CHAPTER 18: Sunday Mass

Kyle's POV

Five years later...

After I wore the sutana uniform for my serve, I started to fix my hair. Suddenly, my co-server, Carl, approached me. We were both inside the sacristy and we're both preparing for the next Sunday Mass.

"Pre! Mas madami tao ngayon!" Reklamo ni Carl habang nilalagay ang mga kandila sa gilid ng pintuan.

"Eh 'di maganda! Ikaw sa krus 'di ba?"

Pabagsak niya namang binaba ang huling kandila na hawak niya.

"Anong ako?! Ikaw kaya!" Reklamo niya.

Wala pa rin pinagbago. Sa limang taon na nanatili kaming server sa simbahan ay lahat nalang ng naka-assign sa kanya ay binibigay sa akin.

"Sige nga! Tingnan mo ang listahan ng serve." Hamon ko sa kanya.

Padabog naman siyang naglakad papunta sa may gilid kung saan naroon ang cabinet. Binuksan niya ang isang drawer doon at kinuha ang puting notebook. Binuklat niya iyon at saka binasa ang serve na nakasulat ngayong araw.

"Cross, Isaiah Kyle Ferrer."

Natawa naman ako. Mali. Ako pala ang nakikipagpalit sa kanya.

"Oh kitams! Ako pa ginago mo!" Maangas na sabi niya sa akin.

"Bibig mo! Nasa sacristy tayo!"

"Ewan sa 'yo! Sige, labas lang ako," paalam niya.

Tinanguan ko naman siya at saka tuluyan ng lumabas. Tinuloy ko naman ang pag-aayos ko ng sarili ko. Binalik ko rin ang notebook na kinuha niya sa drawer.

Maya maya ay may pumasok ulit sa loob ng sacristi. Si Carl na naman. Hingal na hingal siyang sumandal sa pintuan pagkatapos niya itong isara. Nang makita ako ay agad niya akong nilapitan.

"Hindi ka maniniwala sa nakita ko!" Hingal na sabi niya.

"Ha? Ano na naman nakita mo?" Masungit na tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Nakita ko siya."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino? Ikaw ah Carl! Baka kung sinong santa na naman ang nakita mo!"

"Santa nga! Ang nag-iisang santang minahal mo!" Nakangisi siya ngayon sa akin.

Para naman akong nabuhusan nang malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko naman iyon pinahalata sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?! Sino nga yung nakita mo?" Inis na tanong ko.

Ayokong mag-assume. Alam kong hindi na siya babalik dito.

"Si Althea, Pre! Nakita ko si Thea!"

Napa-smirk naman ako sa sinabi niya kahit may halong gulat ang aking naramdaman.

"Naka-high ka ba, Pre?! Nasa ibang bansa 'yon! Saka 'di na 'yon babalik!" Malakas na singhal ko sa kanya.

"Pre! Hindi ako naka-high! Nakita ko nga siya! Parang sisimba nga eh," pangungulit niya.

"Ewan ko sa 'yo, Carl!"

Dahil baka 'di ko mapigilan ang inis ko sa kanya sa pangtitrip niya sa akin, naglakad na ako palabas ng sacristy. Dala ko ang krus na gagamitin ko mamaya.

Pagkalabas ko ay parang may sariling buhay ang aking mga mata na napalingon sa paligid. Maraming tao. Punong-puno ang simbahan. Nagsasabi ba ng totoo yung lalaking 'yon?

Napatigil ako nang mapukaw ng isang pamilyar na babae ang aking atensyon. Ang mga pagkilos niya ay tila naghahanap din ng kung sino sa loob ng simbahan.

Mas pumuti siya. Mas lalong nag-glow ang kagandahan niya. Mahaba pa rin ang buhok tulad ng dati. Simpleng black na off-shoulder at pants ang kanyang suot. From a young lady ngayon ay mukha na siyang matured woman.

Halos manigas ako nang mapunta ang tingin niya sa akin. Parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan ng aming mga tingin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat kaya mabilis siyang yumuko at umiwas ng tingin.

Naramdaman ko naman ang pagkauntog ng isang tao sa likuran ko.

"Aray ko! Pre! Ba't ka ba nakaharang dyan? Akala ko nagpunta ka na sa labas?" Nagtatakang tanong niya.

