CHAPTER 11: Holy Mountain

Kyle's POV

Wala nang mas sasaya pa nang marining ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko habang sumasabay sa tunog ng musika.

Nanatili lang siyang nakayakap sa akin.

"Mahal din kita, Thea. 'Di mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw," malambing na sabi ko.

"Wala nang mas sasaya pa sa araw na ito, Kyle."

Tinanggal ko ang pagkayakap niya at humarap ako sa kanya habang nakalagay ang mga kamay ko sa mukha niya.

"I'll promise that I would fight for you. Hayaan mo lang ako na ipaglaban ka at gagawin ko ang lahat para sa 'yo. I'll promise that I would never let you leave in my life."

Nakita ko naman ang pagpatak ng mga luha niya kaya dahan dahan ko ulit siyang hinalikan sa noo. Tanda ng malaking pagrespeto ko sa kanya. Saksi ang maraming tao dito kung paano ako sinagot ni Thea. It was very fulfilling.

The last song was ended and a love story was started.

Pagkatapos tumugtog ng banda ay umuwi na rin kami. Sinabay na nila ako sa kotse at sinabi nila sa driver ni Thea na ka-church nila ako.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay lumingon muna ako kay Thea.

"Bye. Ingat kayo."

Lumabas na ako ng kotse at hinintay na makaalis sila. Inilabas ko naman ang cellphone ko para i-message siya.

Kyle: Salamat, Mi Amore.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay masigla kong tinawag si Mama.

"Ma! May girlfriend na 'ko!!"

"Ay Kyle! Ang ingay mo naman!"

"Ma! Narinig mo ba sinabi ko? Girlfriend ko na si Thea!" Masayang sabi ko habang nagtatangal ng sapatos sa sala namin.

"Masaya ako para sa 'yo, Nak. Wag mo siyang sasaktan ah. At wag mo rin hayaan na masaktan ka niya," nakangiting sabi ni mama sa akin.

"Oo naman! Papakawalan ko pa ba siya?"

Natawa na lang si mama at nagyaya na kumain. After kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Napaka-memorable ng araw na 'to. November 30.

Kinabukasan ay nagkita ulit kami ni Thea sa church dahil sabado at araw ng meeting.

Dahil nga nagkasundo kami na isikreto muna ang relasyon namin ay eto sa chat lang kami nag-uusap ngayon.

Althea: Tapos na meeting niyo?

Kyle: Yes. Hmm ano pala itatawag ko sa 'yo?

Althea: Ha? Edi kahit ano. Kailangan talaga may endearment?

Kyle: Para lang mas special pakinggan, 'di ba?

Althea: Mahal na lang.

Kyle: Eh? Gusto ko baby.

Althea: Hahaha. Bakit? Mukha ba akong bata?

Kyle: Oo! Batang pasaway! Joke. Hahah.

Maya maya ay 'di na siya nag-reply. Napagalitan siguro siya dahil nagse-cellphone habang nasa meeting. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay napansin kong lumabas na ang ilang COMI member. Nakita ko rin siya pero 'di niya ako napansin. Ilang segundo lang ay nakareceived ako ng message mula sa kanya.

Althea: Ewan ko sa 'yo! Hahaha. Tara na! Papunta na ako sa labas.

Nagkita naman kami sa labas ng simbahan at sabay umuwi. Nagstay muna siya sa labas ng bahay namin after niya ako ihatid.

Nakaupo kami pareho ngayon sa terrace namin habang hawak ko ang mga kamay niya.

"Mahal?" I called.

She turned her eyes on me and formed a smile. "Hmm?"

"Have you tried hiking in a mountain?"

She leaned her head on my shoulder. "Hindi pa eh but I really want to try because it's nature you know! Ikaw ba?"

Habang nilalaro ko ang mga kamay niya ay isang ideya ang pumasok sa isip ko.

"Oo! Yun yung bonding namin ni Papa noong bata pa ako," sagot ko naman.

"Wow! That's really nice! Bakit? Yayayain mo ba ako?" Inosenteng tanong niya.

"Ano ba yan, Mahal! Inunahan mo naman ako! Wala tuloy thrill! Wala ng surprise!" Reklamo ko.

Natatawa naman siya sa reaksyon ko. Paano ba naman kasi ako dapat magtatanong no'n sa kanya eh.

"Nagtanong lang naman ako, Mahal! So, magha-hiking nga tayo?" Masiglang tanong niya ulit.

