Chapter 9
A M I H A N
UNTI-UNTI nang lumiit sa paningin namin ang kotse na sana ay sasakyan namin para makatakas sa mga panget na germs.
I can't believe they really left without me.
And why on earth did Arc get off the car?!
"Bakit hindi ka pa sumama?!"
"Mamaya na tayo mag-away. Kailangan muna nating makaligtas dito-" he was cut by a growling sound coming from an old man looking so hungry as hell.
Mabilis na ikinasa ni Arc ang baril na hawak niya at agad na pinaputukan ang matandang lalaki.
Bakit ba ang galing nitong humawak ng baril? I don't remember him learning how to hold a gun before. Let alone shoot it!
Syempre hindi iyon pinalagpas ng mga kumag na germs at nagsilapitan na sila dito sa pwesto namin.
When did they all get here?!
Alam ko ring may pagka-basag ulo itong ex ko but he looks so fearless right now sa ginagawa niya.
"Anong ginagawa mo?!" Hindi niya ako pinansin. Hinawakan niya lang ang pulsuhan ko at patuloy na binabaril ang mga sumasalubong sa amin.
"Let go of my hand so I can help!" Marahas kong inalis ang kamay ko mula sa hawak niya at tumulong sa pagpapatumba ng mga panget.
I just kept on swinging my racket against their faces. Hindi ko na sinisigurong tatamaan ko sila sa leeg, ang mahalaga ay makatakas kami mula sa kanila.
But Arc's aiming at their necks and missed no shot.
Shet this gruesome scene.
Isa pang dahilan kung bakit ayoko silang tawagin na zombies? They don't really look like a zombie at all. Sobrang panget nila at halos hindi mo na makikilala dahil sa nabubulok nilang mukha na parang nasunog at patuloy na nagdudugo. Parang isang ihip na lang ng hangin ay mapupunit ang mukha nila.
Sa hindi kalayuan ay natanaw namin ang marami pang parating na mga germs. Shet na malupet, ang dami nila!
"Amihan!" Nagulat ako nang makitang pasakay na si Arc ng motor. Saan na naman siya nakahagilap non?!
Ay shet, ninakaw niya iyong rechargeable bike ng kapitbahay namin!
"Bilis!" Hindi ko na inisip pa na magnanakaw siya dahil sa ganitong pagkakataon talagang makakagawa ka ng kasalanan.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at umangkas bago niya ito pinaandar.
"Arc! May mga humahabol pa!" Pinalo-palo ko ang likuran niya.
"Barilin mo!"
"Ano? Teka hindi ako marunong!"
Bigla nalang niya iniabot sa akin ang baril at bumalik sa pagmamaneho niya. Kahit hawak ko na ang baril ay hindi ko naman alam ang gagawin!
Nawalan na naman ang tapang ko kanina, shet.
"Kaya mo 'yan!"
Kaya mo 'yan!
Kaya mo 'yan! Titirahin mo lang iyong shuttlecock!
You can do it, Amihan!
I told you!
Ang galing naman ng Amihan ko...
Shet. Tama na ang flashback, Amihan.
Inasinta ko kaagad ang baril gamit ang kanan kong kamay habang ang kaliwa naman ay nakapulupot sa bewang ni Arc. Baka mahulog ako ng wala sa oras!
"Baril na! Bilis!"
"Ito na! Ito na!"
Isipin mo na lang Amihan, shuttlecock sila gaya ng kanina...
Isa... Dalawa... Tatlo!
"Shet Arc! Wala nang bala!"
"Kapit!" Awtomatikong napayakap ako sa kaniya ng mahigpit nang sabihin niya iyon kasabay ng pagharurot ng sinasakyan namin. May nabangga pa kaming isang panget at maya-maya pa ay lumiit na rin sila sa paningin ko. Lumiko rin si Arc sa kabilang daan kung saan wala na kaming nadatnang mga panget.
We finally escaped.
That one street.
