Chapter 4

A M I H A N

"Look, paubos na ng paubos ang mga zombies sa baba. They are all coming here!" Mas nataranta ang lahat dahil sa sinabi ni Keva. Tulad kanina ay unti-unti kaming nakaramdam ng pagyanig dahil sa mga paakyat dito sa rooftop.

Shet dudumugin kami rito!

"Wait, that's a good news." Ani Pierce. Habang nagtataka ang ilan sa sinabi niya, mabilis ko naman itong naintindihan.

We couldn't use the fire exit stairs kanina dahil napakarami nila sa baba. But now that they are all coming here using the building's stairs, then we can use the fire exit now!

"You have to get down as fast as you can dahil siguradong makikita nila kayo mula sa loob. Who knows? Baka may umakyat na rin gamit iyan." Tumango kami kay Pierce bilang pagsang-ayon.

"Tulong naman!" Mas lumakas ang sigawan dito sa rooftop nang halos bibigay na ang pinto. I took a strong grip on my racket as if anytime ay handa na akong iwasiwas ito.

I noticed Pierce looking down like he's searching for something. Bigla nalang niya kaming nilagpasan at pagbalik niya ay may hawak na siyang grass cutter.

Genius.

Bermuda grass nga pala itong tinatayuan namin so for sure may grass cutter dito. I looked around and saw more tools that we can use as weapon against those panget germs.

"LISTEN!" Since there's no point of lowering our voice now, Pierce shouted to get everyone's attention.

Maging ang mga nakaabang sa pinto ay nilingon din siya habang pinoprotektahan pa rin ang pinto.

"Grab anything you can use to kill."

Shet, we are really going to kill.

"Lahat ng hindi kayang lumaban, gamitin ang fire exit." Nilingon niya kaming lima habang malakas parin ang boses para marinig ng iba. Una si Keva na ex niya, sunod si Belinda, at huli ay ako.

"At lahat ng kayang lumaban, lumaban." Sunod niya namang tiningnan sina Alixe at Arc.

Nagkaniya-kaniya na ngang kuha ng mga magagamit nila sa paligid ng rooftop habang ang iba naman ay naghanda na sa pagbaba. Most girls gathered together and are ready to go down while most boys got ready to fight.

"Wait," we looked at Alixe whose sweat's over his face and neck.

"Hindi ako marunong lumaban..." Umiling-iling siya.

I rolled my eyes after hearing what Alixe said. Ano bang ie-expect namin sa kaniya? Puro lang siya daldal sa classroom at never ko pa siyang nakitang makipag-away.

Unlike Pierce and Arc. They're physically capable of fighting since both are athletes. Arc is an archer while Pierce is a basketball player. Also, I already saw them fighting each other who knows why.

"Keep Belinda and Keva safe," bilin ko kay Alixe. Napunta naman sa akin ang tingin nila. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Arc.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya pero hindi ko siya nilingon. Sunod na nagtanong si Pierce.

Nagunat-unat ako saka pinaikot ang raketa sa kamay ko habang humuhugot ng lakas ng loob.

"Sub muna ako kay Alixe."

Dininig ata ng mga germ ang sinabi ko nang tuluyan nang bumigay ang pinto at nakapasok na ng tuluyan ang mga bulok.

Shet. This is it.

"Hihintayin namin kayo sa baba!" Hindi namin sinagot si Alixe at pinababa nalang sila ng mabilis. Dadaldal pa, mamamatay na nga oh.

Everything happened so fast and we lost track already of how many bodies are now lying on the floor. Some are dead bodies and some are those of undead.

Hampas dito, hampas doon. Iniisip ko nalang talaga na shuttlecock ang mga germs na ito. I had a red stain on my white blouse earlier because of the strawberry juice spilled on it. It looked like blood.

But this time, it's real blood.

I never thought this day would come. Kitang-kita ko kung paano iwasiwas at isaksak ng iba ang mga hawak nila to survive on this rooftop.

And we are not even hoping we could kill them all. Ang gusto lang namin ay makababa.

"Amihan sa likod mo!" Mabilis akong tumugon sa sigaw ni Pierce at bumaling, handa nang gamitin muli ang original kong raketa.

Pero...

"A-Arc..." Umalingawngaw ang tunog ng pagputok ng baril. Tanging likod lang ni Arc ang nakikita ko.

Shet na malupet.

Where did he get that freaking gun?!

