Chapter 17: Acacia of Agaria
All Rights Reserved ® Kwentongsulatinoy Stories 2014
"Author's POV"
Nagkakagulo na sa buong academy dahil kay Armand na isang malakas na doppleganger magus. Dahil sa mga gawang imahe nito ay nagkaroon ng labanan sa loob ng academy. Nagtagumpay ito sa pagmamarka sa paligid. Hinahanda nito ang paaralan para sa Agaria. Gamit ng isang matandang mahika ay dadalhin niya ang mahiwagang gubat sa lokasyon ng academy.
Decoy lang ang tatlong sigil mark na nasa loob ng paaralan. Sinadya ito ni Armand para magpakita sa mga kaaway. It's his way to say hello to everyone. At sa pagkakatulad ng kaanyuan nila ni Hades ay naguluhan sila Ariela.
Ito ay sa kadahilanang siya ay lolo ni Hades. Hindi nga lang halata dahil nanatili siyang bata dahil sa galing siya sa nakaraan. Sa kanya namana ng anak at apo niya ang ability na manggaya ng kaanyuan ng iba. But all charms is unique kaya may mga added extra abilities ito.
Isa na dito ang kakayanan niyang mag multiply o dumami. Naging isa rin siyang magus o caster dahil sa angking talino sa pagmamanipula ng charm. Ito ang dahilan kaya nangyari ang mga ito. Naihanda na ang lahat ng mga naka plano. Buo na ang mga marka sa anim na sulok ng Charm Academy.
*******************
Dahil sa mga pagsabog ay naalerto ang ibang mga guro at estudyante ng academy. Maging sina Chase at Serena ay napasugod narin ng marinig ang mga pagsabog.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Chase sa isang estudyante.
"May nakapasok na dark charmer sir Chase. Nilalabanan po ito ngayon ng grupo ni Jett at sir Hugo.
"Ano, pero paano? Tsaka sino?" takang sagot ni Serena.
"Nagtataka po ako, pero kamukha siya ni Hades. Diba po, patay na siya" sagot nito. "Madami po ang nasakyan dahil maraming estudyante ngayon sa mga silid aralan. " dagdag nito.
Tama ang mga sinabi nito dahil bakas ito sa paligid. Wasak ang ilang mga pinto. At makikita mo ang ibang sugatan na nasa tabi tabi. May mga ginagamot at ang iba ay walang malay-tao. Agad na hinanap nila Chase ang kinaroroonan nila Hugo samantalang ang ibang guro naman ay sinamahan ang mga mag-aaral sa isang ligtas na lugar.
*********-
Nakalutang sa ere si Hugo habang nilalabanan ang mga likhang imahe ni Armand. Dinala nila ito sa isa sa mga training room. Doon nila ito nilabanan para wala ng madamay na iba.
"Pillars of Hell" ginamit niya ang isang summoning spell na ginamit niya noon kina Jett. But this time ay isa lang ito dahil hindi sapat ang spirit essense na nasa paligid kumpara sa Cremul forrest. Pero kahit na, malakas parin ang mahikang ito.
Si Collin at Freya naman ay sumasalakay gamit ng kanilang elemento. Ginamitan ni Collin ng bilis ang kaaway kaya madali niya itong natatamaan. Si Freya naman ay nahihirapan dahil maliksi at tuso ang kaharap niya. Kaya naman ay tinulungan na ito ni Hugo. Gamit ng kanyang Soul Arrows ay napabagal niya ang galaw ng kaaway. Kaya dito ay natalo ang mga ito. But that was just a doppleganger hindi pa iyon ang totoong kaaway.
Nang makita sila nila Chase ay tapos na ang labanan. Ilang saglit ay dumating din sila Jett.
"Kailangang mahanap natin siya!" sabi ni Hugo.
"Sino Hugo?" tanong ni Chase.
"Ang magus na kamukha ni Hades." sagot niya.
"Nasaan na siya?" tanong ni Serena.
"Wala na. Tinago niya ang kanyang sarili gamit ng isang matandang mahika. Kahit ako ay mahihirapan siyang matunton.!" sagot ni Hugo.
"Ngayon lang ba siya nakapasok dito?" tanong ulit ni Serena.
"Matagal na. Simula nung tumungtong ako dito sa academy. Nakaramdam na ako ng black magic." sagot nito.
"Hindi na ito maganda. Kailangan na natin ng tulong ng kaanib na society. Hihingi ako ng tulong kay mama." sagot ni Chase.