"Oo! Bago Christmas break sana."

"Sige ba! Tatanggi pa ba ako?" Natatawang sabi niya.

"Kahit naman tumanggi ka isasama pa rin kita!"

Tumango-tango naman siya. Nag-usap pa kami ng kung ano-ano bago siya umuwi.

*****

Linggo. Parehas kami na may serve kaya sabay na naman kami umuwi. Mabuti na lang ay walang nakakapansin sa patago namin na pagkikita. Busy din kasi halos kaya wala silang pakialam sa paligid nila.

Hindi rin naging madali ang sikretong relasyon namin ni Thea. Madalas sa school lang talaga kami nakakapagsama nang matagal.

Lumipas ang mga araw na naging maganda ang takbo ng relasyon namin. Tahimik lang pero masaya. Pinagpaplanuhan ko rin ang pagpunta namin sa Banal na Bundok sa Magalang bago mag-Christmas break.

Nandito kaming dalawa ngayon sa canteen at inaayos yung photo album na binili niya sa CDC. Nakapagprint out na rin siya nang napakaraming pictures.

"Yan lahat nang ilalagay mo?" Tanong ko habang turo ang higit sampung photo paper na may printed pictures.

"Oo. Konti ba?" Tanong niya.

"Anong konti? Ang dami kaya!"

"Parang hindi naman," tanggi pa niya.

Natatawa nalang ako sa kanya dahil sobrang mahal niya talaga ang photography. Tinulungan ko na lang din siya na maggupit at maglagay ng pictures sa photo album.

Maya maya ay nakita ko ang pictures ko na epic at wacky.

"Hoy! San mo galing yan ah, Mahal?"

Sinaman niya ako ng tingin. "Oh bakit? Ikaw din naman ah meron kang picture na ganito ang itsura ko!" Reklamo niya.

"Syempre! Mahal kita kaya gano'n."

"Eh mahal din naman kita!" Inis na sabi niya. Natawa naman ako nang marealize niya ang sinabi niya at biglang namula. Kinurot ko nalang ang pisngi niya para itago ang kilig.

*****

Makalipas ang higit isang linggo ay wala naman masyadong nangyari. Mas naging malapit pa kami ni Thea at mas lumalalim pa ang pagmamahal ko sa kanya.

Ngayon na ang last day of class namin dahil bukas na ang Christmas break. Naglalakad kami ngayon pauwi habang pinag-uusapan ang plano namin bukas.

"Ano pala sasakyan natin?" Tanong niya after ko kuhanin ang bag niya at isinuot ito sa akin.

"Motor," maikling sagot ko.

Lumiwanag naman ang mukha niya. "Talaga?"

Tumango naman ako. "Hiniram ko yung motor ng Tito ko. Dalawa naman helmet no'n."

"Wow! Roadtrip! Exciting yun ah, Mahal!"

"Oh ikaw? Ano sasabihin mo sa Mama mo?" Tanong ko naman.

Napaisip naman siya at tumingin ulit sa akin. "Siguro sasabihin ko na lang na pupunta ako kila Kath. Sasabihan ko nalang si Kath about do'n."

Tumango naman ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila ay nagpaalam na ako.

"Bukas nalang," nakangiting sabi niya at saka nagpaalam na rin. Pagkapasok niya ng bahay ay umuwi na rin ako.

*****

Maaga akong gumising kinabukasan para magluto ng pagkain namin ni Thea. Nagluto na lang ako ng fried chicken at hotdogs. Sigurado naman na may nabibili rin na pagkain doon.

Pagkatapos ko magluto ay naligo na agad ako. Napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko pagkatapos kong pumasok ulit sa kwarto.

Althea: Mahal, punta muna ako kila Kath para do'n magbihis. Baka mahalata ni Mama yung suot ko eh.

Nag-reply naman ako kaagad.

Kyle: Sige. Ingat ka, Mahal.

Hindi ko na siya hinintay pa mag-reply dahil nagbihis na ako. Maong shorts at gray shirt ang sinuot ko. Mainit kasi kapag nag jeans pa ako. Sinamahan ko na rin ng panghiking na rubber shoes.

Nag-ayos na rin ako ng buhok at nagpabango.

"Gwapo talaga ng boyfriend ni Thea," bulong ko sa sarili ko.

"Hoy! Nak! Ano na naman binubulong-bulong mo dyan?" Tanong ni Mama nang bigla siyang pumasok sa kwarto.

