Chapter Five

Amethyst Montreux

SHE can't move a muscle. Even the way she breath is getting heavier unlike a while ago. At kasalanan iyon ng lalaking wirdo na nasa harapan niya ngayon. Nakatingin ito ng seryoso sa kanya na animoy kakainin ka sa paraan ng pagtingin nito.

Pasalamat itong wirdo na ito at may itsura ito. Hmp!

"What do you want me to do with me you?"

Rape me!

Ay nako, Amethyst! Ayusin mo ang sagot mo talandi ka! Hindi ngayon ang oras para mag-isip ka ganyan.

She forced herself to speak and when she did, his eyes widen. "M-Move!"

The handsome guy step aback not expecting of what she did.

Mamaya na siya mag-h-hyperventilate sa nangyayari. Later na, kukutusan niya lang muna ang lokong ito.

Sunud niya ngayong ginalaw ang kanyang ulo. One step at a time. Hindi niya muna pinansin ang may dahilan kung bakit tumigil ang oras sa paligid.

And when she did it, mas lalong hindi nakahuma ang binata.

"S-Sino ka?!" Tanong nito sa kanya mang tuluyan na siyang nakagalaw ng normal. Pakiramdam niya'y nakalaya siya mula sa pagkakayelo.

Despite of the feeling that she wants to scream and stress herself out of this melancholy, she managed to cease her forehead and raised a brow at him. Even if her legs wants to collapse.

"I should be the one asking you that? Sino kang mangkukulam ka?"

Pwede ka nang pangaralan, Amethyst. Ang pinakamatapang na dalaga sa balat ng lupa.

The weird guy suddenly changed mood from being shock to being a mad man.

"Wala kang karapatang ibalik sa akin ang tanong ko! Sino ka?!" Angil nito at hahawakan sana siya nito sa kanyang leeg nang inagapan niya ang gagawin nito.

Her reflexes immediately activated at lumayo siya rito kapagkuwan. Pero hindi niya inaasahan ang pagkawala nito sa kanyang harapan. As in, bigla itong naglaho.

Napairit siya nang biglang may yumakap sa kanyang likuran. Nakasakal ang matipuno nitong braso sa kanyang leeg at nakayakap naman ang isang braso nito sa kanyang upper abdomen.

Electricity suddenly enshrouded her well-being. Gosh, his touch was really different na nagpapatunaw sa kanyang mga binti.

"Answer me! Or I'll kill you instantly. Are you warlock?!"

"H'wag kang manigaw! Ang lapit mo masyado nabibingi ako!" Reklamo niya rito. Aba tama naman eh. Sigawan ba siya eh ang lapit ng bibig nito sa kanyang tainga.

Mabuti na lamang at naitago niya sa kanyang boses ang pagkautal dahil sa epekto ng pagkakalapit ng labi nito sa kanyang balat. She suddenly felt something weird inside her. Para siyang kinikiliti na ewan.

Mas humigpit ang pagkakayakap nito ng marahas at ramdam niya ang pagtangis nito ng bagang. Hindi yata nagustuhan ang kanyang pabalang na sagot.

"I can easily break your neck if you will say something unrelated to my question, woman! Now, answer me! How did you escape from my spell?!"

"Aba ang tindi mo! May follow-up question kaagad eh hindi pa nga ako nakakasagot sa una mong tanong!" She knew that bravery from this point of bad situation won't end to good result. Pero hindi niya kasi mapigilang mambara kung ang gago gago lang niya kung mang-interrogate!

"Inuubos mo ang pasensya ko." Anas nito at mas hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.

Jusko naman, dito na ba kaagad matatapos ang buhay niya? Ni hindi pa niya nabibigyan ng maayos na buhay si Clarence! Tapos kung kailan naman kailangan niya nung sumpang mayroon siya saka naman hindi ito nalabas sa katauhan niya.

Or is it because the curse inside her also felt the safety assurance if she remained closely at him?

Maharot din pala ang kanyang sumpa...

"Answer me!" Muling bulyaw sa kanya ng binatang pinaglihi yata sa speaker sa lakas ng boses.

Papaano siya sasagot kung natirik na ang kanyang mata?! Ang bobo!

Bago pa man din siya tuluyang mawalan ng hininga ay may kung anong tumama sa binata. Was it a thunderbolt?