"Baliw ka ba? Kapag ginawa mo yan malalaman ng magic council na nandito ako. Alam mo namang tinutugis nila ako diba?" pagkontra ni Hugo. "Besides, baka wala narin tayong oras. Baka itaas na niya ang field na kanyang ginawa."
"Anong field?" tanong ulit ni Serena.
"Isang bounded field. Isang ipinagbabawal matandang mahika. Kagabi ko lang nalaman ang patungkol sa field na ginagawa niya. Isang summoning field kung saan ay dadalhin niya ang isang parte ng Agaria dito mismo sa academy." sagot ni Hugo naikinabahala ng mga mukha nila Chase.
"Hindi maaari! Nahihibang na ba siya? Lubhang malupit at mapanganib ang mga nilalang ng Agaria." sabi ni Chase.
"Kaya nga kumilos na tayo para di mahuli ang lahat!" sabi ni Hugo.
Samantala si Serena naman ay gumamit ng mind link para humingi ng tulong sa ibang society. Maging kay Evergreen ay humingi ito ng tulong. Ngunit biglaang naputol ang kanyang kuneksiyon sa mga ito. At kahit ilang ulit pa niyang subok ay hindi na talaga. Dahilan upang sumakit ang kanyang ulo.
"Pricipal Serena, anong problema?" tanong ni Snow.
"Naputol ang kuneksiyon ko sa labas. May humaharang!" gimbal na sagot nito.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng biglang lumitaw ang isang lalaking charmer sa likuran nila.
"Masamang balita po miss Serena. Si Leon natagpuang malubha ang kalagayan sa gate ng Academy. At ngayon naman po ay may kakaibang nagaganap sa labas." sabi ng binata.
"Ano?" sabi ni Freya. "Nasaan siya Vince?!" tanong nito.
"Nasa clinic." sagot ng binatang nagngangalang Vince.
"Anong nagaganap sa labas Vince?" tanong ni Chase.
"Mabuti pa'y kayo na mismo ang makakita. Humawak kayo sa akin ng mateleport tayo sa labas." sabi nito
Mabilis silang humawak kay Vince at sa isang iglap ay nasa labas na sila. Kitang kita nila na mistulang naging gubat ang paligid. Animo'y naging ruins na lamang ang buong charm academy. Kakaiba ang mga puno at halaman dahil gahigante ito sa laki. Huli na sila dahil naitaas na pala ang field magic ni Armand.
"Ito ay ang Agaria!" ito ang sabi ni Hugo.
"Magsihanda kayong lahat! May parating na kaaway!" ito ang sabi ni Serena. Nagsimula din itong maglabas ng isang dilaw na enerhiya sa kanang palad.
"Nararamdaman ko rin siya!" sabi ni Ariela na naghanda narin.
"Masama ang kutob ko dito!" sabi ni Snow na napakapit kay Collin.
Maya-maya ay may narinig silang isang halakhak ng isang babae. Umalingawngaw ito sa buong paligid.
"Isang mangkukulam!" bulalas ni Hugo.
"Hahahahaha...." muli ay humalakhak lang ang boses.
Naging alisto silang lahat dahil dito.
"Magpakita ka, kung sino ka man?" sigaw ni Serena.
Sa di kalayuan ay may unti-unting lumitaw na imahe ng isang magandang babaeng nakaitim na damit. May hawak itong scepter at mahaba ang buhok nito.
"Isang Forest Dryad!" sabi ni Chase.
"Ano po?" tanong ni Vince.
"Isang diwata ng gubat." si Hugo na ang sumagot.
Kakaiba ang isang ito dahil hindi ito pangkaraniwan sa mga diwata. Humarap ito sa kanila at nagsalita
"Magaling na hula pero nagkakamali kayo. Hindi ako isang hamak ng engkantadang lupa lamang!" Muli ay naglaho ito. "Ako si Acacia! Ang Enchantress ng Agaria." pagpapakilala nito.
itutuloy.......
*********************************
Continuation.......
"Ariela's POV"
Hindi malinaw sa akin ang lahat. Ano ba ang Agaria? Sino ba si Acacia? Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang katotohanang nanganganib kami. Ang buong Academy!
"Imposible! Matagal ng naubos ang inyong lahi! Matagal ka ng patay." sigaw ni sir Hugo.
"Lapastangan! Walang katotohanan ang iyong sinasabi! Hibang ka mangkukulam!" ganti ng boses ni Acacia.
Sa isang iglap ay umihip ang malakas na hangin. At nagliparan ang maraming tuyong dahon patungo sa amin. Masama ang pakiramdam ko sa mga ito.
"Ilag!" mahina kong sabi.