Nakita ko kung paano bumagsak ang germs na binaril niya. Si Manong Pilar... Ang security guard namin.

"Dumadami na sila..." Anunsyo niya na agad kong sinagot.

"Magpaputok ka ba naman!"

"Tama na ang away! Takbo!" Mabilis kaming sumabay sa iba na tumakbo na rin pababa gamit ang fire exit stairs. May mga sumunod pa sa amin at pilit kaming inaabot pero dahil mukhang matatapang ang mga nagpaiwan sa rooftop ay nakababa naman kaming lahat ng buhay.

Sa ngayon.

"Where the fuck are they?!" Bulalas ni Pierce nang tuluyan na kaming nakababa sa school ground habang nagtatakbuhan ang iba palabas ng campus.

"I can't tell if you are bleeding, Pierce. Are you?" Napansin ko ang patuloy na pagtulo ng dugo mula sa braso niya. Nakatanggal din kasi ang coat niya kaya bakas sa puti niyang damit ang dugo.

Hindi niya na ako nasagot nang biglang may sasakyang tumigil sa harap namin. Nang bumukas ang side window nito ay tinawag kami ni Axile na nasa tabi ng driver's seat.

"Sakay, bilis!" Sigaw niya.

"Saan niyo nakuha iyan?" Tengene ex, tanong pa?

Pero teka.

If Alixe is beside the driver's seat and Keva doesn't know how to drive (alam ko dahil ex ko ang nagmamaneho kapag inihahatid siya), then that means...

"Si Belinda ang magmamaneho?!" Inilabas ni Belinda ang kalahati ng katawan niya para tawagin kami.

"Sasakay kayo o iiwan ko kayo?"

Shet.

"BELINDA!!!!!!!"

Gustong-gusto na naming takpan ang mga tainga namin dahil sa kanina pang malakas na sigaw ni Alixe na akala mo kinakatay siya ng buhay.

Pero hindi namin magawa dahil mahigpit din kaming nakakapit sa seatbelt namin at sa kung ano pang pwedeng hawakan dito sa loob ng kotse.

I thought Belinda is an angel but she's a freaking reckless driver na maaaring pumatay sa amin anytime dahil sa bilis ng pagmamaneho niya.

I feel betrayed. Kanina sobrang bagal ng takbo niya pero ngayon ang bilis niya magpatakbo ng sasakyan!

"Chill Belinda! Wala nang humahabol sa atin!" Sita ni Pierce na kanina pa ring umiinda ng sakit. Nakaupo siya sa kanan ko at ako naman sa tabi ng bintana.

Natamaan lang naman siya ng isa sa mga estudyante kanina dahil napagkamalan daw siyang germs noong nakatalikod siya. Tamang nasaksak lang din ng grass cutter sa likuran ng braso niya.

Unti-unting bumagal ang pagtakbo ng sasakyan. Kasabay noon ang paghabol ni Alixe sa hininga niya. Tumingin ako sa harap na salamin at nakitang kalmado lang ang mukha ni Belinda.

That merciless driver just hit countless germs a while ago while driving. Para ngang hindi na siya kumukurap at focus na focus sa pagmamaneho.

"Where are we going now?" Tanong ni Arc na hawak-hawak ang kamay ni Keva na siya namang sunod na nagsalita.

"We should go home. Siguradong nag-aalala na sila Mommy and Daddy sa akin..." Umiiyak niyang sambit.

Kahit inis ako sa kaniya ay naiintindihan ko siya. Buo ang pamilya ni Keva dito sa Pinas. Arc on the other hand has his Mom abroad and his father hospitalized here in the Philippines. Hindi ko lang alam kina Pierce, Belinda, at Alixe.


"I live with my brother pero hindi ko kailangang mag-alala sa kaniya. He fucking have a gun at home at expert siya sa mga shooting games." Sabi naman ni Pierce.

"I live alone." Ani Belinda.

"I have a younger sister." Lahat kami ay napatingin kay Alixe na sa unang pagkakataon ay lumungkot ang mukha. Bumalik din agad ang atensyon ni Belinda sa pagmamaneho habang nagsalita namang muli si Alixe.

"Pero wala siya rito. Nasa probinsya siya. Natatakot lang ako na baka hindi na ulit kami magkita. Kasi 'di ba, hindi naman natin alam kung kailan tayo mamamatay dito." He laughed bitterly.

