Chapter Four
Amethyst Montreux
BIGLAAN ang kanyang pagdilat. Sa pagmulat ng kanyang mata, mga punong wala nang mga dahon ang unang natanaw niya mula sa pagkakahiga. May mga ilang uwak ang nagliliparan at halos pula ang kalangitan.
Dahan dahan siyang napabangon. Ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang pananakit ng kanyang sikmura kung kaya't nahirapan pa siyang umupo mula sa kanyang pagkakahiga.
Doon lamang siya natauhan nang maisip ang pananakit ng sikmura. Nabugbog siya kanina hindi ba? Bakit narito siya ngayon sa isang gubat? Isang nakakatakot na lugar.
"Chloe?" tawag niya ngunit walang nasagot. Muli niya itong tinawag ngunit wala pa rin siyang napapala.
Sa isa pa niyang tawag sa kaibigan ay nagitla siya nang makarinig ng kakaibang kaluskos sa 'di kalayuan sa kanya. Ramdam na niya ang kaba sa kanyang dibdib dahil alam niyang hindi lang siya ang tao rito.
"S-Sino iyan?!" tanong niya at 'di naitago ang pagkautal dahil sa kaba.
Halos manlaki ang kanyang mata nang lumabas ang 'di malamang nilalang sa pwesto kung saan niya narinig ang kaluskos nito.
Tumayo ito at humarap sa kanya. Nakasuot ng isang black cloak at natatakpan parin ang ulo nito. Tanging bibig lamang nito ang kanyang natatanaw dahil nakayuko ito sa kanya.
"S-Sino ka?" tanong niya rito at bahagya siyang gumapang paatras nang mapansin niyang umisang hakbang ang nilalang.
Hindi ito sumagot na mas lalong nagpatakot sa kanya. He's dangerous. Ramdam niya rin ang kakaiba sa awra nito. Para itong nababalutan ng itim na salamangka kahit hindi siya siguro kung tama ang kanyang hinala. Ngunit maaaring ganoon nga. Kung siya nga ay may kakaiba sa pagkatao na halos isigaw sa kanya na abnormal siya, ito pa kayang nilalang na ito sa llugar na kung saan sa mga pelikula lang niya nakikita't napapanuod?
"H'wag kang lalapit!" hiyaw niya rito nang mas naglalakad ito palapit sa kanya. Nakatiim bagang ang nilalang na iyon, tanda na lalaki ito.
Mas nahintakutan siya nang halos mawala ito sa kanyang harap ngunit sa isang pagkurap lamang ng kanyang mata at nakaluhod na ito sa kanya at hawak ang kanyang panga.
"Ikaw ang bubuhay sa'kin..." wika nito na nagpakunot ng kanyang noo. Ano'ng ibig nitong sabihin?
"B-Bitawan mo 'ko!" nahihirapan niyang wika dahil napapadiin na ang paghawak nito sa kanyang panga.
"Ikaw ang bubuhay sa akin!!!" sigaw nito sa kanya at matapos no'n ay naglaho ito na parang bula sa kanyang harapan. Leaving her a wound on her jaw.
"Amethyst! Gumising ka!" her eyes suddenly opened. Napaupo siya mula sa pagkakahiga at hinahabol ang hininga.
Shit, panaginip lang pala. Buti na lang.
"Ayos ka lang? Binabangungot ka kanina. Ito uminom ka muna ng tubig." Mabilis niyang inabot ang tubig at saka ininom ng mabilis. Matapos niyon ay napatingin siya sa dalaga.
"It's the same dream again," utas niya ilang sandali.
"Yung about na naman sa lalaking nakaitim at laging kang sinisigawan ng, 'Ikaw ang bubuhay sa'kin'?" tumango siya bilang tugon. "Ano bang ibig sabihin niyan?"
Miski siya ay hindi alam ang sagot. At oo, paulit ulit ang kanyang panaginip magmula nang tumuntong siya ng edad na disiotso. Nung mga unang araw no'n ay halos gabi gabi siyang hindi pinapatulog niyon. Hanggang sa dumalang nitong mga nakalipas na taon. Ngayon lang niya ulit ito napaginipan. Ang huli bago ito ay halos dalawang buwan na ang nakakaraan.
