawan ang serbisyo ko para sa 'yo! Ba't ikaw ang kailangan na magsakripisyo sa ating dalawa?! B-Bakit?!" Hagulgol niya.
'Di lang simpleng iyak ang namutawi sa aming dalawa kundi hagulgol na tila punong-puno ng sakit ang inilalabas ng bawat luha namin.
"D-Dahil 'yun ang tingin kong t-tama," iyak na sagot ko.
Bumaling ulit siya ng tingin sa akin. "Tama?! 'Yun ba ang tingin mong tama?! Ang pahirapan ang sarili mo at iwan ako sa ere?! Tama ba na sinukuan mo ako at hindi hinayaan na ipaglaban ka?!"
Patuloy akong umiiyak at naghihinagpis dahil sa sinabi niya.
"I'm sorry. I'm so sorry. Alam ko naduwag ako at pinagsisihan ko ang ginawa ko. Kaya 'yun na ang huling beses na sinunod ko si M-Mama..." humihikbing sabi ko.
"...Hindi mo alam kung gaano kahirap na hindi mo magawang ipaglaban ang sarili mo! Hindi mo alam kung gaano kasakit na lagi ka na lang sumusunod na parang tuta sa mga utos niya! Buong buhay ko, siya at siya lagi ang sinusunod ko!"
"Ang tanga tanga ko, 'di ba?! Yung taong nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong paa ay hindi ko man lang nagawang ipaglaban! Yung taong minahal ako at pinaramdam yung importansya ko, hindi ko man lang hinayaan na ipaglaban ako!"
Pinunansan ko ang aking mukha para mabawasan man lang ang mga luha na kanina pa umaagos sa aking mata.
Nakatingin lang siya sa akin at nakikinig. Walang salita ang lumabas sa bibig niya sa bawat hinagpis na sinasabi ko.
Maya-maya ay lumapit siya sa akin at saka inakbayan ako. Ang mga akbay na tila sinasabing nandito pa rin siya para sa akin.
"Shhh. I'm sorry. 'Di ko dapat na sisihin ka," pagtatahan niya habang ang mga kamay niya ang dahan-dahan na pinapatahan ako.
Umiling-iling ako. "Siguro, deserve ko talaga maging empyerno ang buhay ko! Deserve ko lang na masaktan!"
"No. I'm sorry. 'Di mo deserve masaktan, Thea. Hindi ka dapat mamuhay sa impyerno. Deserve mong maging masaya." Nanatili pa rin siyang naka-akbay sa akin.
"Wag ka mag-alala. Wala naman akong balak na balikan ka. Sapat na yung humingi ako ng tawad at maging malinaw sa 'yo ang lahat," paliwanag ko habang patuloy pa rin na pinupunasan ang mga luha sa mata ko.
Hinarap naman niya ako sa kanya at saka hinawakan pareho ang aking mga braso. Tinitigan niya ako. Ang mga titig na tila may mga nais na sambitin.
"Ako meron. Meron akong balak na balikan ka. Kung dati ay 'di tayo pwede, ngayon ako na ang magtatakda na pwede tayong dalawa," seryosong sabi niya.
Halos manlambot ang mga tuhod ko at ang puso ko ay nagwawala.
"Pero---"
Bigla niyang nilagay ang kanyang hintuturo siya aking labi.
"Walang pero-pero sa taong nagmamahalan, Thea. May panahon pa para itama natin ang lahat. May panahon pa para sa ating dalawa."
Inalis niya naman ang kanyang daliri sa aking labi.
"Paano pagbumalik pa ako sa Italy?" Tanong ko.
"Sasama ako basta bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi," serysong sabi niya.
'Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Ang tanging nangingibabaw sa akin ay ang kaginhawaan ng aking puso at tila nabunot na lahat ng tinik na matagal nang nakaturok.
Hindi ako sumagot sa mga sinabi niya. Hinayaan ko lang na manatili siya sa aking tabi. Ang aking ulo ay may sariling isip na pumatong sa kanyang balikat.
Pumikit ako sandali. Mas lalo kong naramdaman ang ginhawa. Sa loob ng limang taon, naramdamdan kong muli na nakauwi na ako. Ang mga balikat niya ay siyang tahanan ko.
"It feels like I'm home," mahinang bulong ko.
Naramdaman ko ang pagngiti niya. "Wag ka mag-alala simula ngayon mananatili na ulit akong tahanan ng iyong puso."
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top