Chapter 10

B E L I N D A


"Amihan!"

"Alixe!"

"Amihan!"

"Alixe!"

It's been two hours already and yet no hint of Alixe and Amihan was seen in the area and the nearest place we could go. Nagising na lang kami na wala na silang dalawa. Akala namin nagpunta lang sila somewhere for a logical reason that would help us, so we waited for an hour, but they did not come back anymore.

"Seriously? Hindi ba kayo natatakot na marinig tayo ng mga zombie? Use your brains naman." Iritang bulalas ni Keva na walang ginawa kundi ang sumunod sa amin at magreklamo.

We should have just left her in the car.

"Keva, nawawala ang mga kagrupo natin. How do you think can we find them if we just stay still." Sabi ni Arc na mas kinainis ni Keva. Hindi siguro niya akalain na pagsasabihan siya ng boyfriend niya. But Pierce is on her side this time.

"Tama si Keva. We should refrain from shouting now. Hindi natin alam baka may zombie sa paligid. We don't want to make it worse."

Why is it that whenever Pierce talks, kahit kaparehas pa ng sinasabi ni Keva, it sounds reasonable? After all, he's the leader of this team... of this thesis team.

"As if you can find them here. They were kidnapped by who knows who." Narinig kong bulong ni Belinda. Hindi ito narinig noong dalawa dahil nauuna sila sa paglalakad.

"Anong sinabi mo? You saw them and you did not do anything?" Sinadya kong lakasan ang boses ko at napalingon na nga sina Pierce at Arc.

"What are you talking about?" Kunot-noong tanong ni Pierce.

"Keva saw them. Na-kidnap sina Amihan."

"What?" Bakas sa mukha nilang dalawa ang inis. Pierce even went to Keva with his eyebrows glued together. Halatang nagtitimpi.

"Huh. Look who's getting mad. Ano naman ngayon kung mawala sila? Alixe is of no good help, and Amihan? She's-"

"She's trying her best to save us." Pagputol ni Pierce habang matalim na tinitingnan si Keva.

"And if you're narrow-minded enough, that won't sink in on you." Marahang umiling si Pierce habang nakapikit. It looks like she's done with Keva's attitude. So am I.

"Pierce, girlfriend ko ang kausap mo." Sumingit na si Arc sa usapan nang makitang na-offend si Keva sa huling sinabi ni Pierce.

"At ex-girlfriend mo ang pinag-uusapan natin." Pierce turned to him. Hindi na nakapagsalita si Arc at napasara na lang ang kamao.

"Stop. Talaga bang mag-aaway kayo ngayon? We need a plan. We have to look for them." Nag-iwasan silang tatlo ng tingin habang napabuga naman ako ng hangin.

"It's good enough that we know they were only kidnapped. At least alam nating tao ang kasama nila."

But humans are sometimes scarier than monsters...


A M I H A N

"Bitawan mo ako! Marunong akong maglakad!" Marahas akong kumawala mula kay Error. Iyon ang pangalan niya base sa narinig ko at Ego naman iyong may hawak kay Alixe.

Dinala nila kami sa warehouse pero hindi ko alam kung saan ito mismo! Paano kami mahahanap nila Belinda?!

"Sun, nandito na ang pinapakuha mo. Plus isang extra." Parang bagay lang kami sa tono ng pananalita niya ah! Tumayo mula sa kinauupuan niya ang isang lalaki na matalim ang tingin sa amin. Pero nawala ang talim na iyon nang tumawa siya ng nakakaloko.

Anong nakakatawa?

"Anong kailangan mo sa amin?!" Bulalas ko sa kaniya.

"Sa iyo meron. Pero sa kasama mo..." Inilipat niya ang tingin kay Alixe.

"Wala."

"Amihan..." Bakas sa boses ni Alixe ang takot. Naiiyak na rin siya dahil sa nakatutok na baril sa kaniya.

"Amihan pala ang pangalan mo. Cool, Amihan. Kasing cool ng paglaban mo kanina sa mga zombie." Kunot-noo ko siyang tiningnan. Nag thumbs-up din naman sina Ego at Error.

Kilala niya ba ako?

"Hindi ka kilala ni Sun. Hindi ka namin kilala." Si Ego naman ang nagsalita. Ang inosente ng mukha niya pero demonyo siyang hayop siya. Silang lahat.

"Ano bang kailangan niyo?" Naglakad-lakad si Sun habang nakalagay sa likod ang dalawanag kamay.

