Chapter Twelve
Chapter 12
NAPATINUHOD si Amethyst nang marinig ang kinasadlakan ng Hari at Reyna. Nakaramdam s'ya ng kakaibang sakit sa kanyang kaibuturan marahil ay naiintindihan n'ya ang dinadanas ng Prinsesa kung sakaling malaman nito ang nangyari sa sariling magulang.
"I could only imagine the pain of your Princess once she figured out what happened to her parents." Naiutal n'ya habang nakahawak ang kanyang kamay sa dibdib. Hindi napigilan ni Amethyst ang mapapikit at sa pagpikit n'yang 'yon ang pagtulo ng kanyang luha.
"Ngunit may mga haka-hakang kumakalat bago ang naging paghahatol nila." Napabaling ang tingin ng dalaga sa nagsalitang si Lincoln. "Naniniwala diumano ang Hari na sa kanya nanggaling ang Prinsesa. Her Mana has purple color that signifies the power of his ancestor. Ngunit hindi 'yon pinaniwalaan gayong inamin ng Reyna na pinagsamantalahan s'ya ni King Leon."
Napakunot noo s'ya. "Gaano katotoo 'yon, kayo ba? Naniniwala kayo?" 'di niya alam pero parang naramdaman niya ang isang pag-asang walang bahid ng kahit na dugo ang Prinsesa mula sa halimaw na Hari ng mga mortal.
The Cavaliers didn't respond to her and looked away. She scoffed with their reaction.
"Napakaimposible kasi ang sinasabi n'ya gayong malinaw na may nangyari sa Reyna at sa halimaw na 'yon." Depensa ni Seth.
Napailing iling s'ya. "Kung nagawa nga ng Leon na 'yon na tuparin ang pagsisimula ng sinasabi ninyong propesiya na galing sa isang napakaimposible, bakit 'di sumagi sa utak n'yo na maaaring buntis na ang Reyna nang ito'y pagsamantalahan at nahaluhan lang ng kasamaan ang punla?"
Pare-parehas sila napatungong muli. "And why you are all here? Hindi ninyo na dapat kargo ang prinsesa gayong tila tahimik na naman ang Elementum laban sa mga traydor nilang namumuno 'di ba?" hindi napigilan ni Amethyst na pagdaluyan ng inis at sarkasmo ang mga nasambit.
"Nangako kami sa Hari na palalakihin namin ang prinsesa sa mundo ng mga tao." Zach replied.
Tinaasan niya ng dalawang kilay ang binata. "You still took a promise from your King kahit na 'di ninyo s'ya kayang paniwalaan?!" her tone was now out of control, anger laced on it.
"We took an oath to protect and serve the King until his last brea—"
"That's bullshit!" when her cursed escaped from her mouth, the illusion of Elementum images has vanished and now they're all back in the realm of reality.
Nakita n'ya ang pag-atras ng isang hakbang ng apat na kabalyero, 'di inaasahan ang galit na nagmumula sa kanya.
"Believing in him is part of the package why you are serving him and protecting him! Paano n'yo nagagawang sundin ang huli niyang utos sa inyo na pangalagaan ang prinsesa gayong may parte sa inyo na naniniwalang may dulot na katapusan ang kapangyarihan ng gusto ninyong alagaan?"
"You don't know what you are saying." It was Zach. Nakabawi na sa pagkabigla sa ginawa niyang pagsigaw. His stares are intense, and she could feel the wrath developing inside him.
"Oh, really?" Amethyst snickered and looked at him with disgust. "If I am the Princess at naririnig ko 'to sa inyo ngayon? Hindi ako mangingiming duraan kayo sa mukha dahil nakakahiya kayo."
"That's enough, Amethyst." Pumagitna bigla si Lincoln nang biglang umabante si Zach sa dalaga. "We are all just doing our duty. This is nothing personal with regards to our beliefs as an individual. We took the oath setting all aside everyone's differences so, I hope you understand."
