CHAPTER 16: DEBUT

Thea's POV

"Are you excited?" Masiglang tanong ni Kath sa akin.

Ngumiti naman ako nang mapait. "Yes."

'Di ko alam kung pagsisisihan ko ba na dumating na ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.

Ang araw ng aking kaarawan. Maraming bumati sa akin sa social media mula kaninang umaga at nirereplayan ko lang sila ng 'thank you'.

"Parang hindi naman," birong sabi ni Kath.

Hindi ko nalang pinansin iyon. Nandito ako ngayon sa kwarto kasama ang dalawa kong kaibigan. Naghahanda naman ang mga taga-ayos at taga-luto namin sa function hall ng subdivision namin. Doon kasi namin napagdesisyunan na gawin ang celebration. Habang kami nandito naghihintay sa make-up artist ko.

Nakalagay na rin sa tabi ng cabinet ko ang isusuot kong gown.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko agad iyon at nakitang nagmessage si Kyle.

Kyle: Happy Birthday, Mahal ko! See you mamaya ah? Excited na ako isayaw ka. I love you.

'Di ko alam kung paano lumipas ang mga araw pagkatapos namin mag-usap sa simbahan. Parang gusto ko nalang umatras ngayon kaso hindi na pwede.

Pinatay ko ang cellphone at hindi siya nireplayan. Kanina pang umaga nandito sila Kath dahil mas excited pa sila sa akin. Hinayaan ko naman dahil gusto ko rin sila makasama.

Bigla kaming nakarinig ng katok mula sa pintuan. Naglakad naman si Loreen papunta do'n at binuksan.

"Nandyan na raw po ang make-up artist ninyo," sabi ng isa sa mga taga-ayos ng venue.

"Sige po. Papasukin niyo na po," sagot ko naman habang 'di nakatingin sa kanya.

Narinig ko ang pagsara ng pinto pagkatapos ay ilang saglit lang bumukas ulit ang pintuan.

"Sino po ang debutant?" Tanong ng make-up artist.

"Ako po."

Tumango naman ito at nilapag ang gamit niya sa kama ko. Nakasuot na ako ngayon ng polo at shorts para 'di kami mahirapan mamaya sa pagsuot ng gown ko.

Inutusan niya naman ako na umupo sa harap ng salamin. Binuksan naman ni Kath ang isang malaking ilaw na pabilog at nilagay iyon sa harap ko.

Maya-maya ay sinuotan ako ng headban para 'di magkalat ang mga buhok sa mukha ko kapag nagsimula na siya.

"You looked stress, girl!"

"Sakto lang po," sagot ko habang nag umpisa na siya maglagay ng foundation sa mukha ko.

Pagkatapos no'n ay tahimik na lang ako na naghihintay habang patuloy lang siya sa paglalagay ng make-up.

"Thea! Si Kyle ang last dance mo?" Biglang tanong ni Kath na parang gulat na gulat.

"Oo," maikling sagot ko.

"Alam ni Tita?" Tanong niya ulit.

"Yhup. Wag kayo mag-alala, okay?" Paninigurado ko sa kanila.

Tumango naman sila at 'di nagsalita. Nag-ayos na rin sila ng sarili nila dahil tapos na ang eye make-up na ginawa sa akin.

*****

Pagkalipas ng halos isang oras ay natapos na ang make-up at hair style na pinagawa ko.

I opened my eyes and looked at myself on the mirror. I could say that I was beautiful but I'm in pain. Kahit anong ganda ng make-up na ginawa sa akin ay hindi pa rin mai-aalis na hindi ako okay.

At paniguradong mabubura rin ito mamaya.

Nakita ko naman na nakaayos na sila Kath at Loreen nang makatayo ako. Naglakad naman ako papunta sa gown ko para kunin iyon. Tinulungan naman ako ng dalawa nang isuot ko na iyon.

I chose to wear a off-shoulder long gown like what I wore in my photoshoot. It was a nude pink with matching pearls around it. After that, I sat down again on the bed and put the silver high heels on my feet.

It was around six o'clock when I finished in preparing myself. Both physically and emotionally.