"We want you in our team." Napatawa ako ng kaunti sa sinabi niya. Anong tingin niya sa sitwasyong ito, laro?

"Nakita namin kung paano ka nakipaglaban kanina. Pati ang kasama mo na unfortunately ay hindi namin nakuha."

He must be talking about Arc. Shet, sana naman hanapin nila kami.

"You will be a good addition to our team. Don't you think?" Umiling-iling ako sa kaniya habang nakangiti.

"I don't think so."

Agad kong siniko sa mukha si Error na katabi ko lang at sinipa ang ari niya. Napainda siya sa sakit. Sunod na sinugod ko naman si Ego na itinutok sa akin ng baril. Mabilis kong nasipa iyon na siyang bumagsak sa baba.

Buti na lang talaga nakatulong mga training ko sa badminton kahit papaano. Also, it's true that in times of emergency, our adrenaline hormone is very active.

Nagkatinginan pa kami saglit ni Alixe bago niya lakas-loob na sinuntok si Ego samantalang kinuha ko naman mula sa ibaba ang baril at itinutok ito kay Sun. But he did not even bat an eye. Sa halip ay pumalakpak pa siya habang nakangiti. Alixe immediately went to my side while the two slowly stood up from the ground. They are also wearing an annoying smile kahit na nakahawak sila sa parte ng katawan nilang tinamaan ko.

Maya-maya pa ay may lumabas na iba pang lalaki mula sa iba't-ibang sulok ng warehouse. They are all holding wood stick, while some holds baseball bat and guns. Nasa anim sila kaya ngayon ay siyam na silang lahat!

Okay, good math, Amihan. Pero wala pang isang araw simula nang magsimula ang kalokohang ito, ang dami na agad niyang kagrupo?

"A-amihan..." Agad akong humara para takpan si Alixe.

Hinigpitan ko pa lalo ang hawak sa baril gamit ang dalawa kong kamay. Shet na malupet, kanina walang bala noong una akong gumamit nito.

Sana naman ngayon meron na-

"Ah!"

"Amihan!" Shet may bala nga!

Pero wala akong tinamaan!

"Nice try, Amihan. Come again." Itinutok kong muli kay Sun ang baril pero nang kalabitin ko ito ay wala nang bala na lumabas.

Nagtawanan silang lahat.

"But we can work on that. Tutulungan ka naming bumaril."

"No, thanks." Ibinato ko ang baril sa ibaba at inis na tumingin sa kaniya.

"What's with the look? Parang papatay ka ng tao! Chill lang, baka maunahan kita." Ibinaling niya ang tingin kay Alixe.

"Hahanapin nila kami! Hindi nila kami papabayaan!"

"Alixe!" Bigla na lang siyang nagsalita!

"Hahanapin? Hindi papabayaan? Bakit pinabayaan kayo noong babae?" Nilingon ko si Error.

"Anong sinabi mo?" Naramdaman ko ang pagyukom ng sariling kamao sa sinabi niya habang nagsalubong naman ang kilay ko.

"One of your friends saw us when we took you. She was awake. Bakit wala siyang ginawa?"

Keva...

"Now tell me, do your friends really care for you?" Hindi ako makasagot agad. Naramadaman ko ang awtomatikong pag-iwas ng tingin ko.

Do they really care for us?

"Sige."

"Amihan..." Muli kong tiningnan si Sun.

"Sasama na kami sa iyo-"

"No. Ikaw lang. Hindi ang kamasa mo." Mabilis niyang pagtutol sa sinabi ko.

"Amihan- ah!" Bigla na lang nila sinugod si Alixe at pinagsusuntok!

"Stop! Tigilan niyo si Alixe!" I tried to stop them pero pinagtulungan akong pigilan nila Ego at Error.

"Stop, please! Alixe!" Anim laban sa isa, mamamatay si Alixe sa ginagawa nila!

"Tigilan niyo na si Alixe! Oo na! Ako na lang ang sasama sa inyo!" Naramdaman ko ang mainit na luha na tumutulo mula sa mata ko. I could feel his pain. Wala iyon sa sakit ng katawan ko sa bakbakan kanina.

Alixe doesn't deserve this shit!

"Tigil."

"Alixe..."

"Bukas na bukas. Ipapakain natin sa mga halimaw iyan..."

"Amihan, welcome to the team."

To be continued...

Kim Youngbin as Sun
(read as SOON not as SAN) hehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top