"Wala po! Si Mama kung ano-ano ang naririnig," sagot ko naman. Umiling-iling nalang siya at saka lumabas ulit.

Pagkatapos ko nag-ayos ay kinuha ko na ang pitaka at cellphone ko. Tiningnan ko ang laman ng pitaka ko at natuwa dahil magiging worth it na naman ang ipon ko. Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko na may nagpark sa labas ng bahay. Nandyan na siya.

"Good Morning po," rinig kong bati niya kay Mama.

"Good Morning, iha. Pasok ka muna pababa na rin si Kyle," bati rin naman ni Mama kay Thea.

"Kyle! Bumaba ka na! Bawal pinaghihintay ang babae!" Sigaw ni Mama mula sa baba.

"Hala. Okay lang po. I can wait," rinig ko naman na sagot ni Thea.

"Ay! Hindi! Dapat ang mga babae ang hinihintay. Sa ganda mong yan! Dapat 'di ka pinaghihintay ng anak ko na 'yon! Tsk!" Umiling-iling pa na sabi ni Mama habang pababa ako ng hagdan.

"Ma! Eto na nga eh. Bumaba na. Ayoko rin naman pinaghihintay ang aking prinsesa," nakangiting saad ko.

Nasulyapan ko ang pagyuko ni Thea habang tinatago ang kilig.

"Aysus! Bilisan mo na! Ayusin mo na ang dadalhin mo!" Bulyaw ni Mama.

Dumiretso naman ako sa kusina para ilagay sa lalagyanan yung mga pagkain namin. Pagkatapos ay humarap ako kung saan nakita ko siyang nakaupo sa sala. Pinagmasdan ko siya.

Nakasuot siya ngayon ng high waisted square pants na kulay black at saka off-shoulder na white. Nagsuot din siya ng white rubber shoes. Simple lang din ang pagkakaipit ng buhok niya. Napansin niya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya napalingo siya sa akin. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya.

"Tara na?" Tanong ko.

Tumango naman siya at saka ngumiti. Lumabas na ako dala ang bag na may laman na pagkain namin para ilagay sa compartment ng motor.

Sumunod naman siya sa akin sa labas. "Iiwan ko muna dito yung E-bike, okay lang?"

Tumango naman ako tapos ay binigay ang isang helmet sa kanya para isuot. Ipinark ko muna nang maayos ang E-bike niya tapos ay sumakay na sa motor at saka sinuot na rin ang helmet.

Nilingon ko siya. "Sakay na, Mahal."

Napansin ko na nagdadalawang isip siya sumakay. Palipat-lipat kasi siya nang tingin sa akin at sa motor.

Natawa naman ako. "Wag ka mag-alala 'di naman kita ihuhulog katulad nang pagkahulog ko sayo," sabi ko sabay kindat sa kanya.

"Baliw!"

Sumakay na siya kaya pinaandar ko na ang motor. Sinigurado ko na wala kaming madadaan na checkpoint papuntang Magalang. May student license naman ako kaya safe kami.

Halos mapayakap sa likod si Thea kapag binibilisan ko ang takbo ng motor.

"Kyle! Ano ba! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya. 'Di ko siya pinakinggan kaya binilisan ko lalo ang pagpapatakbo ng motor para agad kami makarating doon.

Halos thirty minutes din ang byahe namin nang makarating kami sa ilalim ng bundok.

Pupuntahan namin ang isa sa mga dinadayo na fourteen station of the cross dito sa Magalang, Pampanga. Madalas na tawag nila ay Banal na Bundok.

Bumaba na kaming dalawa after ko mag-park ng motor. Agad naman niyang tinitigan ang dadaanan namin.

"Nakasemento naman pala ang daan eh!" Confident na sabi niya.

"Oo. Makikita rin natin yung mga statues per station sa Station of The Cross," sabi ko.

"Talaga?"

Tumango ako. Ang Station of the Cross ay nagsisimbolo ng mga pinagdaanan ni Jesus Christ bago siya maipako sa krus at nang mabuhay siya muli. Isa iyon sa mga pinaniniwalaan ng mga Katoliko na tulad namin.

Ang Banal na Bundok ay isang representasyon ng karanasan ni Jesus kung saan sa bawat station ay patirik nang patirik ang dinadaanan.

"Ano game? Sure ka ba na kaya mo?" Tanong ko naman habang tinitingnan siya nang nakakaasar.

