CHAPTER 19: I'm Sorry
Thea's POV
"Aalis ka na naman?!"
Halos nanigas ako na parang yelo nang marinig siyang magsalita. Mas nakapagpadagdag pa ng kaba ko ang mga salitang binitawan niya.
Lumingon ulit ako sa kanila at pinuntirya kong titigan ang mga mata niya. Ngumiti naman ako para itago ang kaba.
"Oo? May kailangan kasi akong asikasuhin," alanganin na sagot ko.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Okay! Tara na, Carl!" Inis na aya niya sa kaibigan.
Nakangisi naman ang kaibigan niya at saka tumingin sa akin.
"Osige, Thea! Highblood ata ang kasama ko. Ingat!" Paalam niya sa akin.
Nauna pa silang umalis sa akin at naiwan akong mag-isa. Ang laki ng pinagbago niya. Ang payat niyang pangangatawan noon ay bigla na lang na build-up ngayon. Mas tumangkad siya at ang mga muscles niya ay litaw na litaw na dahil sa laki ng pangangatawan niya.
Mas gwapo ang dating niya ngayon dahil ang mukha niya ay matured tingnan at professional ang dating. Sa hula ko ay baka siya na ang head ng Altar Server. Nakakapanibago lang dahil ang sungit niya.
Umiling-iling naman ako. Malamang sinaktan mo siya noon kaya ganyan siya ngayon.
Bumuntong hininga naman ako at saka naglakad na palabas ng simbahan. Katulad nang ginawa ko kanina ay nagcommute lang ako pauwi ng bahay ko.
Pagkababa ko ng jeep ay naglakad lang ulit ako papasok ng Xevera. Medyo malamig na rin naman ang simoy ng hangin kaya 'di na ako nagdalawang-isip na maglakad.
Pagkarating ko sa bahay ay nagpahinga na ako agad at 'di na nagawang makakain ng hapunan.
*****
Kinabukasan. Alas otso pa lang ng umaga ay pinuntahan na ako nila Kath at Loreen. Mas excited pa sila sa akin sa dapat kong sabihin.
"So, ano nga ang nangyari?" Intriga ni Kath.
"Wala! Nakita ko lang siya tapos kinausap ako ni Carl habang siya ang sungit ng tingin sa akin," malamyang sagot ko.
Ininom ko naman ang kapeng tinimpla ko habang sila ay kumakain ng toast bread. Nandito kami ngayon sa kusina at nagchi-chikahan.
"Ganon lang?! Eh ba't parang lugi yang mukha mo?" Tanong ni Loreen.
"Ha? Hindi noh! 'Di ko lang inaasahan na makikita ko agad siya."
"Alam mo girl! Wag mo na masyado isipan dahil past is past! Bumalik ka dahil sa trabaho 'di ba?" Paninigurado ni Kath.
Tumango naman ako. May na-offer kasi sa akin na trabaho sa isang malaking company sa Clark kung saan ako ang magiging free lance journalist sa website ng company nila. Hindi naman ako makatanggi dahil malaki ang in-offer na pera sa akin.
"Mag-enjoy ka muna sa come back mo! Gusto niyo ba sumama sa kasal na pupuntahan ko sa Sunday?" Tanong naman ni Loreen.
"Sinong ikakasal?" Tanong ni Kath.
"Yung isang choir member namin na naging katrabaho ko rin," sagot ni Loreen.
"G! Tara? Wala naman akong lakad no'n," ani ni Kath.
"Kayo nalang! Aayusin ko pa ang bahay eh," tanggi ko naman.
Sabay silang napatingin sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.
"Sa ayaw at gusto mo, sasama ka!" Kath exclaimed.
I rolled my eyes. "Eh 'di sa OLGP ang kasal?"
"Eh ano naman ngayon?" Pagtataray ni Kath sa akin.
"Chill. Hayaan na natin si Thea kung ayaw niya," mahinahon na sabi ni Loreen.
Tiningnan ko naman si Kath at saka bumaling din ng tingin kay Loreen. Bumuntong hininga ako at saka ininom ang natirang kape sa tasa.
"Fine! Sama na ako," simpleng sabi ko pagkatapos ibaba sa lamesa ang tasa na pinag-inuman ko.