"Duty?" Amethyst scoffed once more. "Duty na ano? Kasi napabayaan ninyong mawala ang prinsesa? Kaya kayo nanghihingi sa'kin ng tulong?"
"We were ambushed nang makalapag kami sa mundong 'to." Si Benjamin na nakahalukipkip sa kanya at gaya ng ugali nito'y nananatili ang kalamigan katulad ng kapangyarihan nito. "Men of King Leon were aware that we will bring the Princess to their world kaya naatasan na niya ang mga tao nitong abangan kami sa tarangkahan kung saan kami darating."
"You all have your powers, paniguradong kaya ninyong—"
"But surprisingly, may grupo ng mga Mages na kasama ang mga nang-ambush sa'min. The moment we touched our feet to the ground that has their pentagram, our powers have been nulled and they got the Princess." Pagpapatuloy ni Benjamin.
Si Seth naman ang nagpatuloy. "Then, after they took her, the Mages put us in a time loop." Bakas sa tono ng binata ang mga takot na pinagdaan sa loop na sinasabi nito.
"Were your fears are trying to kill you?" pagkukumpirma ko na siya kinatango ng dahan-dahan ni Seth.
"Kailan lang kayo nakaalis ro'n at paano?" tanong ni Amethyst at sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam s'ya ng awa sa mga nangyari sa kanilang apat.
"Three years ago," tugon ni Lincoln. "We're not sure what happened basta we all just found ourselves na nasa mundo na ng mga tao muli. From there, we tried our best to adapt to start our mission of finding the Princess since we were stuck for about eighteen years—"
"We actually have a hint na ang prinsesa ang nagpalaya sa'min."
Napasinghap labis si Amethyst nang ma-realize kung gaano katagal nakakulong ang mga binatang 'to sa time-loop. Eighteen freaking years?!
"At isa sa mga paraan ninyo para maka-adapt ay eto? Mag-aral sa University?" manghang tanong sa kanila ni Amethyst.
"Bakit? 'Di naman halatang we're almost forty years old. Our age stopped in the time loop." Zach reasoned out at tila nainsulto 'ata kapag napag-uusapan ang edad.
Mas lalo lang lumaki ang pagnganga n'ya sa gulat. So, mga nasa forty years old na sila? What the hell?! Para naman pala n'ya mga tatay ang apat na lalaking 'to!
Zach made a face to her. "Hey, nakakainsulto 'yang reaksyon mo."
Kusang tumaas naman ang dalawang kilay ni Amethyst sa naging reaksyon pa ni Zach. He was insulted just because of his age?
Seth leaned on her while grinning. "Pagpasensyahan mo na 'yang pinuno namin, amongst us, s'ya lang ang vain sa edad nito. He wanted to look young forever, y'know."
Hindi na napigilan ang hindi matawa ng dalaga sa narinig kay Seth. Zach, on other hand, started to throw things at Seth na tawang tawa rin sa ginagawang pang-asar sa pinuno nila.
"So, would you help us?" unti-unting nawala ang tawa ni Amethyst at lumingon kay Lincoln na nakangiti ng malungkot.
His sad smile. It reflects different emotions: hopefulness, pain, longingness, and tiredness.
Her heart started to feel a slight pang of pain for them. Their duty really consumes their entire life. Being cage in a realm where you can't do anything about the loop was an exhausting and depressing experience that they could ever have. Sa labingwalong taong na pagkakakulong, labingwalong taon rin ang nawalang panahon para sa kanila. Ang tagal no'n, they could have married someone they love already and build their own family to start a new life. But their life has been tied up with the Princess' destiny and they can't do anything but to oblige.
"What are you going to do kapag nahanap ninyo ang Prinsesa?" tanong n'ya sa kanila. Slightly giving in.
"We believe that the Princess hasn't fulfilled her destiny yet to finish the prophecy," Lincoln replied and that made her curious about something.
"Ano ba kasi 'yang propesiya na 'yan? Advent of Prophecy, tama ba?"
