Chapter 8

A M I H A N

Tatlong germs.

Tatlong mga pangit na nilalang na inuuod na ang balat.

Three freaking zombies are outside wandering as if looking for prey.

We are in advantage this time, we outnumber them but not for long. Hindi ganoon kalayo ang apartment ko mula sa school kung saan sila nagkalat kaya siguradong mamaya lang ay dadami na sila.

"We are all packed." Pierce went to me to say the progress of what I instructed them to do.

Pack whatever is helpful for survival.

We are going out of this apartment.

Papunta saan?

Hindi rin namin alam.

"We are gonna die if we get out of here. Hindi niyo na naiisip iyon? Those people- those zombies look more than hungry!" Bulalas ni Keva na siyang walang naiambag sa plano namin.

"Mas mamamatay tayo kung mananatili lang tayo rito." Sagot ko sa kaniya saka bumaling doon sa iba.

"We are running out of time. We need to leave as soon as possible. Sa sasakyan na natin pag-usapan kung saan tayo pupunta. Ang mahalaga ay makaalis tayo rito." Paliwanag ko sa kanila na sinundan ni Pierce.

"It doesn't have to be somewhere familiar. Just anywhere far from here and safer."

"May ideya ako." Sunod na nagsalita si Arc na siyang tiningnan namin.

"Why don't we go to a parking lot? Hangga't wala pa tayong bagong hideout, we at least need a more comfortable mobile car."

"I agree," pag sang-ayon ni Belinda saka itinuloy ang sinasabi niya.

"There's a least possibility na may tao sa parking lot. Besides, the car we just used will not last that long." Tumango ako sa mga sinabi nila saka kinuha mula sa lamesa ang raketa ko.

I re-designed it. The worst racket design I have ever seen but at least, much more functional one. Nilagyan ko ng mga pako ang frame nito gamit ang alambre bilang pampulupot.

On the other hand, Pierce has his grass cutter, Arc has his bow and arrow around his body and a gun in his pocket. Belinda took some knife from my kitchen cabinet and Keva has nothing.

Una siyang mamatay, pupusta ako.

"Ang tagal naman ni Alixe." Puna ko nang mapansing wala parin si Alixe. Nag-paalam lang siya na iihi saglit pero hindi pa siya bumabalik.

We need to move now hangga't hindi pa naaamoy ng mga hayop na may tao dito sa loob.

Hindi pa man nakaka-isang minuto mula nang hanapin ko si Alixe ay nakarinig kami ng ingay mula sa direksyon kung nasaan siya. At least I know where exactly the sound is coming from. Ramdam ko ang kaba sa puso ko pero mabilis iyong napawi nang dumating si Alixe na nagpupunas pa ng kamay sa pants niya.

"Sorry, ibang kalikasan ang tumawag sa akin. Hehe."

I can't with him. He still looks joyful and hopeful in the middle of this shit.

"I thought something happened to you." Seryosong sabi ni Belinda na nagpakamot sa ulo ni Alixe.

"We have to g-"

Hindi pa natatapos ang sasabihin ko nang makarinig na naman kami ng ingay sa parehong direksyon gaya kanina.

Our eyes autmotically met upon hearing the noise. Alixe quickly hid behind Belinda while Keva stepped back.

"I closed the back door..." Belinda said, while Pierce took a stronger grip on his grass cutter.

Nagtama naman ang tingin namin ni Arc.

Alam niya rin kung saang sulok ng bahay ko nanggagaling ang ingay.

Aloha's room.

Our hunch was confirmed when a familiar bloody figure walked to the living room with her slow steps. Her eyes are fixed on one direction, not ours. But although we cannot see her face clearly, we know that most of the blood gliding down on her face and dress is coming from her forehead.

"I'm sure the arrow struck through her head..." Mahinang sabi ng Pierce habang marahan kaming naglalakad palayo sa direksyon ni Aloha.

Maingat ang bawat hakbang namin gayon na rin ang bawat galaw na ginagawa namin.

They must be having one thought right now... To escape.

And that's only one of my thoughts at this moment.