"May ibig sabihin iyon, Chloe. Hindi maaaring wala." Malakas ang kutob niyang may kinalaman ito kung bakit namatay ang kanyang magulang. Hindi lang dahil sa kanya kung bakit namatay ang mga ito. Hindi lang dahil sa taglay niyang sumpa. Dahil habang nangyayari ang sunog noon ay may nasaksihan pa siya bago magnyari ang lahat ng iyon. at posibleng yung lalaki sa kanyang panaginip ang sagot.
"Teka nung nagising ka ba do'n sa panaginip mo naalala mo pa ang huling pangyayari bago mo napanaginipan iyon?" tanong sa kanya ni Chloe.
"Oo,"
"Parang ang weird naman. Mostly, kapag nasa panaginip ka sarado lahat ang memorya mo habang nandon ka sa senaryo sa panaginip. I mean, it's very rare na mangyari para sa isang tao na maalala pa ang nangyari bago siya napunta ro'n hindi ba?"
Napalunok siya sa realization ni Chloe. Natamaan siya ro'n. Marahil nga ay hindi siya tao. Dahil ang sinabi nito ay nagpapatunay na hindi siya tulad ng ibang normal na tao. Ang imposible at rare case scenario na winika ng kanyang kaibigan ay naranasan niya. At patuloy na nararanasan.
"Nasaan pala ako?" pag-iiba niya ng topic.
Sinamaan siya ng tingin ni Chloe, "Loka loka ka ba? Malamang nasa bahay ko."
Tangang tanong, Amethyst. But of course kwarto ito ni Chloe. Ba't do'n mo lang na-realize matapos mong makapagtanong? Gaga ka!
"Sabi ko nga. Teka anong oras na?" napatingin sa relos si Chloe.
"Ala-sais na, girl."
"Ano? Naku si Clarence baka napano na yung bata na 'yon." Wika niya at saka nagmamadaling nag-ayos ng sarili.
"Nataranta na siya, oh. Huminahon ka nga. Nandito si Clarence. Pinasundo ko siya kanina."
Napatingin siya bigla kay Chloe at sinalubong ito nang nakakunot noo. "Nandito siya?"
Tumango si Chloe at saka kinuha ang first aid kit na ginamit sa kanya para magamot ang maliliit na scratches sa kanyang braso at binti.
"Nung time na dinadala ka namin dito. May inutusan na akong kunin si Clarence doon sa inyo. And guess what, wala do'n ang dalahirang nanay niya do'n. Akala ko nga makikipag-wrestling pa ang tauhan ko sa mukhang maton na nanay ni Clarence, ah."
She narrowed her eyes at her. Hindi na siya nagulat na wala ron ang kanyang tiyahin pero may sinabi itong kumuha ng kanyang atensyon.
"Sandali, ang sabi mo... 'Nung time na dinadala ka namin.' Namin. So may tumulong sa'yo kanina habang dinadala ako rito?"
Doon sumagi sa kanyang isipan ang lalaking dumalo rin sa kanya kanina bago siya nawalan ng malay. Yung lalaking may Silver Tattoo.
Halata naman ang pagputla ng labi ni Chloe maging ang panglalaki ng mata nito sa kanya.
"H-Huh? May tumulong? A-Ang alam ko... Ako lang ang—"
Pinagsingkitan niya ito ng mata. "Talaga? Ikaw? Nakaya mo ako? As far as I remember mas mabigat ako sa'yo."
"A-Ah? Ahhh! Ah oo nga pala mayroon nga!" tugon nito sa kanya na halatang nagsisinungaling kanina. She's hiding something from her.
"Sino 'yon?"
"H-Huh? Naku 'di ko rin kilala 'e. Tumulong lang siyang buhatin kita. Saka wala akong nakitang silver tattoo sa braso niya."
Natigilan siya sa sinagot nito. "Kailan ko sinabing may tattoo yung lalaki, Chloe?"
