Chapter 3

A M I H A N

"D-dapat na rin ba tayong tumakbo?"

KAGAYA ni Alixe ay napako din kami sa kinatatayuan namin habang parang may kaunting lindol na nararamdaman dahil sa mga paakyat na mga estudyante na silang nagsisigawan.

We are in the third floor and I am not sure if that's a good thing or not.

"Miss Diez..." Nabalik ang atensyon namin kay Ma'am Sison na ngayon ay umaakyat na ang mga rashes sa mukha.

She looks normal aside from her red marks.

But it's starting to bleed.

"Kuhanin niyo ang mga bag niyo..." Mahinang sabi ni Pierce na sinunod rin naman ng iba. Naging maingat ang pagkuha nila sa gamit nila. Nakita kong kinuha na rin ni Pierce ang bag ko dahil medyo malayo ako sa kanila.

"Bibilang akong tatlo," we all slowly stepped back following Pierce's command.

"Tatakbo na tayo?" Minatahan ko si Alixe na hindi ko alam kung saang bulsa na naman naiwan ang utak. Sa harap ng katawan niya isinuot ang bag niya at yakap-yakap ito.

"Isa..."

Bumwelo na kaming lahat sa pagtakbo habang nalakad na rin papalapit si Ma'am Sison.

Shet na malupet.

Her face is badly bleeding. Butas-butas ito at mula sa mga butas na iyon lumalabas ang dugo.

Control yourself, Amihan. You can't throw up here.

"Dalawa..."

Hindi ko alam pero napatingin ako kay Arc bigla. I was surprised to see him looking at me also kahit nasa tabi niya si Keva.

I hate him... I despise him.

But a part of me is wishing he would take my hand so we could run together.

"Tatlo!"

I should be running now...

Shet, Amihan. Bakit nakatayo ka lang?

I saw how Arc grabbed Keva's hand and left mine na siyang nagpapako sa akin sa kintatayuan ko.

"Amihan!"

Saka lang ako natuhan nang sumigaw si Pierce and when I turned to Ma'am Sison, tumalsik sa mukha ko ang sumisirit niyang dugo.

"Shet!" Mabilis akong bumaling at tumakbo papunta sa mga kagrupo ko pero...

"Putang ina, Amihan! Ano na?!"

I went back to get my racket.

"Teka lang, raketa ko! Original 'to!"

Ma'am Sison tried to reach me but I was quick to swing my racket. Nagsilbing shuttlecock ang mukha niya nang tamaan ko ito.

Tanginang 'yan. Ang mahal ng raketang ito tapos mukha ang makikinabang.

Aamba pa sana ako ng isa pero sinigaw na naman ni Pierce ang pangalan ko.

Mabilis kaming tumakbo palabas ng classroom pero hindi pa man kami nakakalagpas ng dalawa pang room ay sinalubong na kami ng iba pang estudyante na nagtatakbuhan din.

Nagtatakip sila ng ilong kaya ganoon din ang ginawa namin kahit na hindi namin alam kung bakit. Nakisabay kami sa direksyon ng pagtakbo nila.

Kung hindi safe sa baba, saan kami?

"Sa rooftop, bilis!" Sigaw ni Arc.

Wow, naisip iyon ng ex ko.

"Bilis ang takbo!" Hanggang dito ay pinanindigan ni Pierce ang pagiging leader niya sa grupo namin. Napansin ko ang magal na pagtakbo ni Belinda kaya hinawakan ko kaagad ang kamay niya.

Hindi lahat ay nagtagumpay na sa pag-akyat. I heard they managed to lock the door to the building kaya sila nakatakbo papasok sa loob. Gayong walang humahabol sa amin, ang dami namang naging hadlang sa pagpunta namin dito sa rooftoop.

Nahulog na lang iyong iba sa hagdan habang pataas kami samantalang ang iba naman ay kung saan na lang tumama sa sobrang siksikan.

It was a crazy marathon.

