Chapter 18: Clash!
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Jett's POV"
Shit! Masama na ang kutob ko dito. Lalo na at nawala pa yung dalawang yun! Wala akong tiwala sa mga iyon, specially Amber. Posible kayang siya? Siya kaya ang pumatay sa mga kawal at headmaster ng Augury?
I'm not so sure, wala na akong masyadong maalala sa mga pangyayari noon sa Augury. Biglaan na lang may dumating na nagliliyab na nilalang. I could not figure out it's appearance it's rampaging all over the place. Wala nang malay sila Collin at Leon at ako malapit naring bumugay. Nagawa ko pang magbitaw ng apoy pero sinalo lang niya ito at ang mga huli kong nakita ay tinapos nito ang headmaster at ang iba pang mga kasama nito. And after that isang charm wave ang tumama sa akin at dahilan upang maging blangko ang lahat.
Next thing I heard is her voice. Davis, umiiyak siya habang yakap ako. Hindi ko siya matignan dahil hindi ko maidilat ang mga mata ko. But that's not the issue, mas concern ako kay Ariela. Hindi ko gustong umiiyak siya lalo na ng dahil sa akin. Mas lalo pang naging magulo nung narinig kong nangaganib ang buhay ko. And Ariela will sacrifice her memory just to save me. She was able to stop the dark marks at dahil din doon ay na defuse ang charm niya at dahil doon nagkahiwalay kami.
Pero di ko talaga napigil ang sarili ko na makita siya. Tinakasan ko ang academy and went out to find her outside. Sa mortal world. Wala siyang maalala about sa academy, about charms, about augury and about me. Masakit pala kapag ang taong mahal na mahal mo ay di ka maalala. Masakit pa sa kahit anong physical injury na tinamo ko.
Buti na lang at hindi nagdamot ang tadhana at muling nakabalik si Ariela dito sa academy. That was the happiest day of my life, nung bumalik siya sa piling ko.
"Jett, may mga kakaibang nilalang sa unahan." naputol ang pagbabaliktanaw ko sa sinabi ni Vince.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Ariela at nagpalabas ng mga apoy. Binato ko iyon sa mga kakaibang nilalang sa harapan namin. Mukha silang mga aso pero may mga sungay ito. Tinamaan ko ang mga ito at nagsitalsikan sa tabi kaya nakadaan kami ng maayos.
"Ariela, basagin mo na ang isa sa mga hiyas." sabi ko sa kanya.
Nahmadali itong binasag ang isang hiyas. Agad naming sinundan ang liwanag na nagmumula dito. Nang biglang may kumislap sa bandang unahan. Kidlat yun, isa lang naman ang alam kong may lightning charm. Si Leon Lancaster. Siya ang dumating..
"Leon!" sabi ni Freya na agad lumapit dito. "Akala ko masama ang lagay mo?" nag-aalala nitong tanong.
"Ginamot ako ni Maria kaya nandito na ako. Alam mo namang superior ang healing ability niya diba?" sagot ni Leon na hinawakan ang kamay ni Freya.
"Thank Goodness! Pinag-alala moko eh!" sabi ni Freya. "Ano ba kasing nangyari?"
"Si Amber at Marco. Mga kaaway sila, sila ang sumalakay sa akin malapit sa boundary ng school." sagot ni Leon.
"Sabi ko na nga ba!" sabat ko.
"Papunta na dito si Maria, nauna lang ako sa kanya. Makakatulong ang charm niya laban kay Amber. Ito din kasi ang nakatanggal ng itim na charm na tumama sa akin." dugtong ni Leon.
"Malapit lang ba dito ang sigil mark?" nagtaning si Ariela.
"We're almost there! Tara na." sagot ni Leon.
Muli ay tumakbo kami at sinundan uli ang berdeng liwanag. Malayo din pala dahil nasa boundery na kami ng charm academy. Marami paring mga puno at mas dumami ang mga halimaw.
"Ayun! Sa tingin ko ay doon na." sabi ni Ariela sabay turo sa isang maliwanag na parte ng gubat.
Nagliliwanag ito dahil sa isang harang na yari sa charm. And to our shock ay nandoon sila Amber, Marco at iyong lalaking kamukha ni Hades.
"Oh! What a pleasant surprise!" bigla ay sabi nito.
"Amber, Marco itigil niyo to." sabi ni Ariela.
"At bakit namin ititigil aber! We planned this all along. This is my revenge Ariela. Mamamatay kayong lahat. Hindi kayo sasantuhin ni Acacia!" sagot ni Amber.
