CHAPTER 13: Photoshoot

Thea's POV

The Christmas went by and we didn't have much time with each other. It was hard for me to not tell him about the warning but I maintained to keep it from him.

Mabilis din naman na lumipas ang mga araw pagkatapos ng Pasko. Nagpunta rin si Kyle sa probinsya nila sa Nueva Ecija dahil do'n sila nag-celebrate ng Bagong Taon.

Walang araw na hindi kami magkausap sa phone ni Kyle. Madalas na napapansin ni Mama na lagi akong nasa kwarto buong Christmas break pero 'di ko pinapansin ang mga sinasabi niya.

Noong first monthsary namin ay buong araw lang kami magkausap sa call kaya masaya na ako kahit 'di kami magkasama.

Tapos noong Bagong Taon naman ay 'di ko rin siya nakasama. Naintindihan ko naman dahil alam kong oras niya 'yon para sa pamilya.

"Happy New Year, Mahal," malambing na sabi niya mula sa kabilang linya ng cellphone.

"Happy New Year."

"Ang wish ko ngayong bagong taon ay magkaroon pa tayo ng maraming memories together," masayang sabi niya. Napakagat naman ako ng labi dahil 'di ko malaman na dahilan.

Masyado siguro akong nag-aalala sa pwedeng mangyari sa amin.

Huminga ako nang malalim. "Ako rin, Mahal. Hindi ako magsasawa na mahalin ka."

*****

Pagkatapos ng New Year ay ilang araw lang magsisimula na ulit ang klase namin. Konting buwan na lang ay gagraduate na kami.

Mabilis na lumipas ang mga araw dahil nakauwi na rin si Kyle mula sa probinsya pero dahil 'di pa nakabalik sa trabaho si Mama ay palagi siyang nandito sa bahay kaya hindi ako makatakas.

Hinintay nalang namin na magstart ulit ang klase. Maaga naman nagpunta sa bahay sila Kath at Loreen para sabayan ako pumasok. Mabuti na lang ay nakaligo na ako nang dumating sila.

Nag-aayos na ako ng sarili habang nakikipagkwentuhan sa kanila.

"So, you mean alam na ng Head ninyo?" Gulat na tanong ni Kath.

Tumango naman ako. "At wag na sana dumating sa point na malaman ni mama."

"Basta kami ni Loreen tahimik lang kami."

"Alam ko naman 'yun. Tara na," aya ko sa kanila pagkatapos ko magpabango.

Lumabas na kami ng kwarto at sabay sabay na naglakad papunta sa school. Mga ilang minuto rin kaming naglakad at nagkwentuhan pa. Na-miss ko rin kasi na makasama sila kaya sinulit ko na.

Pagkarating namin sa classroom ay napatakip ako ng bibig at nagliwanag ang mga mata ko nang makita ko siya. Nagmadali akong tumakbo palapit sa kanya.

Yung takbo na talagang excited na makita siya. Ipinulupot ko ang kamay ko sa katawan niya at mahigpit siyang niyakap.

"Na-miss kita," malambing na sabi ko habang yakap pa rin siya.

Narining ko naman ang mahina nyang pagtawa. "Namiss din kita, Mi Amore."

Makalipas ang ilang minuto ay bumitaw na siya at saka may kinuha sa bag. Inilabas niya ang isang manipis at pa-rectangle na shape at nakabalot na parang regalo.

Inabot niya sa akin iyon at sinabing, "Maya buksan natin."

Ngumiti naman ako nang malapad. "Thank you!"

Nagpaalam na siya pagkatapos niyang maibigay 'yon sa akin. Nagsimula na rin ang klase namin pagkalipas ng ilang minuto after niya umalis.

Hindi ko naman namalayan ang oras nang bigla nalang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Tiningnan ko ang phone ko at narealize na oras na pala ng break time.

Nagmadali naman ako mag-ayos ng gamit at mabilis na lumabas ng classroom. Papunta na sana ako sa classroom nila Kyle pero naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"Saan ka pupunta?"

Tumingin naman ako sa humawak sa akin at ngumiti. "Pupunta sa 'yo."

"Nandito na ako, Mahal."

Natawa naman ako nang konti. "Tara na nga!"

Naglakad na kami papunta sa canteen. Dumiretso muna kami sa loob para mag-order tapos ay umupo na rin sa dati naming pwesto.

Pagka-upo namin ay kinuha niya ang agad ang regalo niya na dala dala ko at ipinatong sa lamesa. Pagkatapos ay hinawakan niya agad ang kamay ko.

"Buksan na natin 'yan!" Excited na sabi ko.

