CHAPTER 14: Wedding Booth

Thea's POV

Naging mabilis naman ang mga araw na lumipas pagkatapos ng photoshoot ko. Kumain lang kami no'n sa isang resto sa Clark at umuwi na rin.

Pagkatapos ay naging busy na ulit kami ni Kyle dahil sa research na tinatapos namin. Madalas naman kami magkita tuwing lunch at sabay din na umuuwi tuwing after class.

Natapos ang January na wala naman masyadong nangyayari. Church at school lang ang ganap namin.

Tuloy pa rin kami sa pagtatago namin ni Kyle dahil masyadong matinik ang mga mata ng mga tao sa simbahan.

Nag-celebrate naman kami ni Kyle ng second month namin sa CDC dahil pareho namin na-miss na pumunta do'n kahit busy.

Halos magdadalawang linggo na rin nang lumipas ang February sa susunod na araw na kasi ang Valentine's Day.

"Anong gusto mo gawin sa Valentine's, Mahal?" Tanong ni Kyle habang nagpapahinga kami sa canteen ngayon.

"Hmm. Kahit ano na lang. Kain siguro tayo tapos nuod ng sine," suggest ko sa kanya.

"Sure ka?"

Tumango naman ako. Basta naman kasama ko siya kahit ano gawin namin masaya na ako. Hindi naman ako humihiling pa ng kahit ano.

"O sige. Mall na lang tayo after ng event. Kumusta pala ang pag-aayos mo sa debut mo?" Tanong niya ulit.

"Ayun okay naman. Yung susuotin kong damit okay na," nakangiting sagot ko.

"Buti naman. Excited ka na ba?"

"Oo naman noh! Ikaw ba excited ka?"

"Oo syempre! Dalaga na kaya yung mahal ko," birong sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero 'di pa pwede pakasalan," sagot ko agad. Tawa naman siya nang tawa sa reaksyon ko.

Maya maya ay tumigil siya at tiningnan ako nang matagal. Hinawakan niya rin ang mga kamay ko.

"I love you," malambing na sabi niya.

"Muka mo!" Asar na sabi ko sabay tawa nang malakas.

"Aba!"

Lumapit naman siya sa akin at saka nilagay ang mga daliri sa tyan ko para kilitiin. Tawa naman ako nang tawa dahil ayaw niya ako tantanan sa pagkikiliti sa akin.

"Kyle! Tama na!" Reklamo ko tapos ay natawa na naman sa mga kiliti niya.

Maya maya ay tumigil na siya. Hingal na hingal naman ako na tinitigan siya.

"M-Masaya ka niyan?" Hingal na tanong ko.

"Ano isasagot kapag sinabing 'I love you'?" Makahulugang tanong niya pabalik.

"Mu-- I love you too," nakangiting sabi ko.

"Good." Sabay tapik niya sa ulo ko. Nagkwentuhan na ulit kami hanggang makabalik sa classroom.

Sana ganito na lang palagi. Walang problema. Walang iniisip na iba. Walang nasasaktan na ibang tao.

Sa sumunod na araw ay abala kaming lahat dahil may event na inihanda para sa Valentine's celebration sa school.

Iba't ibang booth naman ang tinayo ng bawat section at strand. May palibreng tent pa na galing kay Mayor kaya mas na-excite ang lahat sa event.

Ang na-assign sa amin na booth ay photobooth. Sakto naman dahil hindi na kami mahihirapan sa camera at print dahil ako na nagprisinta na magdala. Sila naman ang nag-ayos para sa booth.

Nagsuot ako ngayon ng red shirt at nakatuck-in ito sa black jeans na suot ko with matching white shoes. Nagtirintas din ako ng buhok para 'di magulo mamaya.

Nagtaka naman si Mama pagkatapos ko bumaba ng kwarto.

"Oh may event sa school niyo?" Tanong niya.

"Opo. Pinagre-red po kaming lahat saka naka-assign din po ako sa photobooth," nakangiting sagot ko.

"Okay. Umuwi ka agad ah," bilin niya. Napaisip naman ako dahil baka late na ako makauwi dahil may lakad din kami ni Kyle after school.

"Sige po," sabi ko na lang.

Naglakad na ako palabas ng bahay. Pagkalabas ko ay napatakip ako ng bibig nang makitang naghihintay si Kyle habang nakasandal sa pader.

"Hala! Kanina ka pa? 'Di ko na nabasa message mo. Sorry," nag-aalalang sabi ko. Masyado kasi akong excited para sa photobooth.

Natawa naman siya. "Hindi naman. Kakarating ko lang," sagot naman niya.

Tapos ay inabot niya ang isang boquet of roses. Nagliwanag naman ang mga mata ko nang abutin iyon sa kanya.

"Happy Valentine's Day, Mi Amore," malambing na sabi niya.

"Thank you! Happy Valentine's din, Mahal!" Masayang bati ko.

