CHAPTER 10: Clark

Thea's POV

Life had always been good when you are happy. You did not have much too worry. You were always give good vibes with other people and you were always spread love through kindness.

Days had been passed with my life. Remembering those times was great because I had Kyle beside me. We both had a great time together in school and of course in church.

Naayos na rin ang isyu about sa kanila ni Andrea. Buti nalang ay hindi kumalat sa buong simbahan at hindi rin nakarating kay Mama. Kinausap kasi kaming tatlo. Ako, si Kyle, at si Andrea. Nag-sorry ako kay Andrea dahil nadamay pa siya sa kagagahan ko.

Laking pagtataka ko naman nang nginitian lang ako ni Andrea after ko mag-sorry at sinabi niya na okay lang pero lumipas ang mga araw na 'di siya namamansin kapag may meeting or serve.

Sabi ni Kyle, hayaan ko na lang daw. Yung dalawa ko naman na kaibigan ay nanahimik na lang din tungkol sa amin ni Kyle.

Kapag after ng meeting normal lang na nag-uusap usap. Tapos, pa-simpleng sumasabay sa akin si Kyle pagpa-uwi. Magaling naman makisama ang mga ibang Altar Servers eh dahil yung iba sa kanila guilty din sa ginagawa namin.

Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa ni Kyle. Kahit pagpunta ko sa library minsan makikita ko nalang nasa harap ko na siya.

Aaminin ko na malalim na rin ang pagkagusto ko sa kanya. Kaya nga hinihintay ko nalang ang araw ng lakad namin para sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Okay ba 'to?" Tanong ko kay Kath at Loreen habang pinapakita ang isang denim jumpsuit.

"Ay bet ko yan girl! Ternohan mo ng white shirt tapos white shoes," masiglang suhestiyon ni Kath.

"Oo nga! Tapos ikatin natin mamaya buhok mo," pagsang-ayon naman ni Loreen.

"Right! You had good taste talaga in fashion."

"Of course! We are! We're getting older na kaya dapat maalam na tayo sa ganyan," sabi naman ni Kath.

Buti nalang nandito ang dalawang 'to. Kung wala sila baka ang weird ng suot ko sa date namin ngayon ni Kyle. Isasama ko kasi sila dahil 'di naman ako papayagan ni Mama na magpadrive ng ako lang mag-isa. Isumbong pa ako ng driver kapag nakita kaming magkasama ni Kyle.

"Are you going to answer him, now?" Biglang tanong ni Kath habang nililinis ko ang lens ng DSLR.

Napaisip din ako. "Hindi ko pa alam eh. I just want to go with the flow."

Nilagay ko na sa bag ang camera at saka inayos na ang ibang gamit.

"Sabagay. Pero masaya ka naman 'di ba?" Tanong niya ulit.

Tumango ako at ngumiti. "I'm more than happy."

Lumabas naman ako ng kwarto at saka naligo na. When I went out from the bathroom, I was already wearing the denim jumpsuit with the white shirt inside. I also wear an extra shorts inside. When I tied my rubber shoes, I received a message from him.

Kyle: On my way to Clark. Ingat kayo.

"Hala!" Gulat na sabi ko.

"Oh napano?" Tanong ni Loreen.

"Papunta na raw si Kyle do'n," sagot ko naman.

Nagmadali naman ako nag-ayos ng sarili. After ko mag lagay ng light make up ay inikatan na ako ni Loreen. Habang si Kath naman ay nakaready na at nagse-selfie na lang sa tabi.

Nang matapos kami ay tiningnan ko ang sarili ko sa human size mirror na nakadikit sa cabinet.

"Wow! Ang cool ko naman tingnan," sabi ko.

Natawa naman sila at saka na kami nagmadali bumaba. Dala dala ko ang isang string backpack at laman no'n ang DSLR cam, wallet, cellphone at iba ipa.

Pagkapasok namin ng sasakyan ay nagmessage na ako kay Kyle.