Napanganga ang dalaga sa naging sunod niyang tanong. Nadulas ito at ngayon ay sigurado na siyang kilala niya ang estrangherong iyon.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Chloe?"
Hindi na ito mapakali matapos ang masuspetsya niyang katanungan rito. Kailangan niyang malaman kung ano ang nililihim sa kanya ng kaibigan. There is something strange about that guy. Kailangan niya ng kasagutan. Malay niya kung may alam ang lalaking iyon sa sumpang mayroon siya. Baka may kasagutan siyang mahihita sa kung saan niya nakuha ito.
"Chloe?" she warned her to speak now.
Ngunit tila lumuwag ang hininga nito nang marinig nila ang katok mula sa kwarto kung nasaan sila ngayon.
"G-Great, si Butler June na yata 'yon. T-Teka lang, girl." Wika nito at saka lakad takbo ang paglapit sa pintuan.
"Handa na po ang pampaligo ng Prinse—" napakunot noo siya nang biglang takpan ni Chloe ang bibig ng butler nito at saka napatingin sa kanya. Alanganin itong tumawa.
"M-May langaw. Muntik nang pumasok sa bibig ni Butler. Alam mo na... nag-aalala lang. Baka mabilaukan."
Alanganin niya rin itong nginitian. "Ganun ba? Si Clarence nasaan?" pag-iiba niya ng topic.
Hindi ako tanga, Chloe. Hindi ako tanga.
"Ah, oo nga. Si Clarence." Wika nito at saka tinanggal ang pagkakatakip sa bunganga ni Butler June. "Nasaan siya, June?"
"Nasa Room of Entertainment, Young Lady."
"Oh, andon raw siya, girl. Hayaan mo muna ang bata do'n. Maligo ka nalang muna. Amoy anghit ka na." wika nito at nilapitan siya.
"I just wanna see him—"
Tinulak na siya ng dalaga. "Mamaya mo na puntahan roon. He needs to release all the stress that he has. And one way of that is playing."
Wala na siyang nagawa at nagpatangay na lang sa pagtulak ni Chloe sa kanya sa banyo. Nilublob na lamang niya ang sarili sa bath tub naroon at may body wash nang halo.
Inamoy niya ang ginamit na body wash. Lavender scent. Ang paborito niyang bulaklak.
Mabilis siyang naghubad at saka lumusong sa bath tub.
Ano na kaya ang mangyayari sa buhay nila ngayon ni Clarence? Gusto niyang umasenso sa buhay. Gusto niyang bigyan ng matinong kinabukasan ang kanyang pamangkin. Ayaw niyang magaya siya nito na kinakailangan pang maghirap para lang makapag-ipon ng pag-aaral. Mas gusto niyang aral lang ito ng aral na walang iniintindi upang makapagtapos ito na may magandang diploma.
Pero papaano niya magagawa iyon kung may hadlang. Kahit 'di niya isipin, Nakakasiguro siyang may nakaambang panganib ang sumpang mayroon siya. At nag-aalala siya na baka dahil na naman sa sumpang ito ay mawala naman sa kanya si Clarence. At hindi na niya kakayanin ito. Minsan nang naging kasalanan niya ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Hindi na niya hahayaan pang maulit iyon ngayon sa kanyang pamangkin.
Hindi na niya namalayan ang sariling nakatulog habang nakakabad sa tubig.
Nagmulat siya nang mata ilang minuto lang matapos niyang mapapikit. Sa pagmulat pa lamang niya'y alam na niyang nasa isang panaginip na naman siya. Ramdam niya ang kanyang katawan na nakahiga sa isang duyan. Naalala niya ang duyan na ito...
Ito ang duyan sa likurang bahagi ng kanilang bahay noon. Sa bahay ng kanyang magulang.
Bumalikwas siya roon ng tayo at napatingin sa pintuan ng bahay nang magbukas iyon. Hindi niya alam ang mararamdaman nang makita ang kanyang ama na bitbit ang isang munting sanggol.
Napahawak siya sa kanyang bibig. Siya ang sanggol na iyon. Nilapitan niya ang kanyang ama. Nang makalapit ay halos hindi niya alam ang gagawin. Nanumbalik ang pangungulila niya sa mga ito.