Kinuha naman niya ang mga dala ko at binuhat 'yon tapos ay naglakad na kami papunta sa school na magkahawak ang mga kamay.

Pagkarating namin sa school ay hinatid niya na ako sa classroom. Halos nakaset up na ang mga gamit nang dumating ako.

Humarap naman ako kay Kyle pagkatapos niya nilagay sa upuan ang gamit ko.

"Thank you!" Malambing na sabi ko.

Tumingin naman siya sa akin at saka inilapit ang mukha sa akin. Itinapat naman niya ang kanyang bibig sa noo ko at saka iyon hinalikan.

"I love you," sagot niya. Nagpaalam na rin siya dahil sa aasikasuhin din nilang booth.

It was a blissful day to start the Valentine's day. Nagsimula na ang program at nagkaroon muna ng dance performance sa stage ang dance troupe ng school. Ang mga tents naman sa bawat booth ay nakahanda na sa malawak na field ng school. Sa gitna kasi ng field ay ang stage.

After non ay nagbigay muna ng mga bulaklak sa mga teachers. Masaya naman ang lahat. Pagkatapos ay nagsimula nang buksan ang bawat booth.

"Enjoy your Valentine's day!" announced ng emcee.

Kaya magmadali na kami bumalik sa booth namin at nagsimula na. Ang mga kaklase ko ang gumawa at nagdala ng props para sa photobooth. Ako naman ay busy na kumukuha ng picture sa bawat students na magpapicture.

Ten pesos ang bayad na pinag-usapan namin kada copy ng picture. Mura na iyon dahil ako rin ang magpiprint.

'Di ko namalayan ang oras dahil sa sobrang dami ng pumupunta sa booth namin. Maya maya ay may isang pamilyar na lalaki ang tumayo sa booth at nagpose.

"Kyle!"

Nagpose pa rin siya kaya kinuhanan ko naman siya ng litrato.

Pagkatapos no'n at may bigla naman na nagblindfold sa akin.

"Hala! Hoy! Wala akong makita!" Reklamo ko.

"Sumunod ka na lang," bulong ng nagblindfold sa akin.

"Kyle!" Tawag ko naman pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

May umaalalay sa akin sa bawat hakbang namin. 'Di ko alam kung ano na nangyayari sa booth namin dahil nadala ko rin ang camera ko.

"Hoy! Saan niyo ba ako dadalhin?!" Reklamo ko.

"Basta!" Sigaw ng isa na 'di ko naman kilala.

Maya maya ay tumigil na sila sa pag-alalay sa akin kaya tumigil naman ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman na may nagtanggal ng blindfold kaya nang maalis nito ang panyo ay unti unti kong minulat ang mga mata ko.

'Wedding Booth'

Yan ang basa ko habang tinititigan ang isang tent na punong puno nang dekorasyong pagkasal. Nasa labas pa rin ako kaya 'di ako alam kung ano ang meron sa loob. Nagsimula naman kumabog ang dibdib ko.

Kinuha naman ng isang lalaki ang camera ko at sinuotan ako ng puting tela sa ulo sabay bigay ng puting bulaklak sa akin.

"Lakad kana," utos niya.

Walang pagdadalawang isip ako na naglakad papasok sa loob habang hawak ang bulaklak. May nagbukas pa ng kurtina na nakaharang sa akin nang makarating ako sa tapat nito.

Unti-unti kong nasilayan ang matipunong mukha ng taong mahal na mahal ko. Naghihintay siya sa akin na dumating ako. Lumapit ako sa kanya at saka ako nginitian. Pagkalapit ko ay mas lumapit siya sa akin.

"Handa ka naman siguro akong pakasalan para sa booth namin, Mi Amore?"

Napangiti naman. "Oo naman, Mahal."

Mas lalo sumilay ang ngiti niya at saka kami humarap sa lalaking magkakasal kunwari sa amin.

Kung ano-ano muna ang sinabi ng nagkakasal sa amin bago kami tanungin.

"Do you take Althea Marie Lopez as your beloved wife in the future?" Nakangising tanong ng nagkakasal.

"Yes," mabilis na sagot ni Kyle.

Humarap naman ang nagkakasal sa akin.

"Do you take Isaiah Kyle Ferrer as your soulful husband in the future?"

Tumingin ako kay Kyle. "Yes."

"Then, you may now kiss the bride," utos nito.

Hindi ko maipaliwanag ngayon ang nararamdaman ko. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hahalikan niya ba ako sa labi ulit?

Ngumiti muna siya at saka unti unting nilapit ang mukha sa akin. Naramdaman ko naman ang mabango niyang hininga. Ilang saglit lang ay itinaas niya ang kanya bibig at idinampi ang labi sa noo ko. Pumikit ako at dinama 'yon. Puno ng pagmamahal ang namumutawi sa aming dalawa.

