Chapter 2

A M I H A N

"Putang ina."

NARINIG ko ang mahinang mura ni Pierce na siyang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming anim.

Ten minutes have passed at wala kaming ginawa maliban sa paghinga at pagkurap.

Great. Wala talaga kaming patutunguhan.

"Buti naman nagsalita na kayo, kanina pa nangangati panga ko sa sobrang tahimik natin, e! Bakit ba kasi nasa iisang grupo ang mage-ex jowaㅡ" I quickly glared at Alixe before he could even finish what he was saying.

Please lang.

"Kung ayaw mo sa grupo na ito, you are free to leave." Saway ng leader na si Pierce. Opo, si Pierce po ang leader at wala naman akong reklamo doon dahil alam ko namang matalino at responsable siya.

Pero ayoko pa rin sa grupong ito.

"Baka ikaw ang may ayaw sa grupo na ito? Ikaw nalang umalis." Nakieksena naman itong si Arc na pinigilan ni Keva.

Sige mag-away kayo diyan. Basta ako bibilangin ko nalang butas ng raketa koㅡ

"Ninety-six." Napabalikwas ako nang may marinig na nagsalita sa tabi ko. Si Belinda lang pala! Bigla nalang siyang nagsasalita!

Ay wait, nagsasalita pala siya? All this time akala ko may problema siya sa pagsasalita! Akala ko nga dati multo siya dahil hindi gaanong napapansin ang presensya niya sa sobrang tahimik!


"Anong sinasabi mo?" tanong ko dahil napakahina ng boses niya.

"Ninety-six ang butas ng raketa. Pero pwede ring seventy-two." Walang emosyong sabi niya. Wala ring tono ng interes sa boses niya at mabagal lang ang pagsasalita.

"Ahh..." I awkwardly smiled at her as I put the racket down. Katulad yata ni Pierce ay kumain ng libro ang gawain ng taong ito. Sila lang naman ni Pierce ang laging tie sa ranking ng klase at ng buong school. Parehas matunog ang pangalan. Ang pinagkaiba nga lang nila ay alam ng lahat ng student ang mukha ni Pierce samantalang ilan lang ay nakakakilala sa itsura ni Belinda. She's literally like a ghost.

"Guys wala tayong matatapos kung mag-aaway kayo." Narinig kong sabi ni Alixe. At least may sense sinasabi niya ngayon, kadalasan kasi talaga ay wala.

"Are we starting or not?" Tutal sinagot narin naman ni Belinda kung ilan ang butas ng raketa, ako naman ang nagsalita.

"Edi ikaw magsimula." Napairap nalang ako sa sagot ni Keva.

"Eh bakit hindi ikaw?" Sagot ko pabalik.

Huwag niya akong simulan.  Actually kung wala siya sa grupong 'to, baka kahit papaano ay matiis ko pa. Pero with her in the group? Nah. Isang buong sem akong bad trip panigurado.

"P'wede ba tama na? Mag-aaway talaga kayo ngayon?" Saway ni Pierce. Nag irapan naman kami ni Keva.

Si Arc naman ay tahimik lang. Ano na, Arc? Uupo ka lang?

Ngayon naiintindihan niyo na kung bakit ayaw ko silang makagrupo? Tiyak na magkakagulo lang kami dito.

"Guys, narinig niyo na ba iyong balita?" Rinig na rinig ang boses ng isang myembro mula sa kabilang grupo. Nagmi-meeting din sila.

"Hala, totoo?" Nagtinginan sila ng cellphone nila samantalang tahimik lang kaming anim dito.

"Hindi na tuloy ang launching ng perfume ni Aloha Morgan!"

What?

"Hindi daw nila ma-contact si Aloha ngayon..."

Awtomatiko akong napatayo mula sa upuan ko at kinuha ang cellphone mula sa bulsa para tawagan si Aloha.

I could see from my peripheral vision that Arc also stood up from his seat, looking at me.

Alam niyang sa iisang bahay lang kami ni Aloha nakatira and he knows how worried I am for my best friend.

"Shet, Aloha, answer your phone!" Napunta sa akin ang atensyon nilang lahat sa pag-sigaw ko.

Another student announced a news which made some of my classmates rejoice.

Aloha's company is giving out her perfume now.

She messaged me earlier that she will visit the clinic by herself and she informed the company to sell out her perfume just in case she would not make it on time.

But that's not the case!

"ALOHA!" Finally! She answered!

"Amihan, have you received the perfume?"

"Stop talking about the perfume! Nasaan ka?!"

"Nasa bahay pa ako. I... Can't move."

"Ano?"

"Na-receive mo na ba iyong pabango? I asked the company to send some sa school niyo."

"Enough, Aloha. Can you tell me why you're still at home? Akala ko pupunta kang clinic?"

"Malala na."

"Ano?"

"It's spreading."

"What's spreading?"

"The red mark. The rashes."

"Ano?"

"Amihan, I can walk now. Haha. I am walking. Wait, why am I walking?"

"Alohaㅡ"

"Aloha!" Bigla na lang naputol ang nasa kabilang linya. Sinubukan kong tawagan ulit siya pero wala nang sumasagot.

"What a surprise. You actually know the celebrity Aloha Morgan." Hindi ko pinansin si Keva. Wala akong panahon para patulan siya pero nakakainis lang na nag-aalala ako dito tapos ganiyan siya.

"What happened to her?"

Great, Arc finally talked to me.

"None of your business." Tumipa akong muli sa cellphone ko nang magsalita si Pierce.

"The other students are coming down. Can someone explain why?" Hindi ko tiningnan si Pierce pero ipinaliwanag ko sa kaniya ang pamimigay ng pabango.

At least I am talking to him.

"Miss Diez?" We all turned to Ma'am Sison who just entered the room with a familiar bottle on her hand.

Aloha's perfume.

"Aloha sent this to you," ani Ma'am Sison. Hindi ako tumugon dahil wala naman doon ang pake ko ngayon.

But Alixe volunteered to take the perfume from our teacher.

"Wait." Napatigil ako sa pagta-type nang magsalita si Belinda. Now that's the third time she talked today.

"Bakit?" Tanong ko. Natigil din si Alixe sa paglapit sa guro.

I looked around only to realize only the six of us are inside the classroom.

"Ma'am is acting weird," Belinda said.

Sabay-sabay kaming napalingon kay Ma'am Sison na nakalahad pa rin ang kamay.

Unlike earlier, she's smiling from ear to ear and her feet seem to be unease. Parang gusto niyang maglakad.

"Hey, where are you going?" Tanong ni Pierce nang marahan akong naglakad palapit kay Ma'am habang nakakunot ang noo. Nilagpasan ko na rin si Alixe.

Hindi ako lumapit ng sobra pero I made sure I can clearly see her. No, not her face but her neck.

"What the..." Mayroon siyang parehas na rashes gaya ng kay Aloha kanina at pati na rin doon sa babaeng nakabangga ko.

"What's happening there?" Nilingon namin ang itinuturo ni Keva which lead us to the glass window where we can see what's happening outside.

Bakit ang gulo? Nagtatakbuhan silang lahat pero hindi gaya kanina na palabas, karamihan ay papunta sa loob ng building.

Narinig din namin ang sigawan dahilan para mapalingon kami sa pathway.

They are not shouting...

They are screaming in terror!

Shet! Anong nangyayari?

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top