"Bakit mo to ginagawa? Anong rason!?" balik na tanong ni Ariela.
"Anong rason?" ngumiti ito ng masama. " Marami, marami Ariela. Winasak ninyo ang tahanan ko. Ang buhay ko, ang pamilya ko! Kaya magbabayad ang lahat ng mga charmers sa hahadlang sa amin."
"Ano bang ginawa namin sayo ha?" bulyaw ni Freya.
"Kayo wala, pero ang academy at ang mga ninuno ninyong mga charmers meron. Remember Alexander Agustus? That's my real father. At walang awa siyang pinaslang na mga gaya ninyo.!" ganting bulyaw ni Amber.
"Imposible! That was a very long time ago!" sabat ni Vince.
"Yes, dahil tumawid kami sa panahon at napunta sa hinaharap ni Daddy Armand just to escape the masacre na naganap sa Augury!" paliwanag ni Amber.
"Kalokohan!" sabi ko.
"It's possible Jett Forester! At ako at si Daddy Armand ang patunay nun. Ako ang magtutuloy ng adhikain ng aking yumaong ama. Sasakupin ko ang buong magic world at hindi niyo ako mapipigilan. Ngayon pang hawak ko ang Charm Eater Ability!" sagot nito. "Marco, tapusin sila!" utos nito kay Marco.
"My pleasure!" "Earth walls!"
nagpakawala ito ng mga earth blocks na nagmistulang maze sa buong paligid. Matataas din ito at dahil dito ay hindi na namin sila makita.
Nahaharangan sila ng mga ito.
"Fire Hand! ginamit ko ang isa sa 3rd degree magic isang nagliliyab na kamay na kasing init ng lava ang lumabas sa palad ko.
Nang tamaan ito ng charm ko ay nagiba ang mga pader pero agad din itong muling nabuo. Kung ganoon ay tinutulungan din sila ng Daddy ni Amber na si Armand gamit ng spells nito.
"Kaya kong makalapit gamit ng teleportation ko." sabi ni Vince.
"Wag kang hangal. Suicide ang gagawin mo. Hindi mo alam ang kayang gawin ng charm nila. Lalo na ni Amber." pinigilal siya ni Leon.
"Wasakin natin at agad tayong tumawid. Yun lang ang naiisip ko." sabi ko.
"Teka lang muna." sabi ni Ariela at bigla itong nag-levitate. Nang makalagpas ito sa itaas ng pader ay agad kong nakita na pinatamaan agad siya ng isang indigo fire pero hindi nito napinsala ang barrier ni Ariela. Tila ay may tinitignan siya sa harapan bago nagpakawala ng isang charm wave! Bago iyon ay binalot niya din kami ng barrier niya. Ang wave na ito ay ang charm niya na kayang magpatigil ng kahit na anong charm na matamaan nito.
Nawasak ang bulto bultong earth walls na nakapalibot sa amin kaya agad na bumulaga sa amin sila Amber. Gaya ng unang paglalaban nila ay nagkaroon ito ng fire armor at mga pakpak para makalipad. The dark barrier is still intact dahil mukhang sinalo ni Amber ang tira ni Ariela kanina.
"Hindi uubra sa aking ang charm mo Ariela girl!" sabi nito.
"Let's see about that. Jett, ngayon na wasakin ang harang at ako na ang bahala sa sigil!" sabi niya sa akin. I can see doubt in her eyes pero we have to do everything that we can to save the academy. Hindi siya sanay makipaglaban pero pinipilit niya kaya dapat ay ganon din ako. I should be strong for all if us!
"Sugod!" sigaw ko at sabay-sabay na kaming tumakbo palapit sa harang. Wawasakin ko ang harang na ito gamit ng buo kong lakas!.
itutuloy!.......
******************-
Second Part...
"Ariela's POV"
Eto na nagsimula na kaming makipaglaban. Hindi ako dapat magpatalo, hindi ako dapat maging mahina. Para saan ba ang pakikipaglaban ko. Para maging malakas? Para maging bayani?
HINDI!
Lalaban ako to protect those people that I love. For my friends and for those individual that put their faith on me!
I raised my right hand and pointed my palm on the barrier's direction. Then I concentrated really hard. Inipon ko ang aking charm sa aking palad and mold it. Isang focus shot ang pakakawalan ko.