"I love you," bulong ko habang nasa noo ko pa rin ang nga labi niya.

"I love you too," malambing na sabi niya pagkatapos alisin ang labi sa noo ko.

May pirmahan pa nanaganap sa wedding booth. Pagkalabas namin ay masaya kaming sinalubong ng mga nasa labas. Natawa naman kami ni Kyle sa kalokohan ng mga kaklase niya.

Naging mabilis naman na tumakbo ang oras pagkatapos ng kunwaring kasal namin ni Kyle. May niregalo pa siyang singsing sa akin na mas lalo kong hindi inaasahan.

"Thank you!" Sabay yakap ko sa kanya. Ito na ata ang isa sa pinakamasayang araw naming dalawa.

*****

Hindi na ako pinagligpit ng mga kaklase ko dahil kanina pa naghihintay sa akin si Kyle para sa lakad namin.

Pinayagan naman nila ako na umalis agad dahil nga ang laki na raw ng naitulong ko. Nagpasalamat naman ako at saka pinuntahan na rin si Kyle.

Nang makarating ako sa kinatatayuan niya ay nagulat pa siya sandali.

"Oh tapos na kayo?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango naman ako. "Yhup. Pinauna na nila ako eh."

Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako. "Tara na?"

"Sige."

Sabay kaming naglakad papunta sa likod ng school kung saan nakapark ang motor ng tito niya. Nang makarating kami ay agad niya binigay ang helmet sa akin at sinuot ko rin 'yon agad.

Sumakay na ako pagkatapos niya ilagay ang helmet niya habang nakasakay na rin sa motor. Nang makasakay ako ay pinaandar niya na iyon nang mabilis.

Sanay na ako sa ugali niyang mabilis magmaneho pero minsan ay binabawalan ko pa rin siya.

Mga wala pang thirty minutes nang makarating kami sa Mall. Nagpark muna kami sa bandang likuran at naglakad na lang papasok.

Dumiretso agad kami sa may sinehan para bumili ng ticket. Hinayaan niya ako kung ano ang papanoorin namin since sagot ko naman.

"Tara bili na tayong pagkain," aya ko sa kanya after ko bumili ng ticket.

Tumango naman siya at saka hinawakan ulit ang kamay ko. Naglakad naman kami papunta sa supermarket para bumili ng snacks.

Mabilis din kaming natapos mamili at bumalik na sa sinehan ulit. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na kami sa loob ng sinehan. Sa may bandang gitna at taas kami umupo.

Habang 'di pa nagsisimula ang pelikula ay tiningnan ako ni Kyle habang hawak ang kamay ko.

"Are you happy?"

Napalingon din ako sa kanya. "I'm always happy with you."

'Di na namin napansin na nagsimula na ang movie dahil sa tagal namin na magkatitig ni Kyle. I really love this man so much.

Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nanonood kami. It was a great movie. Nakaramdam naman ako ng pagod nang matapos ang pelikula.

Napansin ni Kyle na tahimik ako habang naglalakad kami palabas ng sinehan.

"Wanna go home?" Tanong niya habang hawak ang mga kamay ko.

"Is it okay?"

"Oo naman! I had great Valentine's with you. Sapat na 'yon for me," malambing na sagot niya.

"Thank you, Mahal. I also had a great day with you. I love you."

Hinalikan niya ulit ako sa noo at saka na kami dumiretso sa parking.

Agad na kaming umalis pagkasakay ko sa motor. Inihatid niya ako sa gilid ng bahay namin. Dala dala ko ngayon ang gamit ko at ang boquet of roses na bigay niya kanina na kinuha pa namin kila Kath.

"Did you enjoy?" Tanong niya pagkababa niya sa motor.

"Yes! So much! Thank you talaga," I answered. I knew how he put a lot of efforts for me. The way he showed his love was always great.

"O sige na pasok kana. I love you," malambing na sabi niya.

Tumango naman ako at saka lumapit sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi niya at halatang gulat ang mukha niya at namula pa sa ginawa ko.

"Ayan! Napakilig ko na naman si Isaiah!" Biro ko.

"Pasok ka na nga!"

Natawa naman ako at saka na ako nagpaalam sa kanya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay dahil medyo late na rin ako nakauwi.

Nakalimutan ko pa magpaalam na malelate ako. Sana lang ay wala pa si Mama o kaya naman ay tulog na.

But I was wrong. Pagkabukas ko ng pintuan at pagkapindot ko ng ilaw ay nakita ko siya nakaupo sa sala namin. Nakakrus ang mga kamay niya sa may dibdib. Isama mo pa ang nakakunot niyang noo at magkadikit na kilay.

Tiningnan niya ako nang masama habang nanlilisik ang mga mata at halatang may nalaman siyang hindi maganda.

"M-Ma," nanginginig na tawag ko.

"So! You had a relationship with an Altar Server guy?!"

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top