"Wala nang charge ito..." Ilang beses niya pang pinaandar ang sinasakyan namin pero bumigay na talaga ito.
Bumaba ako mula rito habang hinahabol ang hininga saka napasapo sa noo ko.
"We're helpless."
"No. Babalik sila." Sinamaan ko siya ng tingin.
Muntik ko nang makalimutan.
"Really? In the first place, bakit sila umalis?!"
"It's not what you think, Amihan. Huwag mo silang idamay lahat. It's just that-"
"Is it Keva?"
Hindi siya nakasagot. I just smirked in disbelief and rolled my eyes. Ano pa bang inaasahan ko?
"I knew it. Gaano ba ako kaayaw ng girlfriend mo? Is it because I hugged you back? Ah hindi. Matagal niya nang ayaw sa akin, hindi ba?"
"Amihan..."
"I can't believe na hanggang sa ganitong sitwasyon si Keva pa rin ang pinag-aawayan natin."
Wala na. Talo na naman ako. Natalo na naman ako ng emosyon ko. Umiiyak na naman ako na parang tanga.
"I'm sorry..."
"Bakit ka nagso-sorry? Dahil lagi mong pinagtatakpan si Keva? O dahil pinagpalit mo ako kay Keva? Can you make everything clear to me, Arc? Naguguluhan kasi ako. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit at paano tayo nauwi sa ganito. Kasalanan ko ba?"
"No, Amihan. Don't blame yourself. Kasalanan ko..." Natigil ang pag-uusap namin nang may tumigil na sasakyan sa harap namin.
"Arc, Amihan!" Pagtawag ni Pierce na katabi ni Belinda na siyang nagmamaneho. Nasa likod pa rin sina Alixe at Keva na naka-halukipkip pa.
I don't know anymore.
Why am I even in this thesis team?
ㅡ
"Amihan, gising."
"Ano ba, inaantok pa ako."
"Ano papabuhat ka na lang sa grupo?"
"Pabayaan mo nga ako, Pierce. Inaantok ako huwag kang magulo."
"Putangina, Amihan tatanggalin na kita sa thesis natin."
"Edi tanggalin mo-"
Ang kaninang pikit na pikit kong mata na tila ayaw nang dumilat dala ng kaantukan ay awtomatikong napadilat nang marinig ang sinabi ni Pierce.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang laging galit na itsura niya. Hindi pala siya laging galit, ganoon lang talaga expression ng mukha niya.
Pero teka.
Iniikot ko ang paningin ko nang makaayos ako ng upo. Singkit mata kong pinag-aralan ang lugar bago tiningnan ang sarili ko.
"The heck?" Kinapa-kapa ko ang sarili ko saka tumayo at dumungaw sa transparent the malaking bintana. Muli akong bumaling kay Pierce.
Ah hindi, sa kanilang lima.
Why are we here? Bakit nasa school kami at ang ayos ng mga itsura namin?
"What's wrong with you?" Inirapan ako ni Keva saka siya naghalukipkip. Hindi naman nagsalita si Arc habang si Belinda naman ay tahimik lang na tumitipa sa telepono niya. Tulog naman si Alixe.
Teka, bakit ganito? Nananaginip ba ako ngayon o panaginip lang ang mga nangyari kanina?
"Kanina pa ba akong tulog?" Tanong ko sa kanila pero masama pa rin ang tingin sa akin ni Pierce.
"Ano sa tingin mo?"
Shet na malupet! Panaginip lang pala lahat!
Akala ko katapusan na ng mundo.
Akala ko totoong may mga panget.
Akala ko wala na si Aloha.
Akala ko totoo lahat... Buti nalang...
Pero ibig sabihin sila pa rin ang mga kagrupo ko sa thesis? Tch. Walang takas ah.
Bahala sila. Basta ako magbibilang na lang ng butas ng raketa ko.
"Ninety-six." Halos malaglag ang puso ko nang marinig si Belinda na bigla na lang nagsalita.
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.