Napahawak siya sa kanyang leeg at hinahanap ang hinihinga. Napatingin siya sa wirdong nananakal ng babae na bumaon sa isang malaking pader ng isang building.

Her eyes went wide because of what happened. Buhay pa ba iyon?

"Are you okay, Miss?" Nagitla siya nang may isang lalaki ang dumalo sa kanya at tinulungan siyang makatayo. At jusko po, ang gwapo rin nitong isang 'to. His ash hair color suits his dark eyes. Nakasuot rin ito ng uniporme ng school na ito at halatang kararating lang.

"Y-Yeah," she answered him and tried to take a deep breath.

"Pasensya ka na sa--" bago pa man din matapos ang sasabihin ng lalaking kulay abo ang buhok ay nawala na ito sa kanyang paningin at tumilamsik sa kung saan dahil sa isang malakas na boltahe ng kuryente. Mas malakas sa kanina.

Napahawak siya sa kanyang bibig dahil halos isang kilometro rin ang pagkakatilamsik ng lalaking iyon mula sa kanyang pwesto.

Oh, no! Buhay pa ba iyon?!

"Ay kuryenteng gago!" Gulat niyang bulalas nang may humawak sa kanyang kaliwang braso at marahas siyang hinarap.

It was the weird guy! Oh, shit! Buhay pa nga ito! Iyon nga lang may konting bangas dahil na rin sa tumama ito sa may building. Pero all infairness, mukha namang buhay na buhay pa ang isang ito.

"You." He said in his deep cold voice. Kinunutan niya ito ng noo. Pero gumawa na kaagad siya ng aksyon nang mapansing may sasabihin itong kasunod. Gosh, alam na niya ang sunod nitong sasabihin.

Hinarang niya ang kanyang mga daliri sa labi nito at pinatahimik ang binata.

Gulat naman ang nakarehistro sa mukha nito lalo pa at pabalik balik nitong tinitingnan ang mga daliri niyang nasa labi nito at sa kanya.

"Iyong tanong mo kanina. No. Hindi ako Warlock na hindi ko alam kung saan mo pinulot na banga. At, I don't know. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makagalaw sa ginawa mong pagpapatigil ng oras."

Akmang magsasalitang muli ang binata nang mas diniinan niya ang pagkakalapat ng kanyang daliri sa labi nito.

Shit, ang lambot lambot ng labi! Ang init pa!

"Shhh! Alam ko na ang follow-up question mo. Yes. Hindi ako nagigimbal sa nangyari dahil ewan ko. Usual na yata itong may mga extraordinary events na nangyayari sa paligid ko. Kaya h'wag mo nang matatanong tanong kung bakit mukha akong relax. And please! Once I put away my fingers on your lips, promise me that you won't kill me. Gosh, ang bata ko pa para mamatay! May pangarap pa ako na kailangang abutin para sa amin ng pamangkin ko."

Hindi kaagad nag-react ang binata sa mahaba niyang speech. Halos haluan na nga niya ng drama ang last part ng sinabi niya para lang makumbinsi itong h'wag siyang patayin.

She should be freaking out right? Dahil hindi normal itong nangyayari ngayon. Lalo na ang dalawang lalaking hindi niya rin alam kung normal ba o hindi. They're casting spell and throwing thunderbolt for damn sake!

"Listen to her, Zach. I can sense that she's telling the truth. Assure her." Kaagad niyang nilingon ang nagsalita. Ito iyong lalaking may ash hair color! Shet, buhay pa rin ito matapos tumilamsik ng ganoong kalayo?

Napangiwi siya nang marahas na tinampik ng binatang nagngangalan na Zach-- ayon kay Ash Haired-Man, ang kanyang kamay.

"Sakit, ah!" Angil niya rito pero sinamaan lamang siya nito ng tingin.

"Nagsasabi ka ba ng totoo? Hindi mapagkakatiwalaan ang mga kagaya mong mahilig manloko ng tao."

Napasinghap siya ng marahas. Aba't! Ang kapal ng mukha nito ah!

"Mas lalo namang hindi mapagkakatiwalaan ang kagaya mo na nananakit ng babae! Mga paasa na nga't pa-fall, nananakit pa! Baliw!" Bulyaw niya rito dahil hindi na niya napigilan ang sarili. Kahit pa napahugot siya ng kaunti sa mga sinabi niya ay tama lamang iyon!

