Chapter 11
A M I H A N
"Supplies~ Supplies~ Supplies~"
ANG SAYA-SAYANG kumakanta ni Sun habang nililinis ang baril niya samantalang ang iyong dalawa naman ay naghahanda sa labas ng sasakyan.
Nandito kami sa parking lot malapit sa isang abandonadong maliit na supermarket. It's been a day only and this place looks so dead already. Madilim na kalangitan ang matatanaw mula sa loob ng van at walang tao sa paligid maliban sa amin.
Nilingon ko si Alixe na katabi ko lang. Namumutla siya habang may pasa ang muka at sugat sa pisngi. Pansin ko ang manginginig ng kamay niya na hinawakan ko naman kaagad.
Mamaya lang ay ipapain na siya nila Sun.
They are all heartless. Nagpunta kami dito para lang ihatid at panuorin si Alixe sa pagkuha ng supplies sa loob ng store. Siya lang ang bababa bitbit ang nag-iisang baril na may iisang bala lang.
They will play with him.
And I won't let them win.
Inilahad ko ang palad ko at palihim naman niyang ibinibay sa akin ang relo niya.
"Duwag, oh!" Inihagis ni Sun ang baril na agad namang nasambot ni Alixe. Napalunok siya habang tinititigan ang hawak. This must be the first time he held a gun.
"Kapag nakabalik ka ng buhay, tatanggapin ka namin. Pero kapag lumagpas ang bente minutos at wala ka pa, bye bye~" Ikinaway pa ni Sun ang kamay niya na sinundan naman ng tawanan nila Ego at Error.
"Ano pang hinihintay mo? Baba." Nagkatinginan kami saglit ni Alixe bago ko siya marahang tinanguhan.
"Amihan, any last words to your dear friend?" Inirapan ko si Sun.
"Babalik siya ng buhay." Mariin kong sambit samantalang nagkibit-balikat lang siya.
Bumaba na si Alixe. Hinang-hina ang katawan niya. Talagang sinigurado nilang mahihirapan siya kahit sa paglalakad para kung sakali mang may dumating na mga gutom na siraulo ay wala siyang takas. They even took his shoes and he's completely barefoot.
"Just walk..." mahinang sabi ko habang naluluhang pinapanuod siya palapit sa grocery store.
Naka-ilang lingon siya pabalik sa amin na sinasagot ng tawanan ng mga kasama ko sa loob. Putangina nila.
"Sampung minuto~" Tinapik-tapik ni Sun ang manibela gamit ang mga daliri niya. He looks so pleased with the running time and the absence of Alixe in the scene.
Ten more minutes, Alixe... Hang in there...
"Nabo-bore ako... Wala namang lumalapit na mga zombies, bakit ang tagal niya?" Ani Sun.
"Baka nagsha-shopping pa! HAHAHAH! O baka nasa loob ang mga gungong!" Dagdag ni Error.
"What if he escaped?" Nabaling ang atensyon nilang tatlo sa akin.
"What?"
"Mukha lang inosente si Alixe but has a tricky side also..."
"Niloloko mo ba kami?" Masama ang mga tingin sa akin ni Sun. Nang-gigigil ang itsura niya.
"I'm not sure." Nginitian ko siya. Ngiting alam kong ikaiinis niya pa lalo.
Sobrang ma-pride ni Sun. Napansin ko iyon kahapon pa base sa usapan nila. I am sure na kapag hindi natuloy ang plano niya, mapipikon siya. Fortunately, mahilig akong mam-pikon.
"Baba." Utos niya saka ikinasa ang baril. Sumunod naman agad ang dalawa niyang alila. Nag-suot sila ng surgical mask at hinagisan rin ako ni Sun ng isa. It's not yet confirmed but it looks like they also believe the virus is caused by Aloha's perfrume.
"Pati ikaw." Mariin niyang utos sa akin na sinunod ko rin naman. Mga sigurista. Takot sa virus.
Akala nila mauutak sila, lalo na siya. Tingnan natin kung sinong mas mautak sa ating dalawa.
"Wala rito."
"Wala rin dito."
"Shit!" Palihim akong napa-ismid nang marinig ang malulutong na mura ni Sun. Sapat na ang ingay niya para makakuha ng atensyon kung mayroon man ngang mga panget dito.