"Hon, tumawa si Baby nang binigyan ko siya nito, oh." Sinunandan niya ng tingin ang amang papunta sa ihawan nila na kung saan... naroon ang kanyang ina. Lavender na bulaklak ang tinutukoy ng kanyang ama.
"Aba oo nga, hon. Ang cute cute ng baby natin." Wika ng ina at saka kinurot sa kanang pisngi ang sanggol. Napahawak rin siya sa kanyang pisnging kinurot ng ina. She smiled.
Nagitla siya nang biglang kumulog at kumidlat. Kasabay no'n ay ang pag-iyak ng sanggol sa bisig ng kanyang ama. Natuod siya nang makita sa sanggol ang pagbabago nito ng kulay ng mata. The baby's eyes were turning purple. A strong wild purple.
Napatingin siya sa isa sa mga punong pinagkakabitan ng duyan sa kanyang kinatatayuan. There was someone wearing a cloak. Hindi niya maaninag ang mukha nitong natatakpan ng suot na hood. Ngunit kitang kita niya ang pagngiti niyon ng tipid at may halong lungkot. Sinundan niya ang tinitingnan nito. At doon niya nakita na nakatingin ito sa sanggol na kasalukuyang umiiyak at nakatingin rin roon.
Naalala niya ang ganitong sitwasyon noong panahong bata pa siya. Nagbabago ang panahon kapag nakakaramdam siya ng masisidhing damdamin tulad ng labis na galit, inis, at takot.
Bigla siyang napatingin sa kanyang kaliwa at doon niya nakita ang isang lalaking masama ang tingin sa sanggol. Ang pula ng mata at nakangisi na animo'y may ginagawa sa bata.
Nagitla siya nang tumigil ang lahat. Ang pagaspas ng hangin. Ang paggalaw ng kanyang mga magulang at ng alin pang mga gumagalaw sa paligid. Lahat nakatigil maliban sa dalawang estranghero, sa sanggol at maging siya.
Mabilis na dinambahan ng tao sa may puno ang taong nasa gate ng likurang bahay.
"H'wag mo siyang kantihin!" wika ng isang babaeng boses. Babae pala ang estranghero sa puno.
"Hindi pa. Hindi pa sa ngayon, Samarah. Hindi pa." tugon ng estranghero sa gate. Lalaki ito.
Mabilis na nawala na parang bula ang estrangherong lalaki at naiwan ang babaeng naka-hood. Nang makabalik sa ulirat ay nilapitan nito ang kanyang mga magulang. Gusto niyang lapitan ito dahil baka kung ano ang gawin nito ngunit hindi niya magawang makahakbang lamang kahit isa. Parang may pumupigil sa kanya.
"Ssshhh, its okay, Baby. It's okay, princess." Pang-aalo nito sa bata na siya niyang kinatigil. Natahimik sa pag-iyak ang sanggol at nakatingin lang sa babaeng kumakausap sa rito.
Ngumiti ang babae at nagulat siya nang palutangin nito sa ere ang Lavender. Pinaikot ikot pa nito ang bulaklak na siyang kinatangis ng bata ng tawa.
Nang mailagay ng babae ang bulaklak ay mabilis itong bumigkas ng isang 'di pamilyar na salita.
"Vieliento," matapos niyon ay nawala ito na parang bula sa kanyang harapan at saka muling nanumbalik ang paggalaw ng lahat ng bagay sa paligid.
Sino siya?
"AMETHYST!" napalingon siya at nakita niya si Chloe na pahangos hangos na tumakbo palapit sa kanya. Nasa Crimson University siya ngayon at kasalakuyang magpapasa na ng requirements sa Admin Office para makapasok na siya sa susunod na semester as a scholar.
"Tulala ka na naman diyan." Wika nito sa kanya habang nagpupunas ito ng pawis. "Kagabi ka pa gan'yan matapos mong makaligo. Ano bang problema? Pati pamangkin mo nag-aalala sa'yo."