When light and dark consume once life
Death should follow to the end of the world of time
Neither life nor death shall be back with the advent of the chosen one
Break the shell of light and dark so life nurtures the broken light— The Porphyra's Light
Amethyst felt unfathomable goosebumps while listening to the Advent of Prophecy. Ramdam n'ya ang kilabot sa mga salita na nakapaloob roon. Hindi n'ya alam kung matatakot ba s'ya dahil may hatid ngang kakaibang warning ang propesiya.
The first two verses of the prophecy have been fulfilled. She thinks.
When light and dark consume once life — it pertains to the Porphyra Princess that has been succumbed by the power of Porphyra's Orb and Dark Lord's power.
Death should follow to the end of the world of time — it might pertain to either the death of the King and Queen or the death of the Princess' friend where they lost time to prevent the prophecy from happening.
"You're all this persistent to find her because of the last two verses?" she asked even though it's pretty obvious.
Tumango si Lincoln bilang tugon. "Those are the two remaining event that isn't happening. Kaya naniniwala kami na marahil, naiwala ng grupo ng mga tao ang pangangalaga sa Prinsesa. Kasi kung nasa kanila pa ito, both worlds should be crumbling down to the Dark Lord's mercy."
True enough, marami mang problema ang kinakaharap ang mundong 'to. Destruction hasn't come yet. The world of mortal is still silent. There might be some internal conflicts that cause wars pero hindi ito maituturing pagsakop ng Dark Lord. They might have failed to get a hold of the princess's care.
"Kung totoo nga 'yang sinasabi ninyo, bakit ako? Anong magagawa ng isang tulad ko? I only discovered what am I because of the four of you but I don't have the power to help you out."
"Kung tama nga ang hinala namin na anak ka ng isa sa mga Council members then your power should be enough to help us." Paliwanag ni Zach matapos nitong masugod si Seth.
"'Di ko gets. Ano naman kung anak ako ng isa sa mga nasa konseho ninyo?" She probed.
"Because the families who rule the Council has the nearest blood next to the Porphyra's power. If we are going to locate the Princess through your power and blood, we could use it as a GPS to know where she is." Lincoln further explained.
Her blood and power as a GPS? Wow, even the mages are adapting to the modern ways, huh.
Amethyst was about to agree when she thought about something. "Pero may tumutugis sa'kin na isa sa Maidens of Nature, 'di ba?"
"We still have time actually before that woman comes back to force you to go back to our world," Zach replied and that made her shivered.
Iniiisip palang n'ya ang buhay sa mundong 'to lalong lalo na ang kanyang pamangkin na si Clarence ay tumututol na ang kanyang kalooban. Hindi n'ya kayang iwan ang bata, pero hindi rin naman n'ya ito pwedeng dalhin sa Elementum dahil baka mas manganib naman ang buhay nito roon.
Tumango tango s'ya ng marahan sa sinabi ng binata. Marahil ay naramdaman nito ang lungkot na biglang lumukob sa kanya kaya nagawa ng binatang hawakan s'ya sa braso n'ya. Napatingin s'ya roon bago muling tiningnan sa mukha si Zach.
"I promise that I'll protect you no matter what happens." Kalmadong anas ni Zach na sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam nga s'ya ng kaginhawaan at assurance sa sinabi nito.
"Your power..." napagawi naman si Amethyst kay Lincoln nang mag-untag ito. "... kahit na wala ka pang pormal na ensayo upang gamitin ang kapangyarihan mo ay nagpamalas ka naman na ng abilidad na maaari mong magamit upang mahasa ang Mana mo. We'll teach you to enhance it along the way."
Bigla s'yang nakaramdam ng excitement. Marahil dahil sa matututunan niyang gamitin ang kapangyarihang mayro'n siya. Kapag na-master n'ya 'to ay ito ang gagamitin n'ya upang protektahan ang pamangkin.