Nakakunot noo ang dalawang lalaki sa kanyang harapan matapos niyang maninghal. She rolled her eyes because of their reaction.

"I'm telling the truth, asshole." Nakapamaywang niyang sagot na lamang sa naging pang-uusisa ng binata sa kanya.

The Ash-Haired Man laughed after that. While on the other hand, nagtangis naman ang bagang noong wirdong lalaki. Wirdo na nga, ang sungit pa. Baliw!

"What did you just call me?" The weird guy asked her in his deep baritone voice.

Hah! As if naman matatakot siya sa paraan nito ng pagtatanong sa kanya. Never! Kahit pa nakakapangatog ang kanyang mga titig at nakakatunaw ng binti ang boses nito'y hinding hindi at susubukan niyang hindi magpaapekto rito.

"Pili ka, Asshole or Weird Guy." She bargained.

Gusto niyang award-an ang sarili sa pagiging taklesa at sa pagiging matalas ng kanyang panananalita. Hindi alintana na kapag nainis ng sobra ang lalaking ito ay humandusay na lamang siya sa kinatatayuan dahil baka paulanan siya maya maya ng thunderbolt.

There's something about him informing her that she shouldn't be afraid at him. And she trust her instinct. She should be.

Akmang susugurin siya ng Zach na ito ngunit buti na lamang ay pinigilan siya nung lalaking may abong buhok.

"Hey, relax man!" Ani ng pumipigil kay Zach sa pagsugod sa kanya ngunit bakas s mukha nito na natutuwa dahil naiinis ang kaibigan.

"Sino ba kayo? Bakit may mga superchingching kayo na ganyan. Timestopping tas Thunderbolt. Aba hindi niyo pa kinumpleto, sana nag-Power Rangers na kayo." Hindi halata ang sarkasmo sa kanyang winika. Hindi 'di ba?

"Mas okay na hindi mo na malaman pa. Magpasalamat ka nga't hindi kita tinuluyan dahil nasaksihan mo ang kaya namin gawin na hindi nagagawa ng pangkaraniwang tao." Angil sa kanya noong Zach.

"So, inaamin mong abnormal ka?" She concluded.

Pero mas naging dahilan iyon upang mas magtangis ang panga ng binata. Iritang irita na ito panigurado sa ugali niya. Pwe! Kahit pa kumportable siya rito ay hindi naman tama ang ginawa nitong pananakit sa kanya! Babae siya ano!

"And I bet you're abnormal too. You escaped from my spell if in case you have already forgotten." Siya naman ngayon ang napabusangot sa naging pambawi ng lokong ito. Aba, sumasagot pa!

"Really? Oo nga ano? Damn, paano ka nga nakakagalaw ngayon?! The time spell is still activated!" Yung ash haired man naman ang histerikal na nag-react.

Nagkibit balikat na lamang siya dahil miski naman siya ay hindi rin alam ang sagot. Iyong sumpa nga niya eh isang malaking misteryoso pa sa kanya tapos sasagot pa siya sa tanong nila kung bakit siya nakakagalaw ngayon.

"I'm sure, you're a Warlock." Napatingin siya sa masamang titig ni Zach sa kanya. Its piercing her soul. "Tanging mga ganoong klase ng mahikero lamang ang kayang bumasag sa mahika ng isang Maharlika."

Napaismid siya sa naging kongklusyon ng binata. "For your information, Zach the Weird guy, alam ko ang meaning ng sinasabi mong uri ng salamangkero. Mukha bang may masamang budhi ang buong katauhan ko? Hindi ako maganda oo, pero grabe ah... Kahit paano hindi ako masamang tao. Hindi tulad mo na nananakit ng babae. Ikaw yata rito ang Warlock."

"How dare you--"

"Oh tama na, tama na." Pigil nung kasama ni Zach. Tapos ay parehas silang tiningnan. "We should talk about this in some other place." Pagkatapos ay tiningnan nito si Zach.

"Stop the spell, Zach. The Goddesses wouldn't like the long usage of your spell. Alam mo naman iyong mga iyon, they preserved the naturality of Earth."

Ano raw?

"Pero bago mo muli pagalawin ang lahat ay ayusin mo muna lahat ng nasira. I'm sure you wouldn't like the people around us to freak out once you disabled your spell and let them see the destruction."