"Sure? Ayaw mo muna kumain?"

Umiling ako dahil mas gusto ko makita ang regalo niya. Natawa naman siya at saka kinuha ko ulit 'yon. Sabay naman namin na inalis ang mga tape at dahan dahan na binuksan.

"Wow!"

'Di ko maalis ang tingin ko after ko makita ang binigay niya. Hindi ko maitanggi na sobrang nakakabilib at sobrang ganda ng binigay niya.

"Who made this?" Tanong ko.

"Ako!" Mayabang sa sabi niya.

I rolled my eyes. "Wag kang ano dyan! 'Di ka artist para gawan ng sketch ang picture natin!" Pang-aasar ko.

"Grabe ka ah! Ano ngayon kung 'di ako may gawa niyan? At least ako ang nagbigay."

"Oo na! Thank for this, Mahal. I'll keep it," sabi ko naman.

"Pinagawa ko yan do'n sa kaibigan ko na nagseserve din sa ibang church. Artist kasi 'yon kaya naisip ko magpagawa ng sketch natin," paliwanag niya.

Tumango tango naman ako. "Ang ganda. Ang galing naman ng kaibigan mo."

Ngumiti naman siya. "Buti nagustuhan mo."

"Syempre! Galing sa 'yo eh."

Maya maya ay dumating na ang order namin at kumain na rin kami. Tahimik lang kaming dalawa na kumakain dahil nakasanayan na namin. Pagkatapos namin kumain at saka kami nagkwentuhan.

"By the way, next week magpo-photoshoot na ako para sa debut ko. Sina Kath at Loreen lang naman ang kasama saka yung photographer, gusto mo sumama?" Tanong ko habang nililigpit ang pinagkainan namin.

"Ang aga naman ng photoshoot. Bongga ba yung gagawin na celebration sa debut mo?"

"Yeah. Si Mama ang nag-utos eh. Photoshoot pa lang naman."

"O sige. Sama ako. Saan ba?"

"Syempre sa Clark."

Tumango naman siya. Pagkatapos no'n ay bumalik na rin kami agad sa classroom namin dala dala ang regalo niya.

Bumalik kami sa dati naming ginagawa ni Kyle. Sabay papasok at sabay din na uuwi. Kahit nagsisimula na ulit kami maging busy pareho, he always tried his best para magkasama kami.

*****

One week later at patuloy pa rin kami na bumabawi sa isa't isa dahil sa ilang araw o linggo namin na hindi nagkita.

Hindi na sana ako a-attend ng meeting ngayon dahil nagreready ako para sa photoshoot ko bukas kaso nagpatawag ng emergency meeting ang Head namin.

Mabilis naman ako nag-ayos at 'di na nagmessage kay Kyle na pupunta ako sa simbahan. Nagsimula naman akong kabahan nang makarating sa simbahan. Agad akong dumiretso sa pwesto namin at 'di na inisip kung nasaan si Kyle.

"Ano meron?" Tanong ko kay Ate Kim pagkatapos ko makaupo sa tabi nila.

"Basta hintayin nalang natin ang announcement," sagot naman niya.

Ilang saglit pa ay dumating na ang Head namin. Umupo siya sa gitna at kami naman na officers sa gilid.

"I'll be changing the positions of some officers now," pag-anunsyo niya.

Napanga-nga naman ako at nagsimula nang pagpawisan. Ibababa na ba ako sa posisyon ko?

Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Nagsimula na siyang magsalita.

"Althea and Andrea would be changing their positions. So si Althea na ang secretary ngayon at si Andrea ay bababa sa pagiging representative."

"B-Bakit po?" Ang tanging salita na nasabi ko dahil 'di ako makapaniwala sa narinig ko.

"Ayaw mo ba? Mas tumaas na ang posisyon mo, Thea. O baka mas gusto mo manatili sa representative para makihalubilo lang sa mga ibang Youth?" Makahulugang tanong ng Head.

"Hindi po. Okay lang po," sagot ko nalang saka yumuko.

Natapos naman agad ang meeting at umuwi ako nang may pagtataka pa rin. Ano kaya naramdaman ni Andrea? Feeling ko ang dami ko na nagawang kasalanan sa kanya.

Nang makauwi ako ay hindi ko na inisip masyado ang nangyari dahil mas gusto ko abalahin sarili ko sa photoshoot.

*****

Kinabukasan, maaga dumating ang mga make-up artist sa bahay at maaga rin nila ako inayusan.

Nagmessage naman ako kay Kyle na magkita nalang kami sa Clark kung saan ang photoshoot ko.