"We are just reminding you, Amethyst." Kay Benjamin naman s'ya napatingin. "Once you agree to help us, your life won't be the same anymore. You are part of us. You are part of our world. Now that the war against the Dark Lord is still uprising, it is also your duty to protect and save it against the dark forces."
Tumatango tangong Seth naman ang lumapit sa kanya at hinawakan s'ya sa magkabilang balikat. His jolly smile showed as well as his dimples. "H'wag kang mag-aalala, aalalayan ka namin hanggang sa maging handa ka. Magugustuhan mo rin ang Elementum sa oras na maranasan mong mamuhay roon."
Isang malalim na buntunghininga ang inilabas ko habang tumatango tango sa kanilang dalawa.
Marahil nga'y hindi na n'ya matatakasan ito. Kahit pa gustuhin niyang ibalik ang lahat sa normal ay hindi na iyon magiging katulad ng dati. Now that she knew where she came from. Ngayong unti-unti na n'yang nalalaman ang totoong siya. May parte kay Amethyst na nalulungkot ngunit may puwang sa kanyang puso na nagagalak dahil kahit paano'y makikilala na rin n'ya ang kanyang mga magulang. Pinagdadasal n'ya lang na sana'y buhay pa sila.
"Pumapayag na 'ko. Tutulungan ko kayong hanapin ang nawawalang Prinsesa. Kapalit ng pagtuklas kung sino ba ang mga magulang ko at kung ano nga ba ako."
LULUGO-LUGONG naglalakad si Amethyst patungo sa ilang hakbang nalang na gate ng mansyon ng kaibigan niyang si Chloe. As soon as she held the gate ay nagtaka s'ya sa isang bagay. Iniangat n'ya ang kanyang tingin at ang gate na hawak ay nakabukas. Dahan-dahang pinasadahan ng kanyang tingin ang daan patungo sa mismong mansyon ni Chloe. Basang basa ang mga iyon gayong hindi naman umulan.
"C-Chloe! C-Clarence!" mabilis siyang tumakbo sa loob.
Nang makarating sa loob ay gayon nalang ang kanyang gulat nang abutan ang mga kagamitan sa loob na gulo-gulo at sira sira. Para ring binaha sa loob dahil parang baha ang tubig na nakikita n'ya sa kung saan.
Amethyst stopped from walking slowly when she heard someone groaning in pain. 'Di na s'ya nag-atubili pa at mabilis na pinuntahan iyon.
"C-Chloe!!!" nahihintakutan niyang sigaw nang makita ang lagay nito.
Chloe was pinned on the wall. Her hands are on both sides and even her feet. Ang panang nakatusok sa magkabilang balikat ni Chloe at sa mga hita nito'y ay naglalagablab na itim na apoy. She was about to help Chloe when she noticed her outfit. She's wearing a medieval warrior armor that glistens with different shades of both dark and light blue. Natatakpan ng asul na kapa ang katawan ng dalaga. Her eyes... kahit na hindi maibuka ng ayos ay kulay asul ang mga iyon ngunit naluha ng dugo. Even both sides of her lips have bloodstains.
Kahit 'di maintindihan kung bakit ganito ang itsura ng kaibigan ay mabilis n'ya itong dinaluhan.
"C-Chloe... andito na a-ako. J-Just... r-relax." Amethyst thinks that it is her should stay calm and relax. Nanginginig ang mga kamay n'ya habang 'di malaman kung paano ito ibababa mula sa pagkakapinid sa dingding.
She tried to hold the black-flamed arrows, but she could not. It's intangible but she felt the heat of its flame.
"U-Umalis ka n-na..." nanghihinang untag ni Chloe sa kanya ngunit umiiyak s'yang umiiling rito.
"Hindi! Hindi kita papabayaan rito!" untag niya at muling sinubukang hawakan ang itim na apoy ngunit s'ya ay muling nabigo.
Frustrated, she clenched her fist and concentrated her all frustrations to her hand. Suddenly, a spell emerges on her mind.