Nanatili lang ang tingin ko kung saan siya nakaupo. Sinundan naman ni Carl ang mga mata ko at sinuri kung saan ako nakatingin. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.

"Nakita mo pa lang napatulala ka na! Para kang nakakita ng santang bumaba mula sa langit!" Natatawang pang-aasar niya.

Tiningnan ko siya nang masama at saka naglakad na ulit papunta sa labas ng simbahan.

Bumalik siya. Ang sabi niya noon 'di na siya babalik. Pagkatapos ng limang taon bigla siyang magpapakita.

Umiling-iling ako. Palagi mo na lang ginugulo ang isip ko, Althea.

Sinubukan kong alisin ang maamo niyang itsura pagkatapos ko siyang makita. Nandito na ako ngayon sa entrance ng simbahan. Maya maya ay dumating na ang pari kaya pumwesto na kami dahil mag-uumpisa na ang misa.

Nagpunta ako sa pinakaharap at dala ang krus na ilalakad ko sa gitna. Bigla ko naman naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin.

"Pre, chill ka lang ah? Baka bigla ka magkamali ng hakbang. Wag masyado matense sa presence ni ex," bulong niya at saka tumawa nang mahina.

Tuwang-tuwa siya na asarin ako. 'Di naman ako nagpaapekto dahil lumingon ako sa kanya at tiningnan siya nang masama. Bumalik naman siya sa pwesto niya habang nakangisi pa rin.

Maya-maya ay biglang tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na. Nagsalita na ang commentator at hinintay naman namin iyon na matapos.

Ilang minuto lang ay nagsi-awit na ang mga choir. Kaya naman nagsimula na ako maglakad sa gitna habang nakatingin sa altar. Habang palapit ako nang palapit sa may harapan ay mas lalo kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

Lahat ng mga mata ng tao ay nakatingin sa amin pero bakit ang mga tingin niya lang ang tanging nararamdaman ko sa aking gilid. Bumuntong hininga ako nang makarating na ako sa pinakaharap. Yumuko ako at nilagay ang krus sa gilid ng altar. Pagkatapos ay mabilis akong bumalik sa loob ng sacristy.

Ang mga ngisi ni Carl ang bumungad sa akin pagkapasok niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka lumabas ulit papunta sa pwesto namin. Umupo ako sa tabi ng mga kapwa ko Altar Server. 'Di ko napansin na nakatapat ang upuan ko sa pwesto kung saan nakaupo si Thea, kaya ngayon ay halos nasa kanya ang atensyon ko. Kung minamalas nga naman!

Umiwas naman ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Mabilis na nag-umpisa ang misa at ilang saglit lang ay naghohomilya na.

Tinuon ko ang mga mata ko sa pari na ngayon ay nagsasalita ng kanyang homilya.

"Naranasan niyo na bang maiwan?" Biglang tanong ng pari.

"Eh ang mang-iwan?" Dagdag niya.

Tang*na naman! Nananadya ba siya?!

Naramdaman ko naman na may kumalabit sa akin at narinig ang isang bulong ng demonyo.

"Pre! Naiwan daw! Taas ka ng kamay!"

Sinamaan ko agad siya ng tingin. Nakangisi naman siyang lumayo sa akin. Makakapatay ata ako ng wala sa oras dahil sa lalaking 'to!

Nakinig na lang ulit ako kahit 'di ko gusto ang mga sinasabi ng pari.

"Minsan may mga taong bumabalik sa buhay natin ng hindi natin inaasahan. At may dahilan ang Diyos kung bakit," saad ng pari.

Bakit? Tanong ko sa isip ko. Limang taon mula ng wala akong nakuhang sagot sa tanong na 'yan. Pati ba naman ngayon na bumalik siya, itatanong ko pa rin 'yan?

"It's either, ipaparealize sa 'yo na kailangan mo na siyang kalimutan. O kaya naman ay bigla na lang magkakaroon ng pangalang pagkakataon para magka-ayos kayong dalawa," paliwanag ng pari.

Para namang may tinik na tumusok sa aking puso nang marinig iyon. Aalisin ko na sana ang tingin ko sa pwesto ng pari nang matigil ang mga mata ko sa pwesto niya. Naaapektuhan rin kaya siya? Ano naman ang dahilan niya kung bakit siya bumalik?

