Chapter 1
A M I H A N
"Showbiz News! Aloha Morgan to launch her new perfume today!"
BITBIT ang dalawang supot ng mga pagkain pinamili ko mula sa grocery store ay dumiretso ako sa kusina para ilapag ito sa lamesa. Nilingon ko ang kaibigan kong si Aloha na nakangiting nanunuod ng TV, proud na proud sigurado sa sarili niya.
"P'wedeng pasampal ako? Totoo bang room mate ko si Aloha Morgan?" Binelatan niya lang ako sabay flip ng hair kaya natawa na lang ako saka inayos ang mga pinamili ko.
"Hey Amihan, mamaya na ang launching ng perfume ko. Punta ka ha?" Mabilis kong itinaas ang kanang kamay ko saka umiling.
"I'll be supporting you from afar. Allergic ako sa perfume, plus I'm very busy at school. Can't come." Nakita ko ang pagsibangot niya kasabay ng padabog na pagyakap sa unan niyang panda.
"Very matampuhin ah," nilapitan ko siya para suyuin pero inirapan niya lang ako.
Isip bata talaga ito kahit kailan. I still can't believe she's a celebrity. But of course before she became one, isa lang din siyang kagaya kong normal na teenager.
"You won't be allergic to it. Hindi mo ba alam, I actually participated in the experimentation."
When was it? I think grade six kami unang nagkakilala ni Aloha. Binu-bully siya noon at bilang isa akong bida-bida noon, pinagtanggol ko siya.
Since then, we became best friends na hindi halos mapag hiwalay. We are each other's family here in the Philippines since her parents are abroad and mine are gone already.
"Really?" Nakangiti siyang tumango sa akin nang makaharap siya habang naka-cross legs pa suot ang pajama niya. Ako naman ay nakaupo lang sa sofa na katabi ng kaniya.
"I did what I could to adjust the scent for you. Sabi ko naman sa iyo, you will always be part of my passion." Tumango ako sakaniya habang natatawa.
"Fine, I will come later. Kapag hindi ko nagustuhan iyan, papatalsikin kita sa apartment ko." Pang-aasar ko sa kaniya.
"How dare you kick out Aloha Morgan?!" Then she flipped her hair.
Naantala ang pag-uusap namin nang tumunog ang doorbell na agad ko namang pinagbuksan.
"Shoppy delivery po. Kayo po ba si Amihan Diez?" Tumango ako sa delivery boy saka sumagot ng positibo at pinirmahan ang ibinigay niyang papel.
Matapos magpasalamat ay sinarduhan ko na ang pinto at bumalik sa sofa bitbit ang may kahabaang box.
"Badminton racket?" Tumango ako kay Aloha bilang sagot saka binuksan ang box revealing a black badminton racket screaming original with its weight.
"Sana all magaling mag-badminton." Nagkibit-balikat siya. Tumayo ako hawak ang raketa na binabato't sambot ko.
"Original nga ito," komento ko saka iwinasiwas ito nang bigla ko siyang natamaan.
"Shet sorry!" Agad kong nilapitan ang nakayukong Aloha. Sa mukha ko ba naman siya natamaan!
"I hate you!" Nag-iiyak siya doon na parang bata. Pero masakit iyon, sure ako.
"The heck, Aloha?" Ang mata ko na kanina ay abala sa pagtingin sa mukha niyang natamaan ko ay napunta sa leeg niya may pulang marka.
"Ay grabe, mapanghusga?" Nakuha niya na agad kung anong sinasabi ko base sa tugon niya. Umayos siya ng upo samantalang nanatili naman akong nakatayo doon.
"Kagabi pa ako nangangati," ani Aloha na kinamot ang sariling leeg.
"Bakit hindi mo lagyan ng ointment? Meron sa medicine kit natin ah?"
"Nalagyan ko na. No effect." Pinatigil ko na siya sa pagkakamot dahil baka magsugat ito.