Ang tinutukoy nito ay ang nasirang building na pinagtilamsikan nung Zach.

"Tss, you're the reason why it broke, Lincoln." Anas ni Zach at saka nilagay ang dalawang kamay sa bulsa nito.

Akala yata nito cool iyon. Pwe!

Sinamaan ni Lincoln si Zach. Shit, ang hot ng mga names.

"Dadada ka pa. Gawin mo na lang. Besides, its your spell. Not mine."

Zach groaned and snapped his fingers. Nakanganga lang siya habang nawawala ang epekto ng pagtigil ng oras at kasabay noon ay ang agarang pagbabalik sa dati noong building na nasira.

She was amazed not because of how did Zach do that. Na-amazed siya sa kapangyarihan nito.

"You." Napapitlag siya nang duruin siya ni Zach. Even Lincoln look at her habang nakangisi sa kanya. At mas nagitla siya nang biglang tumigil ang mga estudyante. Hindi dahil sa magic kanina, talagang tumigil sila at nakatingin na sa kanila.

They're making a scene!

Tiningnan niya ito ng mariin at nagbigay ng senyas kung ano'ng problema na naman nito.

"Come with me. We're not yet done." Malamig nitong utos sa kanya. Narinig pa niya ang pagsinghap ng mga estudyante sa sinabi ng binata, at karamihan roon ay kababaihan.

Oh why the hell did she forget about the simple logic in a University?

Kapag sobrang gwapo... Santo na kailangang sambahin, titilian at aangkinin na akala mo kanila. Hay buhay.

Tinaasan niya ito ng kilay. "May gagawin pa ako." Simple niyang sabi at tinalukuran ang dalawang binata. Kailangan na niyang layuan ang dalawang ito. Kakalimutan na lamang niya na mga abnormal ang mga tulad niya kesa naman na sumama siya. Mamaya tamaan pa siya ng bala sa kung saan dahil sa sama ng tingin ng ilang kababaihan sa kanya. Ayaw niya ng gulo.

Nakakalimang hakbang pa lamang siya nang biglang nagdilim ang langit at lumangitngit ang matinding kidlat sa kalangitan.

Nilingunan niya ang dalawa. Si Zach nakataas ang kilay sa kanya habang seryoso ang mukha at ang may dahilan ng kidlat na si Lincoln. Nakangisi ito sa kanya at iginiya pa ang kamay patungo kay Zach.

Sige, asshole ka na rin para sa kanya Lincoln.

"Sabi ko nga, heto na 'di ba?"

Busangot siyang tumigil sa harap ni Zach. Dapat ay nakaalis na siya at maghahanap pa siya ng part time job habang nag-aaral para sa pasukan. Pero itong lalaking ito, nako! Bakit ba hindi nalang siya nitong kalimutan nalang? O 'di kaya kung may spell ito ng pampalimot sa nangyari kanina ay willing siyang magamitan no'n.

"Saan ba tayo pupunta?" Iritado niyang tanong habang sinusundan si Zach. Ito ang nauuna habang nakasunod sa si Lincoln na walang sawa pagngiti sa bawat kababaihan na titilian siya. Habang itong nasa unahan naman niya isang dakilang isnabero. Pwe!

"Just shut up." Tugon nito sa kanya.

Nanggigil siyang nagpatuloy sa pagsunod rito. This should be worth wasting for. She's wasting a lot of time! Ano ba ang kailangan nito sa kanya?

Nakarating sila sa isang Music Room. As they entered the place, the two men began talking.

"Where's the others?" Zach asked Lincoln.

"Paparating na."

"Inform them to make it fast. We need an important meeting." Zach ordered Lincoln.

"Noted." Lincoln scratched something in the air from the window. Three thunder lightning drew in the sky after that.

Her jaw dropped from what Lincoln did. Ang galing!

"Is this because of her?" Sabay tingin sa kanya na siyang kinataas ng dalawa niyang kilay.

Dahil ba weird din siya? Upakan niya itong mga ito.

Hindi sumagot si Zach at naupo lamang sa isang teacher's chair at napatingin sa kalangitan.

Wala pang ilang minuto nang bigla siyang makaramdam ng sobrang lamig. As in sobrang lamig sa loob ng room!

Ilang segundo pa nang manlaki ang kanyang mata nang biglang nagyelo ang buong blackboard at may lumabas roon na isang gwapong nilalang.