"Marami na raw bisita nando'n. Halos kumpleto na rin ang mga naka-assign sa bawat eighteen kemerut," sabi ni Kath.

"Hindi pa nagtext ang emcee sa 'kin."

Maya-maya ay umilaw naman ang phone ko.

"Baka ayan na!" excited na sabi ni Loreen.

Tiningnan ko naman iyon at tama nga sila. Magsisimula na ang celebration.

"Tara na," aya ko sa kanila.

Tinulungan naman nila ako bumaba sa hagdan nang makalabas kami ng kwarto. Hanggang sa makasakay kami ng kotse ay nakaalalay sila sa akin sa paglalakad. Huminga ako nang malalim nang makapasok kami sa sasakyan.

Umandar na ito patungo sa function hall. Ilang minuto lang ay tumigil na ang sasakyan. Rinig ko naman ang anunsyo ng emcee nang makalabas ako sa kotse. Nagpaalam naman sina Kath na mauuna na sa loob, tumango naman ako sa kanila.

Naglakad ako papunta sa entrance at napatulala nang makita ang lalaking pinakamamahal ko. Nakangiti siya sa akin at mabilis na lumapit.

"Isang napakagandang santa na ngayon ay kokoronahan na," biro ni Kyle pagkatapos niyang hawakan ang kamay ko para alalayan.

Simple naman akong napangiti. Isinabit ko ang kamay ko sa bandang siko niya pagkatapos sabihin ng emcee na papasok na ako.

Lumapad naman ang ngiti niya habang nakatabi sa akin. Unti-unting bumukas ang pintuan ng function hall. Nakita ko ang mga mata ng lahat na nag-aabang sa pagdating ko.

Ang buong function hall ay napalibutan ng pastel pink na dekorasyon sa taas at gilid gamit ang mga telang pinang-disenyo nila. Ang mga pabilog na lamesa at ang mga upuan ay nakakalat sa magkabilang side. May maliit na entablado rin sa gitna at may nakalagay na upuan na parang korona sa gitna.

Nakalatag din ang red carpet na nagsilbing daan para sa akin. Tiningnan ko naman ang mga taong naka-abang sa pagdating ko. Nandyan ang mga kaklase ko, mga ibang youth sa church at mga dati kong kaibigan. Dumating din ang iba kong pinsan at kamag-anak.

Nagbigay naman ako ng mga ngiti habang nagsimula na kaming naglakad papunta sa upuan na inihanda nila para sa akin.

Inihatid ako ni Kyle hanggang sa makaupo ako. Kitang kita ko sa mukha ng mga tao ang tuwa dahil nandito na ako sa harapan. Lumingon naman ako kay Mama na nasa tabi. Ngumiti lang ako nang mapait sa kanya.

"Again! Ladies and gentlemen, our debutant for today! Ms. Althea!"

Sabay-sabay naman nagpalakpakan ang lahat kasabay na tugtog ng musika mula sa bandang sa kaliwang bahagi ko.

"Now, let's proceed first with the eighteen candles because the debutant requested to put the eighteen roses in the last part," masigla niyang sabi.

Nakangiti lang ako habang tinatawag isa-isa ang mga eighteen candles na pinili ko. Halos 'di ko na ata maalis ang ngiti dahil sa mga naririnig kong message nila sa akin. Gusto ko rin na sulitin ang mga oras na makakangiti pa ako nang ganito.

Huling tinawag sila Kath at Loreen. Silang dalawa ang nilista ko bilang panghuli. Gusto ko kasi sabay sila na sabihin ang message nila para sa akin.

Nakita ko na sabay silang tumayo habang hawak ang isang kandali.

Lumapit sila sa 'kin at unang humawak ng mic si Loreen.

"Hi, Thea! Parang nasabi ko na lahat ng gusto ko sabihin kanina nung nando'n na tayo sa inyo..." natatawang sabi niya.

Nanatili lang ako nakangiti habang nakatingin sa kanila.

"...You're such a great friend. You never know how much you influence me with your kindness and confidence. I love you from being who you are. Selfless at masyadong masunurin. Sana maging masaya ka lagi. I wish you all the happiness for yourself."