Muli na naman niyang naalala ang panaginip niya sa banyo. Nginitian niya ito ng tipid at saka tumugon. "Wala naman. Okay lang ako. Masyado lang ako maraming iniisip. Ah, nga pala. Salamat sa pagpapatuloy muna kay Clarence sa inyo, huh."
Napilit kasi siya nito na kung ayaw niyang doon sila muna tumira ni Clarence ay kahit yung bata na lang muna.
"Wala 'yon, ano ka ba? Saka dapat kasi doon ka na muna rin 'e. Ang kulit lang talaga niyang mga split ends mo."
"Dinamay mo pa split ends ko loka ka. Syempre alam mo namang kailangan ko ring tingnan tingnan doon sa bahay si Tiya. Baka mamaya nag-suicide na pala iyon 'e 'di naging kasalanan ko pa."
"Oh, s'ya s'ya! Oo na! Sige na. Ikaw na panalo. Hinabol pala kita para ibigay sa'yo 'to." Wika nito at saka may inabot sa kanya na isang maliit na purple book. Actually para lang iyong notepad sa kapal pero ang astigin lang kasi para itong makaluma.
"Ano 'to?" tanong niya.
"Basta. Kakailanganin mo iyan. Matagal ko na dapat binigay sa'yo iyan pero dahil makakalimutin ako, kaninang umaga ko lang naalala. H'wag na h'wag mo iyang itatapon o iwawala okay? Importante iyan at saka maganda iyan promise. Oh, s'ya... mauuna na ako sa'yo. Dad wants to talk with me. Balak ko sanang samahan ka pa sa pag-enrol kaso importante raw ang pag-uusapan namin."
"Yeah, sure. Ingat ka!" bahagya niyang sigaw dahil tumakbo na naman ang babaeng iyon.
Napabalik siya ng tingin sa libro na binigay nito at saka inusisa. Binuksan niya iyon and only to find out na wala itong sulat miski isa sa mga pahina nito.
"Ginagago ba ako nitong si Chloe? Alin ang maganda rito? 'Eh wala namang nakasulat."
Imbis na itapon ay napagdesisyunan na lamang niyang ilagay iyon sa kanyang bag. Hindi dahil sa sinabihan siya nitong h'wag itapon kung'di, magkakaroon pa ito ng silbi kapag ginawa niya itong notes sa pasukan. 'Edi nakatipid pa siya, ano?
"Good Morning po," bati niya nang makapasok na siya sa opisina ng pagpapasahan niya ng requirements.
"Oh, there you are Ms. Montreux. Come," nakangiti nitong bati sa kanya at inimuwestra pa ang upuan sa tapat ng lamesa nito upang siya'y makaupo.
"Magandang araw po, Ms. Ashley Salvatore." Magiliw niyang pagbati sa binibini. Kamuntikan na nga siyang malaglagan ng panga dahil sa angking ganda at halina nitong dalaga sa kanyang harapan.
Para nga itong masyadong bata para sa ganitong posisyon sa ekwelahan. But then again, sino ba naman siya para husgahan ang trabaho sa Pilipinas. Kung siya nga 'e sa murang edad ay halos nagawa na niya ang mga simpleng trabaho.
Nginitian lamang siya nito at pinakatitigan. Napakunot ang kanyang noo sa paraan ng pagtitig nito. 'Di mo kasi malaman kung ang tingin ba nito ay pawang natutuwa sa pagmumukha niya o nakakasura.
"M-May problema po ba sa mukha ko?" 'Di niya mapigilang itanong.
"Ah, wala. Wala. Pasensya ka na. Nagagandahan lang ako sa'yo."
Nagulat naman siya sa naging papuri nito.
"Naku po, 'wag niyo po akong paasahin na maganda ako. Masakit."
"Uy, 'di kita niloloko ah. You're really beautiful. Nakikita ang kagandahan sa pinaka-haggard na mukha. Remember that."
Nginitian na lamang niya ito ng tipid.
"Well, anyways. May I have your credentials and requirements?"
