Chapter Nine
AS SOON AS she opened her eyes, the sky has been enshrouded with pure redness. Doon lang halos niya nahigit ang kanyang hininga nang mapagtantong hindi siya nabangga.
She helped her own self to get up and that's when she finally realized what happened. The red sky. It's the same ambiance that one of those guys created so nothing will happen in the real context of Earth.
"Ayos ka lang?" Isang nag-aalalang Zach ang bumungad sa gilid niya. He checked on her to see if she was harmed pero hindi naman. Okay lang siya.
"Ikaw ba ang..." hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa paraan ng pagtingin ng binata sa kanya.
"No, it wasn't me." Tugon nito. She was about to ask if it came from his friend but his expression states otherwise.
"Is there something wrong?" Tanong niya rito. Bahagya na siyang kinakabahan.
Zach didn't answer her question but instead, he pulled her to his back if in case someone will attack.
"Hindi sa amin galing ang spell na'to. Iba ang timpla ng awra ng magic para maging sa amin." Zach explained.
Ayaw niya sanang tanungin pero naglakas loob na siya. "K-Kalaban ba siya?"
Pagkatanong niyon ay biglang yumanig ang lupa. Napairit siya ng bahagya habang mahigpit ang kapit kay Zach. Ang yanig ay papalapit na sa kanila. Mas lalo siyang napasigaw when a sudden wall of soil erupted in front of them.
Mabilis na sinangga ni Zach iyon by forming a shield but they only left to be thrown away a few meters back. They found themselves lying on the floor. Siya nasa ilalim habang si Zach ay nasa ibabaw niya.
Parehas silang nanlaki ng mata dahil sa awkward nilang posisyon. Mabilis nabaling ang atensyon nilang dalawa nang maramdamang may lalabas sa mismong lupang kinahihigaan nila.
When another bedrock erupted beneath them, Zach used an incantation spell for them to float in the air.
Pero iba ang sa kanya. Nasa loob siya ng isang Cube.
"Just stay there inside. No one can break it kahit gaano pa kalakas ang mahikang gamitin diyan. I'll find the culprit." Pagbibigay linaw ng binata sa kanya.
"Bakit hindi mo tawagin iyong iba mo pang kaibigan?" She asked while Zach is dealing with the continuous eruption of bedrock on the ground.
"The Spell of Mist Protection is too strong to be detected by their radar. Halos hindi ko nga napansin na nasa loob na tayo ng mist ng kalaban." Zach replied helplessly.
Wala siyang magawa kung hindi ang panuorin ang ginagawang pag-iwas at pagpapasabog ni Zach sa mga umaangat na lupa. Walang tigil iyong umaangat uli kahit gaano pa kalakas ang gawing pagpapasabog ng binata sa mga ito. Patuloy pa rin ito sa paglitaw at atake.
She decided to make herself useful. She closed her eyes and tried to call the power within her. Kailangan niyang subukan kasi madali lang naman ito nakiayon sa kanya.
Ilang sandali pa ng pagpikit ay wala siyang naramdaman na kahit ano. As in, wala. She tried it again. She closed her eyes once more and begged her soul to use her unknown power.
"I can't believe that you can't use your own power?"
Napalingon silang dalawa ni Zach sa boses na bumalot sa loob ng red mist.
"A strong red mist like this can only be used by someone who's not a wizard." rinig n'yang wika ni Zach nang ilapit nito ang Cube na pinaglalagyan n'ya sa binata.
"May iba pa bang nilalang bukod sa inyong mga Wizards?" tanong n'ya habang patuloy ang ginagawang paglingon lingon sa paligid.
"Ayun s'ya!" irit n'ya when she finally saw the creature who did this kind of act.
There's someone walking towards them. The person is wearing a pure yellow cape and it covers her entire body except for sa bibig nito. The person is a woman based on the color of her yellow lipstick. Nakangisi itong lumalapit sa kanila habang ang magkabilang kamay nito at nakadipa sa magkabilang gilid.