I have already seen her "die" once before me. I don't think I can still endure another one.

"Shit." Lahat kami ay napalingon sa nabasag na vase sa sahig na kagagawan ni Keva.

Wala na ba siyang maiitulong sa amin?!

"Hss.. Ssk!!"

Aloha's my best friend.

But the girl before us is no longer Aloha..

"A-Amihan." Pagtawag ni Arc nang higitin ko mula sa bulsa niya ang baril. Mahigpit ang hawak ko rito habang nakatutok kay Aloha na nakatingin na sa direksyon namin.

"Labas na." Utos ko.

"Paano ka-"

"Labas na sabi-" Sa isang iglap ay nawala sa kamay ko ang baril na ngayon ay hawak na ni Belinda.

"You need to at least pull the trigger."

And a loud shot was heard.

But that did not end Aloha.

"What the actual fuck? Aren't zombies supposed to die in a head shot?!" Bulalas ni Pierce na nagpa-panic sa amin.

Think, Amihan... Think-

"N-neck.."

"What?" Humarap ako kay Belinda saka lumunok saglit at inulit ang sinabi ko.

"Shoot her in the neck." Buong loob na sabi ko, then another shot was heard.

"Y-you guys know zombies are sensitive to sounds, right?" Pagakasabing-pagkasabi ni Alixe noon ay nakarinig kami ng hindi magandang tunog kaya agad na kaming nagpunta sa back door bitbit ang mga gamit namin.

Pinauna ko na sila para magabayan ko sila sa mula sa likod tutal ako ang may ari ng bahay na ito.

Before I closed the door, I still saw Aloha. She's now gone. I probably lost her already since earlier but now, she's really gone.

And it was not Belinda who finished her.

It was me.

N A R R A T I O N

"Bilis, sakay." Utos ni Amihan sa mga kasama niya habang ang atensyon ay nasa lalabasan nilang bahay.

She's throwing things against the wall and on the floor to get the attention of the walking corpse so they can gather them close to the apartment while they find their way out.

Little did they know, hindi na lamang tatlo ang kalaban nila. The gunshot was enough to get the attention of their unwanted guests.

Sumunod si Arc sa kotse tapos si Pierce naman sa harap katabi ni Belinda. Alixe refused to take that seat because he might die earlier than expected dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Belinda.

When they got inside, Keva quickly closed the door of the car despite knowing that Amihan's not yet inside.

"Drive. Now." Bigla na lang niyang tinutukan ng baril si Belinda. Iyong baril na kinuha pabalik ni Arc kanina.

"What the fuck Keva? Si Amihan pa!" Aligagang sumilip sina Alixe, Pierce at Arc sa car window at nakita si Amihan na hindi maipinta ang mukha.

"Amihan..." Sambit ni Arc.

"Look!"

Hindi kalayuan sa kotse na sinasakyan nila ay may isang lalaki na nakatayo lang. Puno ng dugo ang suot nitong damit at parang ulo ng manika na lumingon ito sa kanila. Iyong hindi na kailangan pang igalaw ang leeg. Butas butas ang mukha nito at mukhang lapnos na. Parang gutom na gutom itong nakatingin sa direksyon nila.

"I said, drive!"

"Putangina, Keva! Ano ba?!" Inis na sigaw ni Pierce. Hindi naman makapagsalita si Belinda dahil may nakatutok na naril sa ulo niya. Lalo namang walang magagawa si Alixe.

Si Arc naman...

"Belinda... Mag-drive kana." Utos niya sa babaeng nagmamaneho.

"What? Amihan's still outside!" Bulalas ni Pierce.

"Oo nga! Siya ang nagliligtas sa atin tapos iiwan natin siya? Nasaan brain niyo?" Tanong ni Alixe.

"Ako na bahala."

"What-"

Bigla nalang inagaw ni Arc ang baril mula kay Keva at dali-daling lumabas ng kotse. May sinabi pa siya kay Belinda bago niya tuluyang isara ang pinto ng kotse.

There's no way he will leave Amihan right now.

Not again.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top