Napasandal na lamang ako at napasubsob sa dalawa kong palad.

Hindi ako umiiyak. Pagod lang talaga ako sa bakbakan kanina at I feel so drained already with what's happening.

Kahit mahaba ang sinabi ni Alixe ay nasundan ko iyon. He has a point. Hindi namin alam kung kailan kami mamamatay dito.

The shit happening right now is enough to drive us crazy. And the fact that it's not just a thought but the reality, mapapa-shet na malupet ka na lang talaga.

"Hello? Mom!"

Napalingon kami kay Keva na may kausap na pala sa cellphone niya.

"Keva? Bakit nagce-cellphone ka? Wala ka bang klase?"

"Walaㅡ what? Why are you asking me about class? The world is ending, Mom! School pa rin nasa isip mo?"

"What are you saying?"

Nagtatakang nagkatinginan kaming lahat saglit bago muling bumalik si Keva sa kausap niya.

"Did you cut class? Kasama mo na naman ba ang Arc na iyan? I told you already! Hiwalayan mo na ang Arc Garces na iyan!"

Hindi makasagot si Keva habang nangingilid ang luha niya. Napatingin nalang ako kay Arc na siyang umiwas ng tingin.

Is this how they treat him?

"Hello, Tita? It's me, Pierce." Walang pagaalangang kinuha ni Pierce mula kay Keva ang telepono at kinausap ang Mommy nito.

"Pierce? Are you with Keva? Thank goodness! Akala ko kasama na naman niya si Arc!" Hindi maalis ang tingin ko kay Arc na nakatingin na lang sa ibaba. I didn't know Keva's Mom doesn't like him.

Why? He's the sweetest person one could ever meet... Ewan.

"Tita, where are you?"

"I am in the office. I was about to attend a meeting kaso tumawag si Keva and she kept on saying weird things. Is everything fine there?"

Bakit ganoon? Bakit parang wala lang sa kanila ang nangyayari?

"Is everything fine... There?" Ibinalik ni Pierce ang tanong at positibo naman ang naging sagot ng nasa kabilang linya.

Pierce explained everything to Keva's Mom in a comprehensive manner. He's a really good speaker, nadadala niya iyon kahit hanggang dito. But his expression tells the other way, kahit maayos siyang nagpapaliwanag ay hindi ganoon ang ekspresyon ng mukha niya.

He's in pain.

"What are you doing?" Tanong ni Keva nang maghubad ako ng coat ko.

Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay itinali ko ang coat ko sa nagdudugong braso ni Pierce. Nagulat pa siya at tiningnan ako pero tumango lang ako para ituloy niya ang pakikipag-usap sa kabilang linya.

I knot my coat, enough to stop his wound from bleeding. Kung hindi ko gagawin iyon ay baka maubusan na siya ng dugo.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo but we will send some help. We will go there."

"No, Mom!" Muling inagaw ni Keva ang telepono.

"Send someone else to give us help. Stay alive, okay?" Saglit pa silang nag-usap.

I know they want to see each other badly but can Keva reserve her battery? We don't know what's waiting for us. Kinuha ko ang phone ko mula sa sariling bulsa at binuksan ito. Bumungad pa sa akin ang litrato naming dalawa ni Arc. We're smiling. We looked so happy.

Agad ko ring pinatay ang phone ko dahil ayokong may makakita sa lockscreen ko. Tiningnan ko lang ang oras. Pahapon na.

"Saan nila kayo makikita?"

We all looked around. Nakalayo na kami sa school pero hindi pa sobrang layo. Isa lang ding lugar ang sa tingin ko ay maaari naming puntahan para sa tiyak na address.

"L-laymon Southville, Block 8." Napatingin sila sa akin na parang nagtatanong kung anong sinasabi ko. Maliban kay Arc na alam na kung saan iyon.

Tumingin ako kay Keva. Walang pag-aalangan niyang inulit sa kabilang linya ang address na sinabi ko samantalang itinago ko naman ang kamay kong nangangatal.

My eyes met Arc's. Nangungusap ang mga mata niya at parang gustong kumunot ang noo.

Napapapikit na lamang ako. What was I thinking?

"Where exactly is that?" Tanong ni Pierce na siya namang sinagot ko.

"My apartment." Tuluyan nang napabuga ng hangin si Arc.

We must be sharing the same thought.

There's a possibility that Aloha's still home.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top