The yellow-caped woman raised her hands upward at ilang tipak ng lupa at bato ang umangat from the ground.
"An elemental user." rinig n'yang komento ni Zach.
"Is it different from what you guys are doing?" tanong n'ya sa binata.
Umiling ito sa kanya. "It's somehow different."
"Wizards who can use magic spell particularly a solid element are known as Cavalier. And we are only chosen because of our bloodline. Kung napansin mo ang kapangyarihan namin, we are manipulating the secondary elements with incantations, pero dahil gamay na namin, we can directly use magic without the spells." Zach explained.
Yeah, what his friends have our secondary to the primary elements.
"So, you mean to say, an elemental user is a non-wizard who can definitely manipulate and control the primary elements?" she probed.
Tumango ito sa kanya. "And the known users of this elemental powers are called the Maidens. And their powers are being governed from nature."
Muli s'yang napalingon sa babaeng malapit nang makalapit sa kanila.
"The Earth user," bulong n'ya sa kanyang sarili.
"What's your business here, Elementum?" Zach asked the woman when she stopped throwing rocks, solid soil and such.
Ngisi ang namutawi sa bibig nito bago nilingon ang sarili sa kanya. "I want her."
Nanlaki ang mata n'ya sa narinig. S'ya? Bakit s'ya? Anong mayro'n?
"Why?" Zach asked and his stance is exceptional. Kitang kita na he's ready to defend and attack.
"Because she's an unknown mage user on our territory, Cavalier of Replication. Baka nakakalimutan mo, kayong apat lang nina Benjamin, Seth at Lincoln ang pinahintulan naming mamuhay sa mundo ng mga mortal. This dimension is our territory from your being."
Mabilis na idinipa ni Zach ang magkabilang braso nito na tila hinarang ang sarili sa pagitan niya at ng Earth user.
"She's a wizard of our kind, ako na ang bahala sa kanya." may pagtatagis na tugon ni Zach. "Our world is in a great mess and I need to justify her existence if she's truly one of us."
The Earth user scoffed from what she heard. "It seems to me that she's special then?"
"We still need to find it out," Zach replied.
"How special is she?"
"She can cast a high-level incantation without knowing that it's a spell." muling tugon ni Zach sa kausap.
I heard her being impressed with what she had heard. "A pure-blooded mage, I see."
"We need to know kung kanino s'yang anak dahil mataas ang tsansang may inabandonang anak ang isa sa mga Councilors sa mundong ito. She's living here since she was a baby, so you need to understand if she used her power that caused you to be alarmed."
Zach is doing well negotiating her life with the elemental user. Parang sanay na sanay sa ganito ang binata.
"I can sense the level of her mage power from here but it's being sealed. However, it's being developed now that she's on a right age." komento ng babae sa kanilang dalawa. Hinarap nito si Zach at muling nagwika. "Fine, I'll give her more time to live here. You need to do your research as fast as possible, Cavalier of Replication. Hindi ito kasama sa misyon niyong apat. Narinig ko ang bali-balitang kumakalat na sa mundo n'yo na patay na ang Prinsesang dapat naprotektahan ninyo nang kayo ay lumapag sa mundong 'to. Tila hindi natutuwa ang Councilors sa matagal ninyong paghahanap sa nawawalang Prinsesa."
"I'm fully aware of it, don't worry." pormal na tugon ni Zach sa mahaba at may babalang wika ng elemental user.
"You need to move fast, nalalapit na ang araw kung sa'n sa oras na hindi makabalik ang prinsesa sa itinakdang araw kung kailan dapat s'yang koronahan bilang Reyna, the Council will take over the throne. Alam mong maraming ganid na mapunta sa kanila ang trono nang namayapang Hari at Reyna."
Tumalikod na ang elemental user at nagsimula nang maglakad. Zach, on the other hand, removed the protection cube.
"Let's go, the mist that she used will be gone in a minute." yaya sa kanya ni Zach at nagpatiuna na ng lakad.
She's walking behind Zach when unconsciously, she stared back to the woman who wanted to kill her because of her existence. Dahil para pala s'yang immigrant sa mundong 'to.