Muntik pa ngang mahulog si Alixe. Buti nalang nahawakan agad siya ni Pierce. Si Keva at Arc naman, ayon stay strong sa mahigpit nilang hawakan ng kamay.

"What on earth is happening here?!" Sa wakas, ang kanina pang tanong sa isip ko ay naitanong na ng isa sa mga estudyante dito sa taas.

Siguro ay nasa dalawang klase kami rito sa rooftop. Sinaraduhan din nila ang pinto papunta dito at dinaganan ito ng mabibigat na bagay na nakita namin dito sa taas.

"It's getting insane there." May lalaking tumuro sa baba at nang maingat kaming sumilip ay nakita namin kung gaano kagulo doon.

Puno ng dugo.

"Belinda," pagtawag ko sa katabi ko nang mapansing kanina pa siya tumitipa sa cellphone niya.

"May contact ka ba sa labas na p'wede nating mahingian ng tulong?" Tumango siya na nagbigay sa akin ng kaunting pag-asa.

"May kaibigan ako na nasa loob ng isang lab ngayon. He's studying the case from there."

"May kaibigan ka?" Minatahan ko ulit si Alixe sa tanong niya. Tumango naman si Belinda.

"And what exactly is happening?" Tanong ni Keva.

"This world is getting insane," sagot ni Belinda.

"Can we please stop stating the obvious?" Puna ni Pierce at siya naman ang minatahan ko.

"Patapusin muna si Belinda, p'wede?" Inis na sabi ko at inis lang din siyang umiwas ng tingin. Hindi ko rin alam sa aming dalawa. Hindi kami close na as in close, hindi rin naman kami magkaaway na as in magkaaway. We're in between.

"It seems like... People are turning into zombies."

Agad akong napasapo sa noo samantalang nakita ko namang yumakap si Keva kay Arc. Napaismid na lang ako sa narinig at nakita.

"Zombies are not real." Sabi ni Pierce na sinalungat naman ni Alixe.

"Totoo sila sa mga binabasa ko."

"And?" Kahit hindi ako convinced sa sinabi ni Belinda ay hinintay ko paring ituloy niya ang sinasabi niya.

"I think it has something to do with Aloha Morgan's perfume."

What?

Natatawa akong umiling-iling saka pinadaan ang palad mula sa noo hanggang sa dulo ng buhok ko.

"How is this shit connected to Aloha?" I tried not to sound rude but I really feel offended with what she said.

"Not to Aloha. Sa pabango niyaㅡ"

"Pano nga?!ㅡ" I felt Pierce's grip on my arm as he tried to calm me down.

"Hindi ka ba nag-iisip, Amihan? Paano kung marinig nila tayo?" Huminga ako nang malalim at napasilip nalang sa baba.

Crazy...

Ma'am Sison is also down there. I wasn't able to smash her face since I just swung my racket once. The rest look just like her. Parang bulok na ang mukhang puno ng dugo na galing mismo sa mga bukas na nilang balat.

They are groaning and hissing while dragging their dislocated bodies.

Typical zombie appearance...

Is this even possible?

Bukod sa mahirap paniwalaan ang sitwasyon na ito, ayoko ring paniwalaan ang sinabi ni Belinda tungkol kay Aloha dahil kulang din naman ang mga facts na hawak niya.

Besides, she doesn't even know Aloha personally.

But... It's also true that Aloha had the same rashes this morning.

Pero paano kung biktima lang din siya?

Kalahating oras na kaming nandito sa taas and no one dared to check outside the door. Parami na ng parami ang mga nasa baba at sigurado akong masisira din nila ang glass door papasok dito sa building.

If they see us here, I'm sure mauubos kami.

Mayroon din namang fire exit na stairs dito pero ang dulo ng hagdan ay papunta rin sa campus ground kung nasaan sila.

Nakaupo lang kami dito sa bermuda grass at sinisiguradong hindi kami makikita mula sa ibaba. Maraming umiiyak at ang ilan naman ay nagsilbing cursing machine. Ang iba ay tumatawag ng tulong sa cellphone nila pero sinaway lang din sila ng iba dahil baka gumawa sila ng ingay.