Tuwang tuwa naman ang dalawa at saka nag-apir nang marinig ang sinabi ko. Matatanggihan ko pa ba ang mga babaeng 'to pagkatapos nila akong tulungan sa lahat.
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano tulad ng trabaho at social life. 'Di ko na kasi sila nakasama noong college dahil nga pagkatapos ng debut ko ay umalis na ako ng bansa.
Laking pagsisisi ko na hindi ko sinabi sa kanila 'yon. Kaya ilang araw pa lang na nanatili ako sa Italy ay agad ko na silang kinontak.
Masaya ako na hindi nila ako binitawan at nanatili silang nandyan para sa akin kahit hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng pag-alis ko.
*****
Buong araw silang nag-stay sa bahay ko dahil sobrang na-miss talaga namin ang isa't isa. Hindi naman ako tumanggi dahil ako rin naman mag-isa sa bahay.
Mga ala sais na nang umuwi sila kaya gabi na rin nang makapagpahinga ako. Hindi naman na ako kumain ng dinner ulit dahil ang dami namin nakain kanina. Kung ano-ano ba naman ang inorder nilang pagkain tapos lamon lang kami nang lamon habang nagkukwentuhan.
Pagkatapos ko mag-shower ay nagsuot ako ng panjama at shirt pantulog. Nang matapos ako mag-ayos ay kinuha ko ang laptop ko at saka sumandal sa head rest ng kama. Hinintay kong ma-open ang laptop at saka binuksan ang aking website.
Kahit naaalala ko siya sa website na 'yon ay hinayaan ko lang dahil 'yon na lang ang natira sa akin. Ayoko naman masayang yung naumpisahan ko noong nakalipas na limang taon.
Binuksan ko rin ang aking facebook account para maglibang habang 'di pa ako inaantok.
Nang mag-scroll down ako ay nakita ko agad ang post ni Kath na naka-tag ako. Ang bilis!
Nakita ko na maraming comments kaya na-curious naman ako.
Josh M. : Nakabalik na siya! We miss you, Thea!
Andrea D. : It's good to be back, Thea!
Carl Jung: Abangan niyo ang come back! Soon in OLGP! Hahaha. #Kyle×Thea opps!
Loreen P. : Mention na yan! HAHAH.
Inalis ko na sa comment section at 'di na binasa lahat ng comment dahil ang lakas nila mang-trip. Parang mga bata!
Nag-scroll down pa ako hanggang sa mapadpad ako sa isang facebook page.
'OLGP Altar Servers'
Walang pag-dadalawang isip na binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga larawan ng mga Altar Servers.
Tama nga ang hinala ko. Isa na siya sa nga officers ng organization nila. Malapit na rin siyang maging Full Knight. Ang pinakamataas na ranking ng org nila.
Nang magsawa ako kaka-scroll ay nag-out na rin ako at saka pinatay ang laptop. Pagkatapos ay pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko at saka na natulog.
Hindi naman naging mahirap sa akin na manirahan mag-isa dahil sa loob ng limang taon ay nabuhay lang ako mag-isa sa Italy. May sarili akong condo na binili ni Mama para sa akin do'n kaya nasanay na ako na mag-isa dahil nasa legal age naman na ako no'n.
Lumipas ang mga araw na nasa bahay lang ako at nagrerelax lang dahil next week pa ang umpisa ng trabaho ko.
Friday. Kakagising ko lang nang may biglang nambubulabog sa gate ng bahay ko. Agad naman akong bumaba para tingnan kung sino.
Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang dalawa kong kaibigan.
"Anong ginagawa niyo dito?!" Nagtatakang tanong ko.
"Oh c'mon! Thea! Mag-ayos kana dahil magsa-shopping tayo!" Mataray na sabi ni Kath.
Tiningnan ko naman sila mula ulo hanggang paa. Nakasuot si Kath ng denim skirt at saka halter top. Si Loreen naman ay nakasuot ng highwaisted jeans at off-shoulder shirt.
Bumuntong hininga naman ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Naglakad na ako papasok ulit ng bahay at dumiretso sa kwarto para kumuha ng damit. Pagkatapos ko pumili ay dumiretso na ako sa bathroom. Hinayaan ko naman silang dalawa na gawin ang gusto nila sa loob ng bahay ko.
Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko naman ang jumpsuit jeans at tinernuhan ng black shirt.
"Saan ba tayo pupunta?!" Malakas na tanong ko mula sa kwarto ko habang sila nasa sala.
"Marquee Mall!" Sigaw ni Loreen.
Naglagay na ako ng cream sa mukha at powder pagkatapos ko i-blower ang buhok ko. I also put some blush powder then a mascara for my lashes. Aside from that, I also fixed my eyebrows then put a matte nude lipstick on my lips.
I tied my hair into messy bun then sprayed a perfume on my hand and neck.
"I'm ready," I whispered.
Bumaba na ako dala-dala ang sling bag na naglalaman ng wallet at cellphone. Dumiretso muna ako sa likod ng kusina para kunin ang sandals na isusuot ko. Doon ko na rin sinuot at saka naglakad pabalik sa sala.
"Tara na!" Aya ko sa kanila.
"Wait! Hinatayin natin yung binook kong blue taxi," sabi ni Kath.
Tumango naman ako at saka nagpapicture kay Loreen para mapost sa websit ko mamaya.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang sasakyan namin. Agad din naman kaming lumabas at sinara ang bahay.
Naging mabilis lang ang byahe dahil sa express way dumaan ang taxi kaya wala pang one hour ay nakarating na kami sa Marquee.
"Ano bang bibilhin niyo?" Tanong ko naman habang papasok kami sa loob ng Mall.
"Yung susuotin sa linggo," sagot ni Loreen.
May kasal nga pala kaming pupuntahan sa linggo. Tama lang din na pumunta kami dito dahil mamimili na rin ako ng iba pang damit ko.
Dumiretso agad kami sa department store dahil do'n maraming mapagpipilian na damit. Agad kaming pumunta sa woman section na mga damit.
Nagtingin-tingin naman ako ng dress dahil para sa susuotin ko sa linggo. Sabi ni Loreen peach daw ang themes kasal. Humiwalay naman ang dalawa habang nagtitingin din ng mga damit.
Habang naghahalungkat ay napukaw ng interes ko ang isang fitted dress na kulay peach. Under the knee ang haba at ang sleeves nito ay hanggang siko. Medyo litaw din ang likod dahil sa U-shape nito.
Kinuha ko 'yon at nagtingin pa ng ibang damit. Halos lagpas isang oras kaming natitingin ng damit bago matapos.
"Okay na yung sa inyo?" Tanong ni Kath nang magkita-kita kami sa counter.
Tumango naman kami ni Loreen. Halos mga polo sleeves ang binili ko saka ilang skirts para sa trabaho. Pagkatapos kunin sa counter ang napamili ko ay nagbayad na rin ako. Binigay naman sa akin ang isang paper bag na laman lahat ang pinamili ko.
Hinintay kong matapos ang dalawa habang nagse-cellphone lang sa may gilid. Maya-maya ay nahagip ko sa gilid ng mata ko ang dalawang pamilyar na mukha. Lumingon ako at napamulat nang ma-realize na sila Carl at Kyle ang nakita ko. Gosh! Anong ginagawa nila dito?!
Agad akong yumuko para 'di nila mapansin. Padaan kasi sila sa likuran ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang 'di nila ako nakita. Sakto naman na nakaalis sila nang dumating sila Kath.
"Kain tayo!" Aya ni Loreen.
Si Kath naman ay busy na nagse-cellphone.
"Sige. Mang Inasal tayo," biglang sagot ni Kath.
Nagtaka naman ako dahil hindi naman kami kumakain do'n. Nagtinginan ang dalawa na lalong ipinagtaka ko.
"G! Tara!" Masayang sabi ni Loreen.
Ang weird ng dalawang 'to! Sumunod nalang ako sa kanila habang bitbit ang pinamili ko.
Pagkarating namin do'n ay dumiretso kaming umupo sa six-seater na lamesa na ikinakunot ng noo ko.
"Meron naman pang four-seater do'n oh," turo ko sa may bandang dulo malapit sa restroom.
"Dito nalang! Ang init do'n," reklamo ni Kath.
