CHAPTER 2: Wishing Well
Thea's POV
It was my first time to go in a seminary that's why I was amazed when I saw the inside of it. It was like a normal school but the difference was it is wider and bigger than usual because there were dormitories at the back.
A basketball court and garden was placed on the right side while on the left side was the stage and function hall. There was also a mini church at the second floor.
"Wow. Ang ganda naman dito," masayang sabi ni Kath nang makarating kami sa garden. Meron pa nga statue ng isang saint sa gitna ng parang wishing well.
Nag-picture kaming tatlo bago sumunod sa function hall. Dun kasi gaganapin ang venue. Marami na rin youth ang dumating. They were from the other parishes sa buong Pampanga.
Kuya Josh explained earlier that it was the yearly event of the seminary and it's the first time for our church to be invited. It was really a honor in our Youth Ministry.
Habang naglalakad na kami nila Kath papunta sa function hall, napansin ko na nasa basketball court si Isaiah kasama yung ibang Altar Servers na ka-edad siguro niya.
"Girls! Kilala niyo ba yun?" Tanong ko sa dalawa habang tinuturo si Isaiah.
Tumigil si Kath sa pagse-selfie. "Sino? Si Isaiah?"
Tumango ako. "Oo. New member daw ng Altar Server."
"Ah, oo. Kaklase ko yan eh," sagot ni Kath.
"Weh? Ba't 'di ko alam?" Tanong ko.
Pare-parehas kasi kaming senior high school students at graduating na this school year. Magkakaiba lang kami ng kinuhang strand pero nasa i-isang school lang ang pinag-aaralan namin.
"Malay ko! 'Di ko naman close," Sagot niya saka siya mahinang tumawa.
Napalingon si Isaiah nang makitang nakatingin kami kaya mabilis kong iniwas ang mata ko sa kanya at naunang naglakad papunta sa function hall. Pagkadating namin nila Loreen doon ay napansin ko na nakasunod na rin sila Isaiah sa amin pagtapos silang tawagin ng iba.
Ang mga kasama namin ay nasa bandang harapan kaya dumiretso na rin kami doon at umupo sa nakareserve na seat para sa 'min.
There were fifteen monobloc chairs placed each row. Ang pwesto namin ay nasa panglimang row kaya doon na kami pumunta. Kathrine sat on the first chair near the aisle then Loreen followed her so I did the same thing with them.
I was about to sit when I glanced at Isaiah walking towards our seats. My eyes widened and I rushed myself looking away from them.
"Loreen, palit tayo ng upuan," bulong ko pagkatapos umupo ni Isaiah sa tabi ko.
"Ayoko, Thea! Ganda ng view ko dito eh," reklamo niya.
Napansin ko na napalingon si Isaiah nang marinig ang sinabi ni Loreen. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
I pouted my lips and looked at the stage. Hinayaan ko na lang na katabi siya. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya okay na yun.
Napansin ko na may mga 3D letters na nakatayo sa gilid ng stage. 'VOCARE' ang nakalagay. May mga malalaki rin na speakers sa gilid. Tapos sa taas ng stage ay may nakakabit na disco lights.
Maya maya tinawag ako ni Andrea. Isa siya sa mga kapwa COMI. Binigay niya sa 'kin ang isang DSLR na camera. Napatalon ako sa tuwa nang makuha iyon.
Inutusan niya kasi ako na magpicture para sa buong event. Kaya tuwang tuwa ako at nagsimula na magpicture kahit 'di pa nagsisimula.
Ilang saglit ay may nagpunta sa harap. Nakasuot siya ng black na polo tapos may kulay white na pa-square sa may pinakataas ng butones. I would think, he was a seminarian.
"We will start the program after fifteen minutes. Kindly, get your group numbers in the box for the group sharing later. The seminarians will go in your seats. Thank you!"