The elemental user stopped from walking at nilingon rin s'ya na siyang nagpagulat sa kanya. The woman smirked at her and bowed down as a sign of respect. She doesn't know what that's for but she said something that she didn't get but was able to read her lips.
"Learn to use your power... Princess."
"KUMUSTA KA NA, Bes?" napalingon s'ya nang maabutan si Chloe sa loob ng bahay n'ya. Kararating lang n'ya galing school at dito na s'ya dumiretso when Chloe texted her that her Aunt was not around. Kaya naiuwi na nito si Clarence dahil gusto na rin ng batang makauwi sa totoong nilang bahay.
"Okay naman, medyo pagod." she replied then tumabi s'ya sa kaibigan.
"Mukha nga girl. Don't worry, nagdala na kami ng pang-dinner niyo ng pamangkin mo tapos nagdala na rin ako ng ilang grocery supplies. And please! Huwag mong tanggihan kung'di kakalbuhin kita."
Natawa nalang s'ya dahil alam nitong hindi n'ya tatanggapin ang mga iyon. But surprisingly, since pagod ang kanyang diwa... "Don't worry, I won't. Pagod akong kulitin ka."
Tinawanan lang s'ya ni Chloe tapos ay yinakap s'ya nang mahigpit. "I have to go na, Bes. May dadaanan pa ako na importanteng lakad. See you and don't forget to text me okay?"
Tumango s'ya bago umalis sa pagkakayakap si Chloe.
Bago pa man din makatayo si Chloe ay nakita n'ya kung paano ito nangunot ng noo. Nakatingin ito sa may balikat n'ya.
"What's that?" turo nito sa kaliwang balikat n'ya na agad namang naabot ng kanyang kamay.
Napalabi s'ya nang ma-realize kung ano 'yon. Ilang nadurog na bato ang naiwan pala sa kanyang damit.
"Napano ka" Chloe asked and this time her face is unreadable. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito at tila hindi gusto ang nakita sa kanyang balikat.
"W-Wala, nadapa lang ako sa may school ground." She lied.
Nakatingin pa rin si Chloe sa kamay niyang may ilang lupa pa. Tinanggal na lamang niya 'yon para hindi na magtanong pa itong babaeng 'to. For sure, 'pag hindi 'to napanatag, ay kukulitin s'ya ng kaibigan na magkwento.
Paano naman niya ikukuwento ang isang bagay na imposibleng maintindihan ng isang normal na tao. Kapag ba sinabi niyang, wala may nakaharap lang siyang Elemental User and unfortunately, Earth user pa. For sure, tatawanan lang s'ya ni Chloe.
Hindi niya pa rin nababanggit sa dalaga na may kapangyarihan s'ya. Naiisip niya kasing mas mabuti nang walang alam ang kaibigan para hindi na 'to madamay pa sa magulo na niyang buhay.
"Sige, I'll go ahead." seryosong wika ni Chloe at tuluy-tuloy na naglakad palabas ng kaniyang bahay. Nagtaka naman s'ya sa inasta ng kaibigan. Sinundan niya ito sa labas pero napaatras s'ya nang mapansin sa paligid lalo na ang dinadaanan ng dalaga.
Yung hose ng tubig sa may gilid nila, yung poso-negro na medyo malapit sa kaniya ay biglang nagbuga ng tubig na s'yang kinagulat ng ilang residente ng kanilang baranggay. Maging s'ya ay nagulat dahil 'di n'ya alam kung paano nangyari 'yon.
Sinundan niya muli ng tingin si Chloe. Imposible namang si Chloe ang may gawa no'n.
She was about to go inside again nang may mapansin sa kamay ni Chloe na patuloy pa ring naglalakad palayo.
Her hands... it glitters with blue. It glittered right after mangyari ang biglang paglabas ng tubig sa poso-negro.
Tama ba ang kanyang naiisip?
No, hindi. Hindi naman siguro. Baka namalikmata lang s'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top