Mabilis niyang ibinigay rito ang hinihingi at saka mataman na naghintay sa mga sasabihin nito. Sabi kasi ng taong nakausap niya matapos makuha ang official result niya sa pagsusulit ay magakaroon raw ng maikling interview with the scholarship administrator na si Ms. Salvatore nga.
"I am merely impressed with your grades from your previous university. Siguro hindi ko na kinakailangang itanong kung bakit tumigil since sabi sa pre-interview sa'yo ay nagtatrabaho ka ngayon. But according to birth certificate, Montreux ang apelyido mo ngunit Salvador ang iyong nanay at tatay."
Alam na niyang mauungkat iyan sa kanyang mga personal information kaya malungkot siyang ngumiti bago tumugon. "I'm adopted, Ma'am. Nakuha nila ako sa isang simbahan noon at may nakaburda na 'Montreux' sa lampin na gamit ko rason nila madali raw ako makikilala ng mga tunay kong magulang kung iyon raw ang gagamitin kong apelyido imbis na Salvador." That's the hidden truth about herself.
"Sorry to know that, Ms. Montreux. Well, congratulations! You're now an official scholar of Crimson University."
Mapalad ang kanyang ngiti. Sa wakas! Unti-unti na niya muling makakamit ang kanyang pangarap at mabibigyan na niya ang kanyang pamangkin ng maginhawang buhay.
"Maraming salamat po. Sobrang salamat!" wika niya habang kinakamayan ang dalaga. Ngunit sa paglapat pa lamang ng kanyang kamay sa kamay ni Ms. Salvatore ay bigla siyang natigilan.
Pagyanig ng lupa. Landslide.
She saw it in that moment. Bahagya pang nakaamang ang kanyang bibig dahil sa mabilis na vision na kanyang nakita.
"Are you okay?" napabalik siya ng tingin kay Ms. Salvatore. Seryoso ang mukha nito at hindi mo makakakitaan ng pag-alala. Parang mas may interes pa ito sa dahilan kung bakit siya natigilan.
"A-Ayos lang p-po ako." Mangarag ngarag niyang tugon sa dalaga.
"No. You're not. Maputla ka."
Napailing iling siya at may pagkataranta niyang kinuha ang mga gamit. "A-Ayos lang po talaga ako. M-Medyo gutom lang siguro. Sige ho, salamat ulit."
Nang makalabas sa kwartong iyong halos habulin niya ang kanyang hininga. Para kasi siyang tinakasan ng hangin dahil sa nangyaring 'di niya inaasahan.
Ano'ng ibig sabihin ng mga nakita niya? Bakit tila yata galit ang kalikasan? Pero bakit Earthquake? Hindi kaya may mangyayaring pagyanig ng lupa? Kasama ba 'to sa sumpang mayroon siya?
"Don't block the door." Napatingin siya sa sapatos ng isang lalaki na nasa kanyang tapat. Nakayuko kasi siya. At iyong sapatos nito ang nakikita.
Inangat niya ang kanyang tingin at halos mapaghulugan siya ng panga sa itsura ng lalaking kumakausap sa kanya.
Ang pogi!
"Are you deaf? I said, don't block my way!" napaatras siya ng bahagya sa bahagya nitong pagbulyaw. Aba turn-off! Arogante pala 'to.
Inayos niya ang kanyang sarili at saka tiningnan ng blangko ang gwapo nitong mukha. Jusko, Amethyst. H'wag mong pairalin ang isa mo pang ugali na alam na alam ni Chloe!
'Di niya hahayaang siya lang ang mapapahiya sa mga taong napatingin sa gawi nila. She's Amethyst Montreux, excuse me.
"Zipper mo bukas. Nagambala ako kaya ako natigilan." 'Di na niya hinayaan pang may sabihin pa ito sa kanya. Mabilis na siyang umalis roon na may ngisi sa labi.
Pero bago pa siya makalayo ng tuluyan. Literal na huminto ang kanyang galaw. Ang kanyang katawan. Para siyang naparalisa. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari ngunit napansin niya ring tumigil ang lahat. Tumigil ang oras.
"Hindi mo ako matatakasan ng gano'n gano'n lang, babae."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top