Nagpakawala si Leon ng mga lightning bolts kay Amber dahil humarang ito. Naglabas ng isang yelong nag anyong malaking ahas at pinuntirya ang dark barrier. Si Vince naman ay may hawak na isang katana malamang galing sa school yun at ito ang gagamitin niyang sandata. Nilalabanan nito si Marco. Kasama din niya si Jett.
Lumapag ulit ako sa lupa at pinagmasdan ang harang. Sana lang ay sapat na ang nahulma kong palaso para tumagos dito. Nasa loob lang ang tatay ni Amber at nanonood lamang.
I started to manifest my bow habang abala silang lahat sa pakikipaglaban.
"One shot is all I need!"
Hinugot ko na ang pana at fixed my aim to the target.
After three seconds ay hindi ako nagdalawang isip I released the focused arrow. It created a loud noise nung pinakawalan ko ito kaya namataan ito nila Amber at Marco.
They tried to block it. Marco used earth charm and summoned a giant golem and Amber used her dark indigo flame as a protective armor ng golem. But when that arrow hit it ay nawasak lang ito at nagtuloy-tuloy sa dark barrier. At sa gulat ng lahat ay nakapasok ang palaso ko sa harang. It pierced through it hitting Armand.
Nabasag ang harang at naglaho si Armand. Meaning gawang imahe lang din yun. Armand is still out there!
"No! Bitch!" sigaw ni Amber bago naglabas ng dark flame. Itim ang gamit niya ngayon at kakaiba ito dahil nalalanta at nagiging abo ang mga may buhay sa paligid.
"Vince! bilis!" sabi ko kay Vince para iteleport sila Jett pamunta sa kinalalagyan ko.
Split seconds lang at muntik pang matamaan si Freya. Mabuti na lang at naitaas ko na ang aking holy barrier bago kami tamaan ng hell fire.
Ito ba? Ito ba ang charm eater? Masyadong mapanganib. Mabuti na lang at hindi ito tumatalab sa charm ko. Patas lang kami.
*****************
"Hugo's POV"
Sana magtagumpay sila Ariela sa pagsira ng mga focal points ng field na ito. Ito lang ang paraan para matigil ang pagwawala ni Acacia. Nasa teritoryo niya kami at wala kaming laban dito. Isa lang ang alam kong nakatalo sa kanya sa gubat mismong ito. Pero matagal na siyang wala dahil matagal na panahon na iyon. Galing ito sa nakalipas, kagagawan ito ng pinagbabawal na salamangka.
"O, turning storm of soaring!
Bestow your Aerial Protection upon us!
Blow forth, Wall of Churning Wind!"
Narinig kong nag cast si Snow ng malakas na wind magic. Rarest one! Sinaunang kapangyarihan iyon na may kaugnayan sa diyos ng hangin na si Herion. Posible kaya? Posible kayang si Snow ang huling salinglahi ng pinakamalakas na grand white witch na si Aesh?
Marahas ang hangin na kumawala sa wand ni Snow at pinuntirya nito si Acacia.
"Kaya rin iyan ng kalikasan!"
"Cyclone!"
Agad umihip ang isang bayolenteng hangin sa kinaroroonan ni Acacia. Umiikot ito ng mabilis at binangga ang hangin na gawa ni Snow na humaharang sa amin.
"Hindi ko kakayanin. Masyadong malakas ang kapangyarihan niya!" sabi ni Snow.
Si Chase naman ay ginamit ang kanyang charm at nagpakawala ng malakas na enerhiya ng maglaho ang kalasag namin. Ganon din ang ginawa ni Serena gamit ng utak niya ay nagsilutangan ang mga tipak na lupa at bato. Pinatama nila iyon sa maliit na bagyong gawa ni Acacia.
Agad nagkaroon ng malakas na pagsabog. Naririnig ko namang kaniya-kaniyang chant ang mga estudyante ko upang panatiliin ang barrier spell na gawa nila. Nakaka proud naman! Turo ko yun sa kanila.
"Magaling mga bata!" proud kong puri sa kanila.
"Collin hawiin mo ang usok!" utos ni Serena kay Collin.
"Opo!"
Gamit ng hangin ay nawala ang makapal na usok at nakita mamin si Acacia na lumulutang sa ere hawak ang scepter nito.
Kumilos agad sila senior Sebastian at ang mga estudyante niya. Mga manipulator sila o teleknetic type charmer. Tinaas nila ang kanilang mga kamay at nakita kong hindi maigalaw ng enchantress ang sarili. Bihag siya ng charm nila senior Sebastian.