Katulad nang sinabi ng seminarista ay pagkalipas nga ng ilang minuto may dumating na mga seminarian sa pwesto namin. Binigay nila ang isang box at saka isa-isa kaming kumuha ng isang maliit na papel.
"Mamaya pa lang po pwede buksan," bilin ng isang seminarian kaya mabilis kong inipit sa name tag ko yung papel dahil muntik ko na itong buksan.
Nagsimula na ang event after namin makakuha ng mga group numbers.
It was started with the opening prayer. It was a doxology prayer where in young boys were performing in stage while playing the prayer song. My skinhair raised after the last line of the song played. It was very overwhelming and it really touched my heart.
The head of the seminary welcomed us with the simple talk that he made. Few minutes later, the emcee called one by one all the parishes that were here in the event.
"Our Lady of Grace Parish!" the emcee announced.
Nang marining namin ang parish namin sabay sabay kaming sumigaw.
"Wooooh! OLGP!"
"OLGP! OLGP!"
Masaya kaming umupo pagkatapos namin sumigaw-sugaw. Maya-maya ay may inabot na papel si Isaiah sa 'kin.
"Nag-attendance ka na?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Umiling ako at saka kinuha ang papel. "Thanks," sabi ko habang naiilang sa nga titig niya. Pagkatapos ko magsulat ay inabot ko rin ang papel kila Kath.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagkaroon muna ng isang seminar or talk mula sa isang seminaryo dito. Hindi naman naging boring dahil nagpa-activity siya tapos ay nagtatanong rin paminsan-minsan. Kinakabahan ako sa tuwing magtatanong dahil baka matawag ako at 'di ko alam kung ano ang isasagot.
"Para sa inyo… what is love?" Bigla niyang tanong habang napapaisip ang kanyang mukha.
"You are youth, right? So, gusto ko malaman kung ano ang love para sa inyo," dugtong niya.
Naglakad lakad siya sa gitna at tumigil sa pangatlong row sa kabilang side.
"Ikaw ateng maganda! What is love?"
Nagulat naman nang konti yung babae na tinuro niya at saka nahihiyang tumayo. "For me, love is God," sagot nito.
"Hm… short but meaningful," komento naman ng preacher.
Naglakad ulit siya at nagsimula nang kumabog ang puso ko nang palapit siya sa row namin.
"Boy! Ikaw! Halika." Turo niya sa katabi ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil 'di ako natawag.
Nilingon ko si Isaiah. Tinuturo niya pa ang sarili habang bakas sa mukha niya ang pagtataka tapos ay tumayo siya nang makasigurado.
"What is love for you?" Tanong ulit ng preacher.
"Love po?" Napakamot siya ng ulo sandali. "For me, love is something that we can get when we are sacrificing for something or someone."
Tumango tango naman yung preacher at saka bumalik na sa harapan.
"Pwede! In love ka ba?" Biglang asar na tanong ng preacher.
Mabilis na umiling si Isaiah at namula sa kahihiyan. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Sus. Kunwari pang 'di inlove!" Sabi ko at saka natatawa nang konti.
"Hindi nga!" Tanggi niya. "Malay mo malapit na," dugtong niya.
Napalingon ako sa kanya at nakita ko na nakangisi siya. Mabilis kong binalik ang tingin ko sa harapan at 'di na ulit siya pinansin.
*****
Lumipas ang oras na nag-e-enjoy naman kami. Pagtapos ng seminar ay may dance presentation mula sa mga seminarians. Tuwang-tuwa naman ang ilan dahil ang daming gwapo na mga seminarista kaso sayang dahil magpapari sila.
After ng ilang presentation ay naglunch na rin kami. Sabay sabay kami naglunch doon sa mga bench sa may garden. Mabilis naman ako natapos kumain kaya nang mailigpit ko ang pinagkaininan ko ay kumuha ako ng ilang shots ng picture for the documentation.
Ala una na ng hapon nang pinabalik kami sa function hall para sa group sharing at tour sa buong seminaryo.