Althea: Papunta na rin kami. Ingat ka rin. See you.

Habang nasa byahe ay nakapagselfie pa kaming tatlo. Tapos ay kumukuha rin ako ng ilang photography ideas sa dinadaanan namin.

Ang ganda kasi dito sa Clark.

Ang daming pwedeng puntahan pero dapat may sariling sasakyan. May mga big companies at resorts na nakatayo dito. Punong puno rin ng fancy restaurants at hotels. Isa rin sa pinupuntahan dito ang mga museums at playgrounds isama mo pa ang sikat na Haunted Hospital.

Pagkarating namin sa CDC ay nagpark muna ng kotse ang driver kaya sabi ko wag na niya pakalapit do'n sa pupuntahan namin kaya naman namin maglakad.

Ang CDC naman ang pinakasikat sa mga pasyalan dito sa Clark. Isa itong sobrang lawak na field. Sa umaga ay tambayan ito ng mga nagjojogging or exercise tapos pwede rin magpicnic. Sa gabi naman ay may night market at food court samahan pa ng banda na nagpe-perform sa gitna. Buti na lang ay may araw pa, makakapag-picture pa kami mamaya.

Pagkababa namin ay mabilis na kaming naglakad papunta sa bandang gitna kung saan maraming tent. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang taong naghihintay sa amin.

"Kyle!" Tawag ko sabay kaway sa kanya kahit medyo malayo pa kami.

Lumingon naman siya at unti unting ngumiti. He was wearing a maong shorts and black shirt with black rubber shoes. His hair looked neat because of the hair wax he put. May dala dala rin siyang backpack na ipinagtaka ko. Nang makalapit kami ay nagpaalam na agad ang dalawa.

"Oh! Una na kami ah! Hihiwalay na kami sa inyo. Enjoy!" Birong sabi ni Kath at saka hinila si Loreen palayo sa amin.

Kyle was only staring at me when I came in front of him. I was bothered because I felt like something was wrong with me.

"Uy! Bakit ka nakatitig? Pangit ba?" Tanong ko.

"Ah? Hindi noh! Ganda mo nga eh," sabi naman niya sabay hawak sa kamay ko.

"Weh?"

Tumingin ulit siya sa akin. "Oo nga! Tara na!"

Naglakad na kami papunta sa mga tents kung saan maraming pagkain at ibang mga bagay ang mabibili. Medyo mahal nga lang ang mga tinda pero masarap naman ang mga pagkain.

Maglalakad na sana kami papunta sa mga pagkain pero naakit ako ng isang tent kung saan may mga tindang photobook, picture frames na may mga floral na design at photo albums.

Hinila ko siya do'n kaya wala na siyang nagawa.

"Bibili ka?" Tanong niya.

Napatango naman ako dahil gusto ko talaga magkaroon ng photo book at photo album. Tiningnan ko isa-isa ang mga design ng photo albums. Napaka-millenial dahil mga pastel colors ang kulay tapos ang minimalist lang ng design. Una kong kinuha ko yung pastel yellow na photo album dahil may nakasulat na friendship sa gitna. Sila Kath at Loreen agad ang naisip ko nang makita iyon.

"Ang ganda nito noh?" Tanong ko kay Kyle habang pinapakita ang napili ko.

Tumango naman siya at napansin kong may hawak din siyang photo album na pastel green ang kulay tapos may mga shining heart shapes na design.

Kinuha ko sa kanya iyon. "Maganda rin yan!"

"Akin yan eh!" Reklamo niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano gagawin mo dito?"

"Lalagay ko wacky at epic na pictures mo," nang-aasar na sabi niya. Binalik ko sa kanya at saka kumuha ng iba.

Tatlo ang napili ko dahil para sa mga pictures namin ng mga kaibigan ko. Para sa amin dalawa ni Kyle at para sa mga photography ideas ko.

Buti na lang ay may dalang backpack si Kyle dahil baka mahirapan kung wala. Habang nilalagay ko sa loob ng backpack niya ang nabili namin, napansin ko na may laptop sa loob.