Ameratu arkanus pibloto nanigupretus
Her hands glowed with raging purple fire. That's what she used to hold again the black-flamed arrows. Her fire was overpowering the black flames at nahawakan na n'ya iyon at mabilis na binunot isa isa.
Mabilis n'yang inalalayan si Chloe sa isang sulok. Nang mailapag ang kaibigan na may malay pa, she held her face to ask a question.
"Bes, nasaan si Clarence. Nakauwi na dapat s'ya rito galing school 'di ba? N-Nasaan s'ya?" kinakabahan n'yang tanong rito.
Binalot ng lungkot at umiyak si Chloe matapos n'yang tanungin ito. Her feeling became heavy habang siya'y nagpipigil na lumuha.
"I t-tried to s-save him."
Napaupo s'ya sa sahig sa tinugon ng kaibigan. Her tears flowed like a river now. But Amethyst held her grip. Mabilis s'yang tumayo at inikot ang buong mansyon habang sinisigaw ang pangalan ng pamangkin.
Hindi pwede. Baka nagtatago lang ang bata sa kung saan. She taught her that whatever happens to his surroundings ay magtatago ito kaagad sa kung saan ito hindi makikita. Amethyst knows that Clarence did that.
Sa paghahanap n'ya ay nakarinig siya ng isang malalim na ungol. Ungol galing sa isang halimaw. Mabilis niyang binalikan si Chloe nang marinig n'ya itong nilalabanan ang dumating na nilalang. Natigilan siya sa nasaksihan. Chloe's fighting the creature with water... controlling the element itself!
Agad nawala ang pagkagimbal n'ya sa nakita at mabilis na tinulungan ang kaibigan. With purple fire on her hands, She pushed all her strengths to her hands and burst it to the creature. Tumilamsik ang nilalang at ginamit ni Amethyst ang pagkakataong iyon upang daluhan muli si Chloe.
"A-Ayos ka lang? Kailangan nating makalabas at makatakas rito." Untag niya sa kaibigan at tinulungan ito makatayo. Ngunit parehas silang napabagsak muli sa sahig nang patamaan sila ng halimaw ng buntot nito.
Amethyst tried to use the purple flame again ngunit bigla itong nawala at ayaw na muling lumabas. She hissed in annoyance dahil kung kailangan na kailangan ay saka pa nawala. What now? Ano gagawin n'ya? She tried to think of any spells pero wala. Walang pumasok sa utak n'ya.
Nanlaki ang kanyang mata nang umigkas muli ang halimaw at papatamaan muli sila ng buntot nito na ngayo'y may makamandag na likidong nakabalot sa bawat dulo niyon. Napapikit nalang s'ya at mahigpit na niyakap si Chloe na ngayo'y wala nang malay.
"Tellulah!!!" she unconsciously screamed. At gaya ng kanyang pagtawag ay ang paglitaw ng kanyang alaga na kinukop. Tellulah's monster form was raging like a mad creature. Galit na galit ang itsura nito nang kagatin nito ang buntot na hahampas sana sa kanila.
Nagpagulong gulong ang dalawang nilalang sa labas and she used that chance upang makatakas silang dalawa ng kaibigan. Hindi na s'ya nag-atubili pa at iniligay ang kaibigan sa kanyang likuran at sinimulang buhatin ito. Kahit hinang hina na ay binuhos niya ang buo niyang lakas upang makatakbo palabas ng mansyon. Rinig pa niya ang impit na ungol ng dalawang nilalang. She was about to reach the gates nang biglang nanahimik ang kapaligiran. Walang kahit na ano s'yang narinig kung'di ang hininga n'ya at sarili na hapong hapo na.
Napalingon si Amethyst sa kanyang likuran at gayon na lamang ang kanyang pag-relax nang makita ang kanyang alaga ang biglang sumambulat sa harapan.
She smiled at the creature and that's her body's cue... bumagsak silang dalawa ni Chloe at naging maagap ang kanyang alaga dahil sa likuran s'ya nito bumagsak.
We're safe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top