Nang makabalik kami sa upuan namin ay gan'on pa rin ang pwesto namin. Ilang saglit lang ay dumating na ulit ang emcee. Pinabuksan na niya sa amin yung papel na pinamigay kanina kaya naman kinuha ko ang akin mula sa nametag at tiningnan 'yon.
"Twenty akin," sabi ko agad kina Kath at Loreen sabay pakita ng papel ko.
"Ten ako," sabi ni Loreen.
"Sixteen naman akin," sagot ni Kath.
Isa-isa nang tinawag bawat number para makapunta na sa mga kagrupo. Nauna si Loreen sa amin at nakita ko na kagroup niya yung dalawang kasama namin. Sumunod naman si Kath. May kasama rin siya na churchmate namin.
"Group 20!" Tawag sa huling number.
Tumayo ako at napansin ko na kami nalang dalawa ni Isaiah ang natira sa pwesto namin. Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mata nang marealize ang nangyari.
"Kagroup kita?!" Tanong ko.
"Obvious ba?" Tanong niya pabalik. Ngumuso naman ako at saka padabog na tinalikuran siya. Nagmadali akong pumunta sa pwesto ng mga kagroup namin at 'di siya ulit pinansin.
"Hello! Twenty po?" Nahihiyang kong tanong sa mga youth na nakapabilog ng upo.
"Yes po," sagot nung isa.
Binilang ko sa isip ko kung ilan kami sa grupo. We were fifteen including me and Isaiah. When the emcee gave the sign to start, the leader for our group introduced himself first. Binanggit niya ang full name niya, edad niya at, ang course na kinuha niya sa seminaryo.
Isa-isa rin naman nagpakilala ang lahat hanggang sa ako na ang magpapakilala.
"Althea Marie Lopez. Thea nalang po. Seventeen years old. Aspirants COMI po sa OLGP," pakilala ko.
"Ano kinuha mo sa SHS?" Tanong ni Bro. John, yung leader namin.
"HUMSS po."
Sumunod naman ay si Isaiah dahil tumabi siya sa 'kin sa upuan.
"Isaiah Kyle Ferrer. Isaiah for short. Eighteen years old from Altar Servers ng OLGP," pakilala niya.
"Magkachurch kayo?" Tanong ng isa. Tumango naman kami nang sabay.
"Bagay kayo," pang-aasar ng isang lalaki na kagrupo namin.
Bigla akong napayuko dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko rin yung mabilis na tibok ng puso ko. Ano ba yan! Reklamo ko sa isip ko.
"Hoy! Bawal kaya maging magjowa ang COMI at Altar Servers, diba Thea?" Paninigurado ng isang babae na kagrupo rin namin.
Napangiwi naman ako at saka tumango na lang habang si Isaiah ay natawa na lang din sa pang-aasar nila. Ayoko rin naman magkaroon ng isyu sa aming dalawa.
Pagkatapos magpakilala ay nagsimula na ang group sharing. It was a Bible group sharing wherein the leader would read the gospel in the Bible and everyone was required to share their thoughts about the gospel.
Bro. John gave us a few minutes after he read the gospel. However, while I am thinking, I noticed the gaze of Isaiah on me. I also turned my look on him.
"What?" I whispered.
He moved closer to me and said, "Wala akong maisip."
I chuckled. "Just share anything! Then connect it to the gospel."
When the timer stopped for our preparation, everyone in our group share their thoughts about the gospel. It was about the sacrifice and committed.
I simply shared about my past experiences in COMI dahil wala rin akong maisip. After I ended my share, I turned my eyes to Isaiah because it's already his turn.
He cleared his throat before he spoke. "Hmm… honestly, I was a new member in our parish and I don't have much experience in serving. What I can say is being committed means you are willing to sacrifice everything. You are brave enough to face the consequences when you committed a mistake."
I only stared at him until he was done. I felt amuse with him. Siguro kahit bago palang siya committed na talaga siya sa pagiging Altar Server.