"Ba't may dala kang laptop? Ano gagawin mo?" Tanong ko pagkatapos ko isara ang zipper ng bag.

"Basta. Mamaya papakita ako sa 'yo," sagot niya.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at saka dumiretso na sa food court. 'Di pa man kami nakakalibot ay amoy na amoy ko na ang mga iba't ibang klase ng street foods. Pati na rin ang amoy ng mga iniihaw na isaw, dugo, leeg, at iba pa. Napalunok ako dahil naramdaman ko na ang gutom.

Nag-stop kami sa ihawan section at saka niya ako tiningnan.

"Ano gusto mo?"

"Isaw saka pork," sagot ko naman. Tumango siya at kumuha na ng mga pinili namin na kakainin. Nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay ko kahit hirap na hirap siya sa pagkuha.

"Tulungan na kita."

"Okay na," sabi niya at saka binigay sa nag-iihaw ang order namin.

Tumabi naman kami pareho sa gilid para 'di nakakaabala sa dumadaan habang hinihintay na maluto ang pagkain namin. Lumipas ang mga twenty minutes after maluto ng mga inihaw.

Binigyan kami ng magkahiwalay na baso para sa sawsawan at saka kinuha yung plato na may laman na inihaw. Hawak hawak ko ngayon ang dalawang baso na may sauce at yung plato naman na kay Kyle. Naglakad kami papunta sa may bench para 'di mahirapan sa pagkain.

"Bili lang ako inumin," sabi niya after niya binaba yung plato. Tumango naman ako at saka umupo sa bench.

Habang hinihintay siya ay kinuha ko ang phone ko at saka kumuha ng ilang photo shots. Ang ganda gawan ng journal ng mga tao dito. Medyo marami kasi ang tao dahil nga holiday. Nag-eenjoy lang sila at nagrerelax.

Pagkarating niya ay kumain na rin kami. Ang sarap talaga ng lasa ng inihaw dito. Lalo na yung isaw. After namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit sa bench. Nahagip pa nga ng mata ko ang dalawa kong kaibigan na kumakain malayo sa amin.

"Tara! Picture tayo do'n," aya ko kay Kyle. May mga 3D letters kasing nakalagay sa gitna ng field tapos 'Clark' yung mababasa mo.

Tumango naman siya at saka inakbayan ako papunta do'n. Ginamit namin yung DSLR para maganda ang quality. May mabait din na babae na nag-offer na picture-an kami.

"Thank you po," sabi ko after nila maibalik ang camera sa akin.

Pagkatapos no'n ay hinila niya ako pabalik sa upuan. Medyo nagdidilim na rin at kita na rin ang sunset sa may banda namin.

"Balik muna tayo sa upuan. Mamaya pa naman magstart ang banda. May papakita muna ako sa 'yo," sabi niya habang nakangiti at hawak hawak ang kamay ko.

Pagka-upo namin ay inalis niya ang bag niya sa likod at inilabas ang laptop. Lumapit naman ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya habang siya ay busy na binubuksan ang laptop.

"Ano ba yun?" Tanong ko.

Napamulat naman ako nang makita ko ang display background ng laptop niya.

"Kyle!" Inis na sabi ko habang pinapalo ang kamay niya.

"Bakit?" Tanong niya habang natatawa sa itsura ko.

"Anong klaseng background 'yan! Ang panget ko dyan eh!" Reklamo ko tapos ay tawa nalang siya nang tawa.

Sino ba naman ang hindi magugulat kapag nakita mo ang wacky pose mo sa display background ng laptop!

Pagkatapos no'n ay bigla siyang pumunta sa chrome. Nakita ko na may pinindot siyang parang website at saka unti unting nagloading. Naka connect pala sa phone niya kaya may internet.

Napatakip ako ng bibig at nagliwanag ang aking mga mata nang bumukas ang website na pinindot niya.