"Ninety-six ang butas ng raketa. Minsan seventy-two." Paliwanag niya.
"Ah..." Marahan kong ibinaba ang gawak kong raketa, tutal sinagot niya na rin ang dapat kong gagawin.
"Pierce? Nagdudugo ang braso mo..." Kunot-noo kong puna nang mapansin ang braso ni Pierce. Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ito.
Hindi naman ako concerned sa kaniya. Naalala ko lang ang panaginip ko-
"Hindi ka nananaginip." Napalingon ako kay Alixe na nagising na pala. Nag-uunat pa siya habang humihikab bago ulitin ang sinabi niya kanina.
"Hindi ka nanaginip, Amihan."
"What?" Ibinalik ko kay Pierce ang tingin ko. Namumutla siya at napadaing sa sakit nang hawakan niya ang sariling sugat.
No... Tell me this is not a dream. I mean, iyong tungkol sa mga panget na germs lang ang panaginip, 'di ba?
"Amihan." Napaurong na lang ako nang makitang anim na lang ulit kami sa loob ng silid. Napatingin ako sa sariling suot at nakitang puno ito ng dugo.
"Miss Diez?" We all looked at the door entrance where Mam Sison stands while holding a familiar bottle Belinda said started it all.
Shet.
"Amihan... Amihan... Amihan gising!"
Sa pangalawang pagkakataon ay iminulat ko ang mga mata ko pero hindi gaya kanina, kadiliman lang sumalubong sa akin ngayon.
"Alixe..." Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko pati na rin ang malamig na pawis na tumutulo sa leeg ko. Naupo ako ng maayos at iginala ang tingin.
Nasa loob ako ng kotse katabi ang natutulog na si Belinda. Tumingin ako sa likuran at nakitang tulog rin iyong tatlo.
"Bakit nasa labas ka?" Tanong ko nang makaupo ako ng maayos at tuluyan nang nagising ang diwa.
"Ginigising kita kanina kasi parang binabangungot ka. Hindi ka magising. Kaya lumabas na ako para gisingin ka mula rito."
Ang haba ng sinabi niya.
Pero bangungot? Ito yata ang bangungot para sa amin.
Bumaba ako mula sa kotse at malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Sobrang dilim na pala at walang tao o mga panget sa paligid.
"Anong oras na, Alixe?"
"7:36pm."
Napabuga na lamang ako ng hangin nang malaman ang oras. Naaalala ko na. Mga ala-sais kami naubusan ng gasolina at tumigil dito sa tabi ng karsada.
We lost track already of where exactly we are. Ang alam lang namin ay nakalabas na kami sa lugar namin. Gayong may mga nadaanan kaming bahay ay hindi kami naglakas ng loob na kumatok dahil hindi namin alam kung tao ba ang dadatnan namin sa loob o ano.
I know we were supposed to go to a parking lot pero mali ang inisip naming walang tao doon or at least sa nakita naming parking lot. We were outnumbered.
It seems like the virus has spread real bad.
Hindi ako tanga para hindi sumama sa mga kasama ko ngayon dahil lang sa inis ko. I'm not Keva, I'm not stupid.
Nakipagpalit na lang ako kay Pierce ng upuan kanina kaya magkatabi kami ni Belinda.
It doesn't feel real at all. Sa daming nangyari pakiramdam ko nananaginip lang ako.
"Hehe," napalingon ako kay Alixe nang marinig ang pagtunog ng tyan niya na sinundan rin ng akin.
Hindi pa pala kami kumakain.
"Hinintay ko lang na may magising bago ko buksan."
"Ang alin?"
Pumasok siya saglit sa loob ng kotse at pagbalik ay may bitbit na siyang lalagyan. Iyon ang kanina niya pang dala galing sa bahay namin. Ano bang laman noon?
Puro pagkain pala ang laman ng dala niya. It's not that much pero okay na rin kaysa wala.
Kung hindi kami mamamatay sa virus, baka sa gutom kami mamatay.