Lumingon ako sa likuran ko, sa parking lot.
Alixe is already carefully limping towards the van. Huwag kang lilingon Alixe, dumiretso ka lang...
He did what I instructed him to do. Finish the time without doing anything. Lahat naman ng store may emergency exit and I told him to go and wait there until we come. Saka lang siya puwedeng bumalik sa van. Ako ang huling bumaba kaya sigurado akong bukas iyon.
Now what I have to do is to get the key from Sun, escape from these bullshits or if luck won't easily go by my side, I might need to get rid of them as well.
After what they did to Alixe, hindi na ako magdadalawang isip na patumbahin sila. Alixe and I may not be that close but I know he's a good person. He deserves to live.
"Shet..." Napapikit ako sa sakit nang sugatan ko ang sarili kong palad gamit ang matalim na bagay na galing sa isang stand. Of course I hurt myself somewhere not easily noticed. Tamang yukong lang ng kamay at lagay sa bulsa mamaya para hindi mapansin ang pagdudugo.
Para akong nagpipiga ng maliit na tuwalya sa ginagawa ko. Gusto kong mapadaing sa dakit pero ang pumikit na lang ang nagawa ko habang pinapatagas ang dugo sa puting sahig. Pinakalat ko pa ito gamit ang sapatos ko.
I have to make it look like he went here. Nasa bulsa ko rin ang relo niya na inilagay ko sa sahig.
"Psst!" Pagtawag ni Ego. Agad kong itinago ang kanang kamay ko at umarteng natulala sa nakikita sa ibaba.
"A-Alixe..." Tutal namumutla na rin naman ako, it should be enough to make me look so scared to lose a friend.
"Geez." Ngiting aso si Ego na nasundan ng paglapit ni Error na napatigil din nang makita ang nasa sahig. Sinamaan ko sila ng tingin na parang galit na galit ako sa kanila.
"Escaped? Tingnan natin kung hanggang saan makarating ang kaibigan mo." Nakangising sabi ni Sun na kakarating lang din.
"Putangina niyong tatlo." Nangingilid ang luha kong kinuha ang relo ni Alixe mula sa ibaba at ibinato kay Sun.
"Masaya ka na? Masaya ka na?!" Napalingon-lingon sina Ego dahil sa pag-sigaw ko.
"Keep it down kung ayaw mong maging mahirap ang pag-labas natin dito."
"Let them come. Bakit? Natatakot kayo? Duwag kayo?" Mapang-inis kong tanong na agad namang pinatulan ni Sun. Kinuwelyuhan niya ako gamit ang kamay niyang may hawak na baril at susi.
Pinatulan ko ang nanlilisik niyang mata. Hindi ako kumurap at nakipagtitigan pa lalo sa kaniya.
"Sige, magalit ka. Sumigaw ka. Para mahirapan tayong lumabas." Tinaasan ko siya ng kilay. Sa wakas ay inis niya akong pinakawalan. Inagaw ko sa kaniya ang baril at susi pero hindi sa agresibong paraan.
"Kung gusto niyo mag-stay dito, ako hindi." Mariin kong sabi saka casual na naglakad palayo. Mga bobo silang normal lang na sumunod sa akin.
When did I impress them? Dahil ba nakita nila ang ginawa ko kasama si Arc? Were they there when we left my apartment and saw how Arc and I fought those germs?
"Stop." Utos ni Sun pero nagpatuloy ako sa paglalakad.
I can hear it.
Someone's coming.
And I don't have a plan of halting my steps. Bahala sila diyan.
"I said stop walking you fucking bull-"
"-shit?" Hinarap ko sila saka itinutok ang baril na hawak ko. Nasa loob pa sila malapit sa pinto at ako naman ay nakalabas na.
May isang panget na nasa likod nila. Nakasuot pa ng uniform ng store. Nasundan pa ng ilan. May isang customer at isa pang worker. Nasa lima lang naman siguro sila samantalang hindi mapakali ang tatlong ugok.
"Takbo!" Kasabay ng sigaw ni Sun ay ang pagpapaputok ko ng baril. Tinamaan siya sa braso kaya lalo silang hindi nakatakbo agad habang ako naman ay tumakbo agad papunta sa van.
I'm already closed to the van where Alixe is waiting when I looked back to check on them.
Shet.
They already finished the pangets.
And they are after us now.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top