Mabilis ko na inalis ang tingin ko at yumuko na lang. Hinintay ko na lang na matapos ang homilya at 'di na nakinig.

'Di ko namalayan na natapos na ang misa nang gano'n kabilis. Parang kanina lang ay simbagal ng pagong ang pagtakbo ng oras.

Nagpalakpakan na ang lahat nang matapos maibigay ang huling basbas para sa mga taong sumimba. Agad naman akong pumasok sa sacristy at mabilis na inalis ang suot kong sutana. Ang init ng panahon ngayon.

Maya-maya ay niluwa ng pintuan ang sira-ulo kong kaibigan. Masaya siyang nakangiti sa akin na para bang may kalokohang pumasok sa isip niya. Inakbayan niya ako at saka hinala palabas.

"Ano na naman bang trip mo?! Uuwi na ako," inis na sabi ko.

"Chill ka lang! Mamaya ka na umuwi. Makikipagkwentuhan pa tayo, Pre!"

Tiningnan ko siya nang masama pero 'di niya iyon pinansin. Nang makalabas kami ay agad kong napansin ang presensya ni Thea. Nakikipagkwentuhan siya sa mga dati niyang mga kakilala sa church. 'Di ko maalis ang tingin ko sa bawat galaw ng kanyang mga labi at pagkurap ng kanyang mga mata.

Nanatili lang kaming nakatayo ni Carl hanggang sa nagpaalam na ang mga kausap ni Thea. Para naman may sariling buhay ang mga paa ko na sumunod kay Carl pagkatapos nitong maglakad palapit kay Thea.

"Althea!" Tawag ni Carl.

Nang ma-realize ko ang ginawa niya ay nagmadali akong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko pero 'di siya nagpatalo kaya wala na akong nagawa nang makalapit si Thea sa harapan namin.

Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko pagkatapos niyang ngumiti sa aming dalawa. 'Di ko sigurado kung si Carl lang ba talaga ang nginitian niya.

"Hi!" Masiglang bati niya.

"Nakabalik ka na pala?" Intriga ni Carl habang ako tahimik na nakatayo sa tabi niya.

"Oo. Kanina lang," nakangiting sagot niya.

Ang mga tindig niya ang nagpapaganda lalo sa kanya. Professional na siguro siya.

"Talaga?! Buti bumalik ka."

Parang walang pasintabi ang bibig ni Carl kaya napayuko tuloy si Thea. Limang taon din siyang nanatili sa Italy. Kung 'di pa nga sinabi sa amin sa meeting ay 'di ko malalaman na aalis siya ng bansa.

Hindi na nga rin siya no'n umattend ng senior high school graduation dahil pagkatapos ng debut niya ay hindi ko na talaga siya nakita.

"For the better," seryoso pero nakangiting sagot niya.

Si Carl lang ang nagbabalita sa akin ng mga updates tungkol sa website niya sa loob ng limang taon pero nitong nakaraang linggo ay wala akong balita kaya 'di ko inaasahan ang pagbabalik niya.

"Hmm. Okay! Uy Kyle! Ba't ang tahimik mo?!" Asar na tingin niya sa akin.

"Tss. Ano naman sasabihin ko?!" Masungit na tanong ko. Umismid naman siya at bumalik ng tingin kay Thea.

"Buti pala nakilala mo pa kami!" Ngiting sabi ni Carl.

"Syempre naman!" Mahinang tawa niya.

Nagkwentuhan pa sila ni Carl habang ako ay tahimik na nakikinig. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa akin tapos ay kapag lumingon ako ay iiwas siya.

Hindi ako sumisingit sa usapan nila at nanatiling maging masungit dahil 'di ko rin naman alam ang sasabihin ko. Mas mabuti na manahimik na lang ako.

Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone niya kaya ang mga mata namin ay napatingin do'n.

"Hala! Kailangan ko ng umalis. Pasensya na," nag-aalalang sabi niya.

"Ay o sige! Okay lang. Ano ka ba! Masaya kami na nakabalik kana," sabi naman ni Carl.

"Salamat. Alis na ako," paalam niya.

'Di ko alam kung bakit may pumasok sa isip ko at bigla nalang akong may natanong.

"Aalis ka na naman?!"

~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top