Chapter 5: Dark and Light

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories

"Snow's POV"

    Gosh! Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Too much to handle na. Ang simpleng friendly match ay parang naging war zone. Involve pa ang dalawang kaibigan ko. Hay naku, ano na naman ba ito?

  

    The new girl Amber, hindi ko alam na meron pala siyang ganong tendency na magalit. Nakakatakot ang charm niya sobra. Iba sa pakiramdam at alam kong malakas ito. Higit na mas malakas sa apoy ni Jett. Biruin mo, sinalo lang niya ang apoy ni Jett using her hands at hindi man lang siya napaso. Buti nalang ginamit ni Ariela ang charm niya para patayin ang charm ni Amber. Dahil kung hindi, tustado si Jett ng sarili niyang apoy. Parang nagkaroon kasi ng bounce back effect ang charm ni Jett kanina ng mahawakan ni Amber. 
.

Delikado ang charm niya... Dapat mag-ingat si Ariela siya pa naman ang makakaharap ni Amber.

.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila Jett at Ariela kasama ni Collin.

.

"Ano, ayos lang kayo?" I asked Ariela.

.

"Yes, ayos lang Snow." sagot niya sa akin pero hindi maipinta ang itsura niya.

"O, what's with that look?" hindi ko napigilang itanong.

"Snow, ang charm niya..." sagot ni Ariela na medyo hanging.

"Anong nasa charm niya?" si Collin ang nagtanong.

"Hindi ko napatay ang charm niya Snow, Collin." sagot niya sa amin. "Nagkaroon lang ng charm reaction kaya sumabog ang mga charm namin nang magdikit ang mga ito."

.

"Anong ibig mong sabihin Ariela. Hindi umiepekto ang charm mo sa kanya? Meron bang ganun?" sabi ko.

.

"Hindi ko alam Snow. Muntik ka na kanina Jett! Buti na lang umabot ako." sabi ni Ariela na medyo teary eyed na.

So ibig sabihin nito critical sana ang lagay ni Jett if hindi umabot si Ariela sa tamang oras. Nakaramdam tuloy ako ng takot. Takot sa charm ng bago naming kaklase. Isang charm na hindi kayang patayin ng Special Charm ni Ariela. Meron bang ganon?

.

"Amber's POV"

     Inaalalayan ko parin si Marco dahil nanghina siya sa nangyaring match. Plus iniinda pa niya ang injuries niya sa katawan.

.

"You can let go now. I'm ok na." he said nung makaupo na kami.

.

"No you're not!" napalakas kong sabi. But I don't even care. "Kailangan mong magamot."

.

"Nagpatawag na ako ng Nurse Amber. She'll be here any moment." sabi ng teacher namin.

.

"Well then, ihahatid ko nalang si Marco sa clinic. Matagal pa naman ang match ko." sabi ko.

.

"Well you have a point there." sabi ni sir Chase tapos napangiti. "Pero alam mo na ba kung saan ang papuntang clinic?" tanong niya.

.

"Hindi po. Magpapasama nalang ako kay Mira." wala akong ibang maisip na iba.

.

"Ok, you may go. But, be right back before fifteen minutes ok.?"

.

"Yes sir." tipid kong sagot.

.

Inalalayan ko na si Marco na tumayo. But before we got out sa training room tumingin ulit ako kina Ariela at Jett. "See you later!" sabi ko at inirapan ko sila. Humanda kayo mamaya..!.

.

"Kaya ko nang maglakad. Thank you sa effort." Marco said in a serious voice.

"Ok, sabi mo eh. Pero pag di mo kinaya along the way wag kang hihingi ng tulong!" I said in a calm tone.

.

Kahit pa naiinis ako dito sa kumag na ito, I still care for him. Siya lang naman kasi ang maituturing kong kaibigan simula pagkabata. Sabay kaming lumaki at nag-aral sa parehong school. Wala kaming ibang kaibigan dahil weird daw kami ni Marco sabi ng mga kaklase namin nung grades school. He's always there for me kapag may mangbubully sa akin. Kaya nga nasabi kong bodyguard ko siya. Maaga niyang nadiskubre ang charm niya kaya naipagtatangol niya ako gamit ng charm niya.

I still care kahit hindi halata. Ngayon kasing malaki na kami nag-iba na siya. Makulit, pakialamero, papansin, matigas ang ulo, at feelingero! Kaya maman naha-high blood ako sa kanya.

.

"Let's go Mira." pinauna ko na ang roomate ko to guide us papuntang clinic.

.

While on our way ay hindi mapigilan ang bunganga ni Mira. Wagas kung makapagtanong.

.

"Was that elemental charm, yung ginamit mo kanina?" tanong niya.

.

"Yes, that is fire." sagot ko.

.

"Wow! Si Jett lang ang nag-iisang fire user dito sa Academy. And that makes two now, ngayong nandito ka na." ang dami pa niyang sinabi. Mga bagay bagay na wala akong pakialam.

.

"Malayo pa ba?" at nagreklamo na ang mokong.

"We're almost there." sagot ni Mira.

Along the way nakasalubong namin ang nurse. At agad nitong inalalayan si Marco at pinasok sa loob. Nilinisan ang braso nito at nilagyan ng benda. Isa ding charmer ang nurse kaya napadali ang paghihilom ng mga sugat nito.

.

"We better get going Mira." sabi ko kay Mira na parang walang balak umalis.

.

"Thank you again Amber!" sabi ni Marco. Hindi ko siya sinagot at naglakad patungo sa pinto. After a minute, I'm already gone. May match pa akong dapat intindihin kaysa mag-alala sa kanya.

.