Agad kaming dumapa para hindi matamaan nito.
Agad nagkupulan ang mga dahon at unti-unting nabubuo ang anyo ni Acacia. "Magbabayad kayong lahat sa paggambala niyo sa aking gubat! Mga mababang uring nilalang."
"Petrifuss!" sigaw ni sir Hugo. Tinamaan nito si Acacia at agad naging bato at nabasag.
"Walang kwenta ang ginawa mo mangkukulam!" umalingawngaw uli ang boses nito sa paligid.
"Wag mo kong tawaging mangkukulam. Isa akong wizard!" bulyaw ni Sir Hugo.
"Wag kang magmalinis! Parehong dugo ang nananalaytay sa atin. Parehong kapangyarihan, itim na salamangka!" sagot nito.
Tila uusok na yata sa galit si Sir Hugo sa mga sinabi ni Acacia. Hinawakan naman siya sa balikat ni sir Chase upang pakalmahin.
"Ako at ang gubat na ito ay iisa! Hindi niyo ako kayang talunin!" muling sabi ni Acacia bago ito muling nagpakita.
Sumigaw ito ng napakalakad! Napakatinis ng kanyang boses kaya napa takip kaming lahat ng tenga.
"Gumising ka, mahal kong gubat ng Agaria at lipulin mo ang mga banyagang nilalang!" sigaw nito.
Nagkaroon ng kakaibang katahimikan at sa ilang saglit pagkatapos nito ay ang mga kakaibang ungol na nagmumula sa lahat ng sulok ng gubat. Ang mga puno ay nagkaroon ng mukha at gumagalaw ng kusa. Ganon din ang mga halaman at mga kakaibang hayop ay nagsilabasan.
"Hindi na ito maganda Chase! Vince, tawagin mo ang lahat ng mga charmers na may kakayanang lumaban. Ipagtatanggol natin ang Academy!" utos ni Principal Serena.
"Yes Principal!" at agad itong naglaho.
May mga dumating namang mga iilang guro ng Academy at mukhang handa itong sumabak sa labanan. "Nasa ligtas nang lugar ang mga bata. Ang mga sugatan ay nagamot na ni Maria. Patungo na dito ang iba at nakahanda na." sabi ng isang matandang lalaking guro.
"Magaling senior Sebastian." sabi ni principal Serena dito.
"Meron pong mga nawawalang estudyante principal." sabi ni Vince ng makabalik kasama ng maraming charmers.
"Sino?"
"Si Amber at Marco." tipid na sagot ni Vince.
Saan ba nagpupunta anf dalawang yun? Baka kung mapaano sila. Mapanganib na ang buong paligid.
"Ariela, hanapin ninyo ang mga sigil marks na siyang dahilan ng field na ito at wasakin iyon." sabi ni sir Hugo. May dinukot siya mula sa kanyang bulsa. May inabot siyang mga hiyas sa akin. "Basagin mo ang mga hiyas at maglalabas iyan ng berdeng liwanag na magtuturo sa inyo sa kinaroroonan ng mga marka." sabi pa nito.
"Sasama ako!" biglang nagsalita si Snow.
"Kailangan ka dito Snow. Pamunuan mo ang isang grupo ng mga caster. Alam kong magagawa mo iyon!" sabi ulit ni Sir Hugo.
Labag man sa puso ni Snow ay pumayag na lamang siya. Kailangan siya ng mga kasamahan niyang mangkukulam. Si Jett,Vice at Freya ang sumama sa akin. Nagpaiwan si Collin sa grupo ni Snow.
"Mag-iingat kayo Ariela!" sabi ni principal Serena. Tinanguan ko lamang ito bago umalis.
Hawak ngayon ni Jett ang kamay ko at tila ba sinasabi nitong hindi niya ako pababayaan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Natatakot ako ngayon pero hindi ako dapat padaig sa takot. Dapat ay lumaban ako para sa mga taong mahalaga sa akin.
**************************
"Amber's POV"
Si Daddy pabigla bigla. Wala pa sa oras pero tinaas na nito ang dimensiyong gawa niya. Nautusan pa kaming pigilan ang sinumang magtatangkang sumira sa mga marka. Katunayan nga dito ay meron ma kaming napatumba. Hindi niya sinasadyang matagpuan ang isa sa mga marka. Kaya naman ginawan ko na ng paraan. Nilabanan ko siya at ni Marco. Mukha itong galing sa ibang society dahil hindi ito pamilyar. Iba din ang kasuotan nito, mukhang taga Mirandi ang charmer na iyon. Lightning element... huh! mahina... walang kwentang charm!