Pinunasan niya ang maliit na luha na pumatak na luha sa mata niya at saka ibinigay ang mic kay Kath.

Natawa naman si Kath. "Hindi ko alam kung anong naisip mo para pagsabayin kami magsalita ni Loreen..." natatawa niyang sabi.

"...Pero hoy gaga! Alam ko may pinagdadaanan ka ngayon pero 'di mo sinasabi sa amin. Kung ano man 'yon, I know na makakayanan mo yan. Ayoko ng sabihin pa kung paano tayo nagkakilala dahil sapat na yung naging kaibigan kita. Sapat na yung may isang Thea na dumating sa buhay namin. Be happy always. Saranghae."

Nang matapos magsalita si Kath ay lumapit silang dalawa sa akin at saka ako yinakap nang mahigpit.

"I love you, girls!" Pigil na pag-iyak ko.

Pagkabitaw nila ay bumalik na sila sa pwesto habang pinupunasan ang kanilang mga luha.

Sumunod naman ang eighteen gifts. Isa-isa rin na nagpunta sa harapan ang mga sinama ko sa eighteen gifts. Nanatili lang akong nakangiti dahil nararamdaman ko na ang kaba sa dibdib.

Mabilis na natapos ang ilang kaganapan. 'Di ko namalayan na nagsikainan na ang lahat dahil halos 'di na matapos ang pila para sa pagkain sa bandang kanan ko. Bakas din sa mga mukha nila na excited na sila para sa eighteen roses.

Umalis ako sandali para magpalit naman ng isang black ballgown with matching glitters on it. Wala pa naman nangyayari pero naghihinagpis na ang gusto iparating ng aking suot.

Nang makabalik ako sa pwesto ay mukhang nagpapahinga na ang lahat pagkatapos nila kumain. 'Di ko naman nakakasalamuha si Kyle pero alam ko na nandyan lang siya. Katulad ngayon. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Napalingon ako kung saan siya nakaupo. Kumaway siya at ngumiti naman ito sa akin. Pinilit kong ngumiti pabalik sa kanya.

"Okay! For the last part, let's proceed with the eighteen roses!"

Punong puno naman ng kaba ang naramadaman ko nang sabihin iyon ng emcee. Pabilis nang pabilis ang mga kabog ng dibdib ko.

Sinikap kong hindi magpahalata. Tinawag na ang unang makakasayaw ko. Tumayo naman ako at nagpunta sa gitna. Isang kaklase ko ang tumayo at binigay ang unang rosas sa akin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. Nagsimula nang tumugtog ang kanta at isinayaw ako.

'Di ko alam kung hihilingin ko bang bumagal ang oras bago makarating sa aking huling sayaw. 'Di ko alam pero mas gugustuhin ko nalang na matigil ito pero 'di ko magawa.

Pero huli na bago ko maisip 'yon. Kaharap ko na ngayon ang second to the last na makakasayaw ko. Si Kuya Josh.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang ibigay ang rosas at hawakan ako sa bewang.

"Dalaga kana! Parang kailan lang nang makita kita na umiiyak kapag serve mo." Natawa naman siya sa sinabi niya.

"Kuya naman!"

Bigla naman nawala ang ngiti niya. "Alam ko ang nangyari, Thea. Sinabi sa akin ng head ninyo," mahina pero dinig kong sabi niya.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang marinig iyon. Yumuko ako para pigilan ang mga luha na feeling ko ay ilang saglit lang ay unti unti nang makakawala.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" Tanong niya sa akin habang isinasayaw ako sa mga musika.

"Please. D-dont tell him, Kuya. I need to do the right thing."

Nagbadya nang pumatak ang mga luha ko. Agad ko iyong pinunasan gamit ang kamay ko.

"Sana wag mo pagsisihan ang desisyon mo, Thea."

Yun ang huling mga sinabi niya bago ako iwan sa gitna. Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako nang napakalalim at inihanda ang sarili.

"And for the last dance, Mr. Isaiah Kyle Ferrer!"