Gaya ng napag-usapan ay nakabalik kami sa oras.  Nung mga oras na iyon ay nakikipaglaban ang air user na kaibigan ni Jett. I forgot his name.

.

Kalaban niya ang isang teleporter na lalaki. It was a great match, dahil pareho silang magaling. Pareho silang mabilis kumilos. Nagpapakawala ng air blades ang air user habang ang kalaban ay naiilagan ito sa pagteteleport sa ibang location. Pero in every ability there's always a flaw. At iyun ang nakita ng air user, madali nitong nakuha ang pattern ng pagalaw ng katungali. Kaya naman ay tinamaan niya ito ng isang solid hit nang magteleport ito sa likod niya. Isang malakas na air current ang pinakawalan niya dahilan para maibalya niya ang kalaban at matalo.

Nice move! Ang talino niya naman.

.

"Ang galing mo Collin!" sigaw ni Snow. Collin pala ang name niya. hmmp..  Pakialam ko ba?

.

Next match was Snow vs. Mira. So I just found out that Snow is a modern witch. Gumagamit siya ng mga spells at may hawak itong wand. Witch spell can also be destructive kapag tinamaan ka. Kaya nahirapan si Mira sa laban. Hindi kasi siya makalapit kay Snow dahil sa mga traps at binding spells na nagdudulot ng restrain sa kanya. Tuso si Snow dahil gumagamit siya ng spell na nakakapagpabagal ng pagalaw. Meron din itong spell na nagdudulot ng hallucination sa target.

.

Nakailang shift na si Mira at lahat ng iyon ay pawang mga mababangis na hayop. Wolf, lion, giant

.

snake, at griffin pero wala talaga siyang laban kay Snow. Nahuli siya nito sa isang magic circle na nagpatigil sa galaw niya. Nakakuha ng opening si Snow to hit her with a spell na nagpatalsik sa kanya sa malayo. hahaha poor Mira!

Nanalo si Snow and it was so easy. Now it's my turn to fight, I just can't wait.....

.

"Ariela's POV"

     Kami na ni Amber ang maglalaban ngayon at pumuwesto na kami sa gitna. Mukha naman siyang kalmado na. Hindi gaya kanina na galit. Bimuntong hininga ako at tsaka nag focus sa laban.

.

"Simulan na!" hudyat ni sir Chase.

.

Nilabas ko ang aking bow and arrow habang siya ay pinagliyab ang mga palad. Kakaiba talaga ang kulay ng apoy niya. Parang mas mainit pa sa apoy ni Jett.

Nauna siyang bumato ng apoy sa akin. Sunod-sunod iyon at sobrang bilis. Ginamit ko ang aking bilis para mailagan lahat ng tira niya. Mabuti na lang at malaki ang naitulong ng training ko with Leon sa Mirandi noon.

.

Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Naghihintay lang ito ng tamang timing. Hindi ako dapat lumapit dahil madali niya lang madedepensahan ang sarili niya. Kaya naman ginamit ko ang charm ko at nag arrow shower sa direction niya.  Tiyak pag may isang arrow na tumama sa kanya hindi niya na magagamit ang charm niya.

.

Bigla ay gumalaw siya sa kinatatayuan at ginamit ang apoy niya to create an armor na bumalot sa buong katawan nito. Adding a pair of wings that is made of fire ay sinalubong niya ang mga arrows ko at nag-spin siya sa ere na parang trumpo. It was so fast at napansin ko na lang na na-deflect niya lahat ng tira ko. She was now flying using her charm.!

.

"Yun lang ba ang kaya mo?" bigla ay sabi nito.
.
.

Lumutang narin ako sa ere gamit ng aking charm at napalibutan ng puting liwanag. "Nagsisimula pa lang tayo Amber." sabi ko.

.

"Oh, really? That's great dahil ayokong matapos agad ang labang ito." heto na naman siya. Masyadong cold magsalita. "Dancing Flame!" bigla ay gumawa siya ng latigo gamit ang apoy at iyon ang winasiwas niya sa akin.

.

Tumama ito sa barrier ko at tumalsik ako sa sobrang lakas ng impact. Hindi ako nasaktan kasi di naman nabasag ang shield ko.

.

    Nag focus shot ako sa kanya gamit ng aking bow. Binuhos ko ang lakas ko sa tirang iyon. Sinalubong niya ito gamit ng fire whip niya, pero this time ay napatay ko ang charm niya. Naglaho ang latigong apoy pero bago pa siya tamaan ng arrow ay muling lumabas ang palm like fire na humarang sa apoy ni Jett kanina.

.

Nagkaroon ng isang explossion sa loob ng training room at muntik pang madamay ang mga kaklase namin. Nagkapirapiraso pala ang charm arrow ko at tuma sa ibat-ibang parte ng silid, dahilan para masira ang dimensional charm na nagpapagana sa buong training room. Dumilim tuloy ang paligid namin sa nangyaring iyon. Nagliliyab parin si Amber at hindi man lang nagalusan pero nakalapag na ito sa lupa.

.

"Special Charm! tss.... Piece of crap!" sabi nito in a sarcastic way.

Bakit parang pakiramdam ko may galit sa akin si Amber. Hindi lang basta simpleng galit.. Higit pa doon.

.

I could see it on her dark green eyes

.... ang PAGKAMUHI!

.

Pero bakit?..... Anong kasalanan ko?

.

.

.

End of chapter

.

Naku naman ang intense ng mga pangyayari!....

Anong meron sa charm ni Amber at bakit nahirapan si Ariela na i-disperse ito?......

May pinagdadaanan ba si Amber kaya ganon siya makatitig kay Ariela?

Abangan sa mga next chapters.

Don't forget to vote and comment.

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top