"Hala!" Sabay palo ko sa braso niya.

"Sabi mo gusto mo magkaroon ng website 'di ba? Ayan na," masayang sabi niya sabay turo sa screen.

Nanatili pa rin akong gulat at 'di alam ang gagawin. Unti unti naman namuo ang mga luha sa mata ko.

"Hala! Totoo ba yan? Baka fake yan ah!"

Natawa naman siya sa sinabi ko. Binigay naman niya sa akin ang laptop.

"Eh 'di tingnan mo kung fake!"

Hinawakan ko nang mabuti ang laptop at tiningnan lahat nang nandoon sa website.

'Thea's Journal'

>Profile
>Categories
*Photography
*Stories
*Journal
*Articles
>About

"Hala! Totoo nga!" Pinindot ko isa isa ang nasa categories at nakita ko may iilan ng uploads sa Photography.

Naiiyak pa rin ako nang binalik ko sa kanya ang laptop. Pagkakuha niya ay yinakap ko siya nang mahigpit habang naluluha pa rin.

"Thank you, Kyle," bulong ko sa kanya.

"Ayos lang ba yung style?" Tanong niya. Tumango naman ako at binaon ang ulo ko sa dibdib niya.

"Ang ganda! Ang galing! Salamat ah," sabi ko habang nanatiling nakayakap sa kanya.

"Wag ka mag-alala ituturo ko kung paano 'yun paganahin."

Hindi ko tinanggal ang yakap ko. Sa sandaling nakayakap ako ay may nabuong desisyon sa isip ko. Desisyong kailan man ay alam kong 'di ko pagsisisihan.

Maya maya ay narinig na namin ang tunog sa stage. Hudyat na magsisimula na ang performance ng isang band.

Tinanggal ko ang pagkayakap ko sa kanya at pinunasan ang mga natirang luha sa mukha. Inayos ko muna ang sarili ko bago kami pumunta sa may bandang stage. Sigurado ay nando'n na rin sila Kath.

Tumayo na kami at hinawakan niya ulit ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay may naalala akong sinabi niya.

"Eh ano yung kapalit, Kyle?"

Napalingon siya nang marinig ang tanong ko. "Eto! Yung date natin," sagot niya sabay ngiti sa akin.

Napangiti rin naman ako nang marealize ko na ang simple lang ng gusto niya. Napakalaking bagay ng ginawa niya para sa pangarap ko tapos simpleng date lang ang gusto niyang kapalit.

Madilim na nang magsimula ang kantahan. Tatlong lalake at isang babae ang nasa stage ngayon na nagpeperform. Naka-pwesto kami sa bandang unahan at gitna. Nakikisabay naman ako kapag alam ko yung song na pinapatugtog.

Ilang saglit ay pinatutog ang kantang 'Leaves by Ben&Ben'. Naramdaman ko naman ang unti unying pagyakap ni Kyle mula sa likod ko. Hinawakan ko rin ang kamay niya na nasa harapan ko.

Napakaganda sa pandinig ng kanta. Para kang dinadala sa paraiso ng kapayapaan dahil sobrang relaxing pakinggan.

"Leaves will soon grow from the barenes of trees…" pagsabay ko sa kanta.

"And all will be alright in time," sabay naming kanta ni Kyle.

Humarap ako sa kanya at ngumiti habang nanatiling pinapatugtog ang kanta.

"Kyle," tawag ko. Nanatili naman siyang nakatitig sa akin.

"Hmm?" Nakahawak siya ngayon sa bewang ko at paminsan minsan ay sinasayaw ako nang dahan dahan.

"I love you," malambing na sabi ko.

Napamulat naman siya ng tingin sa akin at saka namula ang kanyang mga pisngi.

Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at dahan dahang yumuko at inilapit ang mukha sa akin. Naramdaman ko naman ang dampi ng kanyang labi sa aking noo.

Yumakap ulit ako sa kanya at sinabing, "Sinasagot na kita."

~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top