Sina Kath at Loreen naman ay inaayos ang mga damit na susuotin ko para mamaya habang ako ay nakaupo at hinihintay na matapos ang make-up look na gagawin nila.

"Ang ganda mo na 'di na kailangan pang bonggahan ang make-up," biro nang make-up artist pagkatapos ko sabihin na wag nila pakakapal ang make-up ko

"Salamat po," sagot ko naman.

Nakaalis na si Mama nang matapos ako ayusan. Nagsuot muna ako ng maong shorts at white long sleeve polo at saka black na tube para mamaya ay madali lang ang pagpapalit ng mga damit.

Pagkatapos magligpit ng mga make-up artist ay lumabas na kami lahat para sumakay sa van.

"Okay na ba lahat?" Tanong ko kay Kath.

"Oo. Nandito na lahat ng damit mo saka yung laptop at camera," sagot niya habang inaayos ang sarili sa loob ng van.

"Okay. Salamat."

Nang umandar na ang van ay bigla naman ako nakatanggap ng tawag mula kay Kyle.

"Hello?"

"Mahal, 'asan na kayo?"

"Papunta na, ikaw?"

"Nasa byahe na rin. O sige. Ingat. Can't wait to see you," malambing na sabi niya sa kabilang linya.

Napangiti naman ako. "Ingat."

Mga thirty minutes din ang byahe namin nang makarating kami sa spot kung saan gaganapin ang photoshoot ko.

Nang makababa kami ay mabilis na nagtayo ng tent ang ibang mga kasama namin para sa pagbibihisan ko. Nagset-up na rin ang mga photographers habang inaayos ang tent.

Maya maya ay nakita ko na may papalapit na motor sa pwesto namin. Nandyan na siya.

"Hello!" Bati ko nang makalapit siya sa akin after niya magpark ng motor.

"You're gorgeous," malambing na sabi niya.

Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko kaya yumuko ko para itago ang kilig.

"Kinikilig ka na naman! Hahah. Pahingi muna ng wacky pose mo habang nakamake-up ka."

"Ayoko nga!" Mabilis na sabi ko at hinarap siya ulit. Tumawa na naman siya.

"Biro lang! O sige na magbihis ka na," utos niya.

Tumango na lang ako at pumasok na sa tent dahil nakaready na ang set up. Nagbihis na ako ng isang nude pink off-shoulder gown na medyo may pa-balloon sa ibaba. Tinernuhan ko naman ng isang black high heels.

Pagkalabas ko ay pinapwesto na ako for photoshoot. Tinuruan ako ng mga stylist na magpose para magandang tingnan sa picture. Nasa mapupunong lugar at malawak na field din kasi kami dito sa Clark. Perfect talaga pang photoshoot.

Kinuhanan din nila ako ng ilang video clips para raw sa mismong debut ko. Napansin ko naman ang panay titig ni Kyle sa akin. Minsan nga ay nahuhuli ko siyang kinukuhanan din ako ng picture.

"Okay! Next outfit please!" Utos ng photographer.

Mabilis naman akong pinuntahan ni Kyle para tulungan sa paglalakad pabalik sa tent.

"Naks! Alagang-alaga ng jowa!" Asar ni Kath sa akin.

"Manahimik ka nga!"

Tumawa na lang siya at saka tinulungan ako isuot ang next na damit ko. Ngayon naman ay, floral white dress ang suot ko with matching hat and sandals.

Katulad ng kanina ay gano'n pa rin ang nangyari. Pinapaulit nila ang ilang mga pose ko at may pinapagawa na kung ano-ano tulad ng pag-amoy sa bulaklak na 'di ko alam kung para saan.

Mabilis na natapos ang mga sumunod na ang photoshoot sa mga ibang outfit dahil madali na lang sa aking ang pagpo-pose.

"Okay! That's all. Thank you, Ms. Lopez for trusting our team. I'll send you all the soft copy of the pictures through e-mail," mabait na sabi ng photographer.

"Thank you rin po. I know naman po na you're good."

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kyle sa bewang ko.

"We'll go ahead na po."

"Ay wait. Kain muna po tayong lahat. My treat," masiglang sabi ko.

"Ay iba! Dalaga na nga siya. May jowa na may pa-treat pa!" Masayang sabi ng stylist ko.

"Talaga? Dalaga ka na?" Makahulugang tanong ni Kyle habang nakangisi sa akin.

"Oo! 'Di ba halata?" Sarkastikong tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Ah! So, pagdalaga na pwede na pakasalan, 'di ba?" Inosenteng tanong niya sabay kindat sa akin.

~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top