"Magaling Senior!" puri ni Serena.
Nakita kong umilaw ang mga mata nito ng puti. Nakakasilaw ito. Ito ang kapanyarihan ni Serena. Isa siyang psychic at malakas kumpara sa iba. Kaya niyang pasukin ang utak ng isang nilalang at kontrolin ito. Kaya din niyang sirain ang isipan nito at kaya niyang magbura ng mga alaala. Kaya niyang patayin ang isang tao sa isang titigan lang. Ang utak ang may hawak ng lahat ng mga senses ng tao. When it stops functioning the body will die.
"This is my last warning. Itigil mo ang lahat ng ito kung ayaw mong mamatay!" banta ni Serena.
"H-hindi ka magwawagi. A-ako at ang gubat ay iisa!" nahihirapang sagot ni Acacia kay Serena. Ngumiti ito ng nakakaloko sa amin.
Hindi nagdalawang isip si Serena at ginamit ang charm nito. Naging parang punong kahoy ang balat at buong katawan ni Acacia. At gamit ng telekinesis nila senior Sebastian ay pinagpupunit nila ang katawan nito sa apat na piraso.
"Did we won!?" tanong ni Collin.
"No!" mabilis na sagot ko. "Isang bahagi lang niya ang natalo natin. Remember what she said. Ang gubat at siya ay iisa lang. Buhay pa siya Collin." dugtong ko.
"Hahahahaha........" muli ay narinig namin ang tawa nito.
"Mabuti at naiintindihan niyo narin naman." sabi nito. "I am imortal mga hangal!"
"Sinong niloko mo? Hindi ka imortal, wag kang mangarap! Asa ka pa!" sabi ko at tinutok ang aking staff sa kalangitan.
"O, God of everlasting cold, Galasur!
Hear my voice, I call to the sky!
Show your might!
Everlasting rain of cold!
I casted a weather curse. Inipon ko ang aking charm at pinakawalan ito sa kalangitan. Then it suddenly rained. Hindi ordinaryong ulan dahil niyebe ang pumapatak. It's snowing right now! Ito lang ang paraan para maapektohan ko siya at ang buong gubat. May kakaiba sa snow na ito. Si Acacia mismo ang pinupuntirya nito ayon narin sa kagustuhan ko. Pinapahina nito ang kakayanan niyang maging kaisa ng gubat. Sa bawat pagpatak ng yelo ay siya ring paghina ng kapit niya sa buong paligid.
"Isang bagong charm! Kamangha-mangha mangkukulam! Nagawa mong tawagin ang espirito ng niyebe." gulat nitong reaksyon.
"Kaya matakot ka na dahil hindi ka namin sasantuhin!" kinumpas ko ang aking staff at nagyelo ang bagong katawan ni Acacia at nabasag.
Ang iba naman ay abala sa pagtaboy sa mga kakaibang halimaw sa paligid. Kaniya kaniyang gamitan ng charm. Merong shadow manipulator, merong illusion master, at merong mga charmer na may enhanced senses na nilalabanan ang mga halimaw ng mano-mano. Mga technical at latent abilities ngunit kapag nag teamwork ay lubhang makapaminsala. Kitang kita ko ang pagkakaisa sa lahat. Nagtutulungan sila sa abot ng kanilang makakaya. Natutunan ba nilang lahat ito dito?
"Hangal ka mangkukulam! Kaya din iyan ng kalikasan!" bago pa kami nakagalaw ay nagsilabasan ang mga baging, ugat ng puno at mga sanga na nagsisigalawan.
Kanyakanya kaming ilag. Nabiyak din ang lupa kaya nagkahiwa-hiwalay kaming lahat.
Kasama ko sila Chase at Serena samantalang sila Snow at mga kasama niyang mga estudyante ko ay magkakasama.
Di namin inaasahan ang ginawa ni Acacia. Sinadya niya iyon upang paghiwalayin kaming lahat. Tuso talaga ang mga gaya niya.
Naririnig ko na naman si Snow. Kasama nito si Collin sa tabi niya. Umuusal ulit siya ng incantations. Kung tama ang aking hinala ay maaari kaming magtagumpay sa pagpuksa kay Acacia. Kaya mo yan Snow! Dahil isa kang grand White Witch!
"O, gentle Goddess, listen to my rune!
Bend to me thine ear,"
Sumugod ang mga baging sa kanila kaya nagsihandaan na ang mga kasama ni Snow pati si Collin.