Maliksi ito at nagawa nitong makatakas sa amin pero di rin magtatagal ang buhay nun. Kakaiba ang charm ko dahil kinakain nito ang charm ng iba at sinisira ang katawan ng may-ari nito.
Isa pang problema namin itong mga kakaibang nilalang ng gubat! Mga peste! Pati kami ay sinasalakay.
"Ano ba! Hindi kami kaaway!" bulyaw ko sa mga ito.
"Sinungaling!" sagot sa akin ng isang magandang babae.
"Ikaw ba si Acacia, ang forest enchantress?" tanong ko.
"Hindi ka nagkakamali. Ako nga!" sagot nito.
"Hindi kami mga kaaway Acacia. Kakampi mo kami, sila ay aming mga kaaway." sabi ko.
"Hahahahahaha......" tumawa lang ito ng nakakaloko. "Wala akong kinikilalang kakampi! Alam kong isa kayo sa mga maygawa nito. Kung bakit nagulo ang gubat ko. Kaya magbabayad kayo!" biglang nanlisik ang mga mata nito at yumanig ang lupa. Lumabas ang naglalakihang mga ugat ng punong kahoy at sumugod ito sa aming direksyon ni Marco.
"Eh, wala ka palang silbi! Inutil, makitid ang utak!" sigaw ko sa inis bago naglabas ng charm. Isa itong naglalakihang mga kamay na gawa sa aking apoy. Tinatawag ko itong, demonic hands. Nilagay ko ito paikot sa amin ni Marco. Malawak ang espasyong inukupa nito para makagalaw madali kaming magagalaw.
Lahat ng tumatamang ugat dito ay nalalanta at namamatay. Ito ang tunay na lakas ng charm ko. Nagdadala ito ng kamatayan sa kahit na anong madampian niya. Kinumpas ko ang aking kamay at lumabas mula sa ilalim ng lupang kinatatayuan ni Acacia ang demonic hands at tinupok siya.
"Ahggg...Ahhhghhh.!" hiyaw nito sa sakit bago ito naging abo.
Ngunit bigla ay naririnig ko parin ang boses nito. Buhay pa siya.
"Nagulat ka ba?" sabi ng boses niya.
"Wag kang duwag! Magpakita ka!" sigaw ko.
"Hindi mo ba ako nakikita? Nasa paligid lang ako. Ako ang gubat, ang gubat ay ako." sagot niya sa akin.
"Amber, hindi ito maganda. Masamang galitin siya, hindi siya tao. Isa siyang Diyosa ng gubat." sabi ni Marco.
"Amber. Ayos lang ba kayo?" bigla ay may isang uwak na dumapo sa balikat ni Marco.
"Dad? Ano to? Akala ko ba kaanib natin siya?" tanong ko sa kanya. Nagkatawang tao muna ito bago ako sinagot.
"Hindi naging perpekto ang ginawa kong salamangka. Nagawa niya itong labanan kaya wala akong kontrol sa kanya." sagot ni Dad.
"Hindi ako magpapaalipin sa isang hamak na mahinang nilalang na gaya mo!" galit na sabi ni Acacia.
Nagpakita si Acacia sa amin na nasa isang mataas na puno. Naglabas ito ng bughaw na liwanag mula sa hawak nitong scepter sa amin. Itinaas ko ang nakahanda ko ng harang sa buong paligid na inuokupa namin. Dito tumama ang kapangyarihan niya. Nagkaroon ng pagyanig sa paligid. Nabuwal ang ilang mga naglalakihang puno at nawasak ang lupa sa paligid ng harang ko.
"Magaling mga mortal! May ibubuga pala kayo sa akin. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ninyo?" sabi nito at biglang dumami ito. Naging tatlo siya at pinalibutan ang harang.
"Tumigil ka Acacia, kung ayaw mong ibalik kita sa pinanggalingan mong panahon!" panakot ni Dad sa kanya. "Ako ang may hawak sa dimensiyong ito at sa isang kumpas ko lang ay magagawa ko itong kanselahin."
Tila naman ay natigilan ang enchantress. Matalino siya kaya alam kong magdadalawang isip itong saktan kami.
"Hindi pa tayo tapos. Babalik ako dito mga pangahas!" after saying that ay naglaho na ito.
.
End of Chapter.....
OMG! action pack chapter!
Acacia as AVRIL LAVIGNE
Special guest natin sa kwentong ito!
Rambol rambol na to!
Sinu-sino ang mga maglalaban?
Masisira pa kaya ang field, o magwawakas na ang lahat?
Abangan!....
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top