I looked closer to it. Hindi naman siya pantal o sugat. Mapula lang talaga na parang gasgas at may mas mapula pang parang maliliit na ugat.
"Ako lang naman may allergy sa ating dalawa 'di ba?" Tumango siya, halata kong gusto niya na ulit itong kamutin.
"Don't put make up on it later. Baka ma-irritate. Let it be. After your launch sasamahan kita sa clinic, gets?"
"Yeah, yeah. Ate Amihan," she rolled her eyes.
Nag ayos na ako ng sarili at gamit para pumasok. Lagi naman akong maagang pumapasok pero para bang tamad na tamad ako ngayon. Maybe I am just worried about Aloha.
Nineteen na siya pero hindi niya pa maalagaan ng ayos ang sarili niya. Siguro dahil na rin alam niyang lagi akong nasa tabi niya, she became so dependent on me. But she should have told me sooner about her red mark. Ngayon ay sa palala na ito.
"I'm off." Pagtawag ko sa atensyon ng nanunuod na si Aloha. Guess what, she's watching SpongeBob.
"Raketa mo," paalala niya. Muntik ko nang makalimutan!
"Thanks sa paalala."
"No prob. Launching ko mamaya ha?" S'yempre ipapaalala niya ulit iyon. Um-oo na lang ako saka lumabas ng apartment.
Walking distance lang naman ang school namin mula sa aprtment kaya hindi naman siguro ako male-late ng sobra. Although I am fifteen minutes late now.
"Amihan Diez, presentㅡ" akala ko OA lang iyong mga nababasa ko dati pero para ka pala talagang nakapatay kapag late kang pumasok.
Their gazes are killing me as soon as I reached the door to our room.
"Mind to explain, Miss Diez?" Sita ni Ma'am Sison sa akin nang tuluyan akong makapasok sa loob ng classroom.
Hindi man lang ako pinagpawisan sa daan. Well, hindi naman kasi ako nagmadali.
"No, Ma'am." I refused to explain myself habang naiilang na tumawa. Narinig ko ang pagtawa ng ilan kong kaklase lalo na ni Alixe. S'yempre tatlo ang sure kong hindi tatawa.
Who cares?
"Bumunot ka na ng number dito." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ma'am nang makita ko rin ang box sa table.
"Anong meron?" Tanong ko sa isa kong kaklase na sumagot rin naman agad.
"Groupings."
"Shet."
Kinakabahan akong lumapit sa table at isinuot ang kamay sa loob ng kahon.
Please lang, kahit ako na magbuhat sa buong grupo huwag ko lang makakagrupo ang mga iyon...
"Number... Six?"
Nakita ko kung paano napabuga ng hangin ang mga pamilyar na mukha.
Shet na malupet talaga.
GROUP 2
· active 10 minutes ago
Pierce Joe:
9:30 after break time.
Belinda Vios:
Noted.
Alixe Linville:
Yezzir
Arc Garces:
👍
(Keva Martina reacted 👍)
Amihan Diez:
Ok.
Napabuga na lang ako ng hangin saka ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kinakaing hotdog sandwich hanggang sa dumating ang iba kong kaklase at naki-table sa akin.
"Amihan, bakit hindi kayo nag meeting?" Tanong ni Maya at hindi pa man ako nakakasagot ay sumagot na ang isa ko pang kaklaseng babae.
"Awkward kaya ng group nila!" Sabi nito saka natawa. Sana nga nakakatawa, ako kasi nagiinit ang dugo, eh.
"Mamaya pa kami magmi-meeting after break." Nagpilit ako ng ngiti sa kanila. For sure kaya lang sila nakiki-table ay para usyosohin ako tungkol sa grupo namin.
Hay...
Paano ba naman? Kagrupo ko si Arc na alam ng buong campus bilang ex-boyfriend ko. Kagrupo din namin si Keva na bagong girlfriend niya ngayon. Nasa grupo din namin si Pierce na ex naman ni Keva.