"Obscunda!" sigaw ni Dara.
"Crucium!" sigaw ng iba pa nitong kasama upang wasakin ang mga baging na palapit. Pinalibutan nila si Snow at si Frances na eksperto sa strenghtening magic ay pinapalakas ang charm ni Snow.
Nagpatuloy lang si Snow.
"O, mighty mother!
Protect me, your child,
O, great queen of Life,
Together with the aid of the Lord of the sky,
Thy son and thy lover,
Protect me with thy power,
Nag anyong hangin si Collin at binalot sila upang hindi tamaan ng mga sanga ng puno.
"Dancing Wind!" sigaw nito. Nagsitalsikan ang mga wasak na sanga sa lahat ng direksyon.
"O, gentle Goddess of Purest Fairest Beauty.
Be with me now!"
Nagliwanag ng ginto si Snow. Kita ko rin ang mga gintong marka na nasa leeg at mga kamay nito. Nag-iba ang kanyang kaanyuan. Biglang naging ginituan ang kanyang buhok at ang kanyang mata.
"Ganyan nga Snow! Gisingin mo ang nagtatago mong lakas. Ang lakas ng isang Grand White Witch!" sabi ko at binalik ang atensiyon sa kaaway.
.
**************
Third part........
"Collin's POV"
Nakita ko ang pagbabagong naganap kay Snow. Grabe mas lalo siyang gumanda. Ay naku ano ba tong pumapasok sa utak ko. Kakaiba ang lakas ng charm na nararamdaman ko sa kanya. Malakas kumpara sa dati.
Sa kabilang panig naman ay makita kong tumalsik si sir Chase sa ere buti na lang at maagap si Principal Serena na pigilan ang pagbagsak nito sa mga namuong tinik sa lupa. Gamit ng charm ni Principal ay pinutol at pinalutang nito ang mga tinik at binato kay Acacia. Kaya lang ay sinalag ito ng grupo ng mga umaapoy na mga imp o maliliit na fairy na nainirahan sa gubat.
"Collin sa kanan mo!" sigaw ni Snow.
Paglingon ko may isang malaking dragon na mala-ahas ang pangangatawan, yari ito sa mga ugat at tangkay ng puno.
Pinaikot ko ang hangin sa aking paligid upang protektahan ako laban dito. Binangga nito ang buhawing gawa ko at napatalsik ito ng bahagya pero mumina lang ito ng direksyon. Napunta ito sa iba maming mga kasamahang charmers na lumalaban sa mga kakaibang halimaw.
"Hindi! Ilag kayo!" sigaw ko.
Kaso huli na may mga nahagip na nito. Nagsitalsikan sila sa ibat-ibang direksyon. Nakita ko si Mira na isang shapeshifter na naging anyong oso na may malaking sugat sa kanang braso dahil sinubukan niyang banggain ang earth dragon. Nagbalik ito sa anyong tao, nahihirapang tumayo. Ang iba naman ay nakabulagta na at nanghihina.
Patuloy lang sa pananalanta ang dragon ng may dumating na tulong.
"Water Element! Dragon Wave!" mula sa lupa ay namuo ang tubig na nag-anyong dragon at ito ang kumalaban sa earth dragon.
"Maria!" sigaw ni Snow.
"Ayos lang ba kayo?" tanong nito.
"Oo, salamat at nandito ka." sagot ko.
"Ang enchantress ang asikasuhin niyo. Ako na ang bahala dito." ngumiti lang si Maria sa amin.
Siya ang water user ng Charm Academy. Si Maria Escalante the superior healer.
"Buble shoot!" gumamit ito ng water element na pinatama sa aming mga kasamahang malubha.
Ito ay para pagalingin sila sa pinsalang natamo. Mabuti at sakto lang ang dating niya. Naisalba pa namin ang mga buhay nila.
Muli na naming tinuon ni Snow ang paningin sa Enchantress na ngayon ay naging apat na.
"Acacia!" sigaw ni Snow at mabilis na lumipad patungo sa isang Acacia. Sumunod ako sa kanya.
Tinutok ni Snow ang wand niyang hawak at nagpakawala na isang nakakasilaw na gintong liwanag. Ganun din ang ginawa ni Acacia gamit ng scepter niya. Tinatapatan niya ang bawat tira ni Snow. Walang nagkakatamaan sa kanila dahil sa bawat pagsasalubong ng kapangyarihan nila ay sumasabog ito.
.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top