Bumuntong hininga naman ako at umupo sa dulo sa tabi ng glass wall. Nilapag ko sa ilalim ng lamesa ang paper bag at saka hinayaan na silang mag-order.
Nag-cellphone lang ako habang hinihintay na bumalik sila Kath. Narinig ko naman na kumulo ang tyan ko dahil sa gutom. Ang tagal naman nila!
"Miss, pwede ba maki-upo?" Rining kong tanong ng isang pamilyar na boses habang nakayuko ako.
"Sorry. The seats were already occu---" napatigil ako nang makita kung sino ang nagtanong sa akin.
"Thea! Ikaw pala! Sino kasama mo?"
Ilang segundo rin akong napatigil at saka binigyan siya ng ngiti. "Uy Carl! Sila Kath kasama ko. Wala na bang upuan?"
"Pre! Meron do'n sa may du---" para namang nakakita ng multo ang namuo sa itsura ni Kyle nang makita ako.
"Dito nalang, Pre! Kasama naman natin sila Althea," saad ni Carl.
"Uy Carl! Isaiah! Nandito pala kayo!" Masiglang bati ni Kath habang papalapit sa upuan namin.
"Oo," nahihiyang sagot ni Carl. "Pwede ba maki-upo sa inyo? Wala na kasing available na upuan."
Tumingin-tingin naman ako sa paligid at nakita ko na may extra pa do'n sa dulo. Magsasalita sana ako pero naunahan na ako ni Loreen.
"Sure! Sakto pala pang six-seater yung pwesto namin. Sige. Sabay na kayo ni Isaiah. Okay lang ba, Thea?" Sabay lingon niya sa akin.
Peke naman akong ngumiti sa kanya at saka tiningnan ang dalawa na halatang nangangalay na sa dala nilang tray.
"O sige. Okay lang naman," napipilitang sabi ko.
"Pre! Do'n nalang kasi!" Pabulong pero rinig kong sabi ni Isaiah.
"Dito nalang! Nagugutom na ako, Pre! Kung ayaw mo, punta ka mag-isa mo do'n!" Inis na sabi ni Carl.
Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Isaiah kaya tiningnan ulit siya ni Carl. "Eto naman parang 'di naka-move on! Past is past! Ka-church naman natin sila!"
'Di ko naman pinansin ang sinabi ni Carl at nagsimula na ako kumain kahit nagtatalo pa sila. Nakaupo na rin ang dalawa sa tabi ko. Maya-maya ay rinig kong pinagtutulakan ni Carl si Isaiah papunta sa dulo at tapat ko. Sa kabilang side kasi sila pinaupo.
Wala naman nagawa si Isaiah kaya eto ngayon nasa harapan ko siya. Halos manginig ang mga paa ko sa kaba at halos pagpawisan ako dahil sa bilis na kabog ng dibdib ko.
Ano ba kasing trip nila?!
Sinubukan kong kumain nang maayos at 'di pinahalata ang kaba ko. Habang kumakain ay nagkukwentuhan naman sila Kath, Loreen at Carl samantalang kami ni Isaiah tahimik lang.
Ilang saglit lang ay bigla akong nauhaw kaya dinampot ko ang baso ng softdrinks na nasa harapan ko. Mabilis ko itong ininom nang walang pag-aalinlangan.
Halos mabulunan naman ako nang makitang nakatingin si Isaiah sa akin. Napa-ubo pa ako ng bitawan ko ang baso.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya na ikinabigla ko.
Tumango naman ko. "Ba't ka ba nakatingin? Ang weird!" Inis na sabi ko.
Nakatingin naman ang tatlo sa amin at nagtataka rin ang kanilang mga mukha.
Napakamot siya sa taas ng ilong niya tapos ay tinuro ang basong pinag-inuman ko. Kumunot naman ang noo ko nang 'di maintindihan ang nais niyang sabihin.
"Y-Yung baso kasi na pinag-inuman mo, sa akin kasi 'yon," nag-aalanganin na sabi niya.
Napatakip naman ako ng bibig at napamulat ng mata dahil narealize ko kung ano ang nangyari. Gaga! Nakakahiya!
Mabilis kong ibinalik ang baso sa kanya.
"Hala! I'm sorry, Kyle! 'Di ko sadya!"
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top