And some stayed silent just like us. It's also weird not to hear Alixe speaking but then I realized he was actually sleeping on Belinda's lap.

How can he sleep in this situation?!

I just took the time to look at my group mates.

Nakakatawa.

We actually stick by each other mula sa pagtakbo hanggang dito sa inuupuan namin. I saw some of our classmates who were in the same thesis group pero ibang grupo ang kasama dito sa taas.

Strong na ba kaming anim ng lagay na ito?

"Hindi man lang ako nakakuha ng pabango kanina." Napalingon kami sa nagsalita. Sa hindi kalayuan ay naroon ang babae na tila nagmamaktol.

I know things are getting crazy in here but I am also aware that that girl is an avid fan of my friend.

"I have one." Nanatili kaming nakatingin sakanila na nag-uusap habang may kaniyang mundo ang iba.

Awtomatiko kaming napalingon kay Belinda matapos ilabas ng babae ang pabango niya. Sinagot niya lang kami ng isang marahang pag-iling.

"Lookㅡ tekaㅡ" Muli kaming bumaling sa babae kanina and surprisingly, naroon sa pwesto nila si Arc at ngayon ay hawak na ang pabango na balak sanang buksan noong babae.

"Don't spray it." Mahina at tipid na sabi niya.

Hindi ko alam pero ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag. He looked at me with his always worried eyes na siyang nagpalunok sa akin kasabay ng pag-iwas ko ng tingin.

How did the both of us turn out like this? Just a month ago panay ngiti at yakap kaming dalawa. Ngayon hindi na magtama ang tingin namin.

"Now come back here, Arc." Tawag ni Keva. Arc put the perfume in his pocket. Maliit lang din naman kasi ito kaya kasyang-kasya sa bulsa.

"We are not sure what's happening but that's the safest thing to do." Sa unang pagkakataon matapos ang mga issue sa pagitan naming apat ay may sinang-ayunan si Pierce sa ginawa ni Arc.

I think he really deserve to be the leader of this group. Kung hindi siya, siguro si Belinda. Nagsasalita  naman pala siya, eh. Besides, if I am not mistaken, Belinda's a year older than us. Ewan ko ba, matalino siya pero ang alam ko ay repeater siya. The reason? I don't know.

"Dito na lang ba tayo?" Tanong ni Alixe na ngayon ay may hawak na ballpen at kulay puting journal. Nagjo-journal siya? Ngayon? Sa sitwasyong 'to?

Pero I have the same question. Dito na lang ba kami? It's not like the germs down there won't find us. Hindi pa lang talaga nila kami nakikita kaya safe pa kami sa ngayon.

By the way, I don't believe in zombies so might as well just call the mga panget na germs.

"Mas safe bumaba sa fire exit stairs dahil nakikita natin sila." Suhestyon ni Pierce.

Nakakatawa lang isipin na ganito na nga ang nangyayari pero parang tonong discussion lang kami rito. Hindi rin naman kami kalmado pero kumpara sa mga kasama namin dito, kami lang iyong nasa matinong pag-iisip pa to decide and act reasonably.

"Shit! Shit! Shit!" Napalingon kami sa may pinto nang makarinig ng pagkalampag. Agad itong nilapitan ng iba para pigilan at itulak pa ang mga nakadagan na bagay. Napatayo na rin kaming lahat na puno ng takot.

May dugo na pumapasok sa loob ng rooftop galing sa labas ng pinto.

Shet. I remember Mam Sison's face earlier. Parang gripo lang na naglalabas ng kulay pulang tubig. Masaya sana kung drinkable kaso hindi.

"We're not safe here anymore." Gusto ko sanang ibalik kay Pierce ang sinabi niya kanina na stop stating what's obvious dahil halata namang hindi na kami safe dito.

But it's not like we are also safe down there!

"We have to get out now." Sambit ni Arc.

I know we have to.

But how?!

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top