Buti na lang kagrupo ko si Alixe.
"Bon appetite." Napatawa na lang ako sa sinabi niya saka kami kumain habang nakasandal sa kotse.
"Ang crazy, ano?"
"Sinabi mo pa."
Nakatingin kami sa kawalan habang ngumunguya. Nilisan na saglit ng takot ang mga katawan namin dahil sa tahimik na paligid na parang walang kalokohan na nangyayari.
"Condolence..." Napatingin ako sa kaniya.
"You lost your precious friend because of this crazy situation."
I chose not to answer him about Aloha.
"Hindi ko pa rin maintindihan kung paano nangyari lahat ng bagay na ito. Everything feels surreal." Laglag balikat akong napabuntong hininga.
"Sa libro ko lang ito nababasa dati. Tapos ngayon... Hehe, astig." Seryoso ba itong kasama ko? Astig para sa kaniya ang mga ito?
Weird talaga neto.
"Pero sa tingin mo Amihan, gaya ba ng ibang zombie movie, magiging zombie rin ba tayo kapag nakagat tayo?" Napaisip din ako saglit.
"It's either we get infected or just die right away."
"Ikaw, Amihan? Would you rather die or get infected?"
"There's no way I will let myself die here." Mabilis kong sagot. Naramdaman ko ang pagsara ng sarili kong kamay dala ng nararamdaman ko. This day is already exhausting and the thought of dying here angers me.
"Baligtad tayo." Nawala ang higpit ng pagyukom ng kamao ko nang lingunin ko si Alixe. Nakatingin lang siya sa tinapay niya suot ang malungkot na itsura.
That's the second time I saw him like that. Definitely not the loud and annoying Alixe in class.
"I would rather die than get infected. Ayokong dumating sa punto na ako naman ang papatay o kakagat ng inosente." Tumingin siya sa akin saka kumurba ang tipid na ngiti sa labi niya.
"Paano nalang kung kapatid ko ang makagat ko? Iiyak iyon."
I lost it. He's so innocent.
Naputol ang usapan namin nang may maaninag na paparating ng liwanag. Chill, hindi pa kami kinukuha. May paparating na puting van sa pwesto namin!
Kung wala lang apocalypse ngayon ay iisipin kong mangunguha sila ng bata pero hindi sa ngayon. Tumigil ang puting van sa tapat namin pero sa hindi kalayuan. Nagpalitan kami ni Alixe ng tingin saglit. Hindi naman nagising iyong mga nasa loob.
"Humingi tayo ng tulong." Mabilis na gumalaw si Alixe pero pinigilan ko siya.
"Paano kung masamang tao sila?" Tanong ko bigla. Ewan ko ba pero nawawalan na ako ng tiwala.
Even Arc who I loved the most betrayed me. Paano pa kaya ang mga hindi naman namin kilala?
"Baka naman mabait." Ngumiti si Alixe at lumapit doon. Wala akong choice kundi ang sundan siya.
Hindi pa man kami nakakalapit ay ibinaba na noong driver ang bintana ng sasakyan. Dalawa sila sa loob na nakaitim. Pero mukhang kasing edad lang namin sila.
"Kuya, patulong. Naubusan kami ng gasolina." Pakiusap ni Alixe na akala mo naman magkakilala sila ng nagmamaneho.
Ngumiti ang driver na parang walang kalokohang nangyayari sa mundo. How can someone smile that bright amidst this shit?
"Kailangan rin namin ng tulong." He shifted his gaze from Alixe to me. Sumilip din iyong katabi niya pang isa saka kumaway sa akin.
The heck? Kilala ko ba sila?
"Alixe, tara na." Hinigit ko si Alixe nang makatalikod ako pero hindi na siya makagalaw kaya agad akong bumaling sa kaniya.
Shet.
"Sasakay ka o pupugutan ko ng ulo itong kasama mo?" The all-smile guy from earlier said, aiming his knife at Alixe's neck.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top