Napapikit ako nang marinig na tinawag ang pangalan niya. Naramdaman ko na ang pangingig ng mga kamay ko. Kitang kita ko kung paano ako tinititigan ni Mama sa mga susunod na mangyayari.

Ilang saglit ay nandito na siya sa harapan ko. Ibinigay niya ang hawak niyang bulaklak. Ang huling rosas sa araw na ito.

Peke akong ngumiti sa kanya pero alam ko na ang mga ngiti niya ay tunay na tunay.

Inihawak niya ang mga kamay niya sa bewang ko nang magsimula ang panibagong musika. Ang musika na paborito naming pinapakinggan.

Nanatili akong tumitig sa kanya kahit kumikirot na sa sakit ang puso ko.

"Happy Birthday, Mi Amore," malambing na sabi niya.

Parang 'di ko kaya.

Pero kailangan.

Kailangan kong gawin ito para sa aming dalawa.

"T-thank you, Kyle..." nanginginig na sabi ko. Tinungo ko ang mga mata sa kanya.

"Thank you for being late. Kung 'di ka nalate sa time schedule no'n baka 'di kita nakilala. Thank you for showing me your romantic side. I know that your love is pure..."

Yumuko siya at iniwas ang tingin dahil nakita ko ang pamumula ng mukha niya.

'Di ko na rin napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko. Unti-unti na itong bumuhos kasabay ng bawat paggalaw ng ang aming katawan.

"Ano bang sinasabi mo? Dapat ako ang nagmemessage sa 'yo eh!" Reklamo niya habang patuloy akong isinasayaw at sinasabayan ang musika.

"Kyle, 'di ko alam kung selfless ba ako or selfish but can I r-request s-something?" Nanginigig muli na tanong ko.

Tumingala siya at muli akong tiningnan. "Sure. All for my love."

Mapait akong ngumiti. "Always be happy. Always take care of yourself. Alam ko na matutupad mo ang pangarap mo ng wala ako 'di ba?"

Napakunot naman siya ng noo. "Anong sinasabi mo, Mahal?"

Ramdam ko na nakatingin ang lahat sa amin. Nanatili lang siyang nakahawak sa bewang ko habang nakatayo kami sa gitna. Nag-iba na rin ang tunog ng musika. Masakit at malungkot na parang sinasabayan ang puso ko malapit nang maghinagpis.

Patuloy akong lumuluha sa harap niya. Luhang matagal ko nang dinadala.

"Shh. Ano bang problema? Sabihin mo sa akin," nag-aalalang sabi niya.

"M-Makakaya mo naman ng wala ako, 'di ba?" Humihikbing tanong ko.

"Ano bang sinasabi mo?!" Inis na tanong niya. Ramdam ko na pag-iiba nang timpla ng kanyang emosyon.

Inilapit ko naman ang sarili ko sa kanya at nanatili lang kami nakakapit sa isa't isa.

"Alam ko na hindi ako naging mabuting girlfriend sa 'yo. Alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo..."

"No! Don't say that! That's not true!"

"It's true! Pagbalik-baliktarin man ang mundo, hindi ako nararapat sa 'yo..." humihikbing sabi ko.

Nanatili pa rin akong tumitig sa kanya habang lumuluha ang mga mata. Kailangan kong gawin 'to.

"Thea! Ano bang ibig mong s-sabihin?!" Nanginginig na rin ang mga boses niya.

'Di ko alam kung ano ang mga iniisip ng mga nakakakita sa amin pero wala na akong pakialam. Kailangan ko ng tapusin 'to.

"Thea!"

Nagpatuloy naman ako sa pag-iyak sa harap niya. Ilang saglit ay huminga ako nang malalim. Pinunasan ko rin ang mga luha sa aking mga mata at tingnan siya nang seryoso at walang paligoy-ligoy na sinabi.

"I w-want you to s-stay away from me."

"What?!" Kitang kita sa itsura niya ang pagtataka.

Kunot noo niya akong tiningnan at hinigpitan ang mga hawak sa bewang ko habang naghihintay ng aking mga kasagutan.

"I'm breaking up with you, Isaiah Kyle."

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top