Lumapag ito sa loob ng room at saka nagpagpag ng ilang snow balikat at ulo nito. He has white pure hair, a very refined white skin. Samahan pa ng pagiging asul na kristal ang kulay ng mga ito. He's wearing a black leather jacket at naka-khaki shorts lang na samahan pa ng dark blue design color na topsider.

Hindi nito gusto ang blue, infairness.

She could see Jack Frost in him.

"Who is she?" Kung gaano kasing lamig ng dinala nito kanina ay siyang lamig rin ng boses nito. Mas malamig iyon sa boses ng masungit na si Zach.

"Where's Seth, Benjamin?" Zach asked instead of answering the frozen guy's question. Tss, what a total jerk.

"He's here," tugon ni Lincoln na imbis yung Benjamin ang sasagot.

Mas nagulat naman siya ngayon nang bigla siyang napuwing. Ang sakit sa mata, ah! Then doon niya na-realize na may nangyayaring kung ano sa gitna ng room.

A sand tornado? Inside a closed room?! The hell?!

Napahawak siya sa braso ni Lincoln na katabi lamang niya at napapikit. Ano ba iyan? Eto ba ang rason kung bakit siya mabubulag?

Nang humupa at doon niya binuksan ang kanyang mata. Sa gitna ng room ay may buhangin. Paano iyan nakapasok?

Napasinghap siya nang from a sand ay may gumalaw roon. There's a guy standing in it. At mas nakakagimbal na nag-f-form ng tao ang buhangin na iyon.

Oh jeez!

"Am I late?" The guy from the sand asked. He's wearing a cool sando and summer designed shorts. Naka-tsinelas ito at may shades pang suot.

"You're just in time." Masungit na tugon ni Zach at tumayo papunta sa harapan.

"Ano ang dapat na pag-usapan?" Benjamin asked and he formed an ice-sculptured chair in the side of the room. Cool!

"This should be important. I left my girl in the beach." Tsk, a playboy sandboy. Pwe!

"About her." Sabay turo sa kanya ng wirdong lalaking ito.

Siya naman ay nagulat at napaturo pa sa kanyang sarili. Siya?

Apat na pares na mga mata ang nakatingin sa kanya ngayon. Pawang nga abnormal at ang gugwapo. Wala halos tulak kabigin ang mga itsurahin ng apat. Kung hindi lang niya mas iniisip ang magandang buhay para sa kanyang pamangkin ay siguro kikiligin na siya ng sobra dahil may kasama siyang mga yummy na lalaki.

"A-Anong ako?" She asked them although she has an idea what was it about.

Gusto niya ring malaman at interesado siya sa mga ito. Lalo pa't mga wirdo ito tulad niya. Gusto niyang itanong kung katulad ba niya ang mga ito na may mga sumpa. Dahil kung oo'y hindi siya mangingiming itanong kung paano iyon matatanggal. She wants a normal life. At habang may kakaiba sa kanya ay hindi magiging tahimik ang kanyang buhay.

But the biggest question is... Are they worth trusted for? Paano kung imbis na makatulong ang mga ito sa kanya'y may ibang pakay pa ito sa kanya na ikakapahamak niya?

Kahit naman pakiramdam niya'y kumportable ang kanyang pakiramdam sa wirdong si Zach ay hindi siya dapat magpakampante. She should be smart this time. Against the law of Nature na ang issue rito and when she said nature... The superfictional beliefs ang kanyang tinutukoy.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang totoo ang magic? Na totoong may fantasy sa panahon ngayon.

Naputol ang kanyang pag-aanalisa nang magulat na lamang siya na nakaangat na siya sa ere. At kitang kita niya kung paano siya sinasakal ng kidlat, yelo at buhangin. At ang may dahilan noon ay walang iba kung hindi ang wirdong si Zach.

Kaya nitong gawin ang kapangyarihan ng tatlo?

"No one will hear you screaming and no one will spare your life. This the Cavalier's Order. State your name and tell us who you are. Failed to compromise will lead to your Death, young lady. Who. Are. You?"

Kahit hirap na hirap na siyang huminga ay nagawa pa niyang tingnan direkta sa nagbabaga nitong mata si Zach.

No, I can't trust you.

Hindi niya ito mapagkakatiwalaan. Well then, sorry. Treating a girl like these won't give him the answer that he wants.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #fantasy