Si Belinda at Alixe naman ang dalawang weirdo sa klase namin.
Talagang mapapa-shet na malupet ka na lang talaga. Idagdag mo pa na hindi lang iyon basta groupings.
It's for our research project.
A damn research project with unwanted groupmates. Mamamatay yata ako sa stress bago maka-graduate.
"Uy diba ngayon ang launch ng bagong perfume ni Aloha?" Nabago ang usapan nila at nalipat sa matunog na launching ni Aloha.
"Oo, super excited na nga ako! Nadaanan ko kanina iyong venue, nag-aayos na sila at may samples na sa labas."
"Kung puwede lang sana mag-cutting, pupunta talaga ako!"
Pasimple na lang akong napangiti sa mga narinig ko. Nakaka-proud naman bilang kaibigan ni Aloha. Though hindi talaga nila alam na magkaibigan kami ng idol nila.
"Amihan!" Gulat akong nag-angat ng tingin at nakita ang nakangiting si Alixe na nakatayo sa harap ko.
Inubos ko muna saglit ang kinakain ko saka tumugon.
"Alixe," pagtawag ko. Hindi ko alam ang sasabihin, hindi naman kami madalas mag-usap kahit na alam kong isa siya sa mga taong handang ipagtanggol ang pangalan ko kung sakali mang pinaguusapan ako ng ibang tao.
"Sabay na tayo bumalik sa room, malapit na mag 9:30." Napatingin ako sa suot kong relo at napagtantong malapit na nga ang ibinigay na oras ni Pierce. Ayaw pa naman noon ng late.
"Sige." Kinuha ko na ang bag ko saka kami sabay na naglakad pero kamalas-malasan nga naman ay may nakabangga sa aking babae.
Natapon ang hawak niyang tray ng pagkain sa sahig matapos akong mabangga at matapunan ng strawberry juice. Para tuloy akong may bahid ng dugo sa damit.
"Sorry, sorry!" Paghingi niya ng tawad. Tinulungan naman namin siya ni Alixe na limutin ang puwede pang malimot sa dahig nang matigil ang kamay ko sa ginagawa nito.
Natuon ang pansin ko sa leeg ng babaeng nakabangga sa akin habang naka-kunot ang noo.
It's the same red mark as Aloha's. Mapulang marka na may mas mapula pang maliliit na ugat.
"Sorry talaga." Tumayo na kami kasabay ng paghingi niya ulit ng tawad. Kumuha pa siya ng tissue at sinubukang punasan ang damit ko but I insisted to do it myself.
Sa pangatlong pagkakataon ay humingi siya ng tawad bago siya tuluyang umalis. Nahuli ko pa ang pagkamot niya sa leeg niya habang naglalakad palayo.
"Amihan! Okay ka lang?"
"H-ha?" Kanina pa palang naghihintay si Alixe. Masyadong natuon ang pansin ko doon sa babae. Umiling-iling na lang ako saka niyaya si Alixe na bumalik na sa classroom.
I shouldn't be thinking too much, right?
Pagkadating sa classroom ay nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa amin. Kung nakapikit ako ay iisipin kong walang tao sa loob kahit na nandito na iyong apat naming kagrupo.
Look, hindi man lang sila nag-effort na ibilog ang mga upuan.
Totoo na ba ito? Wala na bang urungan? Puwede bang magpalipat ng group? Mag-solo flight?
I used to hate doing research by myself. Hindi maiiwasang may mga kagrupo na pabuhat, tipong taga-print na lang o hindi kaya ay sponsor ng pagkain. Iyong kahit marami kayo sa grupo, ikaw lang ang kumikilos at gumagawa.
Pero ngayon, I'm loving the idea of doing it on my own. Mahirapan na kung mahirapan, huwag lang sila ang kagrupo.
Pero mukhang wala na ngang urungan 'to.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top