After ng Bible sharing, nag-tour na kami sa buong seminaryo with our groupmates. Nanatili lang si Isaiah sa likod ko habang ako ay sumusunod din sa mga kasama namin.
Una kami pumunta sa mga dormitories ng mga seminarista. Ang mga batang seminarista ay magkakasama sa isang malawak na room samantalang ang mga matatanda ay may sari-sarili ng kwarto. Habang naglalakad kami sa loob ng mga dorm, bigla nalang kami nagkatapat ni Isaiah. Tumingin ako sakanya at may naisip na itanong.
"Bakit gusto mo magserve?"
Napa-angat siya ng tingin sakin at ngumiti. "Gusto ko lang. Ang saya kasi sa feeling na dahil sa pagseserve mo may magandang nangyayari sa buhay mo, ikaw ba?"
Mabait naman pala siya. Parang siya yung tipo ng lalaki na maraming pangarap sa buhay. I admire him for being a good man.
Ngumiti ako. "Naimpluwensyahan ako ng parents ko dati pero ngayon nag-iba na. Gusto ko nagseserve kasi I felt the fulfillment and maraming blessing ang dumarating."
Tumango-tango naman siya. "Sa Mabalacat Senior High School ka nag aaral, 'di ba?"
"Oo. Ikaw din pala? 'Di kita napapansin sa school."
Tumango ulit siya. "Ngayon mo lang siguro napansin ang isang tulad ko," natatawang saad niya.
Umiling-iling naman ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Ilang saglit 'di ko namalayan na nandito na ulit kami sa may garden at nasa tapat ng wishing well.
"Pwede kayo mag wish dyan," sabi ni Kuya John.
Napa-wow naman kaming lahat. Kaya pala maraming mga piso na nasa ilalim ng tubig. Tumingala ako para tingnan sandali yung statue sa itaas.
"Tara wish tayo," biglang aya ni Isaiah.
Yumuko naman ako agad at saka tumango sa sinabi niya. Kukuha na sana ako ng barya sa shoulder bag ko pero may inabot na siya agad na piso.
"Salamat," nakangiting saad ko.
Humarap na ako sa wishing well at saka pumikit.
'I wish to fulfill all of my dreams and to be a good servant as long as I am living.'
Dumilat ako at saka tinapon ang piso do'n sa wishing well. Napansin ko agad na sabay kami ni Isaiah na nagtapon.
"Anong wish mo?" Tanong niya agad.
"Secret. Bakit ko sasabihin?" Pang-aasar ko.
"Eh 'di wag! Bahala ka 'di yan matutupad."
"Hoy! Walang ganyanan!" Saka ko siya sinuntok sa braso. Tumawa lang siya.
Tatalikuran ko na sana siya ulit pero 'di ko nakita ang dinadaanan ko kaya muntik na naman akong matapilok at matumba.
"Thea!" Sigaw ni Isaiah saka mabilis akong sinalo dahil malapit na ako mahulog do'n sa wishing well.
Mabilis na kabog ng dibdib ko ang tanging naririnig ko sa paligid namin. Nakatitig lang ako sa kanya habang mulat na mulat ang aking mga mata.
Bigla siyang natawa. Kumunot naman ang noo ko sa 'di malamang dahilan.
"Baka gusto mong tumayo. Nangangawit na 'ko!" Reklamo niya.
Nang marealize ko na nakasandal pa rin ang likod ko sa kamay niya ay nagmadali na ako na tumayo at pinagpag ang sarili.
"Sorry," nahihiyang sabi ko habang ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Ngumisi siya at mukhang may sasabihing 'di ko magugustuhan. Tinaasan ko naman siya agad ng kilay.
"Lagi ka na lang muntik nahuhulog ah! Baka sa susunod sa akin ka na mahulog."
~~~~~~
A/N: Let me know your thoughts and feedbacks. Please? 😉
Lovelots❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top