Tumango naman siya. "Game! Kaya syempre! Pero ba't parang wala naman mga tao?" Tanong niya.

Nagsimula naman na ako pumunta sa umpisa para maglakad. "Kasi tuwing Holy Week lang maraming tao dito."

Sumunod siya sa akin at saka hinawakan ko ang kamay niya.

"Eh ba't ngayon tayo nagpunta?!"

Natawa naman ako. "Wala lang. Para naman maiba 'di ba?"

Tumawa nalang sa sinabi ko. Nag-umpisa na kami maglakad paakyat. Medyo patag pa ang daan nang makarating kami hanggang fifth station. Paminsan-minsan ay may dumadaan na mga tao na pababa o kaya naman paakyat din tulad namin.

Habang pataas kami nang pataas ay medyo nagiging mahirap na sa amin ang pag-akyat. Magkahawak lang kami ng kamay habang umaakyat. Minsan ay kumukuha siya ng mga pictures o kaya naman nagpapapicture siya sa akin. Nasa ninth station na kami nang bigla siyang tumigil.

"Oh? Pagod ka na?" Tanong ko.

"Pahinga muna tayo sandali! Ang taas na nang naakyat natin eh!" Hingal na sabi niya. Nagpahinga naman kami dahil ramdam ko na rin ang hirap.

Marami nagsasabi na parang mararanasan mo na rin yung hirap na naranasan ni Jesus nung panahong ipapako siya sa krus. Bukod sa matarik ay nakakahingal at nakakapagod talaga.

After ilang minutes ay tumuloy na ulit kami. Bawat station ay tumitigil kami para magdasal. Nang makarating kami sa station kung saan nakapako sa krus si Jesus ay para akong kinilabutan. Kahit hingal na hingal na kami sa pagod ay 'di naman ininda iyon.

Tumigil muna kami ni Thea sandali doon para magdasal ulit. Nagpasalamat naman ako na may Thea na dumating sa buhay ko. Si Thea na nagbibigay inspirasyon sa bawat araw ko.

After ko magdasal ay nakita ko si Thea nakapikit pa rin. Maya maya ay may luhang lumabas sa mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya.

Nanatili lang siyang tahimik pero hinayaan ko na lang. Pagkabalik namin sa paglalakad ay unti-unti nang gumagaan. Bawat hakbang namin ay unti unti nang nagiging madali. Ilang saglit lang ay nandito na kami sa tuktok. Sa pinakahuling station kung saan si Jesus ay muling nabuhay.

Huminga ako nang malalim. "We've made it, Mahal!"

Tumingin naman siya sa akin at mukhang pagod pa rin. "Thank you! Thank you for bringing me here."

Parehas kami ngayon nakatitig sa mataas na statue ni Jesus. Kung saan nakasuot siya ng white at nakataas ang isang kamay habang isa ay may hawak na tungkod. Parehas namin na dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

"Ang sarap sa feeling pagkarating ka sa tuktok," masayang sabi niya.

"Yeah. Napakafulfilling." Lumingon naman ako sa kanya. "Are you happy, Mahal?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "More than happy."

After namin magpahinga at kumain ay nagpicture kami doon. Marami rin siyang kinuhanan na shots dahil kitang kita sa pwesto namin ang iba't ibang mga bahay at kumpol-kumpol na mga puno. Nagstay pa kami doon ng isang oras. Nakaupo lang kami at hawak-hawak ang kamay ng isa't isa.

"Tara!" Aya ko sa kanya. Tumayo naman siya at saka maglalakad na sana pabalik pero hinila ko siya papunta sa gitna ng statue.

Magkaharap kami ngayong dalawa habang hawak ang mga kamay namin.

Habang nagtititigan kaming dalawa ay 'di ko mapigilan ang aking damdamin. Parang nagwawala ang puso ko. Habang patuloy na umiihip nang malakas ang hangin ay unti unti ko inilapit ang mukha ko sa kanya.

Naramdaman ko na pumikit siya kaya tinuloy ko ang gustong gawin ng puso ko. Unti unti at dahan-dahan kong idinampi ang mga labi ko sa labi niya. Isang simpleng halik para sa simpleng babaeng mahal ko.

Nang mailayo ko ang mukha ko sa kanya ay dumilat siya. Ngumiti naman ako at saka ipinatong ang kamay ko sa mukha niya.

"Saksi si Hesus sa pagmamahalan natin. Kaya